Chapter 28 Mapaglaro ang bawat galaw ng dila niya. Siya ay nakapikit na habang ako ay dilat pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Dahil sa tagal na naming hiwalay ay ngayon lang niya ako hinalikan. Inaamin ko sa sarili ko na isa ang halik niya sa mga nais kong balikan noon. Isa ang labi niya na hinahangad kong maramdaman uli. Pero hindi ganito. Hindi mapagparusa. Bahagya ko siyang tinulak pero masiyado siyang matigas. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Mas nilaksan ko ang pagtulak pero para siyang pader sa tigas. Mas dinikit niya ang katawan sa akin para hindi ako makagalaw. Naiipit na ako sa posisyon ko. Hanggang sa ang mapagparusang halik niya ay naging malambot at malamlam. Tila nanunuyo. Tila nanliligaw na sabayan ko. So gentle and it’s making me crazy and tipsy. Nakakabaliw

