Chapter 8 -Everything Is On The Line

3833 Words
Maaga akong umuwi ng araw na ito. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko at gusto kong mapag-isa kaya nagpasya ako na maagang lumabas ng factory. Pero dahil sa hindi pa oras ng normal na uwi ko ay naisipan kong bisitahin ang best friend ko sa apartment niya. Alam kong nasa bahay ito kapag ganitong araw kaya malakas ang loob ko na puntahan siya doon. “Anong masamang hangin nagdala sayo dito ngayon, Jillian? Don't tell me may mabigat ka na namang problema?” hindi ako sumagot na nagpa-tikwas ng isang kilay niya. “Halika nga dito sa loob. Feel at home, best friend. Kukuha lang ako na maiinom natin.” umupo ako sa sala and waited for her return. “So ano na naman ang ginawa ng mga mababait mong magulang sayo this time?” napa-angat ako ng tingin ng marinig ko siya mula sa kusina. Nang makabalik na siya ay uminom muna ako ng juice na dala niya bago muling sumandal. “You looked stressed, Jillian. Ako ang nahihirapan na tingnan ka everytime na nakikita kita.” “I feel worse, Susana.” narinig ko siyang nag-buntong hininga. “What’s new! Eh palagi ka naman na nasa worse stage, right?” “Muntik na akong pagsamantalahan ni Oliver.” “WHAT!” agad siyang napatayo sa gulat. “KAILAN!” “Sa mismong birthday niya.” nagsimula na namang mag-luha ang mga mata ko. Naalala ko na naman ang lahat ng nangyari. Naalala ko na naman ang sinapit ko ng araw na yun. Hindi na yata talaga maalis sa sistema ko ang lahat. Sa tuwing masasagi ito sa isip ko, I can’t help but to pity myself and feel degraded. I feel so helpless na nagging bangungot na sa akin ang bagay na yun. “ALAM BA NILA TITO AT TITA ITO? ALAM BA NILA ANG NANGYARI SAYO? SINABI MO BA?” hysterical na tanong niya. Tumango ako. “O ANONG REACTION NILA? ANONG PLAN OF ACTION NILA? NAGSUMBONG SANA KAYO SA PULIS, JILLIAN!” tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. “Sabi ni Mama ay baka daw may sinabi akong hindi maganda na nag-udyok kay Oliver para gawin sa akin yun.” “THAT’S UNBELIEVABLE! WHAT’S WITH YOUR PARENTS, JILLIAN! GRABE NAMAN SI TITA MARITES! BAKIT GANUN ANG SINABI NIYA? HINDI MAN LANG BA SIYA GALIT SA ANIMAL NA YUN?” umiling ako habang patuloy na umiiyak. Mabilis siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako. Binuhos ko ang iyak ko sa balikat niya. Binuhos ko ang lahat ng sakit na kinikimkim ko sa puso ko maging ang galit sa dibdib ko. “Ayoko na sa amin, Susana. Gusto ko ng umalis sa amin.” patuloy lang ako sa pag-iyak. “Tahan na, Jillian. Ayaw kitang sisihin pero noon ko pa kasi sinabi sayo bumukod ka na eh. Hay naku.” “Nagkasagutan rin kami ni Papa that day pag-uwi nila, nauna kasi ako na umuwi matapos kong mag-walked out ng napahiya ako ni Oliver sa maraming tao.” “Tama lang naman na minsan ay lumaban ka rin, Jillian. Huwag puro oo ang isasagot mo at sila lang palagi ang masusunod.” “Muntik ng inatake ulit sa puso si Papa ng araw na yun, Susana. I am mad at them but I felt guilty at the same time.” muli siyang napa-buntong hininga. “Ikwento mo nga lahat sa akin ang nangyari. Ikwento mo lahat sa akin.” Sinabing ko lahat sa kanya ang mga kaganapan ng araw ng birthday ni Oliver, maging ang mga sinabi sa akin ni Mama ng balikan niya ako sa silid ko. “Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa nila sayo, Jillian. Of all people ay dapat sila ang mas papanig sayo sa mga ganitong pagkakataon. But what? Sila pa mismo ang tumatalikod sayo. I don’t know what to think of them anymore. Suko na ako sa totoo lang, Jillian. Hindi ko lubos maisip na may mga magulang na kagaya nila. I really can’t believe it. Hindi perfect ang mga parents ko pero hindi naman sila kagaya ng parents mo na itutlak ka sa isang bagay na hindi mo gusto. Hay naku.” “Kaya nga ako nandito ngayon, Susana. Hihingi sana ako ng tulong sayo. Tulungan mo ako na kumbinsihin sila Papa na bubukod na ako sa kanila.” napakalas siya ng yakap sa akin. “Do you think they will hear me out? Eh mukhang naka-double locked ang mga utak nila.” hinawakan ko ang dalawang kamay niya. “Sige na, Susana. Gusto ko na talagang umalis sa amin. Feeling ko ay ang sikip-sikip na ng bahay namin, hindi na ako makahinga at hindi na ako masaya.” “Alright, sige. I will try but I can’t promise you na mapipilit ko sila. Ikaw dapat ang manindigan sa part na yan, Jillian. You have to stand on your ground sa bagay na yan. Dahil alam natin na siguradong hindi sila papayag. Alam natin na malabong pumayag sila na bumukod ka. But we will try. Hopefully mag-milagro at mapa-payag natin ang mga magulang mo.” I smile timidly at her. “Salamat, best friend. Salamat talaga.” Sumunod na araw ay maaga ulit akong nagpunta sa factory at hinarap ang mga designs na huling dinala dito ni JC. Bago pa sumapit ang lunchtime ay isang unexpected na panauhin ang gumulat sa akin and caught me off guard. Ibang member ng Imperial family ang inaasahan ko na magpa-pakita sa akin matapos ang nangyari sa mansion nila. I didn’t expect to see Tita Carolina standing outside the office door and was accompanied by our guard. “Hello, Jillian. Can I come in?” mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. “Tita, tuloy po kayo. Have a seat po.” tumuloy ito sa loob bago sinara ni Manong Guard ang pinto. Naupo ako sa harap niya. Naiilang ako ngayon dahil nasa harap ko ang mother ni Oliver. After what had happened at her son’s birthday, pinakahuling tao na inaasahan ko si Tita Carolina na makikita ko at kakausapin ako. I was expecting more of Tito Fernando or perhaps si Oliver mismo, but not her. “How are you doing, Jillian?” ngumiti pa siya sa akin na mas lalong nagpa-ilang sa akin. “Tita, gusto ko pong humingi ng apology for what I did at Oliver’s birthday. Alam ko po na napahiya ko po siya at kayo narin po ni Tito Fernando.” “That’s the reason why I visited you today, Jillian. Tumawag ako sa inyo para alamin kung nandito ka dahil gusto talaga kitang makausap.” She paused and looked straight at me. “You see Jillian, alam namin ng asawa ko kung ano ang pagtingin sayo ng anak namin. We knew everything about Oliver's affection for you. He told us na mahal ka niya and he told us na gusto ka niyang maging nobya.” “Pasensya na po Tita Carolina pero, wala po kasi talaga akong gusto kay Oliver. Hindi naman po dahil sa ano pa man, but I don’t see myself being with a relationship with him.” pagtatapat ko sa kanya. “I understand you perfectly, Iha.” nagulat ako sa sinagot niya. Tinitigan ko siya to see if she was telling the truth na naiintindihan niya ako. She looked sincere habang titig na titig rin sa akin. Ngumiti pa ulit bago inabot ang isang kamay ko. “Naiintindihan ko ang side mo, Jillian. Babae rin ako at alam ko ang pakiramdam na maipit sa isang sitwasyon na hindi ko ginusto.” mas naguluhan ako sa sinabi niya. “Let me tell you a story. It is about a peasant lady who lives in a small town province na salat sa maraming bagay. Her parents forced her to have a relationship with a prominent young man who happened to be well-known and looked up to by everyone in their city. Dahil sa kahirapan ng buhay at dahil sa pagmamahal niya sa pamilya niya especially to her parents, pumayag ang dalaga na makipag-relasyon sa binata which eventually led to marriage by convenience. At first, naghihirap ang kalooban ng dalaga but as time passes ay natutunan narin nitong tanggapin ang lahat. Natutunan narin niyang yakapin ang mundo na nasa harap niya. In short, natutunan narin niya na mahalin ang lalaking ipinilit sa kanya ng mga magulang niya.” “Why are you telling me this, Tita Carolina?” buong pagtataka pa rin na tanong ko. “Because that lady was me.” I was shocked. Si Tita Carolina ang babae sa kwento niya? “That poor and peasant lady was me, Jillian. Ako ang babae sa kwento ko sayo. So don’t think na hindi kita naiintindihan, Iha. I understand you and your feelings perfectly. Nasaktan ako to be honest with you dahil napahiya ang nag-iisang anak ko but I understand where you are coming from and why you have done what you did at my son’s birthday. I understand your pains now and all your sufferings.” nagsimula ng pumatak ang mga luha sa mga mata ko. “Don’t think I don’t dahil pinagdaanan ko rin ang mga pinagdaanan mo ngayon. Alam ko na pinagalitan ka nila Mario at Marites right after leaving our place that day. I knew because that also happened to me before.” napa-hagulgol na ako ng iyak sa harap niya. She gripped my hand lightly as if telling me that everything will be alright. “Mahirap kalabanin ang mga magulang, Jillian. Nasubukan ko na yan noon at hindi ako nagtagumpay. Nasunod pa rin ang mga magulang ko at naging asawa ko pa rin si Fernando kahit pa labag sa kalooban ko dahil isa pa ay may lalaking akong ibang gusto noon. I am telling you this to open up your mind, Iha. I am telling you all of these to let you see my point of view, the version of my old life, na baka mapulutan mo ng kasagutan sa mga gumugulo sa isipan mo ngayon. Nasa iyo ang pagpapasya, Jillian. Ikaw pa rin ang magde-decide ng lahat kahit pa sabihin na tinutulak ka ng mga magulang mo sa lalaking ayaw mo. You still have your free will, Iha. You get to choose what side to make and what choice you wish for yourself. Kaya nga lang, ang kahihinatnan ng free will mong yun ang magde-determine sa magiging kalagayan mo at ng mga parents mo.” lalong bumigat ang kalooban ko sa narinig ko. “Kung ako lang ang masusunod Jillian, I will not force any woman to be my son’s girlfriend. Mahal ko ang anak ko at handa akong ibigay sa kanya ang lahat but not to the extent of forcing someone to like him or to love him back. Everybody has the freedom to love anybody they want. Minsan nga lang ay mga bagay na kahit gusto natin gawin ay hindi natin magagawa para sa sarili natin dahil alam natin na malaki ang magiging epekto nito sa mga mahal natin sa buhay. That’s the irony of life, Jillian. And sometimes, we don’t have a choice but to embrace it even if we are against it.” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Tita Carolina. Pero alam ko sa sarili ko na may punto siya. “Tita, I’m really sorry po but I can’t really will myself to like your son. Naguguluhan na po ako at hindi ko na po alam ang gagawin ko.” mas lumapit pa siya sa akin ang mahigpit akong niyakap. “Gawin mo kung ano ang nararapat, Jillian. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang nararapat mong gawin.” tumingin siya sa akin at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko bago ngumiti. “Sa totoo lang, I want you for my son. I want you to be my daughter-in-law someday, Jillian. Mabait kang bata at mataas ang tingin ko sayo, malaki ang respeto ko sayo. Any parent would want to have a daughter who is as kind and respectful as you. Walang tapon sayo, Jillian. Napaka-swerte ng lalaking mamahalin mo dahil complete package ka in one. How I wish you will be part of the Imperial clan someday, Iha. But don’t get me wrong, I am forcing you on my son.” malapad siyang ngumit sa akin. “Salamat po, Tita.” “Always remember, Iha. In every decision that we make, there will always be consequences along with it. Pwedeng good consequences, at pwede rin na bad. Pag-isipan mong mabuti, Jillian. You are a smart woman so think about it a thousand times first before deciding. Whatever your decision will be, I hope that it will make you happy. That’s the important thing.” Hindi ko masabi kung gumaan ba ang kalooban ko sa unexpected na pagbisita sa akin ni Tita Carolina. Somehow I am enlightened with everything she told me but part of me ay mas lalo lang naguluhan sa mga sinabi niya. Nagpapasalamat ako sa effort na ginawa niya para makausap ako pero kasabay ng pagpapasalamat kong yun ay ang lalong pagkabagabag ng puso ko. Katulad ng naisip ko noong nakaraan, dalawang tao ang labis na maapektuhan kung susundin ko ang nasa puso ko. Si papa at si mama. Tama si Tita Carolina, mahirap kalabanin ang mga magulang dahil matimbang sila sa puso. Mahirap kalaban ang mga magulang dahil malalim ang magiging sugat nito kung sakali man. Makakaya ko ba silang salungatin? Maaatim ba ng damdamin ko kung may mangyaring masama sa kanila lalo na kay papa kung sakali man na hindi ko sila sundin? Makakaya ba ng konsensya ko kung sakali na hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari? Napayuko ako sa kinauupuan ko. Ang hirap pumili. Ang hirap mag-decide. Nahihirapan ako because there is so much that is at stake. Mabuti sana kung hindi maapektuhan ang pagsasama namin ng mga magulang ko. Mabuti sana kung hindi nakataya ang relasyon namin ng pamilya ko. Ang kaso ay hindi. Everything was on the line. Ang kondisyon ng kalusugan ni papa, ang kalagayan at estado ng factory, ang pakikitungo sa akin nila mama at higit sa lahat ay ang future ko. Everything is on the line. — “Pare, ilang araw ka ng umiinom. Baka naman ma-butas na ang lungs mo nyan!” napatingin ako sa best friend ko before gulping the remaining liquor at the rock glass. Ilang araw na ang nakalipas mula ng birthday ko but I can’t seem to move on sa kinalabasan ng supposedly ay isang masayang celebration. I can’t forget what had happened that day. Until now ay galit pa rin ako sa mga nangyari. Hindi pa rin matanggap ng ego ko ang ginawang yun ni Jillian sa harap pa mismo ng mga bisita ko. Napahiya ako. Hindi lang napahiya kung hindi nagmukha akong katawa-tawa sa harap ng marami. Hindi lang ang ego ko ang nasira kung hindi maging ang buong pagkatao ko. This is the worst thing that ever happened to me at hindi ko ito matanggap. Almost everybody has high respect for me because I am an Imperial, but what Jillian did made me look like a fool. Pinahiya niya ako. Pinag-mukha niya akong tanga. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang ulo ko dahil sa kahihiyan na sinapit ko sa kamay ng babaeng yun. Ilang araw ko rin pinag-isipan kung paano makakaganti sa kawalang-hiyaan na ginawa niya sa akin. I want to snatch her and bang her hard until she bleeds and until she begs me to stop. Gusto ko siyang saktan ng paulit-ulit hanggang sa mapagod ako at makita ko siyang nahihirapan. Gusto ko siyang lumuhod sa harap ko at magmakaawa. I want that. I want to punish her for her wrong doings pero alam ko rin na nakasalalay ang pangalan ng family ko and the reputation of my family kaya hindi ko magawa-gawa ang nais kong gawin. Kahit pa kaya ko ay hindi ko magawa dahil once I did it ay sila daddy naman ang magagalit sa akin. “Damayan mo na lang, Gilbert.” I placed a clean rock glass and poured brandy in it. “Masyado pang maaga, Oliver.” umupo siya sa katabing stool. “Gilbert! Good to see you here, Iho!” napatingin ang katabi ko kay daddy who is heading down the grand staircase. “Good morning po, Tito.” “Mabuti at nag-punta ka dito, Gilbert. Baka sakaling maibalik mo ang senses nitong Anak ko dahil araw-araw na lang ang pag-inom nyan.” I huffed. “Degraded masyado sa nangyari, Tito.” natatawa pa nitong sagot. “I’ll leave you gents behind. I have an important meeting today. Oliver, huwag mong ubusin ang laman ng brandy, Anak. It’s just a girl, Iho. Marami pang iba jan.” “Oo nga naman, Pare. Marami ka pang makikitang iba. Huwag kang masyadong magpalunod sa Jillian na yun.” I looked at him with disgust. “Marami nga, but I only want her.” napa-iling ito sa sinagot ko. “Siya lang ang gusto ko at makukuha ko siya sa ayaw niya o sa gusto niya.” “What Oliver wants, Oliver gets pa rin ha.” “As always, Pare. As always.” May naisip na akong bagay na pwede kong gawin para makaganti ako sa ginawang pagpapahiya ng Jillian na yun sa akin. At alam ko na sa gagawin kong ito ay luluhod siya sa harap ko, hindi lang siya kung hindi pati ang mga magulang niya. Tingnan ko lang kung hindi siya mismo ang lumapit sa akin. Tingnan ko lang kung hindi siya mismo ang magmakaawa sa akin at humingi ng tawad. At kapag nangyari ang plano ko, I will have her wholly at the palm of my hand. The following day ay hindi ako nag-aksaya pa ng oras. Pinuntahan ko ang isang kilala ni daddy who is in-charge and deals with workers benefits and their rights. Kinausap ko ito ng masinsinan. Binigay ko sa kanya ang pangalan ng factory nila Jillian. “As far as their record shows, ay walang ginawang labag sa batas ang Lorenzano and Lorenzano Textile when it comes to their employees, Oliver. May mga benefits ang mga trabahador nila at kumpleto ito. The owners paid them evenly. I don’t see any reasons why I would order a temporary closure of the factory. They are also paying their taxes regularly.” “Kaya nga po ako lumapit sa inyo, Ninong.” He looked at me seriously. “I need a favor from you, Ninong.” napasandal siya sa upuan bago muling tumingin sa akin. “You’re asking for the impossible, Iho. Alam ba ng Daddy mo ito?” umiling ako. “Mahihirapan tayo jan, Oliver. Given that I can give you what you’re asking from me but this is illegal, Iho.” “Legal or illegal, does it even matter? I want to get my revenge on the owner’s daughter, Ninong. Sinabi ko naman na sa inyo ang mga nangyari, right? This will be just a temporary thing, Ninong. Mababalik rin sa dati at mag-ooperate rin ulit ang factory nila once na makuha ko na ang gusto ko.” I looked at him intently, determined to get what I wanted from him. “Iba ka pa rin talaga mag-isip, inaanak ko. You knew where to go and who to talk to.” “Sige na, Ninong. Kahit a week lang. Close their factory in a week. Then after that ay ibalik mo sila sa operation. I know you can do it. You are not in this position if you can’t.” “I don’t know what to say, Oliver. Magagalit ang Daddy mo nito kapag nalaman niya na pinagbigyan kita.” “Then don’t say it. Hindi naman niya malalaman na nilapitan kita, Ninong. No one will ever know anything about this. It will be our secret.” huminga siya ng malalim bago muling pinatong ang magkabilang siko sa ibabaw ng table niya. “And what will I get in return if I give you this favor?” malapad akong napangiti bago dinukot ang wallet ko sa back pocket ng suot kong pants. Since I have already planned for this, hinanda ko ng lahat ng kakailanganin ko. I placed a bank check on top of his table. Siniguro ko na hindi siya makakahindi sa request ko dahil sa laki ng halaga na nakasulat dito. “This is a lot.” mas napangiti pa ako ng halatang kinagulat niya ang amount na sinulat ko. “That’s all yours, Ninong. Bahala ka na kung bibigyan mo ang mga taong kikilos, it’s up to you.” He placed the bank check back on his table. “You really know how to play your cards, young man. Manang-mana ka nga kay Fernando.” “Like father like son, Ninong.” tumango-tango siya before leaning back again at his swivel chair. “When do you plan to shut down the factory?” “As soon as possible, Ninong.” determinado kong sagot habang malapad na nakangiti sa kanya. “Alright. But this will just be once, Oliver. Isang beses lang kitang pagbibigyan and after that, hindi na kita matutulungan pa.” agad ko siyang kinamayan at tumayo. “Thank you, Ninong. You don't know how happy I am now.” “Just keep this to your father. Ayokong magkaroon ng problema sa Daddy mo lalo na dito sa trabaho ko.” “You have my word, Ninong. Thanks again.” lumabas na ako ng office niya with a broad smile on my face. As expected, I got what I wanted. Wala naman akong ginusto na hindi ko nakuha. By hook or by crook, I always get what I want. Oliver Imperial always gets what he wishes for and what he desires. Walang pwedeng humindi sa akin lalo pa kung pera na ang pinakilos ko. Lahat ng tao ay may katapat na pera. Money talks sabi nga nila. Nagbabago ang prinsipyo at paninindigan ng isang tao kahit gaano pa kataas ang pinag-aralan ng mga yan kapag tinapatan na ng malaking halaga. The money I gave to my godfather ay hindi biro ang halaga. It is equivalent to his half a year salary on his current job at malabo na hindi niya ito tanggapin. I have everything under control at masaya ako. Soon, I will also have Jillian in my hand. Magiging akin rin siya kagaya ng ibang pag-aari na napa-sa akin ng walang kahirap-hirap. Hindi lang ang katawan niya ang aangkinin ko kung hindi pati ang kaluluwa niya. At wala siyang magagawa against it dahil ginusto ko. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. There is no exemption to that rule of mine. Maghintay ka lang, mahal kong Jillian. Maghintay-hintay ka lang. Pasasaan at magiging akin ka rin. Pasasaan ay makukuha ko rin ang gusto ko. I will have you not just to warm my bed, but in my life as well. Sa ngayon ay maghihintay muna ako dahil darating ang araw na luluhod ka harap ko at hahalik sa mga paa ko. —---’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD