Third Person's POV
Dalawang araw na rin ang lumipas pero ang sakit na nararamdaman ni Brittany ay hindi pa rin naglalaho.
"Hey, are you okay?" pagtatanong ni Michelle ng magkasalubong sila sa entrada ng unibersidad.
Sa sobrang pag-iisip naman ni Brittany, hindi na nya napansin ang presensya ni Michelle, bagkus ay nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makapasok na sya sa kanilang room.
Si Michelle naman ay naglakad lang sa likuran nito, pinagmamasdan ang bawat galaw. She knew something was up with Brittany. Hindi man sabihin nito pero basang-basa sa mukha nya.
Nang makapasok na si Brittany sa room nila, wala na itong ibang ginawa kung hindi ang dumiretso sa kaniyang upuan, pero bago pa sya makaupo, naunahan na sya ni Matt. He was looking at her like he knew what he was doing. Pero hindi sya pinansin ni Brittany, bagkus ay dumiretso lang ito sa upuan ni Matt at duon umupo bago isinubsob ang mukha sa arm rest.
Nang makita iyun ng mga kaklase nila, they couldn't help but gasp.
Everyone on campus knows one unspoken rule, and that is... once Matt Woods chooses a chair, it’s his. The last time someone dared to sit in his chair, the poor guy had to “pay the price.” Hindi nga alam ng karamihan kung ano ang eksaktong nangyari, pero mula noon, wala nang naglakas-loob na umulit. Nobody wanted to risk it.
That is, until Brittany Harries came along. Sa lahat ng estudyante sa campus, si Brittany lang ang tila walang pakialam sa usap-usapan. She had the nerve to casually sit in Matt's chair like it was just any other seat. Even Ethan, na isa sa mga tahimik ngunit matagal nang kasama ni Matt, couldn’t help but be impressed. Nagulat siya sa lakas ng loob ng dalaga... either she was brave or she had no idea what she was doing. Either way, it was something unusual, something that got everyone’s attention.
Kahit si Michelle ay nagulat sa katapangan ni Brittany, knowing na hindi niya nakalimutang i-remind si Brittany about it noong una. Kaya naman nang makita ni Michelle na umupo si Brittany sa upuan ni Matt, napangisi na lang siya. She couldn’t help but admire her friend’s boldness. "Isn't she so brave.", naisip na lang niya. But at the same time, Michelle was already preparing herself to step in. If Matt or any of his friends tried to intimidate Brittany, Michelle was ready to defend her, kahit na sino pa ang makakalaban nya.
Habang binabantayan ni Michelle ang mga nangyayari sa paligid, ang mga kaibigan naman ni Matt ay naghahanda na para tunguhin si Brittany. Michelle clenched her fists, mentally preparing herself to confront them if needed. Pero bago pa siya makakilos, napatigil siya nang makita ang isang bagay na hindi niya inasahan.
Matt himself stepped forward and stopped his friends from approaching Brittany.
Halos mahulog ang panga ni Michelle sa gulat. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Matt. Sa halip na sumugod at bawiin ang upuan niya, pinigilan niya pa ang mga kasama niya na mag-react ng negatibo. Kitang-kita niya ang galaw ng kamay ni Matt, signaling his group to back off. The confidence in his stance, the calmness in his expression... it left Michelle stunned. Hindi ito ang Matt na inaasahan niya. Napangisi na lang siya sa sobrang pagkagulat. She couldn’t help but wonder what was going on in Matt’s head.
Ang lalo pang ikinagulat ni Michelle ay kung paano nag iba ang ekspresyon sa mukha ni Matt, from being mapang-asar to being serious, then a glimpse of smile at the corner of his lips. Nakita ni Michelle ang kakaibang ngiti sa labi ni Matt... he's amused. Para bang nagustuhan pa niya ang ginawa ni Brittany. He stood there for a moment, his hands casually in his pockets, simply watching her.
"Anong meron?" naisip ni Michelle, at unti-unting lumalaki ang kanyang kuryosidad habang pinapanood ang nangyayari. Si Brittany naman, sa kabilang banda, ay tila walang kamalay-malay sa tahimik na palitan ng tingin sa paligid niya. Patuloy lang siyang nakaupo sa upuan, nakasubsob sa arm rest ni Matt na parang isa lang itong ordinaryong araw.
Matt, still smirking, shook his head slightly as if he couldn’t believe what he was seeing. It was clear to Michelle that something about Brittany intrigued him, something about her confidence, or maybe her lack of awareness had caught his attention.
"This is going to be interesting," sabi ni Michelle sa kaniyang sarili habang nakasandal sa pintuan ng silid.
Makaraan ang ilan pang minuto, dumating na rin ang kanilang guro kaya lahat ay umayos at bumalik na sa kani-kanilang upuan. But not Brittany because, she fell asleep. Dalawang araw na rin kasi itong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa sinabi sa kaniya ng kaniyang ama, kaya ng magkaroon sya ng pagkakataong makaramdam ng antok, she took the chance. Ayun nga lang, hindi na nya napansin ang oras, she slept halfway the class at kung hindi pa sya paulit-ulit na tinawag ng professor nila, "Ms. Harries. Ms. Harries." hindi pa sya magigising.
But when she did, gad naman syang nag sorry sa guro, "Sorry po... sorry po..." garalgal pa ang boses. Nagtawanan pa ang ibang estudyante ngunit agad ding tumigil ng mapagalitan sila ng professor.
"Anong nakakatawa?"
"Stand up, Ms. Harries." sabi ng professor at sumunod naman ito, "Answer the equation, written on the board." dugtong pa nito kaya may mga mahihinang pigil na pagtawa na maririnig sa loob ng classroom. But what they did not expect was when Brittany didn't hesitate to get up and walk in front of the class at sinagot ang equation ng walang kahirap-hirap.
Everyone was so amazed, especially, Ethan Montgomery, the smartest student at Kingsfield University. He couldn't believe his eyes lalo na at hindi pa naman sinisimulang ituro ito ng kanilang guro. In reality, the professor was just testing Brittany, but to her surprised she already knew.
"Great job, Ms. Harries. Hindi ko alam na may genius pala tayo dito. Mukhang may makakatapat na ang ating Valedictorian na si Mr. Montgomery. Keep it up Ms. Harries." Ngumiti lang si Brittany sa guro na nasa harapan nya at bumalik na sa kaniyang kinauupuan but this time, it was on her actual chair dahil bumalik na si Matt sa kaniyang upuan.
Habang ang guro nila ay nagpapaliwanag kung paano nakuha ang sagot, si Ethan naman na naka-upo sa likuran ni Matt ay hindi maiwasang mapatingin kay Brittany. "She's a scholar for a reason." sabi ni Ethan sa kaniyang sarili but at the same time, hindi nya maiwasang ma-intimidate sa katalinuhan ng babae.
"Grabe ka. Ang bilis mong nasagot yung nasa board. Partida hindi pa natuturo yun. Ang talino mo!" namamanghang sinabi ni Michelle kay Brittany, sapat lang ang lakas ng boses para marinig nito.
Nginitian ni Brittany ang kaibigan, "Salamat!"
Matapos ng lessons, agad na pinag quiz ng guro ang mga estudyante. Yung iba ay kita sa mukha ang inis, yung iba naman ay excited. Kita mo talaga sa ekspresyon ng mga estudyante kung sino ang nag-review at kung sino ang malamang, inuna ang ibang bagay. Mabilis natapos ni Ethan ang pagsasagot at ng mapasa nya na ito, diretso na syang lumabas. "Ha? Ang hirap-hirap ng pa quiz ni ma'am pero natapos nya agad." sabi pa ng isang estudyante.
Mga ilang segundo lang at natapos na din si Brittany sa pagsasagot kaya napatingin ang iba sa kaniya ng tumayo na rin sya at nagpasa. "She really is smart." bulong-bulungan ng ibang estudyante.
Dumiretso na si Brittany sa opisina ng university dahil ibibigay na sa kaniya ang ID na nung nakaraan nya pa inaantay. Nang makuha nya ito, hindi na sya nag dalawang isip na pumunta sa library. Sobra syang nae-excite na pumasok sa library dahil sa library card na ibinigay sa kaniya. "Akala ko pa naman ID lang ang kailangan, may library card din pala. Pero who cares? Ang importante ay makakapasok na ako ng library anytime I want."
Nagsimula na syang maglakad patungong library at sa pagpasok nya dito, masaya nyang ti-nap ang library card nya sa turnstile. And as soon as she entered the library, hindi nya maiwasang muling mamangha sa ganda at laki nito.
Umupo na sya sa bakanteng pwesto at naglabas ng notes. "I could stay here all day." mahinang sabi ni Brittany ng nakangiti ngunit napawi ang mga ngiting iyun ng maalala nya na kung mag i-stay sya ruon ng matagal, walang magluluto ng hapunan. "Tsk! Oo nga pala." dugtong nya, "Well, okay lang, e-enjoy-in ko na lang yung natitira kong oras ngayong araw. Besides, may trabaho pa ako mamaya. Ito na lang ang gagawin kong pahinga."
Habang binabasa ni Brittany ang mga notes sa notebook nya, bigla namang lumitaw si Matt sa harap nya. Nung una ay hindi pa napapansin ni Brittany ang binata pero ng tabihan sya nito, biglang may ingay sa kabilang bahagi ng lamesa niya, kaya naman napalingon sya. Sa hindi nya inaasahang pangyayari, muntik ng magdikit ang mga labi ni Matt at ni Brittany na naging dahilan ng pagtili ng ibang nakakita. "Please, keep your voices down!" the librarian exclaimed kaya napatahimik bigla ang mga estudyante pero hindi pa rin tinatanggal ang tingin kina Matt.
Napatigil si Brittany at nanlaki ang mga mata habang ang buong katawan niya ay tila ba nakapako. Si Matt, on the other hand, didn’t even flinch. His face remained calm, his signature smirk tugging at the corners of his lips as if he found the situation amusing.
"Kung gusto mo ng kiss, you just have to ask." pang-aasar pa ni Matt kay Brittany habang ang mga mata nya ay nakatingin sa mga labi ng dalaga.