Chapter 4 -Unwanted Demands

3375 Words
“What are you doing here, Oliver?” pakiramdam ko ay sumikip ang office sa biglaang pagpasok ni Oliver ng basta-basta. Kahit kailan talaga ay napakataas ng tingin nito sa sarili at may pagka-bastos ang pag-uugali. Honestly, I don't like his guts. Masyado siyang mahangin at feeling niya kung sino siya kung maka-asta porket siya ang nag-iisang tagapagmana ng business nila. “I am here to fetch you, Jillian. My parents asked me to pick you up for lunch. They wanted to see you, that is why I am here.” basta na lang itong umupo sa ibabaw ng table and placed his hand on it as well. “Busy ako ngayon, Oliver. Can’t you see, I have lots of things to do today. And as you can see also ay tambak ang mga paperworks na kailangan kong harapin so I can’t come with you.” umupo ako sa swivel chair at hinarap ang mga papeles na dinala kanina dito. Bigla na lang umangat ang kilay ko when he suddenly stood in front of me at basta na lang hinawi ang mga nasa ibabaw ng table kaya nalaglag ang ilan sa mga nasa ibabaw. “That can wait, my dear. Pero ang lunch natin with my parents can't.” pigilan ko ang sarili ko na mag-taas ng boses. As much as possible ay hinaharap ko ng maayos si Oliver dahil na rin sa request ng mga parents ko. But if not for them and their requests, malabong harapin ko ang isang ito. Kilala ang family nila Oliver Imperial at mataas ang tingin sa kanila ng nakararami, isa na dun ang mga magulang ko. Ewan ko ba kung bakit masyadong mataas ang tingin ng mga magulang ko sa taong ito na kung tutuusin ay wala pa naman siyang napapatunayan sa buhay. He is just on board for a free ride sa fame and name ng parents niya. Kung sa mga magulang pa siguro nito ay bilib ako dahil sa husay nilang magpatakbo ng business, pero sa isang ito ay malabong-malabo na mapabilib ako dahil bukod sa wala pang naaabot sa sariling pagsisikap niya ay mayabang pa. Huminga ako ng malalim pero bago pa ako makapag-salita ay bigla na lang nag-ring ang phone ko. “Papa.” “Andiyan ba si Oliver, Anak?” "Nandito po.” “Sumama ka sa kanya, Anak. May lunch daw kayo ng family niya ngayon. Tumawag sa akin si Mam Carolina kanina para magpaalam na inimbitahan ka nila for lunch today.” “Pero Papa…” “Anak, alam mo naman na malaki ang pwedeng maitulong sa atin ng pamilya ni Oliver hindi ba? Maliit na bagay lang naman itong hinihiling ko sayo na sana ay pagbigyan mo. Oliver’s family can help us in the future. Hindi lang ang buhay namin ng Mama mo ang aangat kung hindi sayo rin kung sakali man.” napa-buntong hininga na lang ako. Halos araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay parati niyang pinapa-mukha sa akin ang bagay na yan kaya kabisado ko na ang linya na yan. “Yes Papa I knew po.” “Their family can bring fortune sa atin pagdating ng araw, ayaw mo ba yun? Ang gusto lang naman namin ng Mama mo ay pakisamahan mo sila ng maayos, especially Oliver. Wala naman mawawala sa trabaho kung iiwan mo ito sandali. Marami naman oras para harapin ang mga trabaho jan pero ang makasama at maka-bonding mo ang mga Imperial ay bihira lang mangyari. Besides, papunta ngayon diyan ang Mama mo. Siya na ang bahala diyan kaya sumama ka na kay Oliver. Don’t be too hard on him. Alam ko naman na ayaw mo sa ugali niya pero please, pakiusap Jillian, treat him nicely even if you don’t want to.” muli akong napa-buntong hininga at tumingin sa bruskong nasa harap ko. Malapad itong nakangiti sa akin while his brow is arching. “Alright Papa.” wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon ulit dahil hahaba lang ang usapan namin ng father ko if I will reason out to him even more. “Very good, Anak. I love you, mag-ingat ka. Ikamusta mo kami sa parents ni Oliver.” “Opo Pa.” pinatay ko na ang tawag. “I assume that your father was telling you to come with me, right?” napa-iling na lang ako pero ang totoo ay bwisit na bwisit ako ngayon. Mula nang makilala nila Papa at Mama ang mag-asawang Fernando at Carolina Imperial ay palagi na lang ito ang bukambibig nila. At dahil sa nalaman ng parents ko na may gusto sa akin ang anak ng mga ito ay pinipilit nila akong makipag-lapit dito kahit pa ayaw ko. Wala naman sanang problema sa akin kung mabait at gentleman si Oliver, ang kaso ay daig pa nito ang buhawi sa lakas ng bilib nito sa sarili at napaka-yabang pa kung umasta. Ang brusko niyang kumilos na akala mo ay pag-aari niya ang buong mundo. Hindi pa naman ako bilib sa mga lalaking kagaya niya. Gusto ko ay simple lamang at mabait, hindi factor sa akin ang estado sa buhay basta ba ay masipag at determinado na may pangarap sa buhay. “As if I have a choice. Do I, Oliver.” “You don't, my dear. So let’s go. You knew that I hate waiting. That’s not one of my virtues.” nauna na itong lumabas ng office. Padabog kong kinuha ang shoulder bag ko at inis na sumunod dito. Pagdating sa labas ay nauna pa itong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Napaka-gentleman niya, hindi ba? Nakakainis talaga. Pagdating sa isang mamahaling restaurant ay nauna rin itong pumasok sa loob habang ako ay nakasunod lamang sa kanya. Nakita ko ang mag-asawang Imperial kaya pinilit kong ngumiti kahit pa in reality ay gusto ko na lang umalis dahil bwisit na bwisit ako sa anak nila. “Jillian iha, how are you?” sinalubong ako ni Tita Carolina at hinalikan ako sa pisngi. “Mabuti naman po, Tita. Kayo po, kamusta na po kayo?” “Maayos naman kami, Jillian. It’s good to see you again.” “Have a seat, Jillian. Sit beside my son.” sabi naman ni Tito Fernando. Wala na akong nagawa dahil wala naman ibang bakanteng upuan na pwedeng pagpilian maliban sa tabi ni Oliver. “I hope you don't mind Jillian pero nag-order na kami ng lunch natin.” simple lang akong ngumiti pabalik. “Alam mo ba iha why do we ask you to join us for lunch?” tumingin ako nang magsalita ulit si Tita Carolina. “Wala pong nabanggit si Oliver, Tita.” “Malapit na kasi ang birthday nitong si Oliver at darating ang mga kamag-anak namin from the States. He has mentioned that he is dating someone already to his Uncles and Aunts and since favorite nephew nila itong si Oliver, they wishes to see the girl whom Oliver is dating.” Bakit parang hindi ko gusto ang itina-takbo ng sinasabi ni Tita Carolina. Why do I have the feeling na mai-ipit na naman ako sa isang situation na ayoko. Pinilit kong ngumiti pa rin kahit labag sa kalooban ko na ngumiti. Naalala ko ang sinabi ni Papa kanina sa akin sa phone na pakitunguhan ko ng maayos ang mga Imperial. “To make it short Jillian, we want you to come to Oliver's birthday celebration. Ikaw lang naman kasi talaga ang dine-date nitong unico hijo namin so might as well na ikaw ang ipakilala namin sa mga relatives namin.” biglang sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Tito Fernando. Ramdam ko ang pagpintig ng sentido ko sa narinig ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ako na naman ang mai-ipit dito. “When po ba yan, Tito? Baka po kasi tumapat sa pagpunta ko sa ibang bansa.” “Next week, on Saturday.” bigla akong napayuko at kunot ang noo na napapikit. “Is there something wrong, iha?” “Eh kasi po Tito, next Friday po ang alis ko. I am going to Kentucky. I have an assessment po sa isang job where I have applied po. I don't think I can come po sa birthday celebration ni Oliver. I’m sorry po, Tito.” kita ko ang pagka-dismaya sa mukha nila Tita at Tito pati ang pag-kunot ng noo ni Oliver. ‘Then postpone that stupid assessment of yours, Jillian. I don’t think it’s important enough compared to my birthday! Hindi pwedeng wala ka sa birthday ko! Hindi pwedeng wala akong maiharap sa mga relatives namin, Jillian! Ayokong mapahiya sa kanila. Ayokong mapahiya kami.” mapakla akong ngumiti kay Oliver. Napakasama talaga ng ugali nitong taong ito. Wala siyang paki kung may maaapektuhan siyang iba basta yung gusto niya ang masunod. Wala siyang pakialam kung may masagasaan siyang iba basta masunod lang ang layaw niya. I look at his parents hoping that they can enlighten this brute's cobweb and pathetic mind. “Hayaan mo na Oliver, I bet important itong assessment na ito para kay Jillian. Am I right, iha?” tumango ako kay Tito Fernando bago ngumiti. Mabuti na lang ay naiintindihan nila ang side ko hindi katulad nitong katabi ko. I really need to go in Kentucky dahil dream job ko ito. I’ve waited for too long for this opportunity and i cannot let this one pass. Pasado na ako sa initial and final interview so ito na lang assessment ang kailangan ko para makapag-start na ako soon. “Salamat po for understanding, Tito. Pasensya na rin po Tita and Oliver.” “I think we better eat, Fernando. Hindi na masarap ang food kapag lumamig na. Kain na, iha.” magiliw pa rin na sabi ni Tita sa akin. Hindi na ako bumalik pa ng factory dahil alam kong nagpunta na doon si Mama according narin sa sinabi ni Papa kanina. Dumiretso na ako sa bahay after ng lunch namin ng mga Imperial. Hindi rin ako hinatid ni Oliver dahil magkikita daw sila ng mga kaibigan niya kaya nag-taxi na lang ako pauwi. Pagpasok sa loob ay naabutan ko si Papa na nasa sala. “How is your lunch with the Imperial, Anak?” “Maayos naman po, Papa.” humalik muna ako sa pisngi ni Papa bago humakbang palayo. “Jillian.” napahinto ako sa paglalakad at nagbalik ng tingin. “Maupo ka muna dito sandali at may sasabihin lang ako sayo.” sinunod ko siya at naupo sa kaharap niyang sofa. “Tumawag sa akin kani-kanina lang si Sir Fernando, balak daw niyang ipakilala ang factory natin sa mga negosyanteng kilala niya sa abroad who are into textile business also.” “Wow! Talaga po, Pa?” natuwa naman ako sa narinig ko. Matagal na itong pangarap nila Mama at Papa, na may mga negosyante sa ibang bansa na mapansin sa business namin. Alam kong iga-grab nila ang opportunity na ito na sinabi ni Tito Fernando. “Oo, Anak. Malaki ang maitutulong nito sa business natin, knowing how powerful and widely connected ang mga Imperial sa ibang bansa. Answered prayer ito para sa amin ng Mama mo.” tumango ako afterwards. “Nabanggit rin ni Sir Fernando about sa upcoming birthday pala ni Oliver next Saturday, he even invited us ng Mama mo to come.” “Nasabi nga po nila sa akin kanina over lunch. Kaso Papa sinabi ko rin po kila Tito Fernando at Tita Carolina even kay Oliver that I can't come. Hindi ba ay nabanggit ko na po sa inyo about doon sa assessment ko in Kentucky next week. Kaya malabo po na makapunta ako sa birthday ni Oliver, Papa.” “Anak, alam ko naman na importante sayo ang assessment na yan, it is as important as our future business associates in abroad sa tulong ni Sir Fernando.” na-tahimik ako sa tinuran ni Papa. “Bata ka pa naman Jillian, marami pang opportunities ang darating sa buhay mo unlike us ng Mama mo. You knew so well that this is our dream ng Mama mo, matagal na namin itong pinagdarasal at inaasam. Ito na ang hinihintay namin na break para sa factory natin.” “Ano po ang connection ng sinabi ni Tito Fernando sa assessment ko, Papa?” “Itutuloy ni Sir Fernando ang pagpapakilala sa Lorenzano and Lorenzano Textile sa mga kilala niya sa abroad if and only if, you will attend Oliver's birthday celebration next Saturday.” bigla akong nanlumo sa narinig ko. “Yan ang hiniling niyang kapalit sa tulong niya sa factory natin.” “What! Pero Papa! Hindi po pwede yun dahil nakapag-confirmed na po ako sa management in Kentucky. That's not possible, Papa.” narinig kong nag-buntong hininga si Papa at saka marahas na minasahe ang sentido niya. “Papa naman! Tell me you haven't said yes kay Tito Fernando. Kapag hindi ako sumipot sa assessment na ito, maba-balewala ang application ko and it will take a year again bago ako pwedeng mag-apply sa kanila. Minsan lang itong opportunity na ito, Papa. Sa dami ng nag-apply sa kanila at kumuha ng exams ay isa ako sa mga nakapasa na. I can’t let this slipped my fingers.” akala ko ay tapos na ang sakit ng ulo ko sa lunch namin kanina ng mga Imperial pero hindi pa pala. “I am sorry Jillian, but I already said yes kay Sir Fernando. Sinabi kong darating ka kasama namin sa birthday ni Oliver.” “PAPA!” kaagad akong napatayo kasabay ng pagbuo ng mga luha sa aking mga mata. “Dream job ko po ito! Bakit naman ganon? Bakit umoo kayo nang hindi nyo muna ako tinatanong? Nakakainis naman eh! Sana tinanong nyo muna ako, Pa! Hindi yung nag-decide na kayo agad ng hindi man lang ako tinatanong kung ayos ba sa akin!” “Ayusin mo ang pag-sagot mo sa akin, Jillian Grace! That is final! Umoo na ako kaya tapos na ang discussion na ito! Sasama ka sa amin ng Mama mo next Saturday sa birthday ni Oliver! Huwag mo kaming ipahiya ng Mama mo dahil ayokong masabihan na wala akong isang salita! Ayokong mapahiya kay Sir Fernando! Kaya sa ayaw mo o gusto ay sasama ka sa amin ng Mama mo sa birthday ni Oliver! Naiintindihan mo ba?” hindi ako sumagot at mabilis na umalis ng sala at patakbo ng tumungo ang aking silid. Ni-lock ko ang pinto at asar na dumapa sa kama at umiyak. “Palagi na lang ako ang naiipit! Ano ba naman ito! Argh! Nakakainis na talaga ang buhay ito!” marahas kong hinagis ang mga unan ko sa sahig at umiyak ng umiyak. Mula pa ng bata ako ay never pa akong sumuway sa kagustuhan nila Papa at Mama. I was never a stubborn child nor a pain in their heads. Palagi ko silang sinusunod sa abot ng aking makakaya. Laging ‘Yes’ at ‘Oo’ ang sagot ko sa bawat sinabi at inutos nila. Mahal ko kasi sila at ayokong may masasabi na masama ang ibang tao laban sa kanila or sa pamilya namin. Pero minsan kasi kagaya na lang ngayon, there are instances na feeling ko ay sobra na ang pagpapaubaya ko. Na sobra-sobra na ang pagsunod ko sa kanila to the extend na nawawala na ang sariling identity ko. Para na lang akong puppet na sunod ng sunod sa bawat galaw ng kamay nila, sa bawat demands nila. I am so sick of it dahil nasasakal na ako na palagi na lang sila ang nasusunod. Ang mga gusto kong gawin sa buhay ko ay hindi ko na nagagawa. Lahat na lang ay mandated nila, lahat na lang ay kailangan aprubado muna nila at lahat na lang ay dapat alam nila. Nang mahimasmasan ako ay nagtungo ako sa bathroom para maligo at pagkatapos ay tinawagan ko ang best friend ko para makipagkita sa kanya. Mabuti na lang na every time I call my best friend ay parati siyang available for me. After our short conversation ay mabilis akong lumabas ng kwarto at tinungo ang gate namin. Sumakay ako ng taxi at nagpa-hatid sa meeting place namin ni Susana. Pagbaba ko ng taxi ay nakita ko na kaagad siya, kumaway siya sa akin at mahigpit akong niyakap paglapit ko sa kanya. “Oh my gosh Jillian! Don't tell me galing ka na naman sa iyak niyan!” She stared at my face, lalo na sa mga puffy eyes ko. She exhaled several times nang hindi ako sumagot. “Tara sa loob, let's have coffee and muffins. Kwento mo sa akin ang reason na naman ngayon ng pag-iyak mo.” Nang maka-order kami, I told her everything. Puro na lang sighs ang narinig ko sa kanya hanggang sa matapos akong magkwento. “Ano ba naman yan si Tito Mario! Kung tratuhin ka ay para ka pa rin 5 years old, Jillian! Ano ba yan! Nakakainis na talaga ha!” “Wala naman akong choice Susana kung hindi ang sundin sila. Pangarap nila yun matagal na.” nagsimula na naman lumuha ang mga mata ko. “Well how about your dreams? Aber! Hindi pwedeng sila na lang parati ang masusunod, Jillian! Paano naman ikaw? Ano yun? Parati ka na lang susunod sa mga sinasabi nila? Diyos ko po naman kasi Jillian! Matagal ko ng sinabi sayo, bumukod ka na ng bahay sa parents mo! Hindi ka na teenager para tumira pa rin sa kanila! Ayan tuloy, sunod-sunuran ka sa mga gusto nila kahit na labag naman sayo! Hay naku ewan ko sayo! Until when ka magigising, Jillian? Until when will you be a willing victim sa mga demands ng parents mo? Hindi na ako magtataka kung one day ay sabihin nila sayo na pakasalan mo ang Oliver na yan!” She shakes her head vigorously. “Huwag naman sana na dumating sa ganon point, Susana.” umiling rin ako afterwards. “Ang bait mo kasing anak! Nakakainis ka! Magrebelde ka naman paminsan-minsan hindi yung oo ka na lang ng oo sa bawat sabihin nila! Diyos ko po naman Jillian Grace Lorenzano, gising-gising din naman! Hindi ka na bata para maging sunod-sunuran sa kanila! I am not saying na huwag mo silang sundin at maging masamang anak ka, but my God! Piliin mo naman ang susundin mo sa hindi!” “Ayoko lang kasi na sumama ang loob nila Papa at Mama sa akin, Susana. Alam mo naman na may health condition na si Papa.” “So okay lang na ang loob mo ang sumama, ganon ba? Naku! Kung ako sayo, lumipat ka na sa apartment ko! Doon bahala ka mag-decide sa kung ano ang gusto mong gawin! You are not getting any younger, Jillian. Pwede ka na nga mag-asawa at magka-family of your own. Huwag mong hayaan na ganyan ka nila tratuhin. Diyos ko po! Ako ang naaawa sayo niyan eh!” hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. “Pag-iisipan ko, Susana.” “Puro ka pag-iisipan diyan! Naku bahala ka nga! Ayaw mo naman makinig sa akin pero kapag ganyan na broken ka at naaasar ay ako rin naman ang takbuhan mo!” “Kaya nga I can't thank you enough, best friend. You are always here for me any time na tawagan kita. I really appreciate the things you are doing for me, Susana.' She deeply exhaled before hugging me tight. Sa totoo lang ay matagal na akong niyayaya ni Susana to join her sa apartment niya, right after nang maka-graduate kami ng college. Kaso dahil sa solong anak ako ay hindi ko naman maatim na iwan ang mga magulang ko sa bahay namin, lalo pa minsan kapag naglalambing si Mama sa akin. Tapos ito pang recent na nangyari kay Papa about sa health niya. Pero dumarating talaga sa ganitong punto na naiisip kong bumukod na sa kanila para naman mabuhay ako sa sarili ko. Sana lang ay payagan nila ako dahil at this point ay decided na akong bumukod talaga. I have already made up my mind after namin magkita ng best friend ko na sasama na ako sa apartment niya para rin makalaya na ako sa mga unwanted demands ng parents ko sa akin at para maranasan ko naman ang maging independent. Hahanap lang ako ng tyempo para kausapin si Papa at Mama sa plano kong pagbukod. ------'--,-'--{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD