Naimulat ni Ara ang kaniyang mga mata sa isang lugar. Halos maiyak siya nang makita ang sariling nakatali sa isang upuan at ngayo'y nasa tila isang swimming pool na may umaagos na tubig. Umaagos ito na tila sinadyang lagyan ng kung sinong mga tao. Nakikita pa niya ang unti-unting pag-apaw nito na ngayo'y nasa may tuhod na niya. Malapit na itong mapuno. "Tulong! Tulong! Tulongan n'yo po ako!" pabalik-balik na sigaw pa niya sa kung sinuman ang nandoon. Wala siyang maaninag sa taas dahil malalim ang bahaging kinaroroonan niya ngayon, kung tatantyahin niya'y nasa ten feet yata ang lalim niyon. Kapag hindi siya nakawala mula sa pagkakatali sa upuang iyon, tiyak na malulunod siya sa oras na iyon. Napapikit siya at umiiyak na nananalangin ng taimtim. Kung anuman ang mangyari sa kaniya sa lu

