Gabi na nakabalik si Layla sa mansyon ng mga Albano at agad siyang sinalubong ng isang katulong dahil kanina pa raw siya hinahanap ni Duncan. Mabilis naman siyang umakyat sa silid para magpalit ng nurse uniform. Hindi siya nagpaalam kay Duncan kaya't alam niyang abot-langit na naman ang galit nito sa kanya lalo na't hindi naman niya schedule ang mag-day-off. "Count ninety days more, Layla..." she told herself. Pagkatapos magbihis ay kumatok siya sa silid ni Duncan. Pagbukas niya ay naabutan niya itong nagbibihis habang nakaupo pa rin sa electric wheelchair. Kapag kailangan itong bihisan ay ang Mommy nito ang umaalalay sa anak. "Glad you're back! Napag-usapan niyo ba ni Mommy na ikakaltas sa limanlibo mo ang araw na hindi mo ipinasok ngayon?" sarkastiko nitong tanong. Isang mal

