Pag baba namin ay dumeretso muna kami ni Mama sa dining area para kumain.
Nakita ko si Papa na abala sa pagbabasa ng balita sa isang dyaryo habang humihigop ito ng kape.
Agad napadako ang tingin nito sa amin ni Mama ng mapansin niya ang aming pagdating.
O, narito na pala kayo. Maupo na kayo mag-ina at nang masimulan na natin ang ating umagahan.
Isa pa, baka abutin pa tayo ng matinding traffic.
Alam ninyo malayo ang ating pupuntahan."
"Naku, pasensya kana, ito kasing anak mo eh, ang bagal kumilos."
"Pasensya na po, Papa, ayoko talaga umalis. Pwede ba na dito na lang po tayo?"
"Anak, na pag-usapan na natin Ang tungkol diyan kaya pwede ba wag matigas Ang ulo mo? Sige na, maupo na kayong mag-ina ng makaalis na tayo."
"Seryoso," wika ni Papa.
Agad ako naupo sa tabi ni Papa para simulan ang aming pagkain.
Tahimik lang ako ng sandaling iyon dahil hindi ko naman na iintindihan ang kanilang pinag-uusapan, lalo na at tungkol na naman ito sa pulitika.
Marahil ganito talaga pag ang isang ama mo ay tumatakbo bilang isang alkalde.
Hindi na kayo nagkakaroon ng pag-uusap tungkol sa ibang bagay dahil kalimitan ay tungkol na lang sa politika ang inyong pag-uusapan.
Bagay na ikinaiinis ko dahil nagsasawa narin ako sa ganoong klase ng usapan. Kaya kalimitan ay hindi na rin kami nagkakaroon ng pag-uusap nina Papa.
Tungkol sa mga nangyayari sa akin sa paaralan.
Kalimitan ay ang aking mga kaibigan ang nakakasama at nakakausap ko tungkol sa mga nangyayari sa akin.
Matapos namin kumain ng umagahan ay agad na sumakay kami ng sasakyan kasama ang ilang bodyguard.
Kailangan kasi na may magproprotekta sa amin lalo na at hindi rin basta-basta ang pagtakbo ni Papa bilang isang alkalde ng Maynila.
Nang makasakay na kami ay mabilis na pinatakbo ng driver ang sasakyan.
Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.
At pag scroll sa aking cellphone.
Tulad nga ng sabi ni Papa, malayo-layo ang naging biyahe namin nina Mama.
"Iha, ok ka lang ba?" Tanong na wika ni Papa sa akin ng mapansin nito ang pananahimik ko.
"Opoh, ok lang ako, Papa," tipid na sagot ko naman dito.
"Naku, wag mo na intindihin. Ang anak mo talaga ganyan iyan dahil tinatamad iyang umalis."
"Oh, bakit naman, anak? Kala ko ba nais mo makausap at Makita ng personal Ang Ninong Lucas mo."
"Opoh, Papa Kaso po, wala ako sa mood ngayon."
"Hay, naku, iyan ang sinasabi ko sayo sa pagsamasama mo sa barkada mo eh."
"Papa, Hindi naman sila ang dahilan kung bakit ayoko sumama kundi ang—"
Hindi ko na nagawa ituloy ang aking sasabihin nang bigla na lang humiyaw ang driver ng aming sasakyan.
"Sir, nawalan po ng preno ang ating sasakyan," hiyaw na wika ng driver.
"Ano?"
Agad kami nagkatinginan ng aking ama at muli ibinaling ang tingin sa unahan ng sasakyan.
"Gawan mo ng paraan iyan, kasakasama ko ang pamilya ko," natatarantang wika ni Papa.
"Opoh, sir, ngunit ayaw po talaga kumagat ng preno."
Agad ako kinabahan sa sinabi ng driver namin. Mabilis na nanlamig ang aking kamay, at ganoon rin ang biglaan pagbilis ng t***k ng aking puso dahil sa takot na nararamdaman ko.
Mabilis ko natanaw ang paparating na truck sa gawi namin kaya napahiyaw ako bigla, lalo na at my kabilisan ang pagtakbo nito.
"Kuya, may truck!" Hiyaw na wika ko.
Ngunit hindi nito nagawang iwasan ang mabilis na pagtakbo nito.
"Anak, Mikaela!" Hiyaw na wika nina Papa at Mama ng bigla na lang nila ako yakapin bago paman sumalpok ang aming sasakyan sa truck.
Isang mahaba at malakas na tunog ng busina ang aking narinig bago paman sumalpok ang aming sasakyan sa truck.
"Papa! Mama!" Tanging nausal ko bago paman ako nawalan ng malay.
Nagising lang ako nang may marinig ako ambulansya na bigla na lang dumating.
Hindi ko magawa maikibo ang aking katawan dahil sa bigat ng nakadagan sa akin. Pero ganoon paman ay pinilit ko pa rin ikilos ito kahit ramdam ko ang matinding sakit ng aking katawan.
Naramdaman ko rin ng sandaling iyon ang pagdaloy ng sariwang dugo sa aking sintido kaya dahandahan ko hinawakan iyon, at nang makita ko ang pulang dugo sa aking kamay ay agad ko binaling ang tingin sa aking mga magulang.
Napailing ako at mabilis na nagtuluan ang aking mga luha nang makita ang sinapit ng magulang ko. Pareho na walang Malay sila pero yakap yakap nila ako.
Pakiramdam ko ay nadurog ng husto ang puso ko ng Makita ko ang kalagayan nila. Nahihirapan ako huminga at naninikip ng husto ang aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang malagim na sinapit ng aking mga magulang.
Marahil ay ginawa nila iyon upang protektahan ako sa aksidente.
Kahit hirap ako kumilos ay pinilit ko pa rin maigalaw ang aking katawan at hinawakan ang pisngi ni Mama at dahan-dahan tinapik ito.
"Mama, wag po kayo mag biro. Gumising kayo, wag po ninyo ako iwan, Ma. Hindi ko po kaya mag-isa. Ma, gumising kayo! Ano ba? Wag ninyo ako iwan, Ma!" Umiyak na wika ko habang patuloy na umaagos ang luha ko sa aking mga mata.
Narinig ko rin ang mahinang pag-ubo ni Papa kaya agad nabaling ang tingin ko dito. At tulad ng ginawa ko kay Mama ay tinapik ko rin ang pisngi nito.
"Papa, gumising kayo, ako ito si Mikaela. Pa, please wag ninyo ako iwan." Umiyak na wika ko habang nakatingin ako sa mukha ni Papa na puno ng dugo.
Dahan-dahan iminulat nito ang kanyang mata at hinawakan ang pisngi ko.
"A-nak b-uti at ligtas ka," nahihirapan na usal niya ngunit pinipilit niya na tapusin ang kanyang salita.
"I-ha Malaki, kana alam ko na kakayanin mo ito kahit wala na kami ng Mama mo."
"No, Pa! Everything will be fine; gagaling kayo, mabubuhay kayo! Magkakasama-sama tayo. Please ... Papa, lumaban kayo; kaya natin ito. Papa, please, hindi ko po kaya."
Agad sumilay ang ngiti ni Papa sa kanyang mga labi.
"A-nak, Hindi ko na kaya, nahihirapan na ako. B-asta ipangako mo sa amin na mag papakatatag ka, at lalaki kang Isang mabuting tao. Napakaganda mo anak at matalino. Alam ko na malayo ang mararating mo sa buhay kaya anak wag mo kalimutan Ang mga bilin namin ng Mama mo sayo.
M-ahal na mahal ka namin iha," nahihirapan wika nito. Saka nito dahan-dahan ipinikit ang kanyang mga mata.
Muli ako napailing at niyakap ng mahigpit si Papa, at doon ko pinakawalan ang aking mga luha.
"Papa! Papa! No—please, wag ninyo ako iwan. Hindi ko po kaya mag isa! Papa! Mahal na mahal ko kayo ni Mama. Sige na, gumising na kayo, umuwi na tayo.
Wag ninyo ako biruin ng ganito parang awa na ninyo. Papaaaaa! Mamaaa…! Gumising kayo, wag ninyo ako iwan." Umiyak at naghuhumiyaw na wika ko hanggang sa may biglang bumukas ng pinto ng aming sasakyan.
At isang matangkad na lalaki ang aking nakita ngunit hindi ko magawa maaninag ang kanyang mukha dahil sa luha na siyang humaharang sa aking mata.
"Roberto?!" Malakas at may katigasan na tinig ang aking narinig.
"Mikaela?!" Tawag naman nito sa pangalan ko.
"T-ulungan ninyo kami pakiusap," mahinang wika ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang unti-unting panlalabo ng aking paningin.
Naramdaman ko na lang na may malalakas na braso bigla na lang sumalo sa akin at binuhat ako palabas ng aming sasakyan.