Chapter 1 -Paboritong Love Story

2715 Words
“JC? Huy Juan Carlo, bangon na!” kinalabit ako ni Loida sa higaan, si Loida na naging kasambahay ko sa loob ng dalawangpung taon na nakalipas. Pagdilat ko ay mataas na ang araw sa labas, bahagya pa akong nasilaw sa liwanag bago nagkusot ng mga mata. “Anong oras na ba?” paos ko pang tanong habang bahagyang nag-uunat. “Oras na para bumangon ka jan dahil maya-maya lang ay darating na ang mga bisita mo.” inayos niya ang pagkakatali ng kurtina kaya mas pumasok ang liwanag sa loob ng aking silid. “Dumating na rin ang catering na tinawagan ni Julieta at ang mga upuan maging ang mga mesa. Pina-lagay ko ng lahat sa may hardin. Nandito na rin ang cake mo na pinauna na ni Joaquin pati ang sound system. Tapos ay tumawag kanina si Jennifer. Sabi niya ay may mga bitbit daw siyang panghimagas at lobo.” nanatili akong nakatingin lang sa kanya at hindi pa rin bumabangon. “Alam mo ba kung ano ang araw ngayon, JC?” tumitig siya sa akin ng ilang minuto bago ako pinan-lakihan ng mga mata. “Birthday mo lang naman ngayon! Matanda ka na talaga, JC! Nagiging ulyanin ka na, hay naku. Bumangon ka na jan at gumayak. Maya-maya lang ay nandito na ang mga pamangkin at apo mo.” napa-buntong hininga muna ako at bumangon. Ngayon nga pala ay ang aking kaarawan, ang aking ika-50th birthday. Matanda na ako, singkwenta na. Ang bilis ng panahon. Noon ay bata pa ako at uhugin pa, ngayon ay halos nasa dulo na ako ng buhay ko. Napag-usapan na namin ng mga kapatid ko noong nakaraang buwan pa ang tungkol sa birthday ko. Pupunta silang lahat dito kasama ang mga anak nila pati narin ang ilan sa mga apo ko. Ayoko na sana ng magarbong selebrasyon Dahil magastos at maraming abyadin. Mas nais ko sana ay isang simpleng salu-salo na lamang ang maganap kaso ay makulit ang mga kapatid ko, lalong-lalo na si Julieta na bunso namin. Minsan lang daw sa buhay ng tao ang umabot ng edad singkwenta kaya nararapat lamang daw na ipagdiwang ito ng engrande. Kung sabagay ay wala naman akong ginastos para sa araw na ito, walang lumabas ni isang kusing sa bulsa ko. Silang lahat ang sumagot. Ultimo si Loida ay nag-ambag rin na siyang nag-arkila ng mga upuan at mesa na galing sa sariling bulsa niya. Solo lang ako sa buhay. Wala akong anak at wala akong asawa. Tumanda na akong binata at tanging si Loida lang ang naging kasa-kasama ko sa buhay na siyang kasambahay ko noon pa ng nasa edad trenta pa lamang ako. Halos magka-edad kaming dalawa, kaya magkasundo kami. Siguro ay dahil na rin sa tutok ako ng husto sa negosyo ko at sa pagtulong ko sa mga kapatid ko kung kaya hindi na ako nakapag-asawa pa. Pero kahit na ganun ay madalas naman kung bisitahin ako dito ni Julieta kasama ang apo kong sila Lorraine at Larry dahil narin sa nasa isang subdivision lamang kami nakatira. Sa lahat ng mga kapatid ko, si Julieta ang pinakamalapit sa akin. Natatandaan ko pa noong dalaga pa siya ay spoiled na spoiled siya sa akin. Lahat ng hiling niya at mga gusto niyang bilhin ay binigay ko basta ang kapalit ay ang mag-aral siyang mabuti para maging maganda ang future niya. “Nandito na sila Julieta! Juan Carlo! Aba! Gumayak ka na jan!” napa-iling na lang ako sa sigaw ni Loida mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong tumayo at kumuha ng isusuot bago nagtungo sa banyo. “HAPPY BIRTHDAY PO, LOLO JC!” magiliw na bati sa akin ng mga apo kong sila Lorraine at Larry paglabas ko ng silid ko. Mabilis silang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi ko. “Salamat mga apo.” “Happy birthday Kuya.” niyakap rin ako ni Julieta sabay abot ng regalo sa akin. “Naku nag-abala ka pa talaga, Julieta. Hindi ka na sana nag-abala pa na gumastos. At ang laki pa talaga! Salamat dito.” tinanggap ko ang regalo niya bago siya niyakap pabalik. “O nasaan pala ang asawa mo? Nasaan si Lando?” tumingin pa ako sa likuran niya bago siya binalikan ng tingin. “Nasa trabaho pa, Kuya. Susubukan daw niyang makahabol mamaya kung papayagan siyang mag-undertime ng amo niya.” “Masyadong workaholic yang asawa mo, Julieta. Sabagay ay mainam rin kaya lang ay Linggo ngayon. Dapat ay pahinga na ang araw na ito hindi ganyang nasa trabaho pa siya.” “Kailangan Kuya. Ganitong lumalaki na ang mga apo namin. Mas magastos na. Alam mo naman na mula ng nawala ang mga magulang nila ay kami na ang umako sa dalawa.” “Kayo naman kasing mag-asawa, matigas rin ang mga ulo nyo. Ino-offer ko ng ako na ang sasagot sa matrikula ng dalawa, ayaw nyo naman. Puro kayo pride. Eh di sana ay nakakasama mo ang asawa mo isang beses isang linggo.” ngumiti lang siya sa akin. Naglakad ako patungo sa sala para umupo at hintayin pa ang ibang bisita ko. Sumunod sa akin ang dalawang apo ko at tumabi sa magkabilang side ko. “Lolo JC, magkwento po kayo ulit! Yung madalas na kinu-kwento nyo po sa amin noon.” “Oo nga po, Lolo JC. Yung madalas mo pong kinu-kwento sa amin dati.” segunda naman ni Larry sa sinabi ng Ate niya. “Naku eh hindi ba kayo nauumay sa kwento ng Lolo nyo, mga apo?” natatawa kong pahayag habang umiling ang dalawa. “Mamaya nyo na kulitin ang Lolo nyo, Lorraine Larry. Maya-maya lang ay nandito na ang mga pinsan nyo. Doon muna kayo sa garden dalawa at hintayin nyo ang iba.” walang nagawa ang dalawang bata kung hindi ang sumunod sa lola nila. Tinabihan ako ni Julieta at humilig sa balikat ko. Kahit kailan talaga ay napaka-lambing ng bunso namin sa akin bagay na kinatutuwa ko talaga. “Kamusta ka naman, Kuya? Kamusta ang check up mo noong nakaraan? Hindi mo kami binalitaan na nagpa-check up ka pala dahil nanikip daw ang dibdib mo.” may himig na nagtatampo sa boses ng kapatid ko. “Sus, eh aabalahin ko pa kayo. Hindi na kailangan pa. Nandito naman si Loida, siya ang kasama kong nagpa-check up.” “Kahit pa, Kuya. Iba pa rin na alam namin nila Ate Jennifer at Kuya Joaquin ang mga nangyayari sayo. Nag-alala kami sayo ng mabanggit ni Loida sa amin kamakailan ang nangyari na sinugod ko daw sa ospital. Huwag ganun, Kuya. Next time ay sasabihin mo sa amin para updated kami kondisyon mo.” “O siya, sige na at para hindi mo na ako kulitin pa. Makulit ka pa naman.” nginitian ko siya ng malapad matapos ay bahagya pang humalakhak ng sumimangot siya sa akin. “Eh ano daw ang findings ng doktor? Bakit ka raw nakaramdam ng pananakit ng dibdib?” nasa tono pa rin niya ang labis na pag-aalala. “Naku wala yun. Kabado lang si Loida kaya sinugod ako kaagad sa hospital. Na dapat nga ay hindi na dahil nagastusan lang ako, hahahaha! Dahil lang daw sa init ng panahon at medyo kulang na sa exercise kaya medyo pumalya. Pero wala ka naman dapat ipag-alala, Julieta. Malakas pa sa kalabaw itong Kuya mo. Malakas pa ako kaya huwag ka ng mag-alala pa jan.” “Next time kapag ganyan na may nararamdaman ka na kahit ano, ay ipa-tawag mo ako. Ako lang ang pinakamalapit sayo rito, Kuya. Hindi ang nagulat na lang kami na sinugod ka na pala sa ospital at wala kaming kaalam-alam. Mamaya pala ay sasabihan ko rin si Loida na abusihan ako sa susunod.” “Masyado ka lang kabado, Julieta. Bawas-bawasan mo kasi ang mag-kape ng hindi ka nine-nerbiyos masyado. Hahahaha!” sabay pa kaming napatingin sa may entrada ng pinto nang biglang pumasok sila Joaquin at Jennifer kasama ang mga pamangkin at apo namin. “HAPPY BIRTHDAY PO LOLO JC!” sabay-sabay silang nag-silapitan sa sofa at isa-isang nagmano at hinalikan ako sa pisngi. Nakangiti ako habang tanaw ko ang mga kapatid kong papalapit sa akin kasama ang mga asawa nila. “Happy birthday Kuya.” magkasabay pang sabi nila Joaquin at Jennifer maging ng mga asawa nila. “Salamat sa pagpunta nyo at salamat rin sa mga regalo niyo. Naku eh ang dami-dami na nito.” “Ako na ang maglalagay dun sa table, Kuya.” prisinta ni Julieta. Tinabihan naman ako ni Jennifer bitbit ang pitong buwan niyang apo na anak ng panganay niya. “Ito na ba si Andrew? Napaka-gwapong bata aba! Manang-mana sa Lolo JC niya!” nag-tawanan ang lahat sa tinuran ko. “Aba eh totoo naman kaya! Tingnan nyo, may biloy sa magkabilang pisngi! Ako rin kaya ay may biloy!” ngumiti ako ng malapad upang ipakita ang mga biloy ko. “Oo na lang Kuya! Tutal ay birthday mo naman, pagbibigyan ka na namin ngayon araw! Pero ngayong araw lang ha, bukas hindi na!” muling lumakas ang tawanan sa paligid sa sinagot ni Joaquin. “Tayo na sa hardin para makakain na ang mga bata! Tutal ay kumpleto na tayo!” malakas na pahayag ni Loida na nakakuha ng aming atensyon. “Syempre ay kakantahan muna nating lahat si Kuya JC at magwi-wish pa siya bago mag-blow ng candle!” natutuwang pahayag ulit ni Jennifer bago nagsimula na maglakad papunta sa garden. Inalalayan ako ng mga bata upang makatayo at hawak kamay na nagtungo sa labas. “Make a wish, Lolo JC!” pumikit muna ako sa nag-wish sa isip ko. Matanda na ako Lord at hindi na uso sa akin ang wish-wish na ito. Pero dahil 50th birthday ko, isa lang ang tanging wish ko na noon ko pa wish. Yun ay makasama ko muli ang nag-iisang babaeng minahal ko ng lubos. Payagan nyo na akong maka-sama siya Lord. Gusto ko na siyang makita muli at miss na miss ko na siya. Payagan nyo na akong makapiling ulit siya. Pag-ihip ko ng kandila ay sumabay ang ihip ng malamig na hangin sa mukha ko. Napangiti ako ng maalala ko ang mukha niya na nakangiti habang nakatingin sa akin. “Kainan na!” malakas na anunsyo ni Joaquin. Ang ganda ng panahon. Kapag talagang ganitong buwan ng Nobyembre ay medyo mabini na ang simoy ng hangin kahit pa mataas ang sikat ng araw. Ramdam na ang kaPaskuhan kahit na malayo-layo pa ito. Umupo na ako sa isang round table kasama ang aking mga kapatid at ang mga asawa nila. Ang mga bata ay may kanya-kanya na din ng pwesto sa mga mesa at sinimulan na kaming hatiran ng pagkain ng mga staffs ng caterer. Habang kumakain ay patuloy ang kwentuhan namin at kamustahan. Hindi nawala sa usapan namin ang nakaraan na nangyari sa akin, ang paninikip ng aking dibdib bagay na nginingitian ko na lang sa tuwing pinangangaralan nila ako. Ang totoo niyan ay may sakit ako sa puso. Matagal na ito na karamdaman ko bagay na nilihim ko sa mga kapatid ko at bukod tanging si Loida lang ang nakaka-alam. Pero hiniling ko sa kanya na huwag nang banggitin pa ang kondisyon ko sa mga kapatid ko, na sa aming dalawa na lang ang sikreto kong ito. Ayoko silang mag-alala pa sa akin. Ayokong malungkot ang mga kapatid ko at mag-alala pa sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko. May mga sariling buhay na ang mga kapatid ko at may mga sariling problema rin sila na kinakaharap. Ayoko naman na dagdag pasanin pa nila ako kung sakali man na malaman pa nila ang kalagayan ko. Isa pa ay nakahanda na naman ako anuman oras na kukunin ako ng Maykapal. Anytime ay mawala ako dito sa mundong ibabaw ay masaya akong lilisan dahil nakita ko ng nasa maayos na kalagayan ang mga mahal ko sa buhay pati narin ang mga pamangkin at apo ko. Hindi na ako mangangamba pa na baka maghirap sila o mamoblema pa sa hinaharap dahil lingid sa kaalaman nilang lahat ay nagpagawa na ako ng last will and testament sa attorney ko. Hinanda ko na ang lahat para anumang oras na mawala ako ay wala ng dapat pang intindihan ang pamilya ko. Lahat ng kayamanan ko, ang mga lupain na pag-aari ko sampu ng aking mga ari-arian ay nahahati sa kanilang tatlo. Naglaan narin ako ng mga pondo para sa lahat ng mga pamangkin ko at pati na rin sa mga apo ko. Itong bahay at lupa kung saan ako nakatira ngayon na kasama sa mga pag-aari ko ay ipapamana ko sa bunso namin. Dahil sa lahat ng magkakapatid ay siya na lang ang bukod tanging nangungupahan pa rin hanggang ngayon. Wala naman akong sariling pamilya bukod kay Loida na itinuturing ko narin na kapatid ko kaya wala naman makikinabang ng mga maiiwan ko kung hindi sila lamang. Si Loida ay binahaginan ko rin ng isang ektaryang lupain ko sa Visayas na hindi niya rin alam, sorpresa ko ito sa kanya. Nakasaad narin ang bagay na yun sa last will and testament ko. Bukod pa doon, may isang milyon akong tseke na ipinangalan ko sa kanya, my own way of thanking her sa matagal na serbisyo niya sa akin at sa katapatan narin niya sa loob ng halos dalawang dekada. Handa na akong mamatay. Handang-handa na ako. Ready na ako anumang oras na kunin ako ng Maykapal. Hinihintay ko na nga lang na huminto ang pagtibok ng puso ko dahil gusto ko narin magpahinga ng permanente. Don’t get me wrong, I still love my life and I still love to see my family. Kaya lang ay may bagay akong inaasam sa puso ko na matagal ko ng nais na makamtan. At makakamit ko lang ang bagay na yun kapag wala na ako dito sa mundo. Ibinilin ko na kay Loida ang barong na gusto ko suotin sa huling araw ko maging ang paborito kong pantalon, medyas at sapatos. Pinahanda ko na rin sa attorney ko ang kabaong at funeral service na mag-aasikaso ng burol at libing ko. Sadyang nakahanda na ang lahat, ako na lamang ang hinihintay. Matapos kumain ay nagtipon-tipon kami sa sala, bagay na nakagawian na namin gawin kapag ganitong magkakasama-sama kami. Nakaupo sa magkabilang gilid ko ang dalawang kapatid kong babae habang ang sumunod sa akin na si Joaquin ay nakaupo naman sa pang-isahan na sofa. Ang mga bata ay nakaupo sa carpeted floor at ang ilan naman ay sa isa pang mahabang sofa. “Magkwento ka na po, Lolo JC!” pangungulit muli ni Lorraine, ang aking pinaka-paboritong apo. Nag-sunuran ang iba pa sa pag-udyok sa akin na magkwento kaya napa-iling na lamang ako at saka ngumiti ng malapad. “O siya sige na. Para matigil na kayo sa kakakulit sa gwapong lolo nyo ay magku-kwento na ako. Hahahaha! Ano ba ang kwento na gusto nyo na ikwento ko sa inyo this time?” “Yung dati pa rin po!” pahayag ng pangalawang anak ni Jennifer. “Iyon na naman? Eh palagi na lang ganun ang pinapa-kwento nyo! Iba naman. Nakakaumay na kaya. Alam na nating lahat ang kwento na yun eh.” sabat ni Joaquin sa mga bata. “But Daddy! Gusto po namin yun. Ang ganda-ganda po kaya! So romantic at parang nangyari talaga sa totoong buhay. Sige na po, Tito JC. Yun na lang pong favorite namin na love story ang kwento nyo po ulit.” turan ni Sabrina na panganay naman ni Joaquin. “Sige na nga. Pasalamat kayo ay mahal na mahal kayo ni Lolo gwapo nyo kaya pagbibigyan ko ulit kayo. Pero last na ito ha, hindi ko na uulitin ulit na ikwento ito sa inyo.” “YEHEY!” sigaw ng mga bata na ikinatawa ko ng malakas. “Pero dahil sa special day ngayon at 50th birthday ko, iku-kwento ko sa inyo ng buong-buo ang aking paboritong love story. Ang paboritong love story of all times. Ready na ba kayong makinig?” “OPO LOLO! READY NA PO KAMI!” sumandal ako sa sofa bago huminga muna ng malalim. Ilang beses ko ng nai-kwento sa kanila ang kwento na ito pero hinding-hindi ako magsasawang sariwain ang lahat. Marahan akong pumikit bago inalala ang kwentong nag-iisa at natatanging buhay sa puso at isipan ko. ------'--,--'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD