Chapter 4

2020 Words
ASENA Pagdating ko sa loob ng hotel, hinanap ko agad si Serenity. Imbitado kaming dalawa sa engagement party ng isa naming kaibigan. Sabi niya sa tawag kanina ay nandito na daw siya kaya nilibot ko ang aking paningin sa malawak na bulwagan. Hindi ko na sana papansinin ang mga bumabati sa akin pero ayoko namang maging bastos kaya napapatigil ako saglit para makipagkamustahan. "Asena, you're here! Akala ko ay wala ka ng balak magpakita sa amin," isang nakakalokang paratang ni Andrea bago siya bumeso sa akin. "Sira, busy lang talaga ako ngayon sa new life ko. Anyway, congratulations. Sinampal mo na naman ako sa katotohanan na kailangan ko na talagang humanap ng lalaking mapapangasawa ko." "Ewan ko sa'yo, Asena. Napag-iiwanan ka na talaga," panunuya niya sa akin. "Siya nga pala, maiwan muna kita dito at i-entertain ko lang ang ibang bisita." Nang makaalis si Andrea ay sakto namang namataan ko si Serenity na nakikipag-usap sa isang lalaki. Ngumiwi ako nang makitang nagsisimula na naman siyang maghasik ng lagim. Isang matamis na ngiti ang ginawad sa akin ng malandi kong kaibigan nang makita niya ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kaniya. "O, nandito na pala ang kaibigan ko. Sorry Lewis, gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa'yo pero kailangan na naming umalis ni Asena." "Ganoon ba? Then, see you next time." Hinalikan ni Serenity ang pisngi nito kaya namula ang buong mukha ni Lewis. Nanliit ang dalawang mata ko dahil masyadong friendly ngayon ang aking kaibigan. Ano kaya ang nakain ng isang 'to? "Kararating ko lang tapos gusto munang umuwi tayong dalawa." "Gaga, ginamit lang kita kanina dahil ayokong makipagkwentuhan sa lalaking iyon. Masyado siyang touchy at maharot, hindi ko type! Alam mo naman na ayoko sa ganoong klase ng lalaki. Yes, malandi ako pero with a class!" Maarte niyang pinaypayan ang kaniyang sarili gamit ang kamay niya at hinila ako papunta sa dulong bahagi ng bulwagang ito. Nang makita kami ni Shanelle ay mabilis niyang kinapit ang dalawang kamay niya sa braso ni Maximillian. Natawa na lang ako sa inasta niya dahil para siyang tanga. Ni hindi nga sila pinansin ni Serenity at diretso lang siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nila Rose at Dominic. "Hello, Tita Rose, and Dominic! Kanina pa kayo dito?" tanong ni Serenity sa kaniyang tiyahin. "Oo, mamaya uuwi na rin kami ni Dominic. I missed you both," nakangiting sambit ni Rose at niyakap niya kaming dalawa ni Serenity. "Girl, para namang hindi tayo nagkita noong nakaraang araw." Tinampal niya ang aking balikat at napakunot ang kaniyang noo nang mapatingin siya kay Serenity. Nilapitan ni Rose ang kaniyang pamangkin at sinuri nang maigi kung ano ang nasa leeg ng aking kaibigan. "What?" natatawa na tanong ni Serenity sa kaniya. "Seren, you have a hickey in your neck. Sino na naman ang lalaking kalampungan mo kanina?" "Oh, it's not a big deal, tita. It's just a hickey," she said indifferently. Napairap si Rose sa kaniyang sinabi habang si Dominic naman ay seryoso niyang tinignan si Serenity. "Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagawa mo, Serenity. Ang mas mabuti pa ay mag-focus ka na lang sa business mo," sermon ni Dominic sa kaniya. "Shut up, Dominic! Ito na nga lang ang libangan ko, pagbabawalan mo pa ako. Ang killjoy niyo talagang dalawa ni Tita Rose." Bilib din talaga ako kay Serenity, dahil hindi talaga siya nagtanim ng galit kay Rose at Dominic. Kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya noon, hinding-hindi ko na sila kakausapin pa at papansinin. Indeed, she really has a good heart. "Paano ba 'yan, mauna na kami sa inyo. Uuwi na kaming dalawa ni Rose. Baka kasi biglang magising si Ros at hanapin niya ang asawa ko. Asena, bantayan mong maigi si Serenity at baka kung ano na naman ang gagawin niya." "Tita, iuwi mo na nga si Dominic. Nakakainis talaga ang isang 'to," nakasimangot na usal ni Serenity sa kaniyang tiyahin. "Seren, umayos ka. Alam kong nandito si Maximillian at ang girlfriend niya," makahulugan na sabi ni Rose sa kaniyang pamangkin. "Don't do stupid things that make you regret it later, okay?" "Yeah! Take care." Bugbog sarado talaga ang eardrums ni Serenity sa tuwing si Dominic at Rose ang kausap niya. Paano ba naman, ako lang naman ang nag-to-tolerate sa kaniya kaya ako lagi ang sinasama niya sa tuwing may lakad siya. I mean kapag trip niyang mag-boys hunting. Matanda na daw siya kaya kailangan na niyang maghanap ng lalaking makakasama niya habang-buhay pero ni isa ay wala siyang nagustuhan sa sandamakmak na boylet niya. Alam ko naman na nahihirapan talaga siyang kalimutan si Maximillian. Pero kahit gano'n ay hindi naman siya sad girl na laging umiiyak at nagmumukmok sa isang sulok. Siguro ginawa niyang coping mechanism ang pagpunta niya palagi sa bar at lumandi ng ibang lalaki. I understand her pain. That's why I always support her in what she wants to do. Siguro gano'n talaga kapag naiintindihan mo ang isang tao, makakaya mo siyang i-tolerate kahit na alam mong mali ang ginagawa niya. Saka wala namang mali kung makipaglandian siya sa iba dahil una sa lahat, single siya at wala naman siyang niloloko na tao. "Asena, cheers to our loveless life. Tayong dalawa na lang ang naiwang single habang ang mga kaibigan natin ay may asawa na!" sigaw niya habang nagsasayaw sa gitna ang mga couple of the year. "Ano na? Kilos-kilos din kasi!" Alas diyes na ng gabi nang umalis kami sa hotel. Sa bar kami dumiretso dahil maaga pa daw according to Serenity. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari dahil wala rin naman akong gagawin sa condo ko. Nasa entrance pa lang kami ng pwersahang hinablot ni Maximillian ang braso ng aking kaibigan. "What the f**k! Ano na naman ba ang problema mo?" galit na tanong ni Serenity kay Max. "Let's talk," mariin ang bigkas niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "Lecheng buhay ito! Ano ba ang pag-uusapan natin? Kapag nalaman ng girlfriend mo na sinundan mo ako, baka magwala iyon ng dahil sa selos. Napaka-insensitive mo naman, Max. Please lang, ayoko ng gulo kaya pwede bang tantanan mo na ako." Hindi nakinig si Max sa pakiusap ng aking kaibigan at hinila niya ito papunta sa tapat ng aming sasakyan. Sinundan ko silang dalawa at napanganga ako ng makitang niyakap niya ng mahigpit si Serenity. "I missed you! I missed you!" Nilagay niya ang kaniyang mukha sa leeg ni Serenity. "Max, hindi ako makahinga. You're drunk," mahinang bulong niya sa ex-boyfriend nitong parang tuko kung makakapit. "Iniwan mo ba si Shanelle sa hotel para lang sumunod sa akin? You're crazy!" "Yes, I am. Baliw na baliw pa rin ako sa'yo. Ang daya mo naman, Serenity! Ako na nga ang niloko mo tapos ako pa itong parang tanga na habol nang habol sa'yo." "Max, hindi kita maintindihan. Sa pagkakaalam ko ay naging loyal ako sa'yo sa buong relasyon natin kaya wala akong matandaan na niloko kita." So this explains why Maximillian is angry with her. I know my best friend; she's been loyal to him even though there is no sign that he is alive. Saka lang naman siya nagbago ng malaman niyang buhay ang boyfriend niya at may ibang babae na siya. "You liar, little devil. You've kissed another man while you're in New York. Gustong-gusto kitang puntahan noon kaso nagsabay-sabay ang problema sa kumpanya kaya nagtiis ako kahit na selos na selos na ako nang panahong iyon." Naguguluhan na napatingin sa kaniya si Serenity. Kung sino man ang nagsumbong kay Maximillian na may kahalikang ibang lalaki ang kaibigan ko ay tiyak kong may hidden agenda ito. Pero ang tanong, sino ang taong iyon? Parang nagkabuhol-buhol ang utak ni Serenity dahil tulala siya habang may malalim na iniisip. Siguro ay nagbabalik tanaw siya sa nakaraan. "Wala talaga akong maalala na may kahalikan akong ibang lalaki sa New York. Sino ba ang nagsumbong sa'yo at ng makausap ko siya?" "Ang assistant mo noon. She sent me a picture proving that you're kissing another man. Nakahawak ka pa talaga sa siko niya na parang sarap na sarap ka sa ginagawa niyang paghalik sa'yo," basag ang boses niya ng sabihin niya iyon kay Serenity. Napasinghap ako dahil hindi ko akalain na si Shane pala ang puno't dulo nang pagkasira ng relasyon nilang dalawa. For the third time, she was stabbed again by her trusted friend. Nakakatakot, kasi kahit gaano kalalim ang pinagsamahan ninyo ng kaibigan mo ay nakukuha pa rin nilang traydurin ka at siraan. All this time natutuwa pala ang impakta na iyon kapag nakikita niyang nasasaktan si Serenity. Ang sarap niyang kalbuhin at kaladkarin hanggang sa magkaroon ng sugat ang mga paa niya. Naging inggitera naman ako noon pero hindi umabot sa puntong sisirain ko ang kasiyahan ng taong kinaiinisan ko. My god, I won't stoop to that kind of level. "S-She did?" Parang gripo ang luha niya dahil tuloy-tuloy ang pag-agos nito. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya sinalo ni Maximillian. Libo-libong sakit ang makikita mo sa kaniyang nakakaakit na mga mata. "May humalik sa akin noon pero hindi sa labi kun'di sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang sinabi sa'yo ni Shane, Max. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya kaya hindi ko matukoy kung bakit gano'n ang ginawa niya sa akin." "You didn't cheat? I'm sorry for believing her lies. I'm such a jerk for hurting you. Damn it! Ang tanga-tanga ko." Malakas niyang sinuntok ang pader at inuntog niya ang kaniyang ulo. "Please stop doing that and go home. You're really drunk, Maximillian. Nasaan ba ang girlfriend mo at hinahayaan ka niyang bumuntot sa akin?" mahinang tanong ni Serenity. "She's not my girlfriend. Binayaran ko lang siyang magpanggap para makapaghiganti ako sa'yo. How can I love another woman when I am in love with you, baby?" Nangisay ako sa kilig sa lecheng banat niya para sa aking kaibigan. Kaya pala sunod nang sunod sa amin ang gagong ito dahil hindi naman pala niya totoong girlfriend ang inggratang iyon. Ano na ngayon ang mangyayari kay Shanelle? Nako, tiyak kong maglulupasay siya sa galit at inggit kapag nalaman niyang alam na ni Serenity ang set-up nilang dalawa ni Maximillian. "Liar," paratang sa kaniya ni Serenity. Kunwari pa ang isang 'to. Alam ko naman na sa kalooban-looban niya ay masayang-masaya siya. "I'm telling the truth, baby. Kailan pa ako nagsinungaling sa'yo? At sinong lalaki ang humalik sa leeg mo? Konting-konti na lang talaga at magiging kriminal na ako, Serenity. Mapapatay ko talaga ang bawat lalaking lumalapit sa'yo." Oh my god! Hindi ko akalain na masyado pa lang possessive si Mr. Bracken. "Lasing ka lang, Maximillian. Umuwi ka na nga!" Tinaboy siya ni Serenity at pumasok na siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Mabilis ko siyang sinundan at pagdating ko sa passenger seat ay sinundot ko ang kaniyang tagiliran. "Hoy, iiwan mo ba talaga siya? Paano na lang kung maaksidente siya sa daan? Sige ka, lasing pa naman si Maximillian." "Kino-konsensya mo ba ako, Asena? Kung gusto mong mag-alaga ng lasing edi dalhin mo siya sa condo mo!" "Masyado ka namang high-blood, sis. Pwede namang doon na lang kayo matulog sa condo ko kung ayaw mo siyang dalhin sa bahay mo. Tignan mo, para siyang tanga sa labas ng sasakyan mo." Napangiti ako ng mabilis siyang bumaba at hinarap ulit si Maximillian. Wala pang dalawang segundo ay nakaupo na ang ex-boyfriend niya sa backseat. Damn, tiyak kong madidiligan mamaya ang kaibigan ko. "Ang ganda mo talaga, baby. Please stop making me jealous. Hindi ko kayang tignan kang nakikipaglandian sa ibang lalaki. Dapat ako lang ang lalandiin mo, Serenity." Wala na talaga 'to, lasing na. Tignan natin kung ano ang magiging reaksyon niya bukas kapag nagising siyang katabi ang kaibigan ko. Pero baka umandar na naman ang pagiging killjoy ni Serenity at hayaan niyang matulog mag-isa si Maximillian sa guestroom. "Shut up! Kanina pa ako naiirita sa boses mo. Ikaw naman, huwag kang maniwala sa lalaking ito dahil bukas ay sigurado akong babalik sa dati ang pakikitungo niya sa akin." "Bitter mo masyado, Seren. Well, let's see. Ang taray, baka mamaya niyan ay magkaroon ka na ulit ng lovelife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD