Page 5

1155 Words
Nakakagutom. Hindi ang halik niya ang sikmura ko. Gutom na 'ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Nawala ang pagkalunod ko sa halik niya dahil naramdaman kong kumulog ang tiyan ko. Dahil sa gutom ay itinulak ko siya sa dibdib. Napaatras agad siya at pareho kaming hinihingal nang maglayo ang mga labi namin. Naaamoy ko pa hininga ko sa hininga niya at mas lalo ko lang naalala ang mainit na halik na pinagsaluhan naming dalawa. Namula agad ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Ngayon ay kinukwestyon ko na ang sarili ko kung bakit pinatulan ko siya. Sinuklian ko ang paghalik niya sa'kin. "What's wrong?" Pabulong niyang tanong. Napalunok ako at kinakalma ang sarili dahil sa nangyari at pati na rin sa boses niyang malambing. Hindi ko alam kung anong mahika ang pumasok sa katawan ko at nagawa ko ang bagay na 'yon. I don't know how to kiss. Napapanuod ko sa TV pero hindi ibig sabihin no'n ay alam ko na. Pero 'yong kanina... kusa at parang alam na alam ng katawan ko kung papaano gawin kahit na wala pa 'kong experience. Napatakip ako ng mukha dahil sa labis na hiya. Baka isipin niya, sanay na 'kong makipaghalikan. Tinulak ko siya uli sa dibdib pero hindi na siya napaatras. Hinawakan pa ang kamay ko kaya napatingala ako sa kaniya. Nakasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata. Parang naging gelatin bigla ang mga tuhod ko dahil doon. Masiyadong attractive. Masiyadong seductive. Masiyadong. . .agad akong nag-iwas ng tingin. Ilang malalakas na putok ng baril ang nagpaigtad sa akin. Malapit lang yata rito sa gusali. Sa takot ay napayakap agad ako sa kaniya. "What's happening?" Malakas na tanong niya sa mga bantay niya sa labas. Tuloy pa rin ang putukan pero kalmado pa rin ang boses niya. Papaano niya 'yon nagagawa? Samantalang ako rito, parang maiihi na sa takot. "Mga kalaban, boss! Natunton tayo!" Malakas na sagot ng bantay. Mas lalo akong naalarma. Kalaban? "s**t!" Malutong niyang pagmumura. Naramdaman kong dinukot niya ang baril mula sa likuran niya. "B-Bakit? A-anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong. "Kalaban mo 'yong nasa labas?" Dagdag ko. Mahigpit pa rin akong nakayakap sa kaniya. "Something like that," sagot niya. Naguluhan ako doon. "Anong something like that?? May barilan sa labas at nadinig kong kalaban daw sabi ng bantay mo," mariin kong sabi. "Gusto ko lang kumalma ka, baby. You're shaking," wika niya. Tila ngayon ko lang napansin ang panginginig ng mga kamay ko. "Papaanong hindi ako manginginig sa takot e. . .ilang putok na ng baril ang naririnig ko!" Singhal ko sa kaniya. Sa kabila ng takot ay nagawa ko pa siyang singhalan. Masiyado kasi siyang kalmado. "Boss! Kailangan na po nating umalis!" Wika ng bantay sa pinto. Hindi bumubukas ang pinto at nakasara pa rin. Lumalapit ang putok ng baril. Nandito na yata sa loob! Tinignan niya ang mukha kong namumutla na yata sa takot. Doon ay narinig ko ang pagmumura niya. "Stay behind me. Huwag kang lalayo sa'kin," mahigpit na bilin niya. Nanubig ang mga mata ko. Lalabas yata kami at makikipagpalitan ng putok ng baril. "G-Gusto ko pang makita ang mga magulang ko. Mag-aaral pa 'ko at uuwi sa amin. Pakiusap, gusto ko pang mabuhay," pagsusumamo ko. "You're safe with me. Trust me," seryosong sabi niya. Tumango-tango ako. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa lalaking 'to. Kahit hindi ko pa siya lubusang kilala. Hawak niya ang kamay ko at binuksan niya ang pinto. Sumilip siya doon at nakita ko ang dalawang bantay na nakataas ang mga baril. Alerto sila at handa sa susunod na mangyayari. Tuloy pa rin ang palitan ng putok ng mga baril. Mas malakas dahil nakabukas na ang pinto. Mukhang nandito na nga sa loob ang mga kalaban! "Where's the exit?" Tanong niya. Bakit kalmado ka pa rin, Trojan? "May bantay doon, Boss," sagot ng bantay niya. "We're going out," saad niya. Out? Nahihibang na yata siya. Ano 'yon, suicide?! "May mga pulis sa labas!" Malakas kong awat sa kaniya. "Baka doon ako mamatay!" Dugtong ko pa. "Makakarating ba ang chopper?" Tanong niya. Binalewala niya ang sinabi ko. "Tawagan ko na, Boss," agad na sagot ng tauhan niya. "Where's Bruce?" Tanong pa niya. "Hindi makontak, Boss," sagot ng isa. "Ten minutes, Boss," wika naman ng isa. "Stay here. Maglilinis lang ako sa baba," saad niya na para bang everyday routine lang niya ang gagawin. "Ha? Anong linis? Baka mapahamak ka?" Natatakot kong sabi. "Nag-aalala ka para sa'kin?" Tanong niya. Para pa siyang kinilig sa sarili niyang tanong. Malambing na naman ang boses niya. "Natural!" Sagot ko na ikinangiti niya. "Baka pabayaan lang nila ako rito kapag wala ka na. Sempre, ikaw ang susundin nila dahil ikaw ang boss. Sabit lang ako," wika ko kahit na nakakahiya. Sabit lang naman talaga ako e. Wala naman kasi akong choice kundi ang manatili sa tabi niya. Kapalan na lang ng mukha para makauwi ng buhay. Isang halik ang iniwan niya sa'kin bago bumaba. Naiwan ang dalawang bantay dahil bilin 'yon ni Trojan. Pagkasara ng pinto ay siya ring dasal ko. Sana mabuhay siya. Kung bagong taon lang ngayon, baka hindi ako ganito katakot sa putukang naririnig ko. Kaso, hunyo pa lang at malayo pa ang new year. Hindi paputok ang mga naririnig ko. Galing sa baril 'yon. Wala pa naman siyang suot na bullet proof. Wala pa naman siyang helmet. Baka tamaan siya sa ulo o 'di kaya'y sa katawan. Diyos ko, huwag naman sana. Binuksan ko ang pinto para sumilip. Agad naalarma ang dalawang bantay. Napalunok ako. "Hindi niyo ba sisilipin ang boss niyo? Nandito kayo pero 'yong binabantayan niyo, nasa baba," mariin kong sabi sa dalawa. Wala akong karapatang utusan sila pero hindi ako mapapakali kung mag-isa lang si Trojan doon. "Mahigpit pong bilin ni Boss na bantayan kayo," wika ng isa. Nameywang ako. "Ako ba ang boss niyo? Walang aakyat dito basta maubos kaagad ang kalaban na nasa baba," makahulugan kong sabi sa kanila. Nagtinginan pa sila. Nagtataka siguro sa inaasal ko. Feeling close ba 'ko? Feeling amo? Tumikhim ako nang makaramdam ng hiya. "Kung ayaw niyo, ako na lang," saad ko at hinakbang ang isang paa. Agad silang humarang sa harapan ko. Malalaki ang katawan nila kaya malabong makalusot. "Mag-isang nakikipaglaban si Trojan doon," wika ko sabay turo sa bandang hagdanan. "Kapag 'yon namatay, sabay-sabay tayong ibuburol!" Agad inutusan ng isa ang kasama niya para i-check. Nakasilip lang ako sa pinto dahil hindi ako mapakali. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa nerbyos at init dito sa kwarto. Wall fan lang ang meron dito pero hindi ko maatim buksan dahil sa takot. Hindi ako humihintong magdasal hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong may dugo sa damit ni Trojan sa bandang braso! Hawak ang baril niya at pawisan ang mukha niya at leeg. Agad ko siyang nilapitan. Hindi ko alam kung papaano siya hahawakan. Baka lalo ko siyang masaktan. "Trojan!" Malakas kong tawag sa kaniya nang bumagsak siya sa balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD