Chapter 6

1398 Words
"Where's Layla?" tanong ni Duncan sa ina nang pumasok ito sa silid niya para magpainom sa kanya ng gamot.  "I sent her home.  Dalawang linggo na siya dito at kailangan niyang madalaw ang pamilya niya," sagot naman ni Danica Albano. "Hindi ba dapat ay buwanan ang day-off niya?" mataktikang wika niya ulit.  Noong isang araw ay nanggaling sila sa doktor at sinabi nitong maaari nang simulan ang therapy niya paunti-unti. "Ako ang nag suhestyon na umuwi muna.  I don't like your attitude towards her.  Inuunawa lang kita noon dahil alam kong marami naisakripisyo dahil sa pagkakabangga mo.  Pero hindi 'yun dapat maging daan para mang-api ka ng kapwa.  Layla was too kind to accept your ruthlessness." Hindi na siya sumagot sa ina dahil hahaba pa ang anumang sasabihin nito.  Pero tila bumigat ang dibdib niya sa kaalamang wala si Layla sa poder nila ngayon. "Pa'no kung hindi na s'ya bumalik?" pagkuwa'y tanong niya.  "Then we'll hire someone else.  Napakaraming nurse na mag-a-apply, Duncan," sagot ng ina.  Does he need another nurse aside from her?  No. "Paano ang pinag-usapan natin na siya ang magbabayad lahat ng gastusin ko sa therapy?" inis niyang wika.  "Hindi niya maaaring takasan ang ginawa na sa 'kin, 'Ma!  Make sure she'll come back!" Napatitig ang ina sa kanya kaya iniiwas niya ang tingin.  "Your therapy is two thousand and five hundred a day.  Kung apat na beses mong balak papuntahin ang therapist sa isang linggo, that's ten thousand pesos, Duncan.  Pagkatapos ay gusto mong bente kwatro oras na nakabantay si Layla sa 'yo.  Sigurado ka bang gusto mo talaga siyang parusahan?" "We already agreed, 'Ma," sagot niya sa ina habang nililipat ang channel ng TV para maghanap ng mapapanood.  Hindi niya gusto ang tinutumbok ng usapan nila ng Mommy niya na ipinagtatanggol si Layla.  "There are thousands of accidents happen everyday, son.  Kalahati niyon ay tinakbuhan na ng naka-aksidente.  Masuwerte ka dahil handa si Layla na panagutan ang nangyari sa 'yo.  But that's too much.  Hindi ako papayag na limang libo lang ang sasahurin niya gayung ultimo paglalaba ng damit mo ipinagawa mo na sa kanya.  Hindi ka namin pinalaki para mang-apak ng tao na nasa ibaba dahil lang nasa taas ka." Tila napahiya naman siya sa sinabi ng Mommy niya.  Totoong laging sinasabi ng mga magulang na dapat ay lagi silang nakatapak sa lupa, walang aagrabyaduhin at huwag maging mapagmataas.  But he and Danzel have temperamental behavior growing up.  Madaling magalit at madaling uminit ang ulo.  Even their father tried to tame them.  Pero ganoon nga siguro kapag lumaking may gintong kutsara sa bibig at laging nakukuha ang gusto.   Unfortunately, literally, and definitely... Layla wasn't one of them.   Ni hindi ito nagpakita ng interes sa kanya kaya siguro mainit ang dugo niya sa dalaga.   Sa inis ay tinawagan niya si Thea pero hindi ito sumasagot na lalo niyang ikinainit ng ulo.  Titiyakin niyang kagagalitan niya si Layla pagbalik dahil sa  hindi nito pagpapaalam na magdi-day-off. ---- "Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ni Layla sa kapatid nang umuwi siya sa bahay nila.  Madaling araw siyang umalis sa bahay ng mga Albano na hindi na siya nakapagpaalam kay Duncan.  Si Danica Albano ang nagbigay sa kanya ng pahintulot na dalawin niya ang pamilya niya. Tulog pa rin ang kapatid at mga magulang nang dumating siya.  Hindi na nakakapasok sa eskwela si Anna dahil pinagbawalan na ng doktor.  At ngayon ay sandamakmak na gamot at vitamins ang iniinom nito para sa preparasyon ng nalalapit nitong pagpapa-opera.   Na kung saang kamay ng Diyos niya kukuhanin ang pambayad ay hindi niya alam. "Okay naman ako, ate.  Hindi na ako madalas nahahapo 'di tulad dati." "Pag-iipunan natin ang pagpapagamot mo.  Huwag mo nang panghinayangan ang pag-aaral mo.  Kapag gumaling ka na, puwede ka naman mag-aral ulit." "E ikaw, ate?  Baka naman mahirapan ka kakapagamot sa akin, wala nang natitira sa 'yo." "Hay naku, ano ka ba.  Madaling kitain ang pera, mahirap maghanap ng mabait na kapatid.  Huwag mong isipin 'yun.  Ang isipin mo kung paano ka gagaling para matupad mo pa ang mga pangarap mo.  Okay?" Naiiyak na tumango si Ana kaya niyakap niya ito para itago ang pamumula rin ng mga mata.  Hindi niya puwedeng ipakita sa kapatid ang kahinaan niya dahil lalo lang itong mawawalan ng lakas ng loob.   "Kumusta naman kayo dito?" "Okay naman, ate.  Si Tatay nga gusto ulit mamasukan, kaso ang sabi ni Nanay ayaw niyang maiwan kaming dalawa lang kasi hindi ako maitatakbo sa ospital kaagad kapag sinumpong na naman ako." Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya.  Sa trabaho niya bilang nurse ay nakakaraos naman sila kahit paano sa gastusin sa bahay at pag-aaral ni Ana.  Pero ang dagdag na gastusin sa gamot at madalas na pagpapa-ospital ang sumasaid sa wallet niya dahilan para kailanganin ang tulong ni Thea at ama nito.  Bagay na gusto na sana niyang itigil.  Pero paano? Pagdating ng hapon ay dumating si Loi na ikinagulat niya.  Wala silang usapan at hindi siya nagsabi na nag-day-off siya.  Noon niya nalaman na nagpadala na ito ng grocery noong isang linggo. "Ayaw kong magkaroon ng utang sa 'yo, Loi," mabilis niyang tanggi. "Ano ka ba!  Tulong 'yan mula sa 'kin, hindi kay boss.  Alam ko ang kalagayan mo dahil nagkasakit na rin ang Papa ko at alam ko ang pakiramdam na walang-wala." "Bakit ka nga pala napadalaw?  Natyempuhan mo pa talaga ako dito ha."  Pinasigla niya ang tinig para itago ang lungkot.  "Si Ana naman talaga ang dinalaw ko.  Pero dahil nandito ka na rin lang, bakit hindi na natin pag-usapan ang pag-hire ni boss sa 'yo?  Nalaman ko sa Nanay mo na kailangan niyo ng malaking halaga para mapaopera na si Ana.  This is your chance.  Hindi lang naman ikaw ang kakapit sa patalim kung sakali." "Hindi ako sanay sa ganyang trabaho.  Alam mo namang bahay at school lang nag puntahan ko lagi dati.  Kung hindi lang kay Thea ni hindi ako makakapasok sa mga club." "Alam ko 'yun.  Kaya nga ibang trabaho ang ibibigay ko sa 'yo.  Kapag nasa casino si boss doon ka lang sa tabi niya.  Ipapalagay ko sa kontrata mo na uuwi ka rin pagkatapos.  No touch, no kissing... Puwede mo s'yang idemanda kapag lumabag siya." Gusto niyang matawa sa magiging trabaho niya kung sakali.  Ganoon na ba talaga ang mayayaman?  Magtatapon ng pera para sa mga ng babaeng i-escort sa mga ito?  Habang ang mahihirap na katulad niya ay halos ipagdasal pa niya sa Quiapo makahanap lang ng pera at maipagamot ang kapatid na maysakit.  "Puwede bang pagkatapos na lang ng duty ko sa pasyente ko ngayon?   Anim na buwan ang kontrata ko pero baka makiusap akong tatlong buwan na lang kung mapapabilis naman ang paggaling ng pasyente," pakiusap niya.  "Kung kaya mo namang magsimula kaagad kay boss e di bayaran na lang natin ang kontrata mo d'yan.  Siguradong maglalabas ng pera si boss para makawala ka sa pinirmahan mong kontrata," suhestyon naman nito na lumuwag ang pagkakangiti.  Pero marahan siyang umiling. "Tatapusin ko pa rin ang tatlong buwan, Loi.  May responsibilidad ako sa pasyente ko kasi ako ang nakabangga.  Ang usapan namin ay ako ang mag-aalaga para lang iatras nila ang kaso sa 'kin," pagdadahilan niya.   "O siya, sige.  Pero ito ang one hundred thousand." "Loi..." "Para sa pamilya mo 'yan.  Huwag ka ngang laging nahihiya.  Isipin mo na lang na natutulungan mo rin ako.  Kapag maganda ang balitang inaabot ko kay boss, malaki rin ang tip na nakukuha ko." Nang makaalis si Loi ay lalo siyang nagkaroon ng bigat sa dibdib.  Ito ang unang beses na tumanggap siya ng malaking pera sa tauhan ni Mr. dela Guardia.  Ito na rin ang simula nang pagtapak niya sa mundo ng escort girls na tinatawag.  Alam niyang hindi na papayag si Loi na umatras pa siya sa usapan nila. Gusto niyang umiyak pero pagod na rin siya.  Kung ito ang kapalarang gustong ibigay sa kanya ng Diyos ay wala na siyang magagawa.  Kahit anong ahon niya sa sarili ay lagi naman siyang binibigyan ng dahilan para malugmok ulit.   Pinahid niya ang luhang nagbabadyang tumulo saka inayos ang sarili.  Kailangan niyang makabalik na sa mga Albano dahil may responsibilidad pa siyang kailangang tapusin.  Pagkatapos ay makakawala na siya sa pangungunsensya ni Duncan at Thea.  Gagamitin niya na lang ang alok ni Loi para iahon ang pamilya sa kahirapan.  Magiging mayaman siya at makakalayo na siya sa poder ni Thea.   Tatlong buwan.  Pagkatapos ay malaya na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD