Chapter 4

2076 Words
Maagang tinawagan ni Duncan si Thea kinabukasan para pigilan pa rin ang girlfriend na umalis ng bansa. "Can you come today?  I need you to take care of me, not your best friend," madiin niyang wika habang kausap si Thea.  Tapos nang kuskusin ni Layla ang mga kalat niya sa sahig at malinis na rin ang kwarto niya.  "Okay sige, nandiyan ako mamaya.  Anong pagkain ang gusto mo para madala ko?" tanong nito. "Anything.  I don't need the food.  I need you." Matapos kausapin ang girlfriend ay tumanaw siya sa labas ng bahay mula sa balkonahe.  Magtatatlong linggo na mula nang mangyari ang aksidente at malapit nang matuyo ang tahi niya sa paa.  Sa susunod na linggo ay uumpisahan naman ang therapy niya para makapagsimula na siyang ilakad muli iyon.  He sighed in desperation.  Habang ang mga ka-teammates niya ay abala sa practice ngayon, siya ay nakakulong sa silyang de gulong.  He was a star player.  Kahit ang coach niya ay dismayado na hindi siya makakasama sa international competition.   That alone breaks his heart.  At ngayon ay nanganganib pa na masira ang engagement nila ni Thea dahil hindi niya ito mapigilan sa pagpunta sa Macau.  Bumukas ang pinto ng silid niya at bumungad ang babaeng dahilan ng pagkakakulong niya sa wheelchair.  Inilapag nito ang tray ng pagkain at inilapag sa bedside table.  "Kumain ka na para makainom ka ng gamot..." Hindi siya sumagot.  Ni hindi niya ito nilingon.  Pero alam niyang tatayo lang ito roon na tila estatwa hangga't hindi siya nagsasalita. "Leave me alone," mahina niyang wika.  Marahan naman itong tumango saka tumalikod.  Nakita niyang inayos nito ang ilang gamit niyang nakakalat saka nagtungo sa banyo.  Pagkatapos ay lumabas ng silid niya dala ang mga damit niyang pinagbihisan. Hapon na dumating si Thea na ikinainis pa niyang lalo.  He wanted to spend the whole day with her, pero alam niyang ilang oras lang itong maglalagi roon at aalis din agad.  "You look better!  Sabi na sa 'yo magaling na nurse 'yang si Layla eh," masayang wika nito habang nasa kama sila ng girlfriend at naka-on ang malaking TV niya sa silid.  "Mas maayos ang kalagayan ko kung ikaw ang mag-aalaga sa 'kin.  Why do you have to leave me in this condition?  Ayaw mo na ba sa 'kin dahil sa kalagayan ko?" pagsisintir niya. "You're overreacting, babe... Alam mong matagal ko na ang pangarap na manirahan sa ibang bansa." "So, hindi talaga bakasyon ang pakay mo 'dun?" Sandaling natigilan si Thea saka na-realize ang sinabi.  "Six months is not a long time, babe.  Pag nakalakad ka na puwede mo akong puntahan doon at magbakasyon bago ka ulit sumabak sa practice." "Paano ang wedding preparation natin?" "Wala pa naman tayong naka-set na date, pagbalika natin dito madali na 'yan.  Bakit ka ba nagmamadali na makasal tayo?" "I want to spend my time with you everyday.  'Yung paggising ko kasama kaagad kita." "Sige.  Pagbalik ko dito for sure magaling ka na, aayusin natin ang kasal.  Okay?" Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya bago niyakap si Thea.  Hinawakan niya ang mukha nito at inangkin ang mga labi.  Thea responded right away.  Kung hindi siya imbalido ngayon ay tiyak niyang mauuwi sila sa pagtatalik.  Thea was hot in bed.  Lagi nitong pinupukaw ang p*********i niya.  "I have to go, babe.  Maaga ang flight ko bukas." Napasimangot siya at hindi itinago ang inis.     Wala na talagang paraan para mapigilan niya ang kasintahan sa pag-alis. "Can't you stay overnight?  Anim na buwan tayong hindi magkikita ah!" "Of course not!  Tatawagan kita sa videocall araw-araw.  Hindi mo mamamalayan nandito na ako ulit." Isang mapusok na halik ang ibinigay ni Thea bago pa siya magsalitang muli.  Thea knows how to zip his mouth.  Always.  Kapag nagtatalo sila ay ito ang ginagawa nito para lang matapos na ang diskusyon.  Then they would end up having s*x.  Ipinagtataka lang niyang hindi pa ito nabubuntis gayung tila sila mag-asawa na sa dalas na magtalik. "I will miss you..." Hinawakan ni Thea ang p*********i niya pero pinalis niya ang kamay nito.  Wala siya sa mood makipagtalik sa ganoong kalagayan.  Hindi siya ang lalaking hihilata lang sa kama at hahayaan ang babae na dominantehin siya.  He wasn't a lousy lover.  Never. "Mag-iingat ka sa biyahe..." sa huli ay wika niya bago nagpaalalay na sumakay sa wheelchair. "I will.  Magpagaling ka kaagad para makasunod ka sa Macau.  Okay?"   "I love you," pahayag niya kay Thea pero hindi na ito sumagot bagkus ay hawak na nito ang lipstick at nag-retouch.  Bago ito umalis ay nag-iwan pang muli ng isang mapusok na halik sa kanya. And then the door closes.  Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot nang lumabas ito ng silid niya.  Ipinilig niya ang ulo saka kinuha ang remote at naghanap ng mapapanood.  Wala siyang ibang puwedeng gawin kung hindi ang hintayin na lang ang araw na makakalakad siyang muli. ---- "Bakit ikaw ang naglalaba ng damit ni Duncan?  Katulong na ang bahala d'yan, iwanan mo na 'yan d'yan," narinig ni Layla na wika ni Danica Albano nang mabungaran siya nitong nagkukusot ng mga damit ni Duncan.  "Kaunti lang naman ho ito, ma'am.  Para makabayad ho ako ng atraso ko sa anak niyo." "Ssshh... Tumayo ka d'yan.  Kapag inaway ka ng anak ko'y magsabi ka sa akin.  You're his nurse, not his maid.  Maraming katulong ang gagawa niyan." "Hindi na ho," pagpipilit niya.  "Wala din naman akong gagawin kung hindi painumin ng gamot ang anak niyo every four hours.  Hindi ko nga ho alam kung bakit kailangan pa niya ng nurse eh puwede naman hong katulong ang gumawa nun." "My son was the one who insisted it.  Maybe he thought that his girlfriend would take care of him.  Pero dahil papuntang ibang bansa si Thea, ikaw tuloy ang naipit.  Pagpasensyahan mo na ang ugali ng anak ko, mabait naman si Duncan." "Huwag ho kayong mag-alala.  Malaki ho ang utang na loob ko sa pamilya niyo dahil hindi ako nakulong dahil sa nangyari.  Kaya okay lang ho ba magsilbi ako dito para makabayad ho ako ng utang na loob." Walang nagawa ang ina ni Duncan dahil hindi siya nagpaawat sa paglalaba.  Kung makakabayad siya ng utang na loob sa mga Albano sa ganitong paraan ay gagawin niya.  Mula ngayon ay hindi niya na gusto pang malubog ulit sa  utang sa kaninuman. Pero tila ibinabadya naman ng pagkakataon na hindi siya makaahon sa hirap dahil bago dumating ang gabi ay tumawag ang Nanay niya dahil nasa ospital ulit si Ana.  Nahihirapan daw itong huminga.  At tulad ng dati, si Thea ulit at ang ama nito ang umako sa mga gastusin nila sa ospital. Hindi niya napigilang umiyak.  Habang pinipilit niyang umahon ang sarili sa kahirapan ay lalo siyang inilukugmok ng kapalaran.  Gusto na niyang sumuko pero naiisip niya ang pamilya niya.  Kapag lumayo siya at tinalikuran na lang ang responsibilidad ay baka mamatay ang kapatid niya.  Wala siyang ibang puwedeng gawin ngayon kung hindi pagtiisan ang kapalaran niya.  Gusto man niyang tanggihan ang tulong ama ni Thea ay wala rin naman siyang ibabayad sa ngayon.  Ni hindi niya alam kung paano pagkakasyahin ang limanglibo na matatanggap niya sa pag-aalaga kay Duncan. Matapos niyang ibaba ang telepono at umiyak ay inayos niya ang sarili.  Oras na para painumin niya ng gamot si Duncan.  Tumunog ang telepono niya at nakitang si Loi ang tumatawag.  Isa iyong ahente sa isang sikat na club na matagal na siyang kinukulit na pasukin ang trabaho sa La Guardia Executive Club.  Nakilala niya si Loi sa isang event sa Albano Hotel na dinaluhan nila ni Thea.  One of Albano Corp.'s anniversary party almost two years ago.  Nang mag-abot ito ng calling card sa kanya ay natuwa siya, pero nang malaman ang alok nito ay napalitan din ng pagkadismaya.  Kahit gaano sila kahirap ay nagagawa pa naman niyang itaguyod ang pag-aaral sa pamamagitan ng scholarship.  Pero sinabi ni Loi na marami sa kaklase niya ang sumasayaw na sa club na 'yun.  She doesn't necesessarily have to table a DOM.  Ang offer sa kanya ay maging usherette lang naman.  Pero dahil sa konserbatibong pananaw ay hindi siya nito mapapayag.  But Loi became her friend, dahil na rin sa dalas nitong tumambay sa campus nila.  Si Thea naman ay laging nakabuntot kay Duncan noong mga panahon na 'yun. "Yes?" "Umiiyak ka ba day?" "H-hindi naman," sagot niya habang pinipilit kalmahin ang boses.  "Umiiyak ka na naman.  Ano ang probema?" "Nasa ospital na naman kasi si Ana.  Hindi ko man lang siya madalaw," pagdadahilan niya.  "Saang ospital ba?  Ako na ang dadalaw para sa 'yo." "Sa St. Luke's..." "Nasaan ka ba?  Wala ka ba sa ospital?" "N-nasa duty ako pero hindi sa ospital.  P-private nurse ako ngayon..." "O siya, sige.  Aalamin ko ang kalagayan ng kapatid mo." "Huwag na, Loi.  Mabuti naman na daw ang lagay niya..." pagtanggi niya.  Hindi niya gustong dumagdag pa ng utang na loob sa ibang tao.  At kapag kay Loi siya nalubog ay isa lang ang kapupuntahan niya. Isang prostitute. "Bakit ka nga pala napatawag?" tanong niya sa ahente. "Hay naku, eto na nga.  Kinukulit ako ni Mr. La Guardia na tawagan ka.  Nakita ka yata niya noong isang linggo sa jeep, type na type ang beauty mo day!  Kanina pinagalitan ako bakit hindi pa raw kita nadadala sa opisina niya." "Alam mo kung ano ang sagot ko d'yan.  May matino naman akong trabaho sa ospital para pasukin ang pagsasayaw sa club, Loi." "Naku, Layla, iba na ang alok ni boss sa 'yo.  Hindi ka papasok sa club kung hindi ang assistant na lang niya." "Paanong assistant?  Nursing ang tinapos ko, wala akong background sa pagtatrabaho sa opisina." "Hindi ka naman magtatrabaho as in uupo ka sa opisina maghapon.  Sasama ka lang sa mga lakad ni boss kung sa'n siya magpunta.  Ganun lang!" excited na wika pa ng kausap.  "Mataas ang pasweldo, nasa one hundred thousand kyaw, Mama!" Napapikit siya sa offer na 'yun.  Kung wala na siya sa tamang pag-iisip ay tatanggapin niya iyon ora mismo.  Napakalayo ng isang daang libo sa limang libo na matatanggap niya sa mga Albano bilang katulong.  Muli na naman siyang napaiyak. "P-puwede bang pag-isipan muna?" "O sige, tatawagan kita ulit sa susunod na linggo baka naman makapagpasya ka na.  Huwag kang mag-alala, mabait si boss.  Tiyak na hindi lang 'yan ang matatanggap mo kapag nagkasundo kayo." Nang ibaba niya ang telepono ay napaupo siya sandali sa kama.  Kilala niya si Mr. Dela Guardia at nakita niya na ito minsan sa isang event ng University nila.  Iba ang pagkakatitig nito sa kanya kasabay ng pagbulong sa katabi nitong bodyguard.  Nag-research na rin siyang minsan sa club na pag-aari nito.  Isa iyong high-end club na exclusive lang sa mayayaman.  Ang mga babae doon ay kumikita ng dalawang libo sa loob lamang ng isang oras.  Kung ano ang magiging trabaho nito ay hindi niya masagot.  Pero tiyak niyang hindi iyon marangal. Hindi naman niya masisisi ang iba kung bakit pumapatol na lang sa ganoong trabaho.  Easy money.  Kung kaya mong masikmura na iba't ibang lalaki ang kaulayaw mo sa gabi ay yayaman kang talaga.  Hindi mo na kailangang magkuskos ng sahig o maglaba ng damit ng iba at magsilbi para lang makatanggap ng limang libong piso. Kung sakaling tanggapin niya ang alok na trabaho ni Loi ay makakawala siya sa lahat ng paghihirap na pinagdadaanan niya ngayon. Hindi na rin kailangang lumapit ng pamilya niya kay Thea at sa ama nito. Mas lalong hindi na niya kailangang manilbihan kay Duncan sa loob ng anim na buwan. "Layla!" Isang sigaw ang nagpabalikwas sa kanya mula sa pagkakaupo sa kama. Dahil sa tawag ni Loi ay nakalimutan niyang dapat nang painumin ng gamot si Duncan. Mabilis na bumaba para kumuha ng tubig. Pag-akyat niya'y umuusok na sa galit ang ilong ni Duncan. "Wherr the hell have you been?! Ako pa ba ang magpapaalala ng mga gamot na iinumin ko sa 'yo?!" "Sorry..." Pahablot na kinuha ni Duncan ang baso saka mabilis na nilagok ang tubig pagkainom ng gamot. "Bakit ka umiyak?" tanong nito na ikinabigla niya. Natigil ang akma niyang pagkuha sa tray para sagutin ang tanong nito. "M-may problema lang ho sa bahay..." "Like what?" Umiling siya pagkatapos ay niligpit ang pinagkaininan nito kanina. Hindi na nito kailangang malaman kung gaano siya kadesperado sa buhay ngayon. Baka lalo lang siyang gipitin at mawala pa ultimo limanglibo na sinabi nitong matatanggap niya. "Tawagin niyo na lang ho ako ulit kung may kailangan kayo," wika niya saka tuloy-tuloy na lumabas sa silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD