Chapter 6

1102 Words
SERENITY Labis ang saya ko nang makarating ako dito sa Iloilo. Wala kasing asungot na sunod nang sunod sa akin. Kulang na lang mag-apply si Maximilian na maging bodyguard ko. Hindi ko na siya muling kinausap at pinansin pagkatapos ko siyang itaboy noong nakaraang linggo. Manigas siya! I will never allow him to play with my feelings again. Hinding-hindi na ako maniniwala sa kaniya. Never again! "What are you doing here, Leren?" Nagulat ako nang makita ko siya dito sa Iloilo. Akala ko namalikmata lang ako pero hindi. "A-Ate, ikaw pala." Nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang kasama niya. Pinsan ni Elena ang kasama ni Leren at hindi ang boyfriend niya. Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang kapatid ko ngayon. Siguro hindi niya inaasahan na magkikita kami dito sa Iloilo. "Leren, I have to go. Nagkaroon kasi bigla ng emergency sa restaurant ko. We'll talk next time, okay?" "Okay. Ingat ka ate." Gusto kong mag-usisa kung anong meron sa kanilang dalawa subalit hindi umaayon sa akin ang panahon. Next time ko na lang siya gigisahin. Mamaya na ang opening ng bagong branch ko dito tapos nagkaroon pa ng problema. Pagdating ko sa restaurant nilapitan agad ako ni Ms. Leyla, ang manager dito sa Iloilo branch ko. Sinabi niya sa akin kung anong nangyari sa loob ng kitchen. Nahimatay ang isang staff kaya biglang nagkagulo. "Pasensya na ma'am kung biglang nagkagulo dito kanina. Rest assured na magiging successful ang opening ng restaurant ngayon." "It's okay, Leyla. I hope our staff will be okay after the observations." Tinakbo kasi siya sa ospital para masuri ng maayos kung may sakit ba siya o wala. "Back to work, everyone. Time is tickling," Leyla said. I was busy arranging the chairs when I saw Maximilian at the other table. What the hell! Ano ang ginagawa ng mokong na ito dito? Hindi ba siya pumunta sa birthday ni Ros? Saka sinong nagpapasok sa kaniya? Hindi pa kami open! Ang aga-aga pero ang init na ng ulo ko. May gana pa talaga siyang ngitian ako. Para bang masaya siyang makita akong naiinis at nag-aalburoto sa galit. Baka hiwalayan siya ni Shanelle kung magpapatuloy siya sa ginagawa niya. But I doubt it. Patay na patay ang babaeng iyon sa kaniya. "Hindi pa kami open," masungit kong sabi. Sa susunod, ipapa-blacklist ko na si Maximilian sa lahat ng branch ko. Ayokong nakikita ang pagmumukha niyang kumakain sa restaurant ko. "I'm so proud of you, Serenity." Binigay niya sa akin isang pumpon ng rosas sabay halik sa aking noo. "Thank you." "Dito lang ako. Okay lang ba sa'yo?" "Okay lang. Maiwan muna kita dito." Isang ngiti ang kumawala sa aking labi ng ako'y umalis sa lamesa ni Maximilian. Impit akong napahiyaw nang makapasok ako sa aking maliit na opisina. Abot hanggang Ilocos ang kilig ko ngayon. Kalma lang, self. Ayan na naman tayo. Baka mamaya masaktan na naman ako. Hindi na ako mag-e-expect ng kahit ano kay Maximilian. Para iwas sakit sa huli. So far, maayos ang opening namin ngayon. Dumagsa ang mga customer pagkatapos kong mag-ribbon cut. May 50% discount kasi ang first 20 customer na magda-dine in sa amin. "Ma'am, boyfriend niyo po," bulong ni Maricar. Tinuro niya sa akin si Maximilian na naglalakad papunta sa pwesto namin. "Hindi ko siya boyfriend, Maricar. Pumunta ka na nga doon at magtrabaho," saway ko sa aking empleyado. Okay, wala na akong gagawin dito kaya kakausapin ko na si Max. Siguro sa labas na lang kami mag-uusap para magkaroon kami ng privacy. Ayoko kasing marinig ng ibang tao ang pag-uusapan naming dalawa. "Are you free now?" he asked. "Yes. Let's go out here. May sasakyan akong dala kaya doon na lang tayo mag-usap." "Doon na lang tayo sa room ko mag-usap. Walking distance lang dito ang hotel na tinutuluyan ko ngayon." Noong una, hindi ako pumayag pero kalaunan napilit niya rin ako. Sabagay, mas komportable kaming mag-usap kapag hindi masikip ang kinaroroonan namin. Tinanggal agad ni Max ang suot nitong coat nang makapasok kami sa suite niya. Tinuro niya ang malaking sofa kaya naupo agad ako doon. Palihim kong nilibot ang tingin ko sa buong room niya. Maganda naman at mukhang siya lang mag-isa ang matutulog dito mamayang gabi. Akala ko kasi kasama niya si Shanelle. "Max, lumayo ka nga ng konti. Masyado ka kasing malapit sa akin." Hindi siya nakinig at mas lalo lang siyang lumapit sa akin. Ano ba 'yan. Kinakabahan ako. Mukha kasing hindi lang usap ang mangyayari sa amin. Sana hindi na lang ako sumama sa kaniya. "Why are you avoiding me?" "Anong pinagsasabi mo? Hindi kita iniiwasan. Sadyang busy lang talaga ako," pagsisinungaling ko. "Liar! I will kiss you if you lie again. What did you see when you went to my company?" "Wala!" Inangat niya ang baba ko at seryoso akong tinignan. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. He's too close, but I couldn't reach him. He's too close, but I couldn't kiss him. Para bang sinasampal ako ng katotohanan na hindi na maibabalik ang matamis naming pag-iibigan. Na matagal na itong tapos. "What do you think you're doing?" Ang lalaking ito. Basta na lang niya ako binuhat at pinaupo sa kandungan niya. "I didn't respond to her kiss. You misunderstood what you saw in my office. I hate you for making me chase you like a dog." "Ano ba! Stop kissing my neck." Mas lalo niya lang pinag-igihan ang paghalik sa bawat parte ng leeg ko habang ang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko. His hot breath makes me shiver. He kissed me like he owned me. Ang daya mo talaga, Maximilian. Alam niya kung paano ako patahimikin. "Tell me. Are you okay now?" "Hindi kita maintindihan. Okay lang naman ako. Ikaw lang naman ang nag-assume na hindi ako okay." "Liar!" "Saka wala akong alam sa pinagsasabi mo kanina. Ano ngayon kung hindi mo tinugon ang halik niya?" "You really know how to piss me off, woman." Akala niya siguro nasakop na niya ng tuluyan ang buong sistema ko. Hindi ka mananalo sa akin, Maximilian. Kahit anong sabihin mo, hindi ako aamin. It's better to not say anything. Tignan natin kung hindi mapipigtas ang pasensya niya. Umalis na ako sa kandungan niya dahil hindi ako komportable sa ayos naming dalawa. Handa na sana akong umalis ngunit biglang hinapit ni Maximilian ang bewang ko. Marahas niya akong siniil ng halik. Kaya nasasaktan ako sa bawat hagod ng labi niya sa akin. "I will punish you, Serenity. Uubusin ko ang lakas mo hanggang sa mawalan ka ng ulirat. I'll make your legs tremble until you can't walk."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD