“Baby,” tawag niya. “Ano?!” Pagalit kong tanong. “Why are you mad?” Takang tanong niya. “Ako dapat ‘yong nagagalit. I don’t understand. Bakit biglang bumaliktad?” puno ng pagtatakang saad niya. “Kasi, ayaw mong magpasuyo,” naiinis kong ani. Nagmamatigas pa. Siya na nga ‘tong nilalapitan, kinakausap at hinahalikan… ayaw pa rin? “Ayaw mong magpahalik. Ayaw mong ibuka ‘yang labi mo,” may inis ko pang dugtong. Hindi ko gusto ang halik na ‘yon kanina. Tila bago sa akin na hindi niya sinuklian ang ginawa ko. Samantalang siya, kung halikan ako, parang wala ng bukas. “Dahil hindi ka tumutupad sa usapan. Pinayagan kitang mamaya mo na ‘ko sasayawan pero ‘yong kondisyon ko, hindi mo sinunod,” wika niya at may halong tampo ang huling sinabi. Hindi naman siya galit. Sadyang naguguluhan lang sa in

