"Ano'ng tinitingin-tingin niyo riyan?! May dugo ang boss niyo! Kailangan natin siyang dalhin sa hospital! May tama siya ng baril!" Sigaw ko na sa kanila. Wala silang ginagawa kundi ang panoorin lang ako. Hirap na hirap pa 'ko dito kay Trojan dahil mabigat. Ang laki ng katawan niya at hindi naman ako sanay sa mabibigat. Hanggang dalawang timbang puno lang ang kaya kong buhatin. Itong si Trojan, ilang sakong bigas ba 'to? Napakabigat.
Pinilit ko siyang dalhin sa ibabaw ng kama. Bumagsak siya doon at parang pakiramdam ko, nabalian ako ng mga buto. Ang bigat niya. Nandoon pa rin ang dugo. Hindi lang pala 'yon, meron din sa tiyan niya. Ilang tama ba ng baril ang natamo niya.
Nagpa-panic na 'ko rito samantalang 'yong dalawang bantay, nanunuod lang sa akin.
"Ang lalaki ng mga katawan niyo, wala naman kayong silbi!" Hindi ko na napigilang singhalan sila. Naiinis na 'ko dahil kahit anong galit ang ipakita ko. . .ayaw nilang sumunod. Ano ang gusto nila... dumilat itong si Trojan at utusan silang dalhin siya sa hospital?! Hindi ako makapaniwala.
Anong serbisyo ang meron sila? Nagagalit ako dahil wala silang ginagawa. Naiinis lang ako.
Tumayo ako para ako na lang ang humanap ng solusyon. Tatawag ako ng ambulansiya. Wala akong maasahan sa dalawang 'to.
Matalim ko silang tinignang pareho at iniwan si Trojan. Nang lalabas ako ay agad silang humarang.
"Mamamatay na ang boss niyo. Wala namang kumikilos sa inyo kaya ako na! Tumabi kayo riyan at baka kayo ang ilagay ko sa labas para tamaan ng bala!" Hindi ko na nakokontrol ang lumalabas sa bibig ko dahil sa takot at pagka-inis.
Ayaw nilang tumabi kaya tinulak ko sila. "Padaanin niyo 'ko at tatawag ako ng ambulansiya!" Singhal ko sa kanila.
Nilingon ko si Trojan na wala pa ring malay. Nakasayad pa ang mahahaba niyang paa sa sahig dahil hindi ko na nagawang ayusin. Mabigat siya at hindi ko siya kayang buhatin para ipwesto siya sa gitna ng kama. Mas mahalaga pa ba 'yon? Mas importante na magamot siya kaagad kaya muli kong nilingon ang dalawang bantay na nakaharang sa pintuan.
"Tabi!" Malakas kong sabi at tinabig sila. Pero masiyado silang malaki kaya hindi sila napaatras.
"Ayaw niyo?" Nagtitimpi kong tanong. Walang sumagot kaya nilapitan ko uli si Trojan para kunin ang baril na nasa tabi niya.
Mabigat at first time kong makahawak kaya naman natakot din ako. Hindi ako marunong gumamit at baka ako din ang mapahamak dito. Pero wala na 'kong choice. Ayaw akong padaanin nitong dalawang bantay.
Nilingon ko sila at tinutukan. Nanginginig pa ang kamay ko. Wala naman akong balak kalabitin ang gatilyo at tatakutin lang sila para tumabi sila.
"Tumabi kayo," mariin kong utos.
"Ayoko ng ulitin pa at pagod na rin akong makiusap sa inyo. Hindi ko kilala ang boss niyo pero bilang tao, may malasakit ako sa kaniya. At hindi ako papayag na mamatay siya tulad ng ginagawa niyo ngayon. Kaya kung ayaw niyong matulad sa kalagayan niya ngayon, tumabi kayo diyan at tatawag ako ng ambulansiya," may diin kong utos. At bigla na lang may isang lalaking matangkad na sumulpot sa likuran ng dalawa. Matangkad at mas malaki pa yata ang kaha ng katawan niya. May tattoo sa leeg at napakaseryoso ng mukha.
"What's happening here?" Ang boses, grabe! Ang lalim. Iyong tipong... matatakot ka sa buhay mo sa sobrang lalim at laki ng boses niya. Bagay sa itsura at katawan niya. Nakakatakot naman ang lalaking 'to.
Sabay na napalingon ang dalawang bantay. "Bruce!" Alertong tawag nila sa kaniya. Sino naman ang Bruce na 'to?
Gumilid sila at pinadaan siya para makapasok. Mukhang mataas sa kanila ang isang ito. Huminto siya sa harap ko at pasimpleng nilingon si Trojan. Binalik ang tingin sa akin. Nakatutok pa sa dibdib niya ang baril na hawak ko at doon naman siya napatingin. Hindi ko alam kung ibababa ko o kung hahayaang nakatutok sa kaniya.
Nilagay niya ang daliri sa ibabaw ng baril at binaba. Hindi ko namalayan ang sunod na nangyari dahil nasa kaniya na ang hawak kong baril ngayon lang. Ang bilis ng kamay niya at may tattoo rin pala siya sa braso. Sinuksok niya 'yon sa likuran ng pantalon niya. Nakatingala lang ako sa kaniya at namamangha pa rin.
"Baka makalabit mo," pabirong sabi niya pagkatapos niyang maitago ang baril sa likuran niya.
"What's your name?" Tanong niya.
"Uhm... A-Allisson," parang hindi pa 'ko naging sigurado sa sinagot ko. Napatango siya.
"Katunog lason," wika niya. Ang pagkamanghang titig ko sa kaniya ay napalitan ng matalim.
"Hoy! Magaling na lalaki... pumasok ka ba rito para insultuhin ako? Kung oo, pwes! Makakaalis ka na!" Asik ko sa kaniya.
"Tama nga si Boss. Matapang ka nga," makahulugan naman niyang wika. Kumunot naman ang noo ko.
"He's my boss. I'm Bruce," turo niya kay Trojan sabay lahad ng kamay sa akin. Kaya pala kilala siya ng dalawang bantay. Amo rin pala siya si Trojan.
"That's off limits, Bruce," may diing boses ni Trojan kaya gulat akong lumingon doon. Nakaupo na siya at mukhang maayos na ang lagay. May tama siya ng bala ng baril sa braso at tiyan. May dugo doon e! Hindi ako maaaring magkamali.
Agad ko siyang nilapitan. "May tama ka ng baril," wika ko at tinignan ang braso niya at tiyan.
"You look scared, baby. Ganito pala ako kahalaga sa'yo," wika niya at saka ngumiti.
"Ayokong nag-aalala ka pero hindi ko mapigilan ang sarili kong puriin ka. You're beautiful," may lambing na boses niya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. Wala siyang tama ng baril?
Nahawakan niya ang mukha ko. At kitang-kita ko ang braso niya no'ng igalaw niya. Wala siyang ininda roon. Kung gano'n. . .nagpapanggap lang siya?
Agad kong inalis ang kamay niya sa mukha ko nang mapagtanto ko 'yon. Pinalo ko ang braso niya para mas lalo kong mapatunayan. Hindi siya nasaktan kaya muli ko siyang pinalo pero mas malakas.
"Para sa'n 'yon?" Takang tanong niya.
"Nagtaka ka pa talaga? Akala ko pa naman tinamaan ka talaga ng bala! Paraan mo lang pala 'yon para makayapos ka sa'kin. Manyak!" Angil ko sa kaniya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Bruce sa likuran ko. Matalim siyang binalingan ng tingin ni Trojan.
Nilingon ko naman si Bruce. "Boss mo siya, 'di ba?" Mariing tanong ko. Tumango naman siya. Masunurin ang isang ito.
"Oh, siya... dalhin niyo na siya palabas sa kwartong ito. Ayoko ng makikita maski isa sa inyo," mariin kong sabi. Tinataboy ko na sila. Pinapalayas ko na. Sayang 'yong pag-aalala ko kanina. Hindi naman pala totoo. Kaya pala hindi kumikilos ang dalawa niyang bantay dahil alam din nila. Magkakakuntiyaba pa sila!
"Alis!" Taboy ko kay Trojan.
"Aalis tayo," tila pagtatama niya sa sinabi ko.
"Bruce," makahulugang tawag niya kay Bruce. Agad naman akong hinawakan ni Bruce sa kamay kaya pumalag ako.
"Hoy! Saan niyo ko dadalhin?!" Kinakabahan kong tanong nang hilain ako ni Bruce. Tumayo si Trojan at nilapitan ako.
"We're going out, baby. Remember?" Tila paalala niya sa'kin. Sunod na nangyari ay binuhat na 'ko ni Bruce na para bang sako lang ako ng bigas na nakapatong sa balikat niya. Nagpupumiglas ako at nagdadabog sa likuran niya. Para akong hayop na dadalhin na sa slaughter house. Huwag naman sana. Mas karumal-dumal doon e.