Brittany Harries' POV
Ilang araw na rin ang nakakaraan at masasabi kong sa ngayon, wala pa namang eksena ang nangyayari sa pagitan namin ni Joannah. Minsan nga ay napapaisip ako kung bakit pa ako pumayag na makipag team-up kay Matt e. Maybe... I could talk to him about it and just call it off. Baka naman pumayag sya.
Habang naglalakad ako patungong coffee shop, nakatanggap ako ng isang tawag mula kay Emma kaya agad ko namang sinagot. "GURLLL..." malakas kaya nakuha kong ilayo ang phone sa tainga ko. Grabe... muntik na akong mabingi.
"GURL!!" balik na bati ko naman ng ibalik ko ang phone sa tainga ko,
"Guess what???" rinig na rinig ko ang pagka-excite sa tono nya kaya naexcite din ako para sa kaniya. Ito kasing kaibigan ko na ito, kapag na excite sya, ibig sabihin ay may magandang balita syang sasabihin sa akin.
"Tinawagan ako ng pinag-tatrabahuhan mong coffee shop! Tinanggap nila akoooo..." Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa habang pinapakinggan ang kaibigan ko. "O. M. G! Totoo ba? Sabi ko na nga ba matatanggap ka e!" Halos mapasigaw ako sa saya, buti na lang nasa labas pa ako ng coffee shop at hindi nakakahiya sa mga tao sa loob.
"YES! Can you believe it? Starting next week, magtatrabaho na ako!" sagot ni Emma, halata pa rin ang excitement sa boses niya.
"Grabe, proud na proud ako sa'yo!" sabi ko habang nakangiti. Pero bigla kong naalala ang isang bagay at napatigil ako. "Wait… so, ibig sabihin magkikita tayo every time na pupunta ako dito? Ikaw na ang magse-serve ng coffee ko?" tanong ko, sabay tawa.
"Syempre! Ako pa ba? Magre-request pa ako na ako lagi ang maghahandle ng orders mo! Tapos baka bigyan pa kita ng extra whipped cream sa latte mo." Tumatawa na rin siya sa kabilang linya.
"Ay, grabe ka! Baka masisante ka agad niyan, hindi pa man lang nag-uumpisa!" sagot ko, tinatakpan ang bibig ko para hindi masyadong marinig ang pagtawa ko.
"Wait, nakikita na kita." sabi pa nya kaya napahinto ako sa paglalakad,
"Anong nakikita mo na ako? Bakit? Nandito ka b..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa paghinto ko sa paglalakad at sa pagkalingon ko, biglang may bumangga sa akin.
It was Ethan, and now, I'm on top of him. At that moment, nakalimutan ko bigla yung ginagawa ko. Tila nakalimutan ko rin kung bakit ako lumingon. It's like I'm lost on Ethan's eyes. I couldn't move, para ba akong pinako, o hindi kaya ay para akong tinali sa isang pwesto at nawalan ako ng kakayahan na gumalaw.
What the?? What is happening to me? Why do I feel like this? Brittany... relax ka lang. Pakalmahin mo ang puso mo dahil alam ko na nararamdaman din ni Ethan yung pagbilis ng t***k ng puso ko. Jusko, parang hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis.
Nagmumuni-muni pa ako sa ibabaw ni Ethan ng bigla akong nakaramdam ng isang sapat lang na tulak para maalis sa ibabaw ng lalaki.
"Aray!" sabi ko at ng lingunin ko na si Ethan, nakita kong nakatayo na sya at pinapagpagan ang sarili,
"Ikaw nanaman." sabi nya with a rash tone. Rinig ko ang pagkainis sa boses nya kaya nakaramdam din ako ng inis.
Mabilis akong tumayo, "Ikaw nga 'tong bigla bigla na lang sumusulpot e." bulas ko sa kaniya habang pinapagpagan din ang sarili.
Nakakainis din tong lalaking to e. "Sayang, wala akong dalang inumin ngayon." bulong ko, pero sapat na para marinig nya,
"What did you say?" tanong nya sabay tingin sa akin,
"WhAT dId You SAy?" I mocked him sa sobrang inis ko sabay talikod sa kaniya ng makita ko si Emma na papalapit.
Napapikit na lang talaga ako sa hiya ng pagtalikod ko. s**t talaga. sa sobrang daming tao, bakit kailangang si Ethan nanaman yung makabanggaan ko?
"Gurl, sino yun?" pag-uusisa ni Emma ng magkalapit kami.
"Ha? Sino?" patay malisya ko namang tanong sa kaniya, knowing that I knew exactly what she meant,
"Yung ano... yung gwapo na nakabanggaan mo." sabi nya kaya kunwari akong lumingon kay Ethan at mabilis ding ibinalik ang tingin sa kaibigan ko,
"Ah! Iyun ba? Ewan ko. Stranger." sagot ko, pilit na pinapakitang wala akong pake.
Matapos ang encounter na iyun, nagkamustahan lang kami ni Emma at agad din namang naghiwalay dahil kailangan ko pang pumasok sa Shop.
Pagpasok ko ng shop, nakita kong pasensyadong nag aantay si Ethan sa may counter. Kaya naman dali-dali akong naglakad papuntang likod ng counter at mabilis na sinuot ang apron.
"Hello sir, Welcome to Driftwood Espresso. What can I get for you?" My usual speech every damn customer.
"One black americano and peanut butter cookies." I already know that, kaya bago pa nya sabihin, in-input ko na sa monitor ko. Isang beses lang naman sya nag bago ng order e, and it was nung pinangunahan ko sya.
"Anything elses sir?" sabi ko pero hindi na sya nagsalita at agad na tinap ang card nya sa PDQ machine, paying his order with his debit account.
"Alright! Coming right up." sabi ko ng lumabas na ang resibo nya.
Hindi ko na nga naibigay ang resibo nya dahil mabilis din syang tumalikod.
Nang maiayos ko na ang order nya, agad kong tinungo ang table nya at inilapag ang mga ito, "Ito na po yung order nyo." sabi ko sa kaniya at ng mailapag ko na, tatalikod na sana ako pero bigla syang nagsalita,
"I don't know how you got this job kung inuuna mo ang pakikipagdaldalan sa ibang tao kaysa sa unahin ang customer. So unprofessional of you." He said it so serious na para bang sya yung nagbabayad sa akin. Sa sobrang inis ko, gusto ko na lang syang isubsob sa pagkaing nasa harapan nya. Seriously.
Nginitian ko na lang sya ng tumingin sya sa akin sabay talikod.
Minsan talaga, pinapaulit-ulit ko na lang sa sarili ko yung katagang "I need this job. I need this money."
Like bruh, I can't afford to lose this job kaya kailangan kong magpasensya.
Hours had passed, and natapos na rin ang shift ko. Finally, at makakauwi na rin ako. Makakapag pahinga na rin ako, bukod pa duon, kailangan kong mag review dahil may quizes kami sa lunes.
Sa pag-uwi ko ng bahay, nakita ko si papa sa gitna ng garahe, nakatulala lang sya at parang ang lalim ng iniisip, then It hit me... it's their anniversary.
"Happy Anniversary po sa inyo ni mama, pa." mahina kong sabi pero pilit na pinapakitang okay ako. Kailangan kong maging okay dahil kung hindi, tuluyang guguho ang pamilya namin.
Gusto ko sana syang yakapin kagaya nung buhay pa si mama. Sa tuwing binabati ko sila, laging may kasunod na group hug. I miss it.
Hindi nagsalita si papa kaya mas pinili ko na lang na daanan siya, pero bago pa ako makalagpas sa kaniya naamoy ko yung amoy ng alak. Uminom nanaman si papa.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. Tuluyan ko na syang nilagpasan at papasok na ako ng bahay ng bigla nyang tinawag ang pangalan ko, "Brittany." sabi ni papa na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Napangiti ako at agad na humarap sa kaniya. Grabe yung saya na naramdaman ko ng marinig ko ang pangalan ko sa labi nya. It's been a while since I heard my name from him. I was overjoyed, pero ano ba ang kadalasang sinasabi ng mga tao? Na kapag masaya ka, may kapalit na kalungkutan. "Sana ikaw na lang ang nawala." he continued, then my heart shrunken.
He said it. He said the words that I knew he's been keeping.
I had prepared myself from this pain, pero iba pala kapag narinig mo na galing sa kaniya.
Napatalikod ako, nagpipigil sa pagtulo ng mga luha pero pagkapasok ko sa bahay, napatakbo ako papuntang kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto, mabilis kong sinara ang pinto at sinandal ang likod ko dito. Nanginginig ang buong katawan ko habang pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha. Pero paano mo nga ba pipigilan ang isang bagay na matagal mo nang kinikimkim?
Mabilis na tumulo ang mga luha ko, para bang ilang taon na nilang gustong kumawala. Hinayaan ko na lang silang dumaloy dahil kahit ang sarili ko, hindi na mapigilan pa ang mga ito. Napaupo ako sa sahig, nakayakap sa tuhod ko habang ang buong mundo ko’y tuluyan nang nagkabasag-basag.
"Sana ikaw na lang ang nawala."
Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Papa. Ang sakit, grabe. Para akong binagsakan ng langit at lupa.
Bakit ganun? Ginagawa ko naman ang lahat para maging okay siya. Nagta-trabaho ako araw at gabi para makatulong sa bahay. Pinipilit kong maging masaya kahit ang totoo, matagal na akong basag. Pero bakit parang hindi sapat?
Napatitig ako sa mga kamay kong nanginginig. Halos hindi ko na makita sa sobrang panallalabo ng mga mata ko dahil sa mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko para manumbalik pa ang pagmamahal sa akin ni papa. Paano pa ba ako lalaban kung unti-unti na rin akong nauubos?
Napahiga ako sa malamig na sahig, pinikit ang mga mata, at pilit pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin ko, naririnig ko pa rin ang boses ni Papa. Para akong binubutas ng mga salitang binitiwan niya. Ang hirap huminga. Ang hirap gumalaw. Gusto ko nang sumigaw, pero para saan pa kung alam ko rin namang walang makikinig?