Chapter 39 Nakahawak pa rin siya sa beywang ko. “Puso, kalma. Puso, kalma.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay dinig na dinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Lalo na ang boses niyang ginamit. Parang mapang-akit? Magaspang at nakakapanindig balahibo. “I’m just kidding, baby. Not yet. Liligawan pa kita,” makahulugang saad niya kaya mas lalong nagwala ang puso ko. Seryoso ba talaga siyang liligawan niya ako? Not yet? Ibig sabihin. . .may plano siyang pakasalan ako, balang-araw? Dahil nakahawak pa rin siya sa beywang ko, malaking tulong ‘yon para makalakad ako ng hindi natatapilok. Pero habang nakakapit ako sa matipunong braso niya at pilit pinapakalma ang puso kong naghuhurumentado kanina pa. . .pati paghinga ko ay hindi na normal. Magtatagal pa kaya ang buhay ko nito? Kanina pa ganito a

