Chapter 3

1816 Words
Itinapon ni Duncan ang hawak na remote control ng tv sa dingding nang lumabas si Thea sa silid niya. He wasn't expecting her to take care of him while he's in a wheelchair, but he wasn't expecting her to leave him at this time either. Sa himig nito ay nanghihingi ng space ang nobya dahil lagi na silang nag-aaway. He was possessive according to her. Marami siyang ipinagbawal kay Thea mula nang maging nobya niya ang dalaga. Isa na doon ay ang plano nitong magtrabaho sa ibang bansa. Gustong-gusto nito ang makarating sa labas ng Pilipinas pero pinipigilan niya. At para tuluyan itong pigilan sa pag-alis ay inalok niya ito ng kasal. Thea accepted his proposal. Dapat ay mag-aayos na sila ng mga detalye sa kasal kung hindi lang nangyari ang aksidente na nagpatigil sa mundo niya. Ngayon ay hindi niya mahabol si Thea kapag nag-aaway sila at lumalayas ito sa harap niya tulad kanina. Hindi na rin siya makakapaglaro para sa team sa nalalapit na kumpetisyon. Dahil kay Layla. At ngayon ay nagpipilit daw itong alagaan siya para malinis ang kunsensya nito. Dapat ay ipinakulong niya na ang babae kung hindi lang nakiusap ang mga magulang at ang nobya dahil may sakit ang kapatid nito at si Layla lang ang nagtatrabaho. He doesn't give a damn. She wanted her in jail. Kapag nakalakad siya'y ipapakulong niya talaga ang babae. Isang mahinang katok ang narinig niya na lalong nagpainit ng ulo niya. Sa loob ng isang linggo niya dito sa bahay matapos ang mahigit isang linggo ring pananatili sa ospital, dalawang nurse na ang nag-resign dahil sumuko sa kasungitan niya. Ngayon ay sisiguraduhin niyang susuko din si Layla. Pero hindi niya hahayaang umalis ito nang hindi niya napaparusahan. Kung hindi ito makukulong ay siya ang magpapahirap dito. He will take the law into his own hands. "Anak, nagkausap ba kayo ni Thea?" tanong ng ina nang buksan nito ang pinto. "Tungkol saan?" Inikot niya ang motorized wheelchair at nakita ang ina na kasama ang babaeng kinamumuhian niya. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya dito bago bumaling sa ina. "Si Layla ang private nurse mo ngayon, ibinilin ko sa kanya ang mga gamot na iniinom mo." Hindi siya sumagot bagama't dala pa rin ang pagsimangot ng mukha. Muli niyang inikot ang silyang de motor at hinarap ang computer. Hindi niya gustong magpakita ng kagaspangan ng ugali sa harap ng ina. Magtutuos silang dalawa kapag lumabas na sa silid ang mommy niya. "Lumapit ka lang sa 'kin kapag may kailangan ka," wika ng mommy niya kay Layla. Nakatayo lang ang nurse sa may pinto hanggang sa makalabas sa silid ang ina. "L-linisin ko na ang tahi sa binti mo..." mahina nitong wika. "I don't need your help! Get out of my room!" singhal niya. "N-nandito ako para maging nurse mo. I'm sorry, hindi ko sinasadya ang lahat..." "Nandito ka para linisin ang kunsensya mo! Do yoi have any idea how you ruined my life?" "I'm sorry..." "Are you crying?" Naningkit ang mga mata niya sa inis. "Ikaw pa talaga ang may ganang umiyak? Kung hindi dahil sa katangahan mo, hindi ako magiging imbalido at mawawalan ng silbi!" "Ilang beses na akong humingi ng tawad, Can... Kaya ako nandito para itama ang pagkakamali ko. Makakalakad ka naman sabi ng mga doktor. Kailangan mo lang ng ilang session ng therapy..." "And you will pay for that, naiintindihan mo? Bawat session ko sa therapy ay babayaran mo!" "Can..." "Akala mo ba hindi mo alam na kaya ka nag-presenta bilang nurse ko ay dahil sa malaking sahod na ibinibigay ng magulang ko? I'm not stupid, Layla!" buong galit pa niyang wika dito. Yumuko ang nurse habang siya ay matiim na nakatitig dito. Tila ito basang sisiw na lalapain ng isang mabangis na agila. "You will only get five thousand a month, hindi singkwenta mil. Pasalamat ka dahil may limanlibo ka pa. Dapat nga libre ang serbisyo mo dahil ikaw naman ang may kagagawan ng lahat ng ito." Isang tango lang ang ibinigay nito habang pinipilit na huwag umiyak muli. Nang iikot niyang muli ang silya ay nahagip ng tingin niya ang pagpunas sa luha nito. He didn't care. Nailabas niya na ang galit dito nakahanda na rin ang plano niya kung paano ito pahihirapan. ---- Halos isang oras nang nakatayo si Layla sa pinto pero hindi pa siya pinaaalis ni Can. Sanay naman siyang laging nakatayo dahil halos hindi naman siya nakakaupo sa work station niya sa ospital dahil sa dami ng pasyente. Pero ngayon ay ramdam niya ang pagod at pamimintig ng paa. Iniinda din niya ang sakit sa dibdib sa lahat ng masasakit na salitang binibitawan nito. Itinaas niya ang noo at pilit huwag umiyak sa kalagayan niya ngayon. Mas mabuti na rin naman ang ganito kaysa ang tuluyan siyang makulong. Titiisin niya ang ilang buwang parusa sa kanya ni Duncan, kung ito ang paraan para makabayad siya sa nangyari. Alam niya sa sarili niya na hindi niya sinasadya ang lahat. Pagkatapos ng lahat ng ito ay aalis siya sa bansa para kumita ng malaki para sa pamilya niya. Tama na ang tulong na ibinibigay ni Thea at ama nito. Pagod na siyang magbayad ng utang na loob. Nang tumunog ang alarm ay tinungo niya ang medicine cabinet saka kinuha ang gamot na iinumin ni Duncan. Naka-set na sa alarm niya ang pitong gamot na iniinom nito araw-araw. Nang matapos ito sa ginagawa sa computer ay pinaandar nito ang silyang de motor palapit sa kama. Mabilis siyang lumapit para tulungan itong makalipat doon pero mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Nagpumilit itong iangat ang sarili pero nabigo ito dahil kumikirot ang sugat nito sa binti tuwing mapu-pwersa sa paggalaw. "F*ck!" mura nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin bagkus ay pilit niya itong iniangat mula sa wheelchair palipat sa kama. Hindi na ito nagsalita nang mailapat ang katawan sa malambot na kutson. Pumikit ito na marahil ay matutulog muna kaya lumabas siya sa silid. Sa guest room siya pinatuloy ng ina nito para raw mabilis niya itong madadaluhan kapag biglang tumawag si Duncan. Malaki ang guest room na ipinagamit sa kanya. Kulay pale yellow ang wallpaper nito at light brown ang accent. May sarili ng banyo ang silid, couch, tv at sariling balkonahe. Alam niyang mayaman ang mga Albano, pero ang makita mismo ng mga mata niya kung gaano karangya ang mansyon ng mga ito ay lalong nakapanliliit sa kanya. Gabi na gumising si Duncan at naroon ang ina nito nang pumasok siya sa silid. Oras na ng pag-inom nito ng gamot kaya may dala siyang tubig. Bago umalis si Danica Albano sa silid ng anak ay nagsabi ito na bumaba na siya at sumabay sa kanila sa hapunan. "What?!" sarkasitong wika ni Duncan na nagpatigil sa ina nito palabas ng pinto. "Katulong siya dito, 'mommy, huwag niyo siyang tratuhing prinsesa. Kung gusto niyang kumain, sasabay sila kila Manang hindi sa inyo." "She's your girlfriend's bestfriend, Duncan," mahinahon namang wika ng ina nito. "She's my maid. Kung ituturing niyo siyang amo dito, palayasin niyo na lang," matigas na wika ng binata. Nilingon niya ang ginang saka naglabas ng pilit na ngiti. "S-sasabay na lang po ako kila Manang..." nahihiya niyang wika. Hindi rin naman siya makakakain ng maayos lalo kapag kaharap ang buong pamilya nito. Masakit lang isipin na sa kabila nang pagsisikap niyang makatapos ng kolehiyo, ituturing siyang isang katulong ng taong minsan niyang itinangi sa puso niya. Naiiling namang lumabas na lang ng silid ang ina nito. Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng kwarto habang naghihintay na matapos ito sa hapunan. Nang matapos ay ipinaligpit sa kanya ang pinagkainan nito. "Ikaw ang maglilinis sa silid ko hanggang sa banyo araw-araw," narinig niyang wika nito. "Pati lahat ng damit ko ay ikaw ang maglalaba." Tumango siya bilang pagsang-ayon. Ibinaba niya ang pinagkainan nito at tinawag na rin siya ng isang katulong para isabay ng mga ito sa hapunan. Doon niya nakilala ang apat na katulong sa mansyon. Habang kumakain ay kinukwentuhan siya ng mga ito. "Mabait naman 'yan si Sir Can, aywan ko ba bakit naging mainitin ang ulo ngayon," wika ng isa. "Oo nga eh, nabalitaan namin ikaw ang nakasagasa sa kanya. Hindi mo naman sinasadya, 'di ba?" anang isa pa. Mabilis siyang umiling. "Nataranta lang ako nung gabing iyon, hindi ko rin alam kung ano ang nangyari," naluluha niyang wika. Hindi niya alam ngayon kung saan siya naaawa -- kung kay Duncan pa ba o sa sarili. Narinig niya ang malakas na tawag ni Duncan na nagpabalikwas sa kanya habang kumakain. Patakbo niyang tinungo ang silid nito sa pag-aalala. Pagdating niya ay nakakalat sa sahig ang laman ng tokador nito. "A-anong nangyari?" "Ligpitin mo ang kalat ko at iakyat mo ang mga gamit ko sa pagpipinta pagkatapos," utos nito habang itinatago niya ang pagnguya. Halos kasisimula pa lang niya sa pagkain at alam niyang sinasadya iyon ng binata para hindi siya makakain ng maayos. Kumuha siya ng basahan at pinunasan ang sahig kung saan nagkalat ang lotion na nabuksan. Ibinalik niya ang mga bote ng pabango sa tokador at itinapon ang iba na may basag na. Humalimuyak ang amoy ng halo-halong pabango sa silid -- a masculine scent. Kahit puro galit ang ipinapakita ni Duncan sa kanya ay natutunaw kapag naaamoy niya ang pabango nito. Pagkatapos niyang linisin ang silid nito ay bumaba siya sa kusina para itanong kung saan ang mga gamit nito sa pagpipinta. "Hindi ka pa tapos kumain uutusan ka na naman?!" angal ng isang katulong para sa kanya. "Hayaan mo na kung dun s'ya masaya," sagot niya. Naiiling namang sinamahan siya ng katulong sa library. "Iakyat mo na lahat 'yan para hindi ka na pabalik-balik." Ibinigay ng katulong lahat ng gamit ni Duncan sa pagpipinta na inakyat niya agad-agad. "M-may kailangan ka pa ba?" tanong niya kay Duncan. Hindi naman ito sumagot kaya lumabas na siya sa silid. Naka-lock ang kwarto nito nang subukan niyang bumalik ng alas nueve ng gabi. Bumalik siya ng alas onse at ganoon din. Alas sais na ng umaga siya nakapasok ng silid nito at tumambad sa kanya ng gamit nito sa pagpipinta na nagkalat sa sahig. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon at inayos sa office table nito. Ang canvas board ay sira rin tanda nang pagtapon sa dingding. Ang mga ink ay tumigas na sa sahig na kailangan niyang kuskusin. Napahugot siya ng malalim na hininga. Isang araw pa lang siyang nagsisilbi kay Duncan ay awang-awa na siya sa sarili. Habang kinukuskos niya ang sahig ay hindi niya mapigilan ang mapaluha. Ganito ba kalupit ang mga mayayaman sa mahihirap na tulad niya? Si Thea ay itinuturing niyang mayaman. At ginamit nito ang pagiging mahirap niya para mapasunod sa mga gusto nito. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya mananatiling mahirap sa habang panahon. Anim na buwan. Pagkatapos ay aalis siya sa bahay na ito at hindi na babalik sa buhay ni Duncan at Thea kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD