Napakaganda ng panahon, ginanap ang kasalan nila Rise at Ara sa isang pribadong garden themed church. Isa ito sa pinaka matandang simbahan sa lugar at lahat ay nakasuot ng mga magagandang damit na may motif na sky blue at royal blue na pinaghalo, idagdag pa ang napakagandang ambiance ng weather, at syempre napaka ganda ng bride to be that day, si Ara. Suot nito ang napakagarbosong likha ng isang kilalang mananahi ng Japan. 'Di maipaliwanag ang saya noon ni Ara habang hawak ang bouquet ng red roses flowers. Damang-dama niya ang pagiging excited na simulan agad ang paglalakad sa aisle ng simbahan, gaya niya'y ganoon din ang excitement ng kakambal niyang si Kiah na nasa tabi niya. Nagbalik ang guni-guni niya sa oras na iyon, before sila napunta doon sa garden, ay nagbalik ang ala-ala ni Ara

