Nagising ako dahil sa mabangong amoy. Pagkain yata iyon dahil agad kumalam ang sikmura ko. Minulat ko ang mga mata at agad na nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na malaking kurtina. Kinusot ko ang mga mata para masanay sa liwanag. Nagawa ko pang mag-alis ng muta habang nakahiga pa. Napatingin ako sa tabi ko. Wala na si Raevan. Sinundan ko ng tingin ‘yong mabangong amoy. Nasa lamesita ang pagkain na umuusok pa. Mukhang bagong luto lang. Hindi ko alam kung anong putahe pero mukhang masarap. Gumalaw ako para umunat na agad ding nahinto dahil sa pananakit ng buo kong katawan lalo na sa pagitan ng mga hita ko. Mahapdi doon na para bang may sugat na bago. Naaalala kong hindi ako nilubayan ni Raevan kagabi. Hindi talaga siya tumigil hanggang sa hindi ako nauubos. Tinulugan ko na n

