SERENITY
Naninikip ang dibdib ko dahil hanggang salita lang pala si Max. Sabi niya binayaran niya lang si Shanelle, pero bakit nakita ko silang naghahalikan sa loob ng kaniyang opisina?
Nakahawak pa siya sa bewang ng babaeng iyon.
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako naniwala sa kaniya? Ang tanga ko talaga! Sana hindi na lang ako nagpadala sa mga matatamis niyang salita. Paasa!
"Serenity," masayang tawag ni Tita Amelia sa akin.
"Good morning po, Tita." Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil nahihiya ako. Baka isipin niyang ginugulo ko si Max.
"Anong ginagawa mo dito?"
Bigla akong natauhan sa naging tanong niya sa akin. Ano ba kasi ang ginagawa ko dito? Pati ako hindi ko rin alam.
"Dito po kasi nagtatrabaho ang isa kong kaibigan kaya napadaan ako saglit," pagsisinungaling ko.
Maayos naman ang pakikitungo ni Tita Amelia sa akin. Subalit ayokong kausapin siya ng matagal. Baka kasi umiyak lang ako sa harapan niya at magsumbong kung bakit bigla na lang nagbago si Maximilian. Ayokong makita niyang nasasaktan ako hanggang ngayon.
"Busy ka ba ngayon, Serenity? Gusto ko sanang imbitahan ka sa opisina ni Maximilian."
"Medyo busy po ako ngayon, e. Siguro next time na lang po," sambit ko.
Jesus! Jesus! Mabuti na lang at hindi ako pinilit ni Tita Amelia. Magiging awkward talaga ang atmosphere kapag sumama ako sa kaniya.
Wala akong nakuha na sagot kay Max kaya si Shane na lang ang kakausapin ko ngayon. Sana lang ay bigyan niya ako ng magandang rason kung bakit niya ginawa iyon. I trusted her! Tinuring ko siyang isang kapatid at kaibigan pero ganito lang pala ang igaganti niya sa akin. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko.
Hindi ko magawang ngitian ang mga bumabati sa akin dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Parang sa anumang oras ay sasabog ako sa galit. I'm so fed up with trusting the wrong people. Parang ayoko ng makipaglapit sa ibang tao. Sawang-sawa na akong lokohin ng iba.
Marahas kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Shane. Nagulat silang dalawa ni Denise sa biglaan kong paglitaw. Matalim kong tiningnan ang personal assistant ko noon. Gusto ko siyang sugurin at sabunutan subalit pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng eskandalo sa agency ng sister-in-law ko.
"S-Serenity, anong meron at bakit tila galit ka sa akin?" nauutal na tanong ni Shane.
I laughed. This two-faced b***h. Ang sarap niyang sampalin. "Why did you do that? Answer me!"
Mabilis kong iwinaksi ang kamay ni Shane nang tangkain niyang hawakan ako. Walang emosyon ko siyang tinignan habang si Denise ay naguguluhan kung ano ang tinutukoy ko. You better know how your trusted employee ruined my relationship with Maximilian.
"I'm sorry! Hindi ko sinasadyang sirain ang relasyon niyo ni Maximilian. Maniwala ka sa akin, Serenity. Araw-araw kong pinagsisihan ang kasalanan kong ginawa sa inyong dalawa."
"I trusted you! Paano mo nagawa sa akin ito, Shane?" nanghihina kong tanong. "You ruined my life and my happiness. Ano, masaya ka bang makita akong miserable?"
"What did you do, Shane?" Denise asked her with seriousness.
I gritted my teeth when I saw her crying. Siya pa talaga ang may ganang umiyak. Tang-ina, pa-victim!
"Siniraan ko si Serenity kay Maximilian. I'm really sorry. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon."
Malakas ko siyang sinampal. Her reason is not valid. Alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Ayaw niya lang umamin.
"You are no longer my friend. From now on, we are strangers. Thank you for the fake care and love that you showed me."
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla siyang sumigaw. Now, lumabas ang totoong kulay niya. Mali pala ako ng pagkakakilala kay Shane. Mali ako ng pinagkatiwalaan na tao. Another lesson learned this year.
"Naiinggit ako sa'yo! Lahat na lang ay mahal ka. Ikaw ang inuuna at iniintindi. Sa tuwing nasa tabi kita, pakiramdam ko ay walang nagmamahal sa akin. And yes, I like Maximilian. Gusto kong agawin siya, pero sa huli, biglang nagbago ang isip ko. Dahil kinain ako ng konsensya ko," mahina nitong sabi.
"You are the worst person I've ever met. Gusto mo si Maximilian? Go, chase him. Wala na akong pakialam sa kaniya. Agawin mo na total hindi na ako ang girlfriend niya. What a pathetic bitch."
Kinain na ako ng galit kaya puro masasakit na salita ang binabato ko kay Shane. Masisisi niyo ba ako? Nasaktan ako, e. Do I deserve this kind of pain? Lies? Betrayal?
Sinundan ako ni Denise hanggang sa makarating ako sa parking lot. Tipid ko siyang nginitian ng punasan niya ang luha sa mukha ko. Nang hindi ko na kaya, niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
"Gusto mo bang tanggalin ko si Shane sa agency ko?"
Mabilis akong umiling. "Huwag na, Denise. Nagtatrabaho siya ng maayos sa'yo at labas ang problema namin sa agency mo. Thank you for comforting me."
"Aalis ka na? Ang bilis naman," nagtatampo na sambit nito.
"Sa bahay niyo na lang ako matutulog mamayang gabi para makapag-usap tayo ng maayos. Kailangan ko kasing pumunta ngayon sa isang branch ng salon ko."
Abala ako sa pagmamaneho ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napasinghap ako nang makitang si Maximilian ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya sa akin? Bahala siya sa buhay niya. Wala akong time makipaglokohan sa kaniya.
Anak ng tinapa. Sinusundan ba ako ng lalaking ito? Ang lakas naman ng pang-amoy niya. Nalaman niya talagang nandito ako sa isang branch ko.
Bigla akong umaalis sa tuwing sinusubukan niyang kausapin ako. Wala akong balak makipag-usap sa kaniya dahil sariwa pa sa aking isipan ang nakita ko kanina.
"Serenity, are you free today?" tanong ni Maximilian.
"Hindi," mabilis kong sagot. "Excuse me, I have to go."
Nagmamadali akong pumasok sa aking sasakyan pagkatapos kong ma-check ang isang branch ko. Nagulat na lang ako ng mabilis na umupo si Maximilian sa passenger seat. The nerve of this man!
"Get out!"
"Let's talk."
"I said get out. Wala na tayong pag-uusapan pa. I'm done with you."
Hindi ba siya nakakaintindi? O sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko? Sana hindi na lang siya bumalik kung ganito lang din ang mangyayari sa akin. Nakakainis na kasi ang pagiging makulit niya. Tapos palagi pa siyang nagbibigay ng mixed signals sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.