Chapter 13 Nagising ako nang maramdamang gumalaw ang kama. Nakita ko si Raevan na walang baro pang itaas at nakaupo sa gilid ng kama. Katatapos lang yata niyang maligo dahil amoy na amoy ko ang sabong ginamit niya. Hindi ko gaanong minulat ang mga mata para makita ang gagawin niya. Nilingon niya kami at tumayo para hinaan ang air con. Nakita kong inayos niya ang kumot ni Rafaela. Nang tumingin siya sa gawi ko ay tinitigan muna niya ako. . .matagal, tapos ay kinuha ang isang unan at lumabas ng kwarto. Paglapat ng pinto ay napamulat na ako ng tuluyan. Wala akong kumot at tanging si Rafaela lang ang kinumutan niya. Nalungkot ako doon at napalingon uli sa pintong nilabasan niya. Talagang wala na siyang pakialam sa akin. Hindi naman dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil ako naman ang sumir

