“Gusto kong makita ang anak ko,” pakiusap ko sa kaniya. Pagkapasok niya rito sa kwarto ay iyon agad ang bungad ko sa kaniya. Mukha siyang pagod galing trabaho. Hindi na niya suot ang necktie niya pati na rin ang coat niya. Nakabukas ang tatlong butones sa bandang itaas ng polo niya at nakatupi na lang hanggang siko ang manggas ng polo niya. Wala na siyang pakialam sa ayos niya pero hindi ko pa rin maiwasang hangaan siya. Ang perpekto ni Raevan kahit saang anggulo tignan. Tinignan niya ‘ko. Pagod at para bang mas lalong napagod dahil sa narinig. “Kasama mo naman siya maghapon. Ano pa bang gusto mo?” Wika niya at umupo sa gilid ng kama. Hindi ko na naman gusto ang tono ng boses niya at titig sa akin. Nag-alis siya ng sapatos at medyas. Habang ako ay nakaupo lang at nakasandal sa headboard

