Chapter 9 -Bargain Agreement

4040 Words
Masaya ako ngayon dahil may dadalhin akong mga papeles sa Lorenzano and Lorenzano Textile mamaya. Ilang araw rin akong hindi nakapunta sa factory at ilang araw ko rin na hindi nakita si Mam Jillian dahil sa dami ng inutos sa akin ni Sir Napoleon na puntahan. Nang malaman ko kanina ang mga lugar na kailangan kong puntahan sa maghapon ay may kakaibang tuwa akong nararamdaman ng mabasa ko ang pangalan ng factory. Hindi na ako mapakali na makita ko ulit si Mam Jillian. Gusto ko na ngang hilahin ang mga oras para maghapon na at maka-punta na ako sa kanila. Hindi ko mawari kung bakit ganito na lang ang kaligayahan at kasabikan sa puso ko sa ideyang magkikita ulit kami ng dalaga. Hindi ko naman sasabihin na gusto ko na siya dahil imposibleng mangyari naman ang bagay na yun lalo pa kung halos kakikilala pa lang namin. Paano ko nga ba malalaman kung may gusto na ako sa isang babae? Anu-ano ba ang senyales na nagkakagusto na ako sa kanya? Hindi pa kasi ako kahit kailan pinana ni kupido. May mga pagkakataon noon na humahanga ako sa isang babae, kagaya na lang ngayon kay Mam Jillian, pero paghanga lang yun na normal sa mga lalaki. Natural na humanga ka sa isang tao lalo pa kung mabait ito, simple, masayahin at syempre maganda. Kaya alam ko na paghanga lang ang meron ako ngayon kay Mam Jillian na normal lang dahil mabuti siyang tao bagay na kahanga-hanga naman talaga. Pero paano ko malalaman na may puwang na siya sa puso ko at hindi lang paghanga ang nararamdaman ko? Napa-iling na lang ako habang naghihintay ng oras sa naisip ko. Kahit naman siguro mas lumalim pa ang pagtingin ko at nararamdaman ko para kay Mam Jillian na hindi imposibleng mangyari dahil kung ikukumpara sa ibang babae na nakilala ko, angat sa kanilang lahat si mam Jillian ay malabo na magkaroon ng kami. Malabo na mapansin niya ako sa mas malalim na aspeto dahil magkalayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Sigurado na hindi ang isang kagaya ko na mahirap at kulang sa pinag-aralan at wala pang napapatunayan sa buhay ang tipo niya. Sigurado na ang mga tipo niyang lalaki ay yung mga kagaya ng Oliver na yun na mayaman, kilala at nanggaling sa isang respetado at may sinasabi na pamilya. Pagsapit ng ala-una ng hapon ay nagsimula na akong mag-biyahe papunta sa factory nila Jillian. Sumaglit pa ako sa isang bakery na nadaanan ko para bumili ng tinapay para sa kanya ng may meryendahin siya. Pagbaba ko ng jeep ay masaya pa akong naglalakad habang inaalala ang magandang mukha ng dalaga. Pagtapat ko sa factory ay laking gulat ko kung bakit ito nakasara. Hindi naman Linggo ngayon kaya bakit nakasara ang Lorenzano and Lorenzano Textile? Ang alam ko ay tuwing Linggo lang nagsasara ang factory dahil pahinga ito ng mga may-ari at ng mga trabahador. Nakita kong nakatayo sa labas ng nakasarang entrada si Manong Guard kaya nilapitan ko ito para magtanong. “Magandang hapon, Manong.” “O, JC! Napadpad ka?” sabay tingin niya sa hawak kong envelope at sa plastic na bitbit ko. “Para ba dito yang dala mo?” “Opo, Manong. Pina-padala ng publishing dito. Bakit sarado sila ngayon, Manong? Hindi naman Linggo.” malungkot na nag-alis siya ng tingin sa akin bago nag-buntong hininga. “Pinasara ang factory kahapon, JC.” “Po? Eh bakit ipinasara?” “May mga ilang panuntunan daw na hindi nasunod ang management ayon sa city office kaya temporary close muna ang factory habang pinag-aaralan pa nila ito.” nalungkot ako sa narinig ko. “Ganun po ba?” bigla kong naisip si Mam Jillian. Siguradong nakarating na rin sa kanya ang tungkol sa balitang ito at sigurado na isa rin siya sa nababagabag ngayon sa nangyari sa factory nila. “Oo eh. Biglaan nga na isinara kahapon. Oras pa ng trabaho ay ipinasara na ni Sir Mario ang lugar kasama ang mga taga-city office.” malungkot pa rin na turan niya. “Nagulat nga kami lalo na sila Sir Mario at Mam Marites dahil ayon sa kanila ay wala naman nilabag na panuntunan ang factory.” “Alam narin sigurado ni Mam Jillian ang nangyaring ito.” wala sa loob na sabi ko. “Alam niya. Nandito rin si Mam Grace ng ipasara ito kahapon. Malungkot nga at halatang problemado. Hay, ewan ko ba kung bakit sinara ang factory. Sa tagal ko ng nagtatrabaho dito ay ngayon lang ito nangyari. Mabuti sana kung no work with pay, ang kaso hindi kaya apektado talaga ang karamihan sa mga trabahador.” napahugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko nga alam kung maayos na ba ang kalagayan ni Mam Jillian sa mga magulang niya at kung maayos na ba siya, tapos ito naman ang nangyari sa kanya. Siguradong dagdag ito sa mga isipin niya kung sakali. “Iwan ko na lang rin ito, Manong. Sasabihin ko na lang kay Sir Napoleon ang mga nalaman ko dito para alam rin niya.” inabot ko ang envelope sa kanya. “At ito rin pala, Manong.” inabot ko rin ang plastic na bitbit ko na para sana kay Mam Jillian. “O ano ito?” tinanggap naman niya ang plastic. “Tinapay po, Manong. Sa inyo na lang para may merienda po kayo. Eh kay Mam Jillian sana kaso wala pala siya.” tumingin siya ng makahulugan sa akin bago ngumiti. “Tapatin mo nga ako, JC. Nanliligaw ka ba kay Mam Grace?” nagulat ako sa tinanong niya. “Naku hindi po, Manong!” “Akala ko ay nanliligaw ka na, bata. Tandaan mo palagi ang sinabi ko sayo. Huwag mo ng pag-isipan pa na pormahan si Mam Grace. Huwag mo ng tangkain pa, JC. Malaking tao ang makakabangga mo kung saka-sakali. Hindi mo nanaisin na makabangga ang isang Imperial, lalo na si Sir Oliver. Mabait kang bata, nakikita ko sayo na mabuti at malinis ang hangarin mo sa pakikilapt mo kay mam Grace, pero sasayangin mo lang ang buhay mo kung mas lalaliman mo pa ang lahat. Huwag, bata. Sayang lang.” tumango lang ako at nagpaalam narin. Baon ko ang bigat ng kalooban habang pabalik sa publishing. Hindi ang mga sinabi sa akin ni Manong Guard tungkol sa Oliver imperial na yun ang bumabagabag sa buong sistema ko kung hindi ang naabutan ko sa factory. Alam kong malaki ang epekto nito kay Mam Jillian at lalong-lalo na sa mga magulang niya. Sana pala ay in-alam ko ang numero niya para maaari ko siyang tawagan para kamustahin. Hindi ko maiwasan na maging malungkot rin para kay Mam Jillian. Hindi ko maintindihan kung bakit kapag masaya siya ay masaya rin ako at kapag malungkot siya ay malungkot rin ako. Para bang kambal ang damdamin namin dahil nararamdaman ko ang mga nararamdaman niya. Parang magkadikit ang mga damdamin namin na talagang ipi-nagtataka ko ng lubos. — “PAANONG NANGYARI NA IPINASARA ANG FACTORY GAYON WALA NAMAN TAYONG NILABAG NA PANUNTUNAN, MARIO?” “Hindi ko rin alam, Marites.” napatingin ako kay papa habang nakayuko ito at hawak ang ulo. “KAHAPON KO PA INIISIP KUNG ANONG PAGKAKAMALI NATIN? kUNG SAAN TAYO NAGKULANG AT KUNG ANO ANG NILABAG NATIN PARA IPA-TEMPORARY CLOSE NG CITY OFFICE ANG NEGOSYO NATIN?” “Ma, kumalma ka muna at huwag kang sumigaw. Baka pati ikaw ay tumaas ang presyon.” may pag-aalala na turan ko. Huminga ng malalim si mama bago naupong katabi ni papa sa sofa. Maya-maya pa ay may tumulong luha sa mga mata niya na mas lalong nagpa-lungkot sa akin. Hindi pa kami ayos ng mga magulang ko, hindi pa naibalik ang dating pakikitungo nila sa akin mula ng nangyari sa birthday ni Oliver. Pero sa mga panahon na kagaya nito ay hindi ko pwedeng ipagsa-walang bahala ang damdamin nila dahil alam ko na malaki ang epekto nito sa kanila. Kung sa akin nga ay malaking dagok na ang nangyayari ngayon sa factory, sa kanila pa kaya na siyang nagtatag ng business namin? Kaya kahit pa alam ko na may gap pa kami ni papa at mama ay hindi ko sila iniwan ngayon dahil gusto ko silang suportahan at tulungan kung meron man akong maitutulong. I knew that our factory means a lot to them, this is our family’s bread and butter. Maraming pawis, puyat, sakripisyo at pagod ang puhunan ng mga magulang ko dito manatili lang ang Lorenzano and Lorenzano textile sa industriya. Kaya bitid ko kung gaano sila naapektuhan ngayon gayon pinasara ang business namin. “Tiningnan kong lahat ulit ang mga papeles ng factory kagabi. Binusisi kong lahat ang mga posibleng maibutas sa atin ng city office pero wala. Wala tayong nilabag sa anuman. Kaya nagtataka ako talaga kung bakit nag-utos ang division head na ipa-sara ang factory gayon wala naman tayong nilabag na panuntunan.” malungkot na sabi ni papa. “Baka po gawa ito ng mga kakumpetensya ng factory, Pa. Hindi kaya?” sabay na napatingin sila sa akin. “Hindi nga kaya, Mario? Baka nga may punto si Jillian. Baka nga gawa ito ng mga competitors natin sa negosyo.” “Ano naman ang mapapala nila, Marites? Hindi pa naman bigtime ang Lorenzano and Lorenzano Textile.” sabay-sabay kaming napahinga ng malalim. Kahapon pa ako nag-iisip kung bakit nangyari ang nangyayari ngayon sa factory. Kahapon pa magulo ang isip ko kakaisip kung ano ang posibleng naging dahilan at batayan ng division head upang i-temporary closed ang business namin. Kung wala naman nilabag na panuntunan ang factory, then why have it closed? Bigla akong napapikit ng may pumasok sa isip ko. Naalala ko ang mga katagang binitawan ni Oliver noon sa birthday niya ng alukin niya ako na sumama sa kanya sa unahan. Is it possible na may kinalaman si Oliver sa pagkaka-sara ng factory? Possible ba na siya ang nasa likod ng kaguluhan na ito? Alam ko na malaki ang saklaw ng connections ng mga Imperial, pero posible nga ba na siya ang may gawa nito? Kaya niya bang gawin ang banta niya sa akin noon? Tiim ang bagang kong dumilat. Inabutan kong nakatingin sa akin sila papa. “Mabuti pa siguro ay magpahinga ka na, Jillian. Kami na ang bahala ng Papa mo na mag-analyze sa sitwasyon ng factory.” hindi muna ako tumayo at nanatiling nakatingin sa kanila. “Sige na, Anak. Magpahinga ka na at gabi narin.” tumango ako bago tumayo. “Magpahinga narin po kayo, Ma. Bukas na po natin isipin kung ano ang gagawin natin sa factory.” saglit na ngumiti sa akin si mama pero si papa ay nanatiling nakatingin lang sa akin hanggang sa iniwan ko na sila sa sala. Pagdating sa silid ko ay marahas akong humiga sa kama at tinuloy ang pag-iisip. “Posible nga bang may kinalaman ka Oliver sa mga nangyayari ngayon sa amin? Posible nga ba na ikaw ang nagpa-sara ng factory na nabanggit mo sa akin noon sa birthday mo?” Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Patay na ang mga ilaw sa labas at malamang ay tulog na ang mga magulang ko pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung may kinalaman nga si Oliver sa nangyayari ngayon sa amin, mapapatay ko talaga ang hayop na yun. Kung talagang siya ang puno’t-dulo ng lahat ng kaguluhan ngayon sa factory ay hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil siguradong under the table ang ginawa niya makuha lang niya ang nais. Napaka-walang hiya naman niya kung itinuloy nga niya ang banta niya sa akin noon. Napaka-walang puso naman niya kung siya nga ang may pakana ng lahat ng ito. Hindi ako mapakali sa naisip ko. I need to know it from him mismo kung ano ang naging papel niya sa kaguluhan na ito. I just wish na hindi siya ang may pakana nito. Na sana lang ay wala siyang ginawang hakbang sa mga nangyayari ngayon at labas siya dito. Dahil kung may kinalaman siya sa lahat at pinakilos niya ang pera niya, tiyak na malaki ang kapalit na hihingin niya para mag-operate muli ang factory. At alam ko na ang magiging kapalit. Ako. Ako ang magiging kapalit para muling payagan na mag-operate ang Lorenzano and Lorenzano Textile. Ako ang magiging kapalit ng lahat ng ito. That thought made me sick that literally pained my head. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag-type ng message. Hindi alintana ang oras ay sin-end ko ang message sa taong ni sa panaginip ay hindi ko naisip na padalahan ng mensahe. Binaba ko ang cellphone ko at pumikit. Pero hindi pa nakalipas ang isang minuto ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay nakita kong tumatawag si Oliver sa akin. Nag-alangan akong sagutin ito pero sinagot ko rin matapos ang halos limang rings. “I was shocked to receive a message from you, my dear Jillian. It is almost midnight if I am not mistaken, yet here you are sending a message to me na ngayon mo lang ginawa. I feel deeply honored, my dear.” “Anong kinalaman mo sa pagkaka-sara ng factory, Oliver?” seryosong tanong ko. Nadagdagan ang inis ko ng marinig ko siyang tumawa ng malakas sa kabilang linya. “Relax, my dear. Masyado ka namang hot, Jillian.” “Ano nga ang kinalaman mo? Sabihin mo, Oliver. Ano ang kinalaman mo sa mga nangyayari ngayon sa factory?” “Malaki.” tiim bagang ako napapikit habang mahigpit na hawak ang aparato. Sinasabi ko na nga ba na siya ang nasa likod ng lahat ng ito. Sinasabi ko na nga ba pinakilos niya ang pera at ang koneksyon niya. “Napaka-hayop mo talaga.” gigil na sagot ko. Iniwasan kong sumigaw dahil tiyak na maririnig ako sa silid ng mga magulang ko kahit pa gustong-gusto ko ng bulyawan ang isang ito sa kahayupan na ginawa niya. “Wala kang kasing-sama, Oliver. Nakapa-hayop mong animal ka.” “Hayop na kung hayop. Masama na kung masama. Well, that’s me. Alin naman na walang kapalit ang mga ginawa mo sa akin sa araw ng birthday ko, Jillian. Kilala mo naman si Oliver Imperial. Hindi pwedeng ganun na lang ang lahat after you have humiliated me in front of my guests.” “Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ko ginawa ang bagay na yun in the first place!” mabilis kong tinakpan ang bibig ko sa pag-sigaw ko. “Ooops! Temper-temper, my dear Jillian.” “Ano ba kasi ang gusto mo? Bakit pati ang factory ay dinamay mo pa? Bakit hindi na lang sa akin ka mismo gumanti at hindi yung pati mga magulang ko at negosyo ng pamilya ko ay dinamay mo pang hayop ka.” “Hahahahaha! Alam ko naman na kung sayo lang ako maghiganti ay hindi ito sapat and besides, hindi kita masyadong masasaktan kung ikaw lang. Kaya naisip ko na isama ko na ang mga mahal mong magulang at ang pinaghirapan nilang ipundar ng sa gayon ay mas masakit ang dating nito sayo. Tama ba ako?” “Hayop ka talaga, Oliver. Wala kang kasing-hayop. Nuknukan ka ng sama. Nuknukan ng itim ang budhi mo.” gigil na gigil kong pinatay ang tawag saka padabog na binaba sa kama ang aparato. Kahit kailan talaga ay nakakasama ng isang yun. Kahit kailan talaga ang wala na siyang dinulot sa akin kung hindi paghihirap at pasakit. Para bang ipinanganak siya upang bwisit-in ako at pasakitan. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa kanya sa tindi ng galit ko ngayon. Muling tumunog ang cellphone ko, may nag-send sa akin ng message. Mabilis ko itong binasa. Meet me tomorrow. I’ll fetch you there at your home at exactly 7 in the evening. Have dinner with me and I might consider reopening your factory. Wala akong nagawa kung hindi ang maging sunod-sunuran sa nais na mangyari ni Oliver na makipag-dinner sa kanya kinabukasan. Kahit pa nga ayaw ko ay wala akong nagawa dahil kailangan ko siya para sa muling pagbubukas ng factory namin. Nasusuka ako sa ideyang ito pero wala akong pagpilian sa ngayon. I have no choice but to give in to his demand dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng business namin. Nagulat pa sila papa at mama ng makita nila sa pinto ng bahay namin si Oliver. Pinatuloy pa nila ito at pinaghanda pa ng maiinom ni mama. “Mabuti naman at nadalaw ka dito sa amin, Sir Oliver. Sana ay nagsabi kayo para nasabihan ko si Marites na ipagluto kayo ng masarap na hapunan.” giliw na giliw na sabi ni papa sa lalaking katabi ko ngayon. Halatang masayang-masaya si papa na nasa bahay namin ngayon ang bruskong ito. “Dito ka na mag-hapunan, Sir Oliver. Nagluto po ako ng adobong baboy at saka afritadang manok.” yaya pa ni mama. “Salamat po, Aling Marites. Pero lalabas po kami ni Jillian ngayon, may dinner date po kaming dalawa.” nanlalaki ang mga mata ni papa at ni mama at hindi makapaniwala sa narinig. “Talaga po, Sir? Aba, eh walang nababanggit sa amin itong dalaga namin.” masayang turan muli ni papa na kinasimangot ko. “O siya sige na, baka maabala pa namin ang pupuntahan nyo.” matutuwa rin na segunda ni mama. Ako na ang unang tumayo bago lumapit sa mga magulang ko at humalik sa mga pisngi nila. Agad ko rin tinungo ang pinto at binuksan ito. Narinig ko pa ang sinabi ni Oliver sa kanila. “Ihahatid ko po ng buong-buo si Jillian mamaya. Kakain lang po kami at mag-uusap sandali.” “Kahit tagalan nyo pa, Sir Oliver. Alam naman namin na ligtas sa inyo ang anak namin.” napatikwas ang isang kilay ko at napabuga ang ng masamang hangin sa narinig kong sinagot ng papa ko. “Narinig mo ba yun, my dear. Kahit tagalan pa daw natin sabi ng papa mo.” natatawa na bulong niya sa akin ng makalabas na kami ng bahay. Hinawakan niya pa ang siko ko na marahas kong nilayo sa kanya. “Huwag na huwag mo akong hahawakan, hayop ka.” pigil pa rin na sabi ko bago mabilis na nagtungo sa gate namin. Hindi niya binuksan ang pinto ng sasakyan niya at nauna na siyang pumasok sa loob na hindi ko na ikina-gulat pa. What’s new with this man! Ganyan na naman talaga ang pagkakakilala ko sa kanya kaya hindi na ako nagugulat o nagtataka sa mga kilos niya. Baka magulat pa nga ako kung magiging gentleman siya sa harap ko. Sa isang fancy restaurant niya ako dinala. Halatang mamahalin ang lugar na ito dahil bibihira lang ang nandito sa loob at maganda ang interior even the exterior of the place. Maganda sana ang lugar at maa-appreciate ko ito kung gusto ko ang kasama ko. Kaso ay hindi kaya hindi ko rin masyadong mapag-tuunan ng pansin ang ganda ng kapaligiran ko ngayon. Hindi niya ako tinanong kung ano ang gusto kong kainin which is hindi ko narin ipi-nagtataka pa. He did the ordering for the both of us. Sa totoo lang ay gusto ko ng matapos ang gabing ito para makauwi na ako sa amin. Ayoko na siyang makita at naiinis ako na kasama siya ngayon. Kung hindi lang talaga para sa factory ay malabo niya akong napilit na sumama sa kanya ngayon. “I just want to clear everything to you first, Jillian. Gusto kong sabihin sayo kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito.” “Cut the bullshit and let’s get over it.” seryosong sagot ko at magaspang siyang tiningnan. “I really love it when you're mad, my dear Jillian. Don’t you know that it brings out your inner beauty everytime you are staring at me with fierceness? Everytime that you are angry at me? Mas lalo lang akong nahuhulog sayo. The more I am falling in love with you, Jillian.” mabilis niyang hinawakan ang isang kamay ko. I tried to pull it away but he gripped it firmly and didn’t let it go. “Ang lambot talaga ng kamay mo. Siguradong may iba pang mas malambot dito sa loob ng suot mo ngayon.” tumalim ang tingin ko sa kanya. “Bastos!” mabilis akong napa-tayo at umaapoy na tinitigan siya. Hindi ko pinansin ang ilang pares ng mga mata na tumingin sa table namin. “If you don’t sit back on your seat and remain calm tonight then I promise you, hinding-hindi na mag-ooperate ang Lorenzano and Lorenzano Textile. Believe me, I can do it.” He even wiggled his eyebrows before smiling broadly at me. Wala akong nagawa kung hindi ang maupong muli at huminga ng malalim. “That’s more like it. Now let’s start again, shall we?” tumingin muna siya sa akin ng nakakaloko bago nagpatuloy. “Isa lang ang gusto ko para ipabukas kong muli ang small time factory nyo.” I huffed with disgust the minute he emphasized the word small time. “I want you, Jillian. Plain and simple.” “Why am I not surprised?” sarkastiko na sagot ko. “I want you to be my girlfriend. Yan ang kapalit for me to reopen that damn factory of yours. Simple, right? You will be my girlfriend and act as one.” “Para naman may choice ako.” inis ko pa rin na sagot. Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at sumandal ng prente sa upuan. Nag-de kwatro pa ito and amusedly looked back at me. “You don’t. You don’t have a choice, Jillian. Not unless selfish ka at sarili mo lang ang iniisip mo plus that petty feelings of yours, then you do have a choice. It’s up to you, my dear.” makahulugan na tinitigan niya ako. Ano pa bang choice mo, Jillian? Ano pa ba ang dapat mong pag-isipan? Wala. Wala kang pwedeng pagpilian dahil at stake dito ang negosyo na pinundar ng mga magulang mo. Muli akong huminga ng malalim. “Alright.” bigla siyang napaayos ng upo. “Alright what?” “Pumapayag na ako sa gusto mo. Magiging girlfriend mo ako sa oras na mag-operate ulit ang factory.” labag sa loob na sabi ko. Mababakas ang kaligayahan at kasiyahan sa mga mata niya. He automatically reached for my hand again and kissed it. Napa-simangot ako sa ginawa niya na hindi nakaligtas sa paningin niya. “Bukas. Bukas ng umaga ay ipapabukas ko ulit ang factory nyo. You can advise your workers to return tomorrow.” “How can I be sure na tutupad ka sa sinabi mo?” “Not when you are at stake, Jillian. Lahat ay gagawin ko maging akin ka lang. Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa bargain agreement natin dahil alam mo ang kaya kong gawin at kaya ko pang gawin in the future.” malapad siyang ngumit sa akin habang nagpupuyos sa galit ang dibdib ko sa kanya. “Marunong akong tumupad sa usapan, Oliver.” “Good then. Now let’s have a decent dinner. Ginutom ako sa excitement.” pinilit kong kumain kahit pa hindi ko malunok ang masarap na pagkain sa pinggan ko. Konti lang ang kinain ko at hinintay ko lang siyang matapos. Bago pa siya tumayo ay may sinabi pa ulit siya. “I will fetch you tomorrow at the factory. Lunchtime. Let’s have lunch with my parents. I will arrange a special place for the four of us para masabi natin sa kanila ang magandang balita na tayo na. I will arrive at 11 so I expect you to be prepared by that time.” “Ano pa?” walang buhay kong sagot. “Then I will pick you up after work mo para makapag-dinner naman tayo sa labas ng mga parents mo. For formality sake since dapat lang ay malaman rin nila na may relasyon na tayo para hindi na sila magulat pa everytime they will see me at your home.” “Anything else?” matabang na dugtong ko pa. “For now, wala na. That’s will be all for now, my dear.” hinawakan na niya ang kamay ko at bahagya pa akong hinila patayo. Simula pa lang ito ng kalbaryo mo, Jillian Grace. This is just the beginning. Simula pa ito at sana ay kayanin mo bago ka pa mabaliw. —--’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD