Gusto na namang mainis ni Duncan kay Layla dahil sa pag-snob nito sa tanong niya. He wasn't trying to be friendly to her. Pero may kung anong kirot sa puso niya nang makita itong namumula ang mata sanhi ng pag-iyak. Nang sabihin ng Mommy niya na nasa ospital ang kapatid nito at nakitang umiyak si Layla pagkatapos nitong makipag-usap sa telepono ay nakonsensiya siya. He was cruel to her for the last few days. Lahat ng frustration niya sa buhay ay ibinunton niya dito pero wala itong ginawa kung hindi ang yumuko lang at itago ang pag-iyak.
Muli niyang inalala ang una nilang pagkikita ni Layla. Nagbakasyon siya sa Lola niya sa Batangas nang isang linggo dahil may sakit ang Lola Silvia niya noon. She caught his attention and curiousity. Pero nang magtangka siyang magpakilala ay umiwas kaagad ito na tila siya may nakakahawang sakit. Si Thea ang lumapit sa kanya at nagpakilala hanggang ito ang nakapalagayan niya ng loob.
Hanggang sa magkagusto siya kay Thea at magkaroon ng relasyon sa dalaga ay hindi pa rin sila naging magkalapit ni Layla. Pero hindi niya pa rin maiwasang humanga sa ganda nito na hindi nakakasawang titigan. She has expressive eyes, velvety eyelashes, and rosy lips. She's sexy and seductive even if she doesn't move or talk. Tila may karisma ito na sadyang nakakaakit sa kalalakihan. In fact, hindi rin iilan sa mga teammates niya ang gustong makipagkilala at manligaw dito dahil madalas itong kasama ni Thea kapag nanonood ng laro nila. Pero pagkatapos ay aalis kaagad ito bago pa man sila makalapit. In short, she was a snob.
Sa loob ng apat na taon nilang magkarelasyon ni Thea ay bilang lang sa daliri niyang nakakausap si Layla. Ngayon lang niya ito nakausap nang sila lang, at ngayon lang niya ito nakakasama nang sila lang. Kapag kasama niya ang girlfriend at nagkataong naroon si Layla ay isang ngiti lang ang ibinibigay nito tapos ay nakatuon na ang atensyon sa librong hawak. Isa iyon sa naaalala niya sa dalaga -- she loves reading. O marahil ay iyon lang ang paraan nito para hindi mainip sa tila pag-chaperone kay Thea.
Kinabukasan ay isang text message na lang ang natanggap ni Duncan mula sa girlfriend. Nasa airport na raw ito at sasakay na sa eroplano anumang oras. Itinapon niya ang telepono sa dingding dahil sa inis. Wala na si Thea at ang kasama niya ngayon sa araw-araw ay ang babaeng walang kagana-ganang kausap.
Bumukas ang pinto ng silid niya at bumungad ang babaeng kinaiinisan niya sa napakaraming dahilan. Kung hindi lang magagalit ang Daddy niya'y palalayasin niya na naman si Layla na pangatlo na sa pinalayas niya kung sakali. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang inis sa dibdib.
"Lilinisin ko ho ang sugat niyo."
Tumango siya pagkatapos ay umupo si Layla sa sahig at nagsimulang ihanda ang gamit sa paglilinis ng sugat niya. Habang may ginagawa ito ay nagawa niyang pagmasdan ang mukha nito na iilang beses pa lang niyang natitigan.
She has spanish facial features. Gumana ang imahinasyon niya nang titigan niya ang makipot nitong labi. Agad niyang iniiwas ang mga mata para hindi siya matukso.
"Sir, nasa ibaba ho ang mga kaibigan niyo," wika ng katulong na sandaling sumilip sa silid niya.
"Sinong kaibigan?"
"Sila Conrad at Harry ho."
He rolled his eyes in disbelief. Hindi niya sana gustong makaharap ang mga kaibigan dahil iinggitin lang siya sa pag-alis ng bansa para sa competition. Matagal nang pangarap ng buong team ang lumaban internationally. Kung kailan makakalaban na nila ang ilang sikat na soccer players sa buong mundo ay saka naman siya naging imbalido.
"Send them in," sa huli ay wika niya. Pagkatalikod pa lang ng katulong ay bumungad na ang dalawang kaibigan.
"Hey, bro! How are you?" halos sabay na tanong ng dalawa.
"Sick and tired of sitting," tamad niyang sagot. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paghanga nang makita si Layla na naroon sa silid niya.
"Ano ang ginagawa ng magandang chick dito sa silid mo? Alam ba ni Thea 'to?" tudyo sa kanya ni Conrad kasabay ng pilyong ngiti.
"Layla is my nurse," tamad niyang sagot.
"A nurse indeed! Iba talaga kapag doktor ang tatay, kapag naospital ang anak, isang magandang chick kaagad ang nurse!" pahayag naman ni Harry saka nagtawanan ang dalawa. Naiiling na lang siya sa biro ng mga ito. Si Layla naman ay tahimik na nililinis lang ang sugat niya.
"Seriously, bro. Alam ba ni Thea 'to?"
"She suggested it," sagot niya. "Kasama niya si Layla dito nang magpaalam siyang pupunta sa Macau."
"Nasa Macau si Thea?" tanong ni Conrad. Marahan siyang tumango.
"That's bad. Pero magpasalamat ka na rin dahil isang magandang babae ang iniwan niya sa 'yo. Tiniyak niyang hindi ka mabo-bored."
Isang warning look ang ibinigay niya kay Harry na siniko naman ni Conrad.
"Ano ka ba, forever loyal 'tong si Duncan sa girlfriend niya," wika pa nito.
"So, kailan ka makakalakad niyan?" Umupo si Conrad sa sofa habang nakatitig kay Layla na gusto niyang harangan. Isang kibit balikat lang ang isinagot niya.
"Hi, I'm Harry." Umupo ang kaibigan sa tabi ni Layla imbes na sa tabi ni Conrad. Pinanonood nito kung paano linisin ni Layla ang tahi niya sa paa.
"Layla ho..." Ngumiti ang dalagang nurse sa kaibigan niya na gusto niyang manibugho. Marunong naman pala itong ngumiti at makipagkaibigan.
"Huwag mo naman akong hino-ho. Lahat ba ng sugat ginagamot mo? Pati ba ang sugat sa puso?" biro ni Harry. Isang matamis na ngiti muli ang ibinigay ni Layla bago itinuloy ang ginagawa.
"May boyfriend ka na?" pangungulit pa ni Harry. Marahan lang umiling si Layla.
"Sa ganda mong 'yan?"
Sumungaw ang dalawang dimple ni Layla sa pagngiti na ikinainis niya dahil para namang kinilig pa si Harry sa iniukol na atensyon ng nurse niya dito.
"Puwede bang huwag mong istorbohin ang nurse ko?"
"Baka masisante ako sa trabaho kapag nakipag-usap ako sa inyo," nahihiya naman nitong wika saka itinuloy ang ginagawa.
"Kailan ang day-off mo? Puwede bang makuha ang number mo?"
"Wala ho akong day-off at hindi rin puwede sa trabaho ko ang telepono."
"Oh, c'mon... Natatakot ka lang sa amo mong 'yan eh. Ako na lang ang mag-iiwan ng number ko. Call me when you're free. I'll get your call even if it's midnight." Kumindat pa ito kay Layla na gusto niyang sipain ang kaibigan kung naikikilos lang niya ang mga paa.
Inip na inip siyang matapos ni Layla ang ginagawa para mapaalis nya na ito sa silid. Harry and Conrad are know as womanizers. Hindi palalagpasin ng mga ito na akitin si Layla na matagal nang gustong lapitan noon pa man.
"You may go now. Tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako," wika niya sa dalaga nang matapos itong maglinis ng sugat niya.
"Perfect ten talaga, Pare!" buong paghanga na wika ni Harry nang makalabas si Layla sa silid niya. "Kailan mo pa naging nurse ang kaibigang 'yun ng girlfriend mo?"
"Few days ago," tipid niyang sagot. "Kumusta ang team?"
"Ayun, disappointed si coach dahil malaking kawalan ka sa team, alam mo naman 'yan. Paano na ang competition natin?" sagot ni Conrad.
"Hindi mo ba talaga kayang magpagaling sa loob ng isang buwan? Baka naman nagpapabebe ka lang dahil maganda ang nurse mo," tudyo muli ni Harry.
"Oo nga, bro. Na-move ang competition dahil sa Asean Summit na gaganapin sa Myanmar. May panahon ka pa para magpagaling," sulsol naman ni Conrad.
"I don't know if the therapy would work faster on me. Ayokong umasa at mabigo. Sitting here all day was frustrating already."
"C'mon, Duncan. You're not weak. Sa isip mo lang 'yan. Isipin mong matagal na nating pangarap ang maipanalo ang team internationally. This is our chance."
Tama ang sinabi ni Conrad. Pero ayaw niya nang balik-balikan ang kaisipang iyon dahil bumabalik lang ang lahat ng frustrations niya hanggang sa maibunton niya ang lahat kay Layla.
"I'll ask my doctor. Sa susunod na buwan pa ang start ng therapy ko at doon ko pa lang malalaman kung mapapabilis ang paglalakad ko nang normal."
"You still have two months to recover, bro. Malaki ang paniniwala namin na kaya mong humabol. Otherwise, the team won't make it even on semi-finals."
Nagkaroon siya ng drive para piliting makapaglakad kaagad. Hindi rin naman niya gustong magtagal sa wheelchair.
Nang makaalis ang mga kaibigan ay kinausap niya ang Mommy niya. Natuwa naman ito sa pagbabago ng mga desisyon niya.
"I'm glad you've come to your senses right away, son," nakangiting wika ng Mommy niya. "Pupuntahan natin ang doktor mo bukas para ma-check ang kondisyon ng mga paa mo. How do you feel right now?"
"Nagkakaroon naman na ng pakiramdam, Mommy. Kahapon ay naigagalaw ko na ang isa pero ayaw ko lang puwersahin."
Naramdaman niya ang mga paa nang hawakan ni Thea ang bagay sa pagitan ng mga hita niya. Pinigilan niya ito at naiharang ang isang paa habang nakaupo sila sa kama. He wondered why Thea didn't notice. Samantalang si Layla ay laging kinukumusta ang pakiramdam niya at ikinatutuwa ang bawat makitang improvement sa kanya.
Nang makaalis ang ina ay naisip niyang lumipat sa kama at pinilit na maigalaw ang mga paa. Hindi na ito manhid katulad noong nakaraang linggo, pero ramdam pa rin niya ang panlulupaypay nito kapag pinipilit niyang igalaw. Nang maisampa niya ang kalahati ng katawan sa kama ay na-stuck na siya sa ganoong ayos.
"Duncan!"
Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig at agad napairap. Hindi niya gustong datnan siya nito sa ganoong ayos at pagtawanan.
Ang he felt helpless at that time. Wala na siyang nagawa nang hawakan ni Layla ang baywang niya at alalayan ang paa niya pasampa sa kama. She was hugging him. Ang ulo niya'y naibaon niya sa leeg nito nang hindi sinasadya, smelling her perfume and sniffing it more. Gusto ring kiligin ng puso niya nang maramdaman ang malambot nitong kamay sa katawan niya.
Alam ba ng babaeng ito ang malakas na karisma nito sa mga lalaki?
"Naitukod mo ang paa mo sa sahig?" tanong nito na minasahe ang binti niya. Kung dati ay wala siyang nararamdaman kapag minamasahe ito ng dalaga, ngayon ay nabubuhay ang himaymay ng kalamnan niya. Hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat 'yun o hindi.
"Y-yes. Pero nabuway din pagkatapos."
"It's a good sign." Napangiti ito sa sinabi na gusto niyang matunaw. Kung magsalita si Layla ay parang nanalo ito sa lotto o nakakuha ng tiket papuntang Paris.
"What do you mean?"
"Mapapabilis na ang recovery mo, lalo na kapag may tulong ng therapy. Sana'y makalakad ka na para mawala na ang bigat sa dibdib ko. Araw-araw kong pinagsisisihan na... na sinubukan kong i-drive ang kotse ni Thea..."
Iniiwas niya ang tingin nang bumalik sa paglamlam ang mga mata nito. Kanina lang ay tila nawala na ang pader sa pagitan nila, pero bumalik muli nang ungkatin nito ang pagkaka-aksidente niya.
"Dalhin mo na lang ang dinner ko kapag nakaluto na si Manang," wika niya saka kinuha ang blanket at ipinatong sa mga hita. Tumango naman si Layla saka tumalikod at lumabas sa silid niya.