Chapter 2

2040 Words
Mainit na naman ang ulo ng anak mo kay-aga-aga," wika ni Danica sa asawang si Zandro habang nagbibihis ang huli para sa pagpasok sa ospital. Ang panganay nilang si Duncan ay nasa bente-otso na ngayon at isang sikat na soccer player. Ang sumunod ay si Danzel na nasa opisina na rin ng Albano Hotel ngayon, si Drake na kasalukuyang nag-aaral sa medisina, at ang bunsong si Adriana ay nasa kolehiyo na rin ngayon taking up Architecture. Maganda ang buhay nilang mag-asawa mula nang ikasal sila ni Zandro at nabiyayaan ng apat na anak. Ang kapatid niya sa ama na si Bea na pabalik-balik sa rehab dahil sa depresyon at pagkalulong sa droga ay may sarili na ring pamilya ngayon. Ipinagpapasalamat niya lagi sa Diyos na wala sa anak nila ang napasama sa maling barkada at napariwara. Mahigpit si Zandro sa pagbabantay sa mga sinasamahan ng mga anak. Pero ngayon ay nangangamba siya sa inaasal ng panganay niyang si Duncan. Matapos nitong maaksidente dalawang linggo na ang nakalilipas ay nagbago ang ugali nito. Laging mainitin ang ulo at laging nakakulong lang sa silid. He was a soccer player and a heartthrob. Kahit isa ito sa Top Board Passers sa kursong Accountancy, sinuportahan nila ang hilig nito sa paglalaro ng soccer. His team competes globally. Pero ngayon ay nakatali ito sa silyang de gulong. Hindi naman sinasadya ang aksidenteng kinasangkutan ng anak. Kasama nito ang girlfriend na si Thea at ang kaibigan nito na si Layla na parehong nurse kung saan din nagtatrabaho si Zandro bilang Neurosurgeon. Ayon sa nakasaksi at sa kwento ng girlfriend ni Duncan, nagpresenta si Layla na magmaneho sa kotse ni Thea pauwi mula sa club na dinaluhang party ang mga ito. Hindi pa sanay si Layla mag-drive. Nang paandarin nito ang kotse ay hindi sinasadyang paatras ang takbo nito sa halip na paabante. Si Duncan na nasa likod ng kotse ang napuruhan habang ang iba ay nagawa namang makailag. Agad isinugod sa ospital ang anak at doon nalaman na nabalda ang mga paa nito. Ipinagpapasalamat niya na lang na makukuha sa therapy ang pagbabalik sa normal ng mga paa nito. But Duncan was devastated. Gusto ng anak na ipakulong si Layla pero nakiusap sila na huwag nang ituloy ang demanda dahil pabalik-balik din sa ospital ang kapatid nito na may sakit sa puso. Si Layla lang ang inaasahan ng pamilya nito. Humingi na ito ng tawad sa anak pero mas lalong nagpakita ng galit si Duncan. Si Thea ang pumapagitna sa dalawa at ang umaalo ngayon sa anak. Duncan loves Thea very much. Inalok na nito ng kasal ang nobya at naantala lang ang preparasyon dahil sa aksidente. Kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi ni Duncan kay Layla. The accident made Duncan's world come to an end. At si Layla ang sinisisi nito sa lahat. "I need to hire another nurse for him. Sa susunod na linggo ay kailangan niya nang simulan ang therapy," sagot naman ni Zandro sa kanya. "Sa loob ng dalawang linggo ay dalawang nurse na rin ang sumuko sa anak mo. Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin sa kanya." "We need a little more patience with your son," dugtong niya. "Baka maaari kong kausapin si Thea na siya muna ang mag-alaga sa anak natin. Si Thea lang ang makakapagpagaan sa loob ng batang 'yan." "Mabuti pa nga. Hayaan mo at kakausapin ko ang mamanugangin mo pagdating ko sa ospital." "Bakit mamanugangin ko?" Tumaas ang kilay ni Danica sa tinuran ng asawa. "Hindi mo ba gusto ang mapapangasawa ng anak mo?" Isang kibitbalikat naman ang isinagot ng asawa. "Hindi ko pinakikialaman ang mga desisyon ng mga anak natin. But if I can choose someone for Duncan, I want someone else." Humalik si Zandro sa kanya bago dinampot ang gamit sa tokador na inihanda niya. Namilog naman ang mga mata niya sa tinuran ng asawa. --- "Please, huwag mo naman akong ipitin nang ganito. Hindi ko kayang humarap kay Duncan ngayon, lalo na ang tumira sa bahay nila," pakiusap ni Layla kay Thea. "This is your chance to ask for his forgiveness, Layla. Kapag naalagaan mo siya nang maayos, mawawala na ang galit sa 'yo nun." "Ikaw ang kinausap ni Dr. Albano na mag-alaga sa anak nila, hindi ba? Ikaw ang girlfriend ni Can." "But I have a flight the next day. Alam mo namang pangarap ko ang pumunta sa Macau hindi ba?" "Hindi ako magfa-file ng leave. Hindi ako pumapayag sa gusto mo, Thea." "Hindi ka ba natutuwa na hindi ka na ipinakulong ng parents ni Can?" mataray na sagot naman ni Thea nang mapagtantong hindi siya pumapayag na maging private nurse ni Duncan. "This is your chance to show how sorry you were for what happened! Kapag hindi ka pumayag, ikaw na ang bahala sa lahat ng gastusin ni Ana kapag nagkaproblema na naman ang kapatid mo sa sakit niya!" Napaluha si Layla sa mga naririnig kay Thea. Sa mahabang panahon ay nakaasa silang lahat sa pamilya nito dahil nagkusa ang Papa nito na pag-aralin siya at akuin ang gastusin sa ospital ng kapatid. Thea's father was generous, kahit ang pangalawang asawa nito ay hindi madamot. Tinatanaw naman nilang malaking utang na loob iyon kaya kahit ngayong malalaki na sila, naroon pa rin ang pag-aalaga at pag-aalala nila kay Thea na tila isang tunay na anak. "Bakit hindi mo na lang subukan, Layla? Para makaalis si Thea patungong Macau," panig naman ng Nanay niya sa kaibigan. "Tama naman si Thea, pagkakataon na para makahingi ka ng tawad sa boyfriend niya dahil sa nagawa mo." Pinahid niya ang luha sa mata bago tumango. Kapag ganitong magkaiba sila ng desisyon ni Thea ay inaasahan niya nang papanig ang magulang niya sa kaibigan. Pagbabayad daw iyon ng utang na loob sa lahat ng tulong na natanggap nila mula sa ama nito. Nagliwanag naman ang mukha ni Thea habang siya ay lalong nilukob ng lungkot at pag-aalala. Paano niya haharapin si Duncan? "Thank you, Tita!" Yumakap si Thea sa nanay niya nang puno ng galak sa mukha. "Ano ho ang gusto niyong pasalubong pag-uwi ko galing sa Macau?" "Huwag mong isipin 'yun. Ikakasal ka na sa nobyo mo. Kahit pa mayaman 'yun, kailangan mo rin ang sariling pera." "Naku, matagal pa ho 'yun, Tita. Wala pa naman ho akong balak mag-asawa, 'tong si Duncan lang ang mapilit." Sumimangot pa ang kaibigan nang mabanggit ang pagpapakasal sa boyfriend nito. Siya naman ay tumalikod sa dalawang nag-uusap at tumanaw sa bintana ng apartment habang inaalala ang nangyari noong gabi na naaksidente si Duncan dahil sa kanya. Byernes iyon ng gabi. Birthday ng isa sa mga kaibigan ni Thea noong college. Lasing na si Thea at tumawag na ito kay Duncan para magpahatid. Siya ay hindi naman gaanong uminom dahil maaga ang pasok niya kinabukasan. Alas onse na ng gabi pero nagkakasayahan pa ang lahat. Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya iniiwan si Thea lalo at maraming estrangherong lalaki na silang nakilala noong gabing iyon. Thea was wasted. Ni hindi na nito magawang lumakad nang tuwid. Tumawag ang nanay niya at sinabing hindi makahinga si Ana. Nahati siya sa desisyon niyang umuwi agad at itakbo sa ospital ang kapatid at sa desisyong manatili sa club para bantayan si Thea habang hinihintay na dumating si Duncan. Itinawag niya sa ina na tumawag na lang ng taxi para maitakbo na sa ospital si Ana. Nang dumating si Duncan ay sinabi ni Thea na siya na lang ang mag-uuwi ng kotse ng kaibigan. Duncan didn't mind her because he was concern about Thea's welfare. Dahil nakakapag-drive naman siya paminsan-minsan sa kotse ni Thea, nagpasya siyang gamitin ang sasakyan nito para mabilis na makarating sa ospital. Hindi rin niya alam kung dahil sa kalasingan o sa matinding pag-aalala kaya natuliro siya noong gabing iyon. Sigaw ng mga tao sa club ang nagpagising sa diwa niya. Nakahandusay sa semento si Duncan habang ang iba ay nagtakbuhan palayo. Tila siya naestatwa sa mga nangyari. Hanggang maramdaman niyang nanginginig ang buo niyang katawan sa takot. Itinakbo kaagad si Duncan sa pinakamalapit na ospital habang si Thea ay nawala ang kalasingan sa nangyari sa nobyo. Naiwan siya sa club at hinintay na matapos ang pag-iimbistiga ng mga pulis. Sa presento siya pinuntahan ng kamag-anak ni Duncan dahil ang magulang nito ay nasa ospital para alamin ang kalagayan ng anak. Pinauwi naman siya pagkatapos dahil hindi pa naman siya sinampahan ng kaso pero may record na siya sa mga pulis. Ginusto ni Duncan na ipakulong siya dahil sa nangyari, pero napakiusapan ito ng mga magulang matapos malaman ang tungkol sa kalagayan ni Ana. Humingi siya ng tawad kay Duncan bago ito inilabas sa ospital pero mura at galit ang ibinigay nito sa kanya. Nalaman niyang malaki ang pinsala na naidulot ng aksidente at matatagalan bago ito makakalakad. Dinala niya sa kunsenya ang lahat ng iyon. Isang linggo siyang hindi nakatulog at nakakain nang maayos. She suffered amaxophobia. Ni hindi niya magawang tingnan ang sasakyan ni Thea ngayon matapos mai-deliver mula sa casa. Kahit ang pagsakay sa kotse o taxi ay hindi niya magawa. Mula sa apartment hanggang sa ospital ay jeep lang ang sinasakyan niya na ikinaiinis ng kaibigan. At ngayon ay kailangan niyang harapin ang isa pa niyang takot. Ang takot na makitang muli ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni Duncan. Kanina ay ginawan na siya ni Thea ng indefinite leave para ipasa sa ospital para hindi na siya makatanggi. Napakadali kay Thea ang iwanan sa kanya ang lahat ng gusto nitong takasan. Habang siya ay walang pagpipilian kung hindi ang pumayag sa lahat ng gusto nito. Nang dahil sa utang na loob. Kinabukasan ay wala na siyang nagawa kung hindi ang bitbitin ang ilang gamit para sumama kay Thea sa bahay nila Duncan sa Paranaque. "Baka dalawang beses lang isang buwan makakauwi dito si Layla, Tita. Stay-in kasi ang gusto nila Dad sa private nurse ni Can. Doble naman ho ang sahod niya kapag ganun." "Mag-iingat kayo," wika naman ng nanay niya bilang pagsang-ayon. "Kami na ang bahala kay Ana, magagamit naman namin ang sasakyan mo kapag kailangang itakbo si Ana sa ospital." Isa iyon sa ipinansuhol ni Thea sa mga magulang niya. Kapag nakaalis ito papuntang Macau sa susunod na linggo, iiwan nito ang sasakyan sa bahay ng mga magulang para magamit. Lumabas siya sa apartment pero tumanggi siyang sumakay sa kotse ng kaibigan. "Ang OA mo, Layla! Anong oras tayo dadating dun kung mag-jijeep lang tayo?!" inis na wika ng kaibigan. "Kahit anong oras ako makarating hindi ako sasakay d'yan!" pagalit ding niyang wika. Gusto niyang sumigaw at tumakbo dahil sa awa sa sarili. Dahil nakita ni Thea ang determinasyon niya ay napilitan na rin itong sumunod sa kanya pasakay sa jeep. Halos tatlong oras ang inabot nila sa byahe na lalong ikinakainis ni Thea. Nang dumating sila sa malaking bahay ng mga Albano sa Paranaque ay nalula siya sa karangyaan ng binatang lihim na hinahangaan. Naka-uniporme ang mga katulong at driver. Lalo siyang pinanghinaan ng loob nang lumabas ang ina nito at makita siyang dala ang isang bag na gamit. Kinausap nito si Thea na malayo sa kanya bagama't naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa. "Hindi matutuwa si Duncan na makita ang kaibigan mong 'yan, iha. Bakit siya ang magiging private nurse ng anak ko?" "Nakiusap sa akin si Layla, 'My," sagot ng kaibigan na gusto niyang salungatin. "Dala dala niya sa dibdib ang nangyari kay Duncan at gusto niyang bumawi. Ako na ang kakausap sa anak niyo para pumayag na si Layla ang mag-aalaga sa kanya hanggang sa makalakad siya. Isa pa, malaking bagay kay Layla ang ipapasahod niyo para sa kapatid niyang maysakit." Mahaba pa ang naging diskusyunan ng dalawa hanggang sa umakyat si Thea sa silid ng nobyo at kinausap. Nanatili lang siyang nakayuko hanggang sa bumalik si Thea sa hardin at nagpaalam kay Danica Albano na aalis na. "Halika at ihahatid kita sa silid mo," mahinahong wika ng ina ni Duncan matapos umalis ni Thea. Mabigat ang paa na sumunod siya sa ginang papasok ng mansyon ng mga Albano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD