Hindi ako nakagalaw. Mulat na mulat pa ang mga mata ko pero siya ay nakapikit. Nakakalasing ang halik niya. And this is my first kiss! Nagtagal ng ilang segundo ang labi niya sa labi ko. Bahagya niya pang sinipsip bago binitawan.
Nang bitawan niya ay natulala ako. Para akong naholdap. Nanakawan ako ng first kiss!
"Hmm, so sweet lips. Not bad," mapang-akit niyang saad at dinilaan pa ang sarili niyang labi.
Ang puso ko, hindi ko na halos matantya sa lakas ng t***k. Naiwan pa yata ang labi niya sa labi ko. Dama ko pa rin ang mainit niyang labi sa akin.
"Can I take you home and I will f*ck you all night?" Nang-aakit niyang tanong. Napantig ang tenga ko kaya malakas ko siyang sinampal.
"BASTOS!" Malakas kong sigaw sa kaniya. Dahil sa pagsigaw ko ay may pumasok na dalawang lalaki na may malalaking kaha ng katawan. Mga naka-uniporme ng puting polo at itim na pantalon. May mga baril din sila! Nang makita ako ay agad nila akong tinutukan ng baril! Umakyat sa mukha ko ang kaba kaya namutla yata ako bigla. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa nerbyos.
"Boss!" Alertong tawag noong isa. Tumawa pa ang lalaking kaharap ko. A sexy chuckle na para bang makakaharap ko na si Satanas mamaya.
"Palalabasin na namin siya, boss," wika no'ng isa at agad akong nilapitan at hinawakan sa kamay. Pero laking gulat ko nang sipain 'yon ng tinatawag nilang boss. Narinig ko ang pagdaing ng tauhan niya. Dahil sa takot ay tumungo ako sa sulok.
Nakita ko pang tinutukan niya ng baril 'yong lalaking sinipa niya. Napatakip ako ng bibig. "Don't you dare hold her hands, nauna ka pa sa'kin," galit niyang wika at sinipa ulit 'yong lalaki. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
"P-Patawad, boss. Hindi na po mauulit," takot na saad noong lalaki. Ang kasama niya ay natatakot din para sa kasama niya. Gusto niyang magsalita para siguro ipagtanggol ang kasama pero nanatili siyang tahimik.
"Out," mariing utos niya kaya agad na tumayo 'yong lalaki at lumabas ng kwarto.
Mariing siyang pumikit bago humarap sa akin. "D-Diyan ka lang!" Natatakot kong banta sa kaniya.
"S-Sisigaw ako!" Kinakabahan kong saad pero tumawa lang siya.
"Sorry, baby. Did I scare you?" Tanong niya na parang wala lang ang mga nakita ko kanina. Nakuha pa niyang maging malambing sa'kin sa kabila ng nakita kong ginawa niya sa kawawa niyang tauhan. Masakit ang sipang 'yon, natitiyak ko 'yon. Tumalon 'yong lalaki e.
"S-Sa'yo na lang 'tong kwarto. At ako ay uuwi na," kinakabahan kong paalam. Hindi ko alam kung makakauwi ba ako dahil kung lalabas ako, huhuliin ako at ikukulong ng mga pulis.
"May gusto ka ba sa tauhan ko?" He dangerously ask. Mangha ko siyang tinignan.
May gusto? Ako? Paano at saan naman niya nakuha ang tanong na 'yon?
"Uuwi na 'ko, bahala kayo magbugbugan diyan," matapang kong saad kahit na hindi na mapakali ang t***k ng puso ko. Hinakbang ko ang mga paa para lumabas na. Napasinghap ako nang bigla niya akong hilain at nabunggo pa ako sa dibdib niya. Tama nga ako, matigas nga. Pero iyong amoy niya talaga... sobrang sarap sa ilong ko. Parang ang sarap matulog sa dibdib niya at amuyin siya magdamag.
"Don't leave, delikado sa labas," wika niya.
Agad kong naalala ang mga nangyari kanina lang sa labas. Ang kaguluhan ng mga tao hanggang sa makarinig ako ng putok! Putok ba 'yon ng baril?! Kinabahan na naman ako, pati siya ay naalerto rin. Lalo akong kinabahan nang tinaas niya ang baril at hinanda.
"Dito ka sa'kin," wika niya at tinuro sa tabi niya. Dahil sa takot ay lumapit ako sa kaniya.
"Hindi ganiyan, dito ka sa likod ko at kumapit," wika niya. Sumunod ako at yumakap sa katawan niya. Humigpit ang yakap ko nang makarinig pa ng isang putok ng baril. Ayoko pang mamatay. Napadasal akong muli at halos maiyak na sa takot.
Naglakad siya patungo sa pinto at sumilip doon. Kinakabahan akong nakasunod lang sa kaniya.
"What is it?" Kalmadong tanong niya. Paano niya nagagawang maging kalmado na ganito ang sitwasyon? May nagbabarilan na sa labas pero siya ay relax pa. Habang ako ay nanginginig na nakayakap sa likod niya. Nakasubsob pa ang mukha ko doon.
"Binabaril nila kada may lalabas, Boss," wika ng tauhan niya kaya mas natakot ako. Martial law na yata itong nangyayari.
"Mahihirapan tayong makauwi dahil nagkalat ang mga sundalo at pulis sa labas. Hindi rin makapasok ang ibang kasamahan natin, Boss dahil baka maubos tayo sa dami ng mga armadong pulis at sundalo sa labas," dagdag niya pa.
"Good," wika naman niya. Kumunot ang noo ko dahil doon. Imbes na mag-isip siya ng paraan para makauwi ay mas gusto niya pang mag-stay? Ako ay uwing-uwi na at gutom na gutom na rin. Base sa mga narinig ko ay malabong makauwi ako. At ang mas malala ay malabong mabuhay ako kapag umuwi ako.
Narinig kong sinara niya ang pinto. Ako ay nakayakap pa rin sa kaniya. Nilingon niya ako at pasimpleng ngumiti.
"What's your name?" Mahinang tanong niya.
"A-Allisson," nabuhol pa ang dila ko dahil sa takot. May naririnig pa akong putok ng baril sa labas pero itong kasama ko ay sobrang kalmado. Sa sobrang kalmado ay para bang huni lang ng ibon ang putok ng baril para sa kaniya.
"I like your name. Tunog 'lason'," wika niya. Nagpantig na naman ang tenga ko dahil doon. Iniinsulto niya ba ang pangalan ko?!
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. Mabagsik ko siyang tinignan. "Eh, ikaw... ano'ng pangalan mo?" Mayabang kong taong sa kaniya.
Yumuko siya at nilapit ang mukha sa akin. Napaatras ako dahil doon pero agad niyang nilagay ang malaking palad sa likod ko at nilapit sa kaniya. Dumagundong ang puso ko dahil doon. Mas nilapit niya pa ang mukha kaya nagdikit ang tungki ng mga ilong namin. Sunod-sunod akong napalunok. Naamoy ko pa ang mabango niyang hininga na mas lalong nakakadagdag kabog sa dibdib ko.
"Trojan. You can call me Troy, baby," he sexily said. Tumatama pa sa mukha ko ang mabango niyang hininga. At nang itagilid niya ang mukha ay mabilis niyang hinalikan ang labi ko!
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi na ito first kiss kundi second kiss na! Ninakaw niya ang second kiss ko!
Hindi ko binuka ang labi at nanatiling tinikom. Bahagya niyang kinagat kaya nalasahan ko ang dugo doon. Mabilis niyang pinasok ang dila doon at parang may hinahagilap.
"Mmm," he sexily groan. Ako ay halos manghina dahil sa nakakalasing at nakakabaliw niyang halik. Dapat ay tumutol ako at magalit pero bakit hinahayaan ko lang na ganito? Ginusto ko rin?
Agad kong winaksi ang nasa isip at tinulak siya ng malakas. Nakita ko pang dinilaan niya ang basang labi at bahagyang kinagat habang nakatitig sa'kin.
"M-Manyak!" Kinakabahang bulyaw ko sa kaniya. Manyak yata itong sindikato na 'to. Oo! Mga manyak ang pagkatao ng mga sindikato sa mga palabas. Sila pa nga 'yong umaabuso sa mga babae. Dito na yata talaga ako mamamatay.
Mabilis kong hinakbang ang mga paa patungo sa pinto. Pero agad din ako napahinto nang maisip kong binabaril nga pala bawat lalabas. Mahal ko pa ang buhay ko at gusto ko pang makasama sina Mama at Papa.
"Are you leaving? Ayaw mo ba akong kasama?" Nang-aakit niyang tanong. Humarap ako sa kaniya at matalim ko siyang tinitigan. Nakaupo na siya sa kama at nakatitig din sa akin. Sa simpleng pustura niya ay nanghihina na ang tuhod ko. Sobrang gwapo ba naman.
"Papaanong maaatim kong makasama ka, 'e... ang manyak-manyak mo," matapang kong saad.
"You don't have a choice, baby. Sasamahan mo 'ko dito o lalabas ka para mabaril ka. Siguro naman, gusto mo pang makauwi sa inyo?" Deretsong saad niya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil totoo.
Wala nga akong choice at gusto ko pang makauwi sa amin. . .ng buhay. "Sindikato ka ba?" Biglang tanong ko. Hindi ko alam kung saan galing dahil bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Come here, sasabihin ko sa'yo," wika niya. Kahit kinakabahan ay lumapit ako sa kaniya.
"Closer," wika niya kaya tumabi ako sa tabi niya. Nanigas ang katawan ko nang nilapit niya ang labi sa tenga ko at bumulong.
"I'm a mafia boss, baby," mahinang bulong niya. Pero rinig na rinig ko at malinaw na malinaw. Bigla akong nanlamig. Mukhang hindi ako sa labas mamatay kundi dito sa kwartong ito.