Chapter 1
Chapter 1
*Vivien*
"Take off your clothes," wika niya.
Kung sabihin niya 'yon ay parang wala siyang pakialam sa mga lumalabas sa bibig niya. Masiyadong malamig, para siyang batong malamig.
Utos 'yon na parang binili na niya ako. Nasa tono 'yon ng boses niya na tila pagmamay-ari na niya ako. Hindi nga ba?
Ako ang lumapit sa kaniya at nagmakaawang tulungan niya ‘ko. At ito ba ang kapalit no'n? Umiling ako at agad nag-init ang dulo ng mga mata. Nagbabadya ang luha dahil aaminin kong hindi ko inaasahang ganito agad ang sisingilin niya sa'kin.
"H-Hindi ito kasama sa pinag-usapan," kinakabahan kong saad.
Pinilit kong patatagin ang boses kahit na hindi ko na matantiya ang bilis ng t***k ng puso ko. Labis na kaba ang nararamdaman ko dahil sa takot sa kaniya.
Ngayon lang ulit kami nagkita tapos ay sa ganitong sitwasyon pa. Tatlong taon ang lumipas at ang laki ng pinagbago niya. Gano'n na ba katagal ang tatlong taon? Ang daming nagbago sa kaniya na inaasahan ko naman mula no'ng iniwan ko siya.
Aaminin kong may pagsisisi sa puso ko. Aaminin kong may mga araw sa loob ng tatlong taon na umiiyak ako dahil sa ginawa ko sa kaniya. Nakokonsensya ako. Hindi ko ginusto pero ginawa ko pa rin. Kaya ngayon, hinaharap ko ang kaparusahan.
Kinilabutan ako nang tumawa siya. Tawa 'yon na parang naiinis at unti-unti nang nawawalan ng pasensiya sa akin. Nagagalit? Iyon ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Ikaw ang may kailangan at nagmakaawang tulungan kita,” may diing salita niya sa’kin.
Madilim ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. Puno ng galit, iyon lang ang tanging nakikita ko sa mga mata niya. Gano’n din sa mga lumalabas sa bibig niya.
“Bayad ka kaya gagawin ko lahat ng gusto ko sa'yo. Kahit maging alipin pa sa kama ko. At higit sa lahat, hindi mo 'ko pwedeng pigilan sa mga gusto ko dahil binayaran kita!" Mariin niyang salita at wala sa sariling napaigtad ako dahil biglang tumaas ang boses niya sa huling sinabi.
"H-Huwag mo namang gawin sa'kin 'to, R-Raevan," halos pabulong kong salita dahil sa takot. Nanginginig ang mag kamay ko.
Ngayon pa lang ay hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Kung iisipin ko 'yon ngayon ay panghihinaan lang ako ng loob at hindi pwedeng mangyari ‘yon. Kailangan kong maging matatag dahil may umaasa sa’kin.
Hindi na 'ko makakaatras sa kasunduan dahil nagamit ko na ang pera para sa operasyon ng anak ko. Hindi niya alam na nagkaanak kami. Hindi niya alam na buntis na ako noong umalis ako sa puder niya. Kahit ako ay hindi ko rin alam na nagdadalang tao na pala ako noon. Nalaman ko na lang noong lumipas ang dalawang linggong nagtatago ako.
Pinahanap niya 'ko noon. Pinili kong magtago na parang kriminal. Hindi nga ba? Bumalik agad ang mga ala-ala sa isip ko na parang kahapon lang 'yon nangyari lahat. Ilang beses ko na siyang pinagnakawan, hindi ko na mabilang.
Aaminin kong sakit ko na 'to, sakit ko na ang pagnanakaw. Kaya nga tinakwil na 'ko ng pamilya ko dahil sa kundisyon ko. Dahil pati sila ay ninanakawan ko. Pati ang lalaking walang ginawa kundi mahalin ako at alagaan. . .pinagnakawan ko.
Hindi ko na napigilang humikbi sa harap niya. Naninikip ang dibdib ko dahil ako ang gumawa sa kaniya nito.
Nagsisisi ako sa mga ginawa sa kaniya. Ngunit gusto ko ring magpasalamat dahil nagamot ang sakit kong ito dahil sa pag-alis ko. Hindi na ako kumukuha ng kahit anong gamit ngayon dahil kaya ko ng pigilan.
Mula nang magtago ako at nagpakalayo-layo ay natutuhan kong huwag kumuha ng pera o kahit anong bagay. Hindi ko ito masabi kay Raevan noon dahil natatakot akong baka itakwil niya rin ako tulad ng mga kamag-anak at pamilya ko.
Tumira ako sa lugar kung saan wala akong kapitbahay at malayo sa bayan, malayo kay Raevan. Malapit sa ilog ang naging tahanan ko, namin ng anak ko.
Nahirapan akong alisin sa sarili ang nakasanayan. Nang malaman kong buntis ako ay mas lalo akong nagpursige na hindi na magnanakaw.
Magbabago ako para sa anak ko. Magpapakabuti para hindi niya ako ikahiya kapag dumating ang panahon.
Nakayanan ko 'yon nang mag-isa. Natuto akong magtanim para may sariling makakain. Nagtrabaho rin ako bilang isang kasambahay, doon ay naisasama ko ang anak ko.
Mahirap para sa'kin na pigilan ang sariling magnakaw pero tuwing makikita ko ang anak ko, nakakaya ko. Hanggang sa nawala na lang sa akin at tuluyan na 'kong nagbago.
Habang pinagbubuntis ko siya noon ay ginamit ko ang perang naipon ko sa mga nakuha kay Raevan. Kakaonti lang 'yon dahil paisa-isa lang. Kumukuha lang ako tuwing hindi ako makakalma at kapag may hawak na akong bagay na hindi sa akin ay kalmado na uli ako.
Hindi ko gustong magnakaw pero para sa akin ay kailangan kong gawin ‘yon kahit na alam kong masama.
Sa barangay namin kung saan ako lumaki ay alam ng karamihan na ganito ako. Suki ako noon sa barangay dahil sa mga nagrereklamong ninakawan ko. Kahit sa eskwela ay ganoon din. Mabuti at nakapagtapos pa ako ng high school kahit parati akong nasa opisina ng guidance counselor at principal dahil sa pagnanakaw ko.
Wala akong kaibigan dahil sa kundisyon ko. Magna ang tukso nila sa akin mula noong bata pa ako. Magnanakaw.
Kahihiyan ako sa pamilya 'yon ang sabi ng mga magulang ko. Lagi ko raw silang napupurwisyo dahil sa malilikot kong mga kamay.
Hindi ko naman ito ginusto. Hindi ko naman piniling maging ganito. Sino bang may gusto na magkaroon ng ganitong sakit?
"I can do whatever I want, Vivien," may diing saad niya.
Tila isang babala at pagbabanta ang naramdaman ko sa boses niya. Para akong nakatali sa malalaking kadena na malabo nang makawala. Ito na yata ang kaparusahang ginawa ko sa taong una kong minahal. Ang taong pinakasalan ko at ang ama ng anak ko.
Lumandas ang masaganang luha ko dahil sa inisip. Labis akong nagsisisi sa mga nangyari. Ngunit hindi ko na kayang ibalik ang dati. Kung maaari mang mangyari 'yon, hindi pa rin ako babalik. Mas gugustuhin kong mahirapan ng ganito ngayon kaysa bumalik sa dating ako na magna.
Kung hindi ako umalis ay baka gano'n pa rin ako. Magnanakaw pa rin o baka makulong pa. Pwedeng ipakulong ng sariling asawa.
Nanginginig ang mga kamay kong inaalis ang butones ng blusa ko. Halos hindi ko na maramdaman ang mga kamay ko dahil sa takot na lumulukob sa akin.
Nang maalis na lahat ng butones ay inalis ko ang blouse na suot sa harap niya kasabay ng pag-agos ng masaganang luha ko.
Nakatitig siya ng mariin sa akin. Pinagmamasdan bawat galaw ko. Nakatayo ako sa harap niya dito sa dati naming kwarto. Kung saan puno ng mga ala-alang masasaya. Sinunod kong hinubad ang pantalon ko. Tanging panloob na lang ang natitira.
Nakatitig lang siya sa akin ng madilim. Madilim ang mga mata niya, kasing dilim ng langit kapag walang bituin sa gabi. Walang buhay at walang gana, iyon ang nakikita ko.
Inalis ko ang bra at nakatitig pa rin siya. Nang isunod ko na ang underwear ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at hinagis sa akin ang hinubad niyang coat kanina. Tumama ‘yon sa katawan at mukha ko na agad nahulog sa sahig.
“You’re so slow. Nawalan na ‘ko ng gana,” malamig niyang salita sa akin.
Ni hindi niya ako tinignan at lumabas na lang ng kwarto na parang walang nangyari. Doon ko na naibuhos lahat ng kinikimkim ko kanina. Hinayaan ko ang sariling humagulgol habang hawak ang pinulot kong coat niya sa sahig.