chapter 3 Hinala

1199 Words
Lucas POV "Sir, nakahanda na po ang magiging silid ng inyong mga panauhin." "Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon. Nais ko mabigyan sila ng maayos na matutuluyan habang hinihintay natin ang aking kaarawan." "Wag po kayo mag-alala dahil alam ko po na mag-enjoy sila ng husto sa inyong hacienda, lalong-lalo na po ang inaanak ninyong si Mikaela." "Oo, tama ka diyan, Jason. Matagal ko nang nais makilala Ang inaanak ko na iyon. Ang pag kakaalam ko ay seventeen years old na siya ngayon. Tiyak ako na mag eenjoy siya ng husto dito, lalo na at makakasama niya ang mga anak ko." "Tama po kayo, baka Hindi na niya gustuhin pa na umuwi pa ng Maynila pag nakita niya ang kakaibang ganda ng inyong hacienda." "Alam mo, Hindi ko pa nakikita ang batang iyon sapul ng isinilang siya ng kanyang Ina, pero talagang natutuwa ako sa tuwing nag papadala siya ng mensahe sakin. Napakagiliw at matalino ang batang iyon; sa tuwing nakakaramdam ako ng pagod sa tambak ko na trabaho at nababasa ko ang kanyang mga mensahe ay nawawala na ang aking pagod. Ngunit nang dumating na siya sa ika-labing limang taong gulang ay hindi na niya ito nagagawa. Ganoon pa man ay nauunawaan ko iyon dahil mahirap din maging isang high school student. Ang balita ko nga ay isa si Mikaela sa nangunguna sa kanilang klase kaya't proud na proud sa kanya ang kanyang ama." "Base sa sinasabi ninyo ay tuwang tuwa talaga kayo sa inaanak ninyo." "Oo naman, magiliw siya at matalino; marahil ay maraming matututunan ang aking mga anak sa kanya. Ang totoo niyan, katatawag lang sa akin ni Roberto at sinabi niyang malapit na sila makarating dito." "Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon. May kalayuan ang Maynila dito; marahil ay gutom na gutom sila pag sila ay dumating. Mabuti pa ay magpahanda na ako ng masarap na pagkain para sa kanila." "Maraming salamat, Jason. Talagang maasahan kita sa ganyang bagay." "Walang anuman, Lucas. Alam mo naman na sayo ang lahat ng katapatan ko." Agad ako tumango sa kanya at tinapik ang balikat nito bago ito nagpaalam na aalis na. Matapos namin mag-usap ng aking kanan kamay na si Jason, ay naiwan ako mag-isa sa aking opisina upang tapusin ang aking trabaho. Kinuha ko ang ilang folder na nakapatong sa aking table at isa-isang binasa iyon bago ko ito pirmahan. At nang matapos ko iyon ay kumuha ako ng isang wine glass at sinalinan ito ng laman habang nakatanaw ako sa malaking bintana ng aking opisina, kung saan abot ng tanaw ko ang napakagandang kapaligiran ng buong hacienda. Maya-maya lang ay narinig ko ang pag-ring ng aking cellphone kaya dali-dali kong sinagot ang tawag, lalo na at si Emanuel ang tumawag sa akin. Isa si Emanuel sa pinagkakatiwalaan ko na tauhan bukod kay Jason. Sa totoo lang, tulad ng pagiging magkaibigan namin ni Roberto, ay ganoon rin ang naging turing ko kay Jason at Emanuel dahil sa pagiging tapat ng mga ito sa akin. Dahil sa tawag na iyon ay hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag ni Emanuel. "Hello, Emman, ano ang balita at napatawag ka?" "Sir, pasensya na, may nais ako ibalita sa inyo." "At tungkol naman saan ang ibabalita mo?" "Sir, may nangyari accedente malapit dito sa hacienda at ngayon ay laman na ito ng balita. Matindi ang naging accedente at marahil ay walang na buhay sa nangyari accedente." "Accedente ba kamo?" "Opoh sir, mabuti pa ay tingnan ninyo ang balita sa T.V. upang makita ninyo ang nangyari," seryosong wika nito sa akin. "Sige, salamat sa impormasyon iyong sinabi sa akin." Agad ko pinatay ang aking cellphone at binuksan ang T.V. para malaman kung ano ang nangyari sa aksidente. Ngunit ng mabuksan ko iyon ay abot-abot ang naging kaba na nararamdaman ko ng sandaling iyon. May isang van na sumalpok sa isang truck, at base sa nakikita ko ay hindi talaga bubuhayin ang mga sakay noon dahil sa tindi ng aksidente. Dahil sa labis na takot at kaba ay agad ko kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa para tawagan ang aking kaibigan na si Roberto. Ngunit ni isang tawag ko ay hindi nito sinasagot ang aking tawag. Naka pagtataka lang dahil hindi naman niya ito ginagawa dahil kahit anong abala nito sa kanyang trabaho ay sinasagot nito ang aking tawag. Ilang beses ko pa tinawagan ang numero niya pero hindi talaga nito sinasagot ang aking tawag kaya nagdesisyon na lang ako tawagan ang asawa nito. Ngunit tulad ni Roberto ay hindi rin nito sinasagot ang aking mga tawag. Kaya dahil doon ay mas tumindi ang aking nararamdaman na kaba at hinala na maaaring sila nga ang laman ng van na iyon. Pero upang makasiguro ako sa aking hinala ay minabuti ko na lang na puntahan sila. Agad ako lumabas ng aking opisina na may pagmamadali hanggang sa makasalubong ko ang aking anak na si Thania, ang panganay na anak ko. "Dad, San ka pupunta at nagmamadali ka?" "Anak, pasensya kana, may kailangan ako puntahan. May aksidente malapit dito sa hacienda kaya kailangan ko puntahan iyon para alamin ang nangyari." "Dad, hayaan mo na lang iyon. Hindi ka naman doctor at pulis para puntahan iyon." "Hindi pwedeng hindi ko pupuntahan iyon dahil malakas ang kutob ko na laman ng van na iyon sina Tito Roberto mo." "Poh?" Gulat na wika ng aking anak. "Pasensya kana anak ngunit kailangan ko pumunta doon. Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo," seryosong wika ko na ikinatango naman nito. "Opoh, Dad, pero mag-iingat po kayo." "Wag kang mag-alala anak, ok lang ako, wag mo ako isipin," tipid na wika ko dito at saka ko dinampian ng halik ang noo ng aking anak. Si Thania ay dalawampung taon gulang na at nag-aral sa abroad ngunit umuwi siya dito sa Pilipinas upang dumalo rin sa aking kaarawan. Matapos namin magkausap ay nagtungo na ako agad sa kwadra ng mga kabayo upang kunin ang alaga kong si Spike. Naisipan ko kasi na mas makabubuti kung siya ang dadalhin ko dahil mabilis itong tumakbo at makakaiwas din ito sa matinding traffic. Mabilis na natanaw naman ako ng katiwala ko na si Berto at laking gulat nito sa biglaan kong pagdating. "Señiorito, ano ang ginagawa ninyo dito?" "Nasan si Spike?" agad na tanong ko dito. "Si Spike po ba? Nasa labas po siya at nag-eensayo malapit na kasi ang laban niya." "Ganoon ba? Kailangan ko siya ngayon; ihanda mo siya dahil may pupuntahan kami." "Sige po sir, mag hintay na lamang po kayo dito at ako na po ang bahala kumuha sa kanya." Matapos nito, sabihin iyon, nagmadali na siyang umalis para kunin ang aking kabayo. Ilang sandali lang din naman ang hinintay ko at dumating na rin ang alaga ko na si Spike. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at nagmadali ako sumakay doon. "Spike, kailangan ko ang lakas at bilis mo; may kailangan tayong puntahan," bulong na wika ko sa alaga ko. Agad ko pinatakbo ang alaga kong kabayo papunta sa pinangyarihan ng aksidente ngunit ganoon na lang ang panghihina ko nang makita ko ng personal na nangyari dahil halos maubos ang unahan ng van at maging ang sakay ng truck ay hindi nakaligtas sa aksidente.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD