bc

My Girlfriend's Best Friend

book_age18+
54.7K
FOLLOW
400.6K
READ
billionaire
revenge
possessive
sex
arrogant
maid
drama
bxg
nerd
seductive
like
intro-logo
Blurb

Thea is Duncan Albano's long-time girlfriend. Pero pangarap nito ang makarating sa Macau kasama ng iba pa nitong kaibigan sa kolehiyo na nakarating doon para magtrabaho. When Duncan suffered an injury, Thea asked Layla, her childhood bestfriend and now a nurse, to take care of her fiance while she's away.

Layla had a long-time admiration for Duncan since she was a teen. But Duncan hated Layla because she was the cause of his accident. Gayunman, hindi nakatanggi ang nurse na alagaan ang isang Albano kahit pa puno ng galit ang mga mata nito tuwing titingnan siya. Malaki ang utang na loob ng pamilya ni Layla sa pamilya ni Thea dahil ang ama nito ang tumutulong sa pamilya nila at ang dahilan kaya siya nakatapos ng pag-aaral.

And now, Thea wanted Layla to seduce Duncan so Thea can escape her engagement with him. Paano niya gagawin 'yun kung laging galit ang mga mata nito tuwing tititigan s'ya? At paano ba niya paiibigin ito kung ang laman ng puso ng binata ay si Thea pa rin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kumusta ang kalagayan niya, Doc?" tanong ni Layla sa doktor na sumuri sa kapatid niyang si Ana.  Bumagsak ito kahapon sa sahig pagkatapos magbihis ng uniporme galing sa school.  Kasalukuyang nasa fourth year high school ang kapatid na sa kabila ng may sakit ito sa puso ay pinipilit matapos ang pag-aaral.  Siya naman ay isang nurse sa malaking ospital sa Quezon City kung saan din naka-confine ang kapatid. "Ligtas na siya sa panganib.  Pero kailangan natin siyang idaan muna sa mga test at i-monitor ang kalagayan niya bago namin siya payagang makalabas." Nagbilin ang doktor ng mga gamot na bibilhin bago ito umalis sa silid.  At dahil pabalik-balik na naman ang kapatid sa ospital, nababaon na naman ang pamilya nila sa utang sa pamilya ni Thea Montes. Thea Montes was her childhood bestfriend.   Mga magulang niya ang nag-alaga dito noong iniuwi ito ng ama sa Lola nito sa probinsya dahil nag-abroad ang Papa nito.  Thea's mother died when they were knee high.  Namatay na rin ang Lola nito noong second-year high school sila.  Pero dahil muling nag-asawa ang ama ay tuluyan nang nanatili sa poder nila si Thea sa probinsiya hanggang makatapos sila sa high school. Nagkaroon ng negosyo sa Maynila ang Papa ni Thea matapos matanggap ang retirement benefits nito sa pinagtatrabahuhan.  Isa itong chef na nakapagtayo ng malaking restaurant na ngayon ay may limang branches na.  Nang matapos nila ang high school, nagpresenta ang ama nito na pati si Layla ay pag-aralin sa Maynila para matupad ang pangarap nilang maging nurse.  Pumayag siya pero sinikap niyang mapanatili ang pagiging scholar para wala siyang kailangang bayaran sa school kung hindi miscellaneous.  Magkasama din sila ni Thea sa dorm bagama't naiba na ang set of friends nito at nang magtagal ay lalo silang nagkahiwalay ng landas nang maging boyfriend nito ang isang sikat na soccer player na si Duncan Albano. Duncan Albano.  Apo ito ng kapitbahay nila sa Batangas na si Silvia Gamboa.  Madalas niya itong nakikita tuwing summer kapag nagbabakasyon ang pamilya nito doon.  Tall, with dark expressive eyes, and ruggedly handsome.  Palakaibigan din ito kaya't mabilis nitong naging kaibigan si Thea na hindi ikinakaila ang pagkagusto sa binatang Albano.  Dahil likas na mahiyain si Layla ay pilit itinatago ang paghanga sa binata.  Lumalayo siya kapag pinupuntahan nito si Thea sa bahay ng Lola nito kung saan din sila nakatira.  Sa kabila niyon, ang paghangang iyon ay inalagaan niya sa dibdib sa mahabang panahon.  Pero si Thea ang niligawan nito nang magtuloy-tuloy ang pagkakaibigan ng dalawa nang lumipat sila sa Maynila. "Huwag mo nang isipin ang kalagayan ng kapatid mo, alam mo namang bilin na ng doktor na bawal sa kanya ang mapagod.  Kailangan lang niyang magpahinga at magiging okay din siya," wika ni Thea nang  manatili siyang nakatitig sa kapatid.  Totoo man ang sinabi ng kaibigan, hindi pa rin biro ang halaga ng hospital bill na binabayaran niya kapag naoospital ang kapatid.  Dalawa lang silang magkapatid. Si Ana na bunsong kapatid niya ay lumaking sakitin hanggang bigla na lang itong bumulagta sa sahig apat na taon na ang nakakaraan.  Doon lang din nila nalaman na may sakit ito sa puso at pinagbawalan na gumawa ng mga bagay na mabigat na ikakapagod nito.  Mula noon hanggang ngayon ay maya't maya ang pasok nito sa hospital kapag inaatake ito ng hika na nauuwi sa hirap sa paghinga.  Sa lahat ng iyon, ang ama ni Thea ang nagbabayad sa gastusin sa ospital. Bumukas ng pinto ng ospital at bumungad ang ama ni Duncan na siyang Neurosurgeon sa ospital na 'yun.  May iniindang sakit sa ulo si Ana na kinailangang i-CT scan.  "Wala naman kaming nakitang problema," wika ni Dr. Zandro nang ibigay sa kanya ang resulta ng CT scan.  "Dala lang siguro ng pagkakatama sa sahig kaya sumakit ang ulo niya.  I-report mo na lang ulit sa akin kapag hindi nawala ang pananakit ng ulo niya hanggang bukas."  "Thank you, Dad," sabat ni Thea sa tatay ng boyfriend nito.  Nagpaalam naman agad ang doktor sa kanila dahil iikot pa ito sa ibang pasyente. "May duty ka pa mamayang gabi, iwanan mo na sa akin si Ana dahil off ko naman ngayon." "Hindi ba at nag-aalaga ka kay... Can?" Hanggang ngayon ay hindi niya masambit na boyfriend ito ni Thea.  Duncan and Thea have been dating for four years.  Matanda si Duncan sa kanila ng limang taon.  Sa ngayon ay bente tres na sila ni Thea habang si Duncan ay nasa bente otso anyos na.  "Ayoko siyang alagaan dahil laging mainit ang ulo!" naiinis na wika ni Thea.  "I am beginning to get irritated.  Gusto ko munang lumayo at huminga sa pagiging possessive niya!" Nalulungkot at nakukunsensiya siya sa pagtrato ni Thea ngayon sa boyfriend.  Mahal na mahal ni Duncan ang kaibigan niya pero laging nag-aaway ang mga ito dahil mahilig si Thea sa night life kasama ang mga kaibigan noong college.  Siya ay hindi naman nakakasama sa mga lakad nito dahil kailangan niyang kumayod para makapagpadala ng pera sa Tatay niya sa probinsiya.  May sakit na noon si Ana pero hindi niya maaaring iasa pati ang pagpapagamot ng kapatid sa Papa ni Thea.  "Ganoon naman talaga si Can noon pa, hindi ka pa ba nasanay? Dati kilig na kilig ka naman ah!" "Noon 'yun! Pero ngayon gusto niya nang kontrolin ang buhay ko! Did you know he proposed to me the other day?" Nagulat siya sa ipinagtapat ng kaibigan. Nagseselos siya at naiinggit sa lahat ng natatanggap nitong swerte sa buhay. Maayos ang estado ng pamumuhay nito dahil sustentado ng ama, ngayon ay may boyfriend pa ito na bukod sa loyal na ay family-man pa. Laging nasa bahay ng boyfriend si Thea dahil matagal na itong ipinakilala bilang official girlfriend. At ngayon ay niyaya pa itong magpakasal. Habang siya ay natali na sa responsibilidad at wala nang panahon para humanap ng lalaking iibigin siya katulad ng pag-ibig ni Duncan kay Thea. "A-anong isinagot mo?" may kirot sa dibdib niyang wika. "Of course I said yes. Baka umiyak pa sa harap ko 'yun pag tumanggi ako." "Bakit parang hindi ka natutuwa? Hindi ba dapat masaya ka? 'Yung excited ka?" "I still have plans for my career, Layla. Nasa Macau na sila Paulo at Cindy at gusto nila akong sumunod doon." "Ano? Iiwan mo si Duncan? May injury ang boyfriend mo, Thea. Tayo ang may kagagawan kung bakit siya nasa silyang de gulong ngayon!" "May injury lang siya, Layla, hindi naman siya imbalido! At saka isa pa, hindi naman sinasadya ang pagkakabangga niya. Malay ko ba naman kasi na haharang siya sa gitna ng daan dahil lang sa akala niyang galit ako." Napailing siya sa kaibigan. Hindi niya inaasahan na ganito ang mga maririnig kay Thea ngayon. Siya ang nasasaktan para kay Duncan dahil alam niya kung gaano nito kamahal ang kaibigan niya. Kinabukasan ay nagbigay ng release paper ang ospital na maaari nang ilabas si Ana. Iniuwi na ito ni Thea sa inuupahang bahay sa Quezon City kung saan naroon na ang kanyang mga magulang. Mula nang magkatrabaho siya bilang nurse sa ospital ay inilipat niya sa eskwelahan ang kapatid at pinaluwas ang mga magulang para magkakasama pa rin sila. Sumama naman si Thea dahil sasakyan nito ang naging service ng mga ito pauwi mula sa ospital. Nang makarating siya sa apartment at nakapasok sa maliit niyang silid ay naroon pa si Thea. "Aalis ako papuntang Macau," wika nito na ikinabigla niya. "Seryoso ka? Paano ang trabaho mo? Paano si Duncan?" "Anim na buwan lang naman ako dun, gusto ko lang talagang makarating sa ibang bansa. Alam mo namang pangarap ko 'yun dati pa." "Alam ko naman 'yun. Ano ang sabi ni... Can?" "Natural nagalit. Iiwan ko daw ba siya porke't hindi siya makalakad ngayon. Kung ano-ano na ang sinabi. Masyadong nagse-self pity eh kaya lalong nakakainis." "Intindihin mo naman 'yung tao. Ngayon ka niya higit na kailangan tapos ngayon ka pa aalis." "Six months lang naman. Hindi naman ako nakikipag-break sa kanya, ito oh, suot ko pa rin naman ang engagement ring." "Hay naku, bahala ka nga. Paano ang trabaho mo? Makakabalik ka pa ba kung anim na buwan kang mawawala?" "Bahala na, madali namang pumasok sa ibang ospital kung sakali. Ayaw nga ni Can na magtrabaho pa 'ko kapag nakasal kami. I can't imagine myself cooking and cleaning the house. At lalong hindi ko ma-imagine na may anak na 'ko!" "Pag-usapan niyo nang maayos 'yan para hindi kayo laging nag-aaway." "May ipapakiusap ako sa 'yo kaya ako nandito," biglang wika ni Thea na ikinalingon niya. "Ano na naman? Nung huling may ipinagawa ka sa akin, ayan ang nangyari, naging pilay ang boyfriend mo. Ayoko na, Thea. Huwag mo na 'kong idamay sa inyong dalawa dahil hanggang ngayon kinakain ako ng kunsensya ko." "Kaya nga ikaw ang naisip ko para makabawi ka sa nangyari kay Can eh." "A-anong ibig mong sabihin?" "He fired his private nurse. Sa ngayon ay walang mag-aalaga kay Can kaya ikaw ang inirekomenda ko." "Ano?!" "Malaki ang sahod ng private nurse, lalo at mayaman ang pamilya nila. Higit na doble sa sinasahod natin dito. Kaya pumayag ka na." "Hindi," matatag niyang sagot. "Alam mo namang galit ang boyfriend mo sa 'kin, sisesantehin lang ako nun." "Kakausapin ko ang Daddy niya. Mas gusto kong ikaw ang mag-alaga para mapanatag ang loob ko." "Hindi ako papayag. Kumuha ka na lang ng iba," pagtanggi pa rin niya. "May sakit sa puso ni Ana, Layla, anytime ay kakailanganin niyang operahan. Kapag nasa Macau ako, matutulungan kitang maipagamot siya." Alam niyang ginagamit ni Thea ang sakit ng kapatid para mapapayag siya. Ang sabi ng doktor ay puwede nang operahan ang kapatid niya kapag nakapag-ipon na sila ng sapat na pera.   Aabutin pa siya ng dalawang taon para makapag-ipon. Hindi biro ang halaga sa bill sa ospital na ngayon ay sagot ng ama ni Thea. Ang sweldo niya sa ospital ay nauuwi lang sa upa sa bahay at pambili nila sa araw-araw na gastusin. "Pag-isipan mo muna, Layla, bago ka tumanggi. Six months lang naman ang hinihingi ko sa 'yo." Hanggang sa makalabas si Thea sa silid niya ay hindi niya mapaniwalaan ang gusto nitong mangyari. Malaking bagay ang sasahurin niya dun kung tutuusin. Malaking tulong iyon sa pamilya niya. Pero kaya ba niyang harapin si Duncan gayung may galit ito sa kanya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook