Tahimik na nakatanaw lang si Layla sa malayong Taal Lake na tanaw mula sa balkonahe ng nabiling bahay ni Danzel. Sa umaga ay maganda iyong pagmasdan, pero madilim ang paligid ngayon at duda s'ya kung naaaninag ba nito ang lawa. Alam n'yang nasa malalim itong pag-iisip. S'ya man ay hindi maiwasan ang pangamba. He hurt Thea not by breaking up with her but falling in love with her best friend. Minsan ay tinatanong n'ya rin ang sarili kung tama ba ang desisyon n'ya. Sa loob ng apat na taon na magkasama sila ni Thea ay kuntento naman s'ya; hindi naman sila madalas magtalo noong una dahil ibinibigay na lang n'ya kung ano ang gusto nito. Nakasanayan n'ya na ang presensya nito dahil wala naman s'yang ibang babaeng pinag-ukulan pa ng pansin mula nang manligaw s'ya kay Thea. He tried to ke

