Chapter 11 -Panghihinayang

2526 Words

Nagsimulang mabago ang pagtrato sa akin ng mga magulang. Parang may mahikang nangyari na bigla na lang bumait ang mga itsura ng mga magulang ko. Kung noong mga nakaraang araw ay ni hindi ako ngitian at pansinin ni papa, ngayong gabi ay panay ang tingin niya sa akin at panay rin ang ngiti. Si mama naman ay mula pa ng paglabas namin ng restaurant ay naka-alalay pa sa siko ko hanggang sa papasok na kami sa bahay. Bakas sa mga mukha nila ang labis na kaligayahan. Halatang-halata sa mga kilos nila na natutuwa sila sa mga nangyayari ngayon. "Tingnan mo nga naman ang kapalaran! Sinong mag-aakala na magkaka-mabutihan ng loob ang nag-iisang anak ng mga Imperial at ang anak natin! Nakakamangha talaga ang pag-ibig! Sadyang mahiwaga ang pana ni Kupido!" maligayang sabi ni mama ng makapasok na kami sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD