Chapter 7 -Simple Lang Pero Masaya

3829 Words
Ilang araw na ang nakalipas mula ng birthday ni Oliver. Sa ilang na yun sa bahay factory lang ako. Pero mas madalas ako sa factory kaysa sa bahay namin dahil naging malamig ang pakikitungo sa akin ni papa mula ng araw na yun kung saan ay nagkasagutan kami sa loob ng silid ko na muntik ng ikina-disgrasya niya. Maging si mama ay naging tahimik rin. Magsasalita lang siya kapag magyayaya na siyang kumain pero bukod dun ay nagmistulang museleo ang bahay namin sa katahimikan na naghahari dito. Hindi ko na lang pinansin ang mga pagbabago sa aming bahay. Inisip ko na huhupa rin ang cold war sa pagitan namin ng mga magulang ko and eventually ay babalik rin sa normal state ang lahat. Nilaan ko ang mga oras ko sa trabaho, I focused on the factory at ginawang busy ang sarili ko sa kung anu-ano. Mas mga oras na natutulala ako at tumitigil sa ginagawa ko para balikan ang lahat ng mga nangyari. Nagpapasalamat ako na hindi ko pa muling nakita ang lalaking naging dahilan ng ng pagtatalo namin ni papa. Mabuti na lang ay hindi pa siya napagawi dito sa factory dahil hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin kung sakali man. I am at the office right now doing some paper works ng may kumatok sa pinto. Bago pa ako naka-sagot ay bumukas na ito at dumungaw si Manong Guard at may bitbit na isang kahon. “May pinabigay po ang Javier Publishing, Mam Grace. Dapat daw po ay kahapon pa ito dinala dito pero marami daw po na pinuntahan ang messenger nila kaya ngayon lang nadala dito. Pasensya na daw po, pinapasabi ng messenger nila, Mam.” nginitian ko si Manong Guard bago tumayo. “Ayos lang po, Manong Guard. Maraming salamat po.” binuksan ko ng malawak ang pinto para papasukin siya at malagay ang kahon sa ibabaw ng mesa. “Nga po pala, Mam Grace. Pinapatanong po ng messenger nila kung maaari daw po niya kayong makita at makausap sandali.” bigla akong napahinto sa pagbalik sa upuan at napaisip. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaking nakilala ko noong nakaraang linggo na siyang bagong messenger ng Javier Publishing. Ang lalaking nagngangalang JC. Napangiti ako ng maalala ko ang mabait niyang mukha pati ang pagiging magalang niya at ang magkabilang dimples niya tuwing siya ay ngumingiti. “Mam?” agad akong napatingin kay Manong Guard. “Papuntahin ko po siya dito?” “Ah sige po, Manong. Baka may importante siyang sasabihin.” simpleng ngiti ko pabalik bago umupo sa likod ng table. Paglabas ni Manong Guard ay agad kong binuksan ang kahon na dala niya. Naglalaman ito ng mga samples ng printing designs para sa bagong tshirts na balak ng factory na ilabas sa susunod na buwan. Nasa kasagsagan ako ng pag-aaral ng mga designs ng muling may kumatok sa nakabukas na pinto. Pag-angat ko ng tingin ay sandaling napako ang mga mata ko sa lalaking nakatayo at nakangiti ngayon sa akin. Naka-puti siyang polo shirt na alam ko ay uniform ng kumpanya na pinapasukan niya. Pinartneran niya ito ng isang kupas na pantalon at lumang rubber shoes. Maganda ang tindig niya at halata na batak siya sa trabaho. May kaitiman siya o kayumanggi kung tawagin pero malinis siyang tingnan. Maikli ang buhok, walang hikaw sa tenga, makapal ang mga kilay niya na binagayan ng katamtamang tangos ng ilong at mapupulang mga labi. Pero ang bukod sa maamo niyang mukha ay ang mga dimples niya sa magkabilang pisngi ang bagay na nagpa-stand out sa kanya. “Magandang umaga po, Mam Jillian.” magalang niyang bati sa akin. “Pwede po bang tumuloy? Hindi po ba kayo busy, Mam? Maaari ko po ba kayong istorbohin sandali po?” mas napangiti pa ako dahil sa mga sinabi niya. “Tuloy ka, JC. Please, have a seat.” tinuro ko ang upuan sa harap ng table. “Anong maipaglilingkod ko sayo? Gusto mo daw akong makita at makausap sabi ni Manong Guard.” natawa ako sa isip ko ng bigla na lang namula ang magkabilang tenga niya, which I find cute in him. “Ah. Eh kasi Mam Jillian, ano po.” umangat ang dalawang kilay ko sa pautal-utal na sagot niya. “May pinapasabi ba ang owner ng Javier Publishing kaya nais mo akong makausap?” hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil nakakatuwa ang itsura ngayon ng kaharap ko. Para siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya na hindi mawari kung bakit. “Wala po, Mam.” “Kung gayon ay bakit nais mo akong makausap, JC? Tungkol saan?” hindi nakaligtas sa akin ang paghinga niya ng malalim bagay na pinagtataka ko. Ngumiti muna siya ulit kaya nadako ang mga mata ko sa mga dimples niya. “Yayayain sana kitang mag-merienda, Mam. Yun ay kung hindi po kayo busy ngayon.” nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niya sa akin ngayon. “Mag-merienda? Bakit?” lumihis ang mga mata niya at hindi ako matingnan ng diretso. “Bagong sweldo po kasi ako kahapon, Mam Jillian. May natira pong konti sa pinadala ko po sa amin sa probinsya. Dahil wala naman po akong pagkakagastusan pa at wala narin po akong ibang hahatiran ngayon araw ay naisip ko lang po na yayain kayo na kumain sa labas. Pero Mam, kung busy po kayo ay ayos lang po. Sa susunod na sweldo ko na lang po kayo siguro yayayain kung libre po kayo.” Biglang gumana ang isip ko sa narinig ko. Lately ay puro trabaho na lang ang inaatupag ko. Ang huling beses na lumabas ako na ginusto ko ay ng makipagkita ako kay Susana bago pa ang birthday celebration ni Oliver. Matapos noon ay hindi na naulit pa. Tinitigan ko siyang mabuti. He seems to be a nice person. Judging on his appearance and the way he speaks ay mukha naman siyang mabait na tao. Hindi naman siguro ako mapapahamak kung papayag ako sa munting alok niya. Tutal naman ay sa paraan at magalang na paraan niya ako niyaya, so why not. “Alright.” biglang lumaki ang mga mata niya na ikinagulat ko. “O bakit? May mali ba sa sagot ko?” “Ah, wala po Mam. Hindi ko lang po inaasahan na o-oo po kayo sa alok ko.” “I see. Hahahaha. Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko ang alok mong merienda, JC.” mabilis siyang tumayo at inayos ang tshit na suot niya. “Tara na po, Mam. Ah eh, ang ibig ko pong sabihin ay kung ready na po kayo Mam, kung gusto nyo na pong umalis…” natawa akong muli sa pagkamot niya ng batok niya. “Let’s go then.” nai-iling na sabi ko bago kinuha ang shoulder bag ko at tumayo narin. Nauna siyang nakarating ng pinto pero bago pa siya lumabas ay pinauna niya muna ako habang nakalahad ang isang kamay. I just smiled at him before heading out. Sabay namin binagtas ang daan patungo sa labasan ng factory. Narinig ko pa ang simpleng sinabi ni Manong Guard na ikinapulang muli ng mga tenga na kasama ko. “Ayos ka, bata.” “Saan mo ba balak na dalhin ako para mag-merienda, JC?” tanong ko ng nasa may gate na kami. “Kayo po, Mam. Saan nyo po ba gusto?” “Kung sa fast food na lang tayo jan sa malapit, ayos lang ba sayo?” tiningnan ko muna siya. Alam ko na siya ang nag-initiate na manlibre ng snack namin at alam ko rin kung magkano lang ang sinusweldo ng mga trabahador na kagaya niya, kaya mas minabuti ko na murang kainan lang kami magpunta. Ayoko naman na alukin siya na share kami sa gastos o ako ang gagastos dahil alam ko na mapapahiya siya. “Sige po, Mam.” nagsimula akong humakbang pero napahinto ako sa sinabi niya. “Ah Mam, mag-taxi na lang po tayo para hindi nyo na po kailangan pa na maglakad.” I find it very gentlemanly in him sa alok niya. He is courteous enough to offer me a ride bagay na nakakataba ng puso ko. “Salamat sa offer, JC. Pero malapit lang naman yung fast food na tinutukoy ko dito sa factory. Pwede naman lakarin kaya lakarin na lang natin.” “Baka po kasi mapagod kayo, Mam. O sumakit po ang mga paa nyo. Mag-taxi na lang po tayo.” I looked at him with appreciation and praise. Mabilis kong inabot ang kamay niya pero agad ko rin nabitawan ng may kuryente akong naramdaman ng magkadikit ang mga balat namin. “Maglakad na lang tayo, JC. Exercise rin yun. Tara na.” nauna na akong maglakad dahil nababahala ako sa kuryenteng dumaloy sa palad ko na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko. Pagdating namin sa fast food ay hinayaan niya akong mamili ng merienda na gusto ko habang siya ay regular burger lang ang inorder na may kasamang regular drink. Alam ko na limited ang budget niya kaya ginaya ko na lang ang order niya. Pagdating sa isang table ay pinagpagan niya muna ang upuan na para sa akin at hinila pa ito bago ako pinaupo. Sa katapat ko siya umupo. Bihira na akong makakita ng taong kagaya ni JC na ubod ng galang. Men nowadays are mostly filled with air in their heads. Bigla ko tuloy naalala ang Oliver na yun. I hate comparisons dahil hindi ito tamang gawin sa kapwa pero hindi ko maiwasan na ikumpara silang dalawa. Malayong-malayo ang isang Oliver imperial sa kaharap ko ngayon. They are two opposite individuals with very opposite characteristics. Kahit bagong kilala ko pa lang kay JC ay masasabi kong mabuting tao siya. Hindi lang siya magalang, may malasakit pa siya sa kapwa niya at hindi sarili lang ang iniisip. Hindi ko tuloy maalis na hangaan siya dahil bihira na ang mga kagaya niya. He may be simple sa lahat ng aspects at halata sa kanya ang hirap ng buhay pero halata rin sa kanya ang pagkakaroon ng positive outlook in life. Mukha rin siyang masipag na hindi namimili ng trabaho. Base on the color of his skin and the veins on his hands, mukhang maraming mabibigat na trabaho na ang dinaanan niya. Hindi maiwasan na hangaan ang mga kagaya niya. Mga taong hirap sa buhay na nagsusumikap upang makaahon sa buhay sa marangal at matino na paraan. Matapos namin kumain ay hindi muna ako umalis sa kina-uupuan ko. Nakapagtataka pero gusto ko pang makilala ang lalaking nasa harapan ko. He intrigues me in a good way. I know that there is a lot in him na pwede kong kapupulutan ng aral, a lesson that I may apply sa sariling buhay ko. “Tell me something about yourself, JC. Kung hindi mo naman mamasamain, that is.” ngumiti ulit siya sa akin. Mahilig siyang ngumiti bagay na bumabagay sa kanyang pagkatao. “Simpleng tao lang po ako, Mam Jillian. Laki sa hirap. Sumugal ako dito sa Maynila upang mag-baka sakali na maahon ko sa hirap ang pamilya ko sa Bohol. Magsasaka lang po noon ang tatay ko, kami po ng tatay ko. Panganay po kasi ako sa apat na magkakapatid kaya ang bigat ng responsibilidad na dapat ay pasan ng mga magulang ko ay pinasan ko narin. Hindi po ako nagtapos ng high school, wala pong budget at kulang pa madalas ang kinikita namin ni tatay sa pagsasaka para sa araw-araw naming pamilya.” I am right. He came from a poor and striving family. “Kahit walang kasiguraduhan dito sa Maynila ay naglakas loob po ako na sumugal. Isang matalik na kaibigan ang nag-pasok sa akin sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan niya bilang janitor. Makalipas po ang isang taon ay na-promote po ako bilang isang messenger na sa awa ng Poong Maykapal.” “Paano ka napunta sa Javier Publishing kung sabi mo ay sa school ka namamasukan?” “Ni-recommend po ako ng principal ng school sa kaibigan niya na may-ari ng Javier Publishing na naghahanap po ng messenger. Kaya po ako napadpad sa trabaho ko po ngayon.” “Ah. Mabuti naman at naging maganda ang pagpunta mo dito sa Manila, JC. Bihira ang mga sumusugal sa lugar na ito na nabibigyan ng magandang trabaho lalo pa kung hindi tapos sa pag-aaral. Mukha ka namang masipag at matiyaga sa trabaho kaya ka siguro ni-recommend.” “Kailangan kong magsumikap, Mam. Maliit pa ang mga kapatid ko po at gusto ko silang makapagtapos ng pag-aaral nila para magkaroon po sila ng magandang kinabukasan.” I smiled at what he said. This man in front of me has little, but his heart is big. Malayo ang mararating ng mga kagaya ni JC at nakaka-tuwang subaybayan ang buhay niya. “You have a good heart, JC. Nakakabilib ang mga kagaya mo. Bihira na ngayon ang mga taong kagaya mo na malaki ang malasakit sa pamilya nila.” buong paghangang sagot ko na ikinapula ulit ng mga tenga niya. “Salamat po, Mam. Kayo po, Mam? Base sa itsura at tindig nyo po ay malamang titulado po kayo at may mataas na pinag-aralan. Swerte po sigurado ang nobyo nyo sa inyo at proud na proud po malamang ang mga magulang nyo sa narating nyo po.” Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko ng marinig ko ang sinabi niya. Nanumbalik sa isipan ko ang kakatapos lang na sagutan namin ni papa pati ang nangyari sa akin sa birthday ni Oliver. Nanumbalik ang sakit sa puso ko at ang lungkot. Nanumbalik ang galit ko para kay Oliver. “Sana nga ay ganon. Sana nga ay proud sila sa akin gaya ng sinabi mo.” malungkot kong pahayag. Bigla rumehistro ang pagtataka at pag-aalala sa mukha niya. “Bakit po, Mam? May problema po ba kayo? Baka makatulong po ako, Mam.” Alam ko na hindi ko dapat i-share ang mga pangyayari sa buhay ko sa tao na nakilala ko pa lang pero sa paraan ng pagkaka-tanong niya at sa paraan ng concern niya ay hindi ko maiwasan na isiwalat sa kanya ang problemang kinakaharap ko ngayon. I told him just part of my problem na pinakinggan naman niya ng tahimik. “Sorry po Mam, natanong ko pa po kayo. Pasensya na po kayo sa akin. Naging malungkot po tuloy kayo dahil sa katabilan ng bibig ko. Pasensya na po ulit, Mam Jillian.” “Ayos lang, JC. Mabuti nga at nailabas ko kahit paano ang sama ng loob ko. Mabigat kasi sa dibdib.” pilit kong ngumiti sa kanya kahit pa ang totoo ay gustong-gusto ko ng humagulgol ng iyak. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa akin ang mga nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa na makalimot lalong-lalo na sa muntik ng mangyari sa akin sa labas ng mansion ng mga Imperial. I don’t think the pain and anger will subside easily. Malalim ang marka nito sa puso ko at malabong mawala ito agad-agad. “Mam alam ko po na labas ako sa buhay nyo pero kung kailangan nyo po ng makakausap at mahihingahan ng mga saloobin nyo, nandito lang po ako para damayan ko po kayo. Huwag po kayong mag-atubili na sabihan po ako at lapitan po ako. Pwede po kayong umiyak sa balikat ko kung hindi nyo na po kaya ang problema nyo. Palagi po akong makikinig sa mga hinaing nyo po. Handa po akong maging isang kaibigan nyo po kung mamarapatin nyo.” malapad akong ngumiti sa kanya. Sadyang napakabuti niyang tao. “Salamat, JC. Ang totoo nyan ay magaan ang loob ko sayo. Alam ko na mabuti kang tao at malinis ang hangarin mo.” huminga ako ng malalim bago siya nginitian. At dahil diyan ay tatanggapin ko ang alok mong pagkakaibigan sa akin. Mula sa araw na ito ay magkaibigan na tayo.” “Talaga po, Mam? Naku salamat po.” malaki ang ngiti na sinukli niya sa akin. Halata ang kasiyahan sa mukha niya na kina-inggit ko. Heto ngayon sa harap ko ang isang tao na may simpleng pangarap lang sa buhay at simple lang ang mga bagay na nakakapag-pangiti sa kanya. Sana ako rin ay kagaya niya. Sana ako rin ay kagaya niya na simple lang pero masaya, na kagaya niya na simpleng buhay lang at hindi komplikado. Magaan ang loob na bumalik ako sa factory. Hinatid pa ako ni JC hanggang sa may gate bago nagpaalam. Hindi ko muna hinarap ulit ang mga naiwan kong trabaho, sumandal lang ako sa upuan ng nakangiti. Malaking bagay ang hindi inaasahan na pagpunta ngayon ni JC sa factory. Feeling ko ay nabawasan ang bigat na pasan-pasan ko sa balikat ko at nakatagpo ako ng isang mabuting kaibigan sa katauhan niya. Bagay na nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan Niya ako ng isa pang tao na mahihingahan ko ng mga sama ng loob ko. — Pagbalik ko sa Javier Publishing ay hindi matahimik ang utak ko sa nalaman ko tungkol kay Mam Jillian. Oo at masaya ako dahil naging magkaibigan kami na hiniling ko noon pero kasabay ng saya na nararamdaman ko ay ang lungkot sa mga natuklasan ko tungkol sa kanya. Sinong mag-aakala na may mabigat pa lang pasanin si Mam Jillian? Akala ko kapag halos nasa iyo na ang lahat ng bagay ay masaya ka na at kuntento ka na sa buhay. Pero sa mga nalaman ko sa kanya ay patunay lamang na hindi lahat ng taong halos kumpleto na sa lahat ay masaya. Na hindi lahat ng nakangiti ay maligaya kagaya ni Mam Jillian. Na sa likod ng maganda niyang ngiti ay may nakatagong lungkot at mabigat na pasanin siyang dala-dala. Sana lang ay makatulong ako sa kanya. Sana lang ngayon na magkaibigan na kami ay matulungan ko siya kahit paano na maibsan ang bigat na nasa balikat niya. Siguro nga ay sinadya ng Maykapal na mag-krus ang mga landas namin ni Mam Jillian. Siguro nga ay inadya ng tadhana na magkakilala kami ng sa gayon ay makatulong ako sa kapwa ko kahit sa maliit na bagay. Pag-uwi ko sa tinutuluyan ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Mam Jillian. Binabagabag pa rin ang sa mga nalaman ko sa kanya. Nakahiga na ako ngayon pero siya pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Kamusta na kaya ngayon si Mam Jillian? Sana lang ay maging ayos na sila ng mga magulang niya. Sana ay maging maayos na ang kalagayan niya sa papa at mama niya para maging masaya na ulit siya sa bahay nila. Kinabukasan ay wala akong kailangan na dalhin sa Lorenzano and Lorenzano Textile pero siniguro ko na dumaan sandali doon para kamustahin ang aking bagong kaibigan. Pagdating pa lang sa bukana ng factory ay nakangiti na akong binati ni Manong Guard. “Uy, bata. Nandito ka ulit. May dala ka ba galing sa publishing?” “Wala po, Manong. Gusto ko lang po sana na alamin kung nasa loob pa si Mam Jillian.” tiningnan niya ako ng makahulugan. “Naku nakauwi na si Mam, kanina pang tanghali. Mukhang masama yata ang pakiramdam kaya maagang umuwi.” bigla akong nilukob ng matinding pag-aalala. “Ganun po ba?” “Matanong ko lang, JC. Bakit hinahanap mo si Mam Grace?” “Gusto ko lang po sana na kamustahin siya.” mabilis na umiling-iling si Manong Guard. “JC, kung ako sayo ay ibang tao na lang ang kaibiganin mo at kamustahin mo. Huwag na si Mam Grace. Iba na lang at wag lang siya.” nagulat ako sa sinabi niya at may pagtataka na tinitigan siya. “Bakit po, Manong? Pagiging magkaibigan lang naman po ang pakay ko sa kanya.” huminga siya ng malalim. “Mapapasabak ka sa mabigat ng labanan, JC.” “Mabigat na labanan? Kanino po, Manong?” “Alam mo kasi, si Mam Grace ay may consistent na suitor na madalas magpunta dito. Si Sir Oliver.” bigla akong napaisip sa pangalan na binanggit niya. “Si Sir Oliver ay isang kilala at mataas na tao na patay na patay kay Mam Grace. Kilala ang mga magulang niya sa larangan ng pagnenegosyo at mataas ang tingin ng lahat sa kanila. Sa tingin mo ba ang walang gulo kung malaman niya o makakarating sa kanya na kina-kaibigan mo ang nililigawan niya?” “Wala naman po akong ibang hangad kay Mam Jillian, Manong. Gusto ko lang siyang maging kaibigan at damayan. Wala pong malisya doon.” “Sayo ay wala, pero kapag nalaman ito ni Sir Oliver ay meron. Kapag nalaman ni Sir Oliver na umaaligid ka kay Mam Grace ay tiyak na magu-gulo ang tahimik na buhay mo. Hindi kita tinatakot, JC. Nagsasabi lang ako ng totoo at sinasabihan lang kita. Kung ayaw mo ng magulong buhay, iwasan mo na ngayon pa lang si Mam Grace. Off limits na siya kahit hindi pa talaga sila official na magkasintahan ni Sir Oliver. Payong kaibigan lang ang sa akin, bata. Nasa iyo pa rin ang pasya. Pero huwag mong sabihin na hindi kita binalaan ha.” tinapik niya ang balikat ko. “Salamat po, Manong. Salamat sa payo.” Naguguluhan na binagtas ko ang daan papunta sa sakayan ng jeep. Habang pabalik sa publishing ay inalala kong mabuti kung saan ko narinig ang pangalan ng consistent suitor daw ni Mam Jillian ayon kay Manong Guard. Sir Oliver. Biglang lumaki ang mga mata ko ng maalala ko ang pangalan na yun. Baka siya ang nagpakilala sa akin noon na sakay ng magarang sasakyan sa bakuran ng factory. Sa pagkakatanda ko ay parang Oliver rin ang pangalan na binanggit ng lalaking naka-salamin na yun na lumapit sa akin. Kung siya nga ang Oliver na tinutukoy ni Manong Guard na nanliligaw kay Mam Jillian, malaking gulo nga ang hatid niya kung itutuloy ko pa ang pagiging magkaibigan namin. Sa tindig at itsura pa lang ng Oliver na yun ay gulo na ang sinisigaw nito. Malamang na magalit nga ito kung malaman niya na kina-ibigan ko ang nililigawan niya. Pero ano naman ang masama kung maging magkaibigan kami ni Mam Jillian? Anong masama doon kung malinis naman ang hangarin ko sa kanya at wala naman malisya ang lahat? Hindi naman siguro ganon kasama ang pag-uugali ng Oliver na yun para bawalan kami ni Mam Jillian at magalit sa amin kung sakali man na malaman niya. Sa tingin ko naman ay maintindihan nito kung sakali man ang layunin ko. Walang dahilan para layuan ko si Mam Jillian. Wala akong nakikitang dahilan para putulin ng ganito kaaga ang pagkakaibigan naming dalawa. Lalo pa ngayon na may malaking problema siyang kinakaharap ay mas kailangan niya ng isang kaibigan na tutulong sa kanya. Hindi. Hindi ko lalayuan si Mam Jillian. Mananatili akong tapat na kaibigan sa kanya hanggang sa nais niya akong maging kaibigan niya. Hindi ang isang Oliver na yun ang magiging dahilan para ihinto ko ang nasimulan naming dalawa ni Mam Jillian. Kailangan ako ng kaibigan ko at mananatili ako sa tabi niya hanggang sa gusto niya. —---’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD