Page 4

1125 Words
"Mafia boss," paulit-ulit ko 'yong pinapasok sa isip kong okupado sa dami ng mga nangyayari. Mula sa barilan sa labas at hindi makakauwi. . .may makakasama pa 'ko ditong boss. May kasama akong mafia. Mas malala pa kaysa sa sindikato? Sa pagkakaalam ko kasi, ang mga mafia ay sa palabas lang. Wala sa totoong buhay. Kasi naman, sobrang makapangyarihan nila. Lahat ay kayang gawin lalo na ang pumatay ng tao. Masasama sila. Lumayo ako sa kaniya pagkatapos niya akong bulungan. Gumilid pa 'ko sa pader para lang may masandalan. Wala akong maupuan dahil tanging kama lang ang available. Ayoko roon dahil doon siya nakaupo. "Why?" Tanong niya. "W-Wala," sagot ko. "Lumayo ka sa'kin. What's the matter? Aniya. "G-Gusto ko ng umuwi," iyon ang naisagot ko sa kaniya. Tinagilid niya ang ulo para huliin ang mga mata ko. Tumingin ako sa ibang dereksyon pero abot pa rin siya ng paningin ko. "Are you scared of me?" Malambing niyang tanong. Tatanungin niya 'ko ng gano'n tapos malambing ang boses? Anong gusto niyang isagot ko? Malambing din?! "Natural!" Pabalang kong sagot at humalukipkip. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpaiba-iba ng mood ngayon dahil sa lalaking 'to. Galit, takot, kilabot at kakaibang kaba sa dibdib. Tumayo siya at namulsa. Nakangisi pa ang loko. Palihim kong inirapan. "Baby," tawag niya. "Tse! Baby mo mukha mo! Hindi ako natutuwa sa nangyayari sa labas pero mas hindi ako natutuwang kasama ang isang katulad mo! Kung sabagay, sino ba namang matutuwang kasama ang isang mafia?" Masungit kong baling sa kaniya. He chuckled. Iyong tawa na hindi man lang nainsulto o nainis sa pabalang kong pagsagot sa kaniya. Humakbang siya ng dalawang beses kaya napalingon ako sa kaniya. Mapagbantang titig ang ginawad ko sa kaniya para huminto siya at malusaw ang makalaglag panty niyang ngisi sa labi. Pero mukhang wala talagang takot ang lalaking ito. Masiyadong matapang. Iyong tapang na parang minamaliit lang ako? Na parang tapang bata lang ang nakikita niya sa'kin. "Wala namang problema doon," inosente niyang sabi. "Wala?!" Gulantang kong tanong. "Sa'yo siguro, wala. Papaano naman sa akin?!" Galit kong wika. Sa tingin ko'y puputok na ang ugat ko sa ulo dahil sa galit ko. Naiinis ako sa kaniya. Mas lalo akong nabubwesit dahil sa ngisi niya. Ayaw mawala! "There's a lot of benefit being with me," tila pagmamalaki niya pa. Pagak akong tumawa. "Talaga ba?" Mayabang kong tanong. "Yeah. Security, money, s*x and me," sagot niya. Magaspang pa ang boses niya sa dalawang salita sa huli. "Hindi ko kailangan 'yon," natatawang saad ko. Benefit ba ang s*x? Adik din yata ito e. Benefit din ba siya? Grabe. Ang taas ng tingin sa sarili. "Really? How can you say that? Hindi mo pa nga natitikman," aniya. Mas lalo akong tumawa. "No. At wala akong balak. Saka, lumayo ka nga sa'kin. At ayusin mo 'yang mga mata mo. Ang lakas maka-manyak!" Angil ko sa kaniya. Hindi lang ngisi ang ayaw mawala, pati ang mga mata niya. Pinapahina niya ang tuhod ko imbes na galit ako e. "So. . .namamanyak ka sa'kin? I'm willing, baby," wika niya kaya marahas akong napabuga ng hangin. Tinaas pa niya ang dalawang kamay bilang pagsuko sa akin. "Hay, ewan ko sa'yo!" Tanging nasabi ko. Pasimple kong nilingon ang daliri ko at doon nagbilang. Pitong araw, kasama itong si Trojan na mafia boss. "What are you doing?" Tanong niya. Lumapit pa sa'kin kaya umalis ako sa dating pwesto para makalayo sa kaniya. Siya na namang lapit niya. "Ano ba?!" Asik ko sa kaniya. "Wala pang isang araw, lapit ka na nang lapit sa akin! Feeling close?!" Nakasimangot kong sabi. Mabuti at hindi pumapasok ang tauhan niya sa labas dahil malamang, dinig na dinig nila ang boses ko. Pinagtataasan ko na ng boses ang boss nilang presko. Feeling cool pa rin siya. Nakangiti pa rin. Pakiramdam ko, nagsasayang lang ako ng galit. Hindi man lang siya apektado kahit konti. Inirapan ko siya. "Nagbibilang ka," aniya. Binalewala ang pagsusungit na ginawa ko ngayon lang. Madiin ko siyang tinignan. "Oo! Binibilang ko, kung ilang araw kong matitiis na nandito ka kasama ko," masungit kong sagot. "Seven days," wika niya. "Kung naiinis ka dahil seven days lang, we can extend, baby. Iuuwi kita," dagdag niya kaya mangha ko siyang tinignan. Seven days nga, hindi ko na kaya. Iuwi pa kaya niya?! Ano 'yon, aasawahin niya 'ko? No way! "Nahihibang ka na yata?" Manghang tanong ko. Kumunot ang noo niya na para bang nagtataka sa sinabi ko. "Bata pa 'ko. Babalik pa 'ko sa kolehiyo sa susunod na pasukan. Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa. Ni hindi nga sumasagi sa isip ko na magkanobyo e. Tapos iuuwi mo 'ko? No way!" Madiin kong wika. "Ako na lang iuwi mo," saad niya. Natawa naman ako doon. Pailing-iling ako sa kaniya. "Hibang ka ngang talaga," ani ko. Humakbang siya palapit. Napaatras ako. Humakbang uli siya habang hindi pinuputol ang titig sa akin. Ang mga mata ko ay papalit-palit sa mata niya at paa. Naramdaman ko ang malamig na pader. Isa lang ang ibig sabihin no'n, wala na akong maaatrasan. Tinungkod niya ang kamay sa pader habang ang isang kamay niya ay nasa loob pa rin ng bulsa niya. Tinagilid niya ang ulo. "Allisson, tunog lason. . .you're lips is like a poison, baby. A sweet poison that I want to risk my life to taste it again," magaspang ang boses na ginamit. Bawat letra ay para bang poison talaga ako sa kaniya. Pero ang huling sinabi niya ang tumatak sa isip ko. "Damn that lips," wika niya pa at nilingon ang labi kong nakauwang dahil sa pagkamangha. Ang puso ko, masiyadong mabilis ang t***k. Mahirap tantiyahin. Aatakihin na yata ako at nangangailangan ng hangin. Hangin mula sa mabangong hininga ni Trojan. Ako yata ang mahihibang? Nalason yata ang utak ko dahil naamoy ko ang mabango niyang amoy at hininga. Na ngayon ay nalalasahan ko na. Angkin-angkin niya ang labi kong walang kalaban-laban. Napako ang katawan ko sa malamig na pader. Imbes na lamig ang maramdaman ay magkahalong kilabot at init ang naramdaman ko. Mainit na halik na siyang nagbibigay init sa buo kong katawan. Maingat niyang ginagalaw ang labi niya na para bang ninanamnam bawat parte no'n. Kitang-kita ko ang nakapikit niyang mga mata habang hinahalikan niya 'ko. Naduduling ako pero kitang-kita ko ang mahahaba niyang pilikmata. Masiyadong banayad ang halik niya. Malambot ang labi at nakakangilo bawat galaw. Nakakawala ng sarili. Tinabingi niya ang ulo niya sa kabila para mas malaya niya akong mahalikan. Inantok ako bigla nang ipasok niya ang dila. Kusa ring gumalaw ang labi ko. Para na 'kong nahulog sa bitag ni Trojan. Bitag na hindi ko alam kung makakaalis pa 'ko. Dahil sa mga oras na 'to, aaminin kong unti-unti kong nagugustuhan ang bitag na kinahulugan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD