Halos manlambot ang aking tuhod habang pababa ako sa aking kabayo na si Spike.
Habang pinagmamasdan ko ang sasakyan na halos magkalasog-lasog na dahil sa tindi ng aksidente. Parang sandali akong nawala sa aking sarili ng mga oras na iyon hanggang sa marinig ko ang pagsigaw ng isa sa mga rescue.
"May Buhay! May tao sa loob ng van," hiyaw na wika nito.
Kaya agad ako tumakbo palapit sa van ngunit pinigilan ako ng ilan sa mga rescue.
Hinawakan nila ang magkabilang braso ko upang pigilan ako sa paglapit ko sa van.
"Pasensya na po sir, Hindi po kayo pwedeng lumapit. Dito na lang po kayo," Mariin na wika sa akin ng isa sa mga rescue.
"Bitiwan ninyo Ako. Gusto ko Makita kung sino Ang tao sa loob!" Hiyaw na wika ko sa kanila.
"Pasensya na po, tanging mga rescue lang po ang pwedeng makapasok sa loob, at mahigpit po namin pinagbabawal ang paglapit sa lugar pinangyarihan ng aksidente, lalo na at hindi naman ninyo kapamilya ang nasa loob.
May asawa o anak po ba kayo nasa loob? "Tanong na wika ng isa sa mga rescuer sakin.
"Kaibigan ko ang nasa loob niyan kaya kung ako sayo, bitiwan mo ako at hayaan mo ako makalapit sa van."
"Ipag paumanhin po ninyo sir, ngunit Hindi po talaga pwede ang nais ninyo. Pasensya na po kayo," seryosong wika nito.
Kaya agad ako huminto sa pag-uumalpas sa kanila dahil sa sinabi nito.
Tumalikod ako sa kanila para sana umalis na ngunit isang hiyaw ng isang dalagang babae ang aking narinig.
"Mamaaaaa...!!!! Papaaaaa..." Hiyaw nito, bagay na mas nakapagpalakas ng aking kutob na maaaring sina Roberto nga ang laman ng van.
Agad ako humarap doon para lumapit sa van ngunit mabilis na hinarangan ako ng mga rescue.
"Sir, bawal po kayo dito."
"F*CK, Wala ba kayo naririnig? May buhay sa kanila. Hayaan ninyo ako makalapit."
"Pasensya na po. Kami na po ang bahala sa kanila. Dumito na po kayo."
Pagpipigil na wika nito sa akin.
Kaya sa labis na inis ko ay walang sasabing sinuntok ko ang isang rescuer, dahilan para magkagulo doon.
Sinubukan pa ako pigilan ng iba ngunit ginawa ko ulit ang ginawa ko sa isang rescuer hanggang sa tuluyan akong makalapit sa van.
Buong pagmamadali kong binuksan ang van hanggang sa magulat ako nang makita ko ang kaawa-awang kalagayan nina Roberto sa loob ng van.
Tulad nga ng aking hinala ay Sina Roberto nga ang laman ng van na iyon.
Habang pinagmamasdan ko ang walang buhay kong kaibigan ay halos magkapirapiraso ang puso ko habang naririnig ko ang pagtangis ni Mikaela.
"Roberto?"
"Tulong tulungan po ninyo kami," umiyak na wika ni Mikaela habang yakapyakap niya ang walang malay niyang ama.
"Mikaela?" Tawag ko sa pangalan nito.
"Tulungan ninyo kami parang awa na ninyo," umiiyak na wika nito.
Pinilit niya kumibo ngunit tila hindi na niya kaya; tuluyan na itong nawalan ng malay. Kaya mabilis ko sinalo ang katawan nito at binuhat ko siya palabas ng van.
"Ambulance! Nasan ang ambulance! Dalhin na natin siya sa hospital bilis," hiyaw na wika ko habang daladala ko ang dalaga pasakay ng ambulansya.
Agad namin siyang inihiga sa loob ng ambulansya at sumama na rin ako sa pagpunta sa hospital.
Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at tinawagan ko ang aking tauhan para ipakuha ang aking alagang kabayo.
"Jayson, kunin ninyo si Spike sa pinangyarihan ng aksidente. At dadalhin ko ang inaanak ko sa hospital; kailangan niya magamot sa pinakamagaling na hospital.
"Ano ibig mo sabihin? Anong hospital at inaanak ang sinasabi mo? May nangyari ba sa pamilya nina Roberto?" tanong na wika nito sa akin.
"Maya ko na lang ipapaliwanag ang lahat sayo sa ngayon ay sundin mo na lang ang aking ipinag-uutos na iintindihan mo ba?"
Inis na wika ko.
"Ok sir, pasensya na po. Sige po, pupuntahan ko po ngayon din si Spike tulad ng inyong bilin."
Matapos nito, sabihin iyon, agad ko pinatay ang tawag namin at muli ko ibinaling ang aking paningin sa kaawa-awa kong inaanak.
Ramdam ko ang pighati at lungkot na nararamdaman niya sa pagkawala ng mga magulang niya. Alam ko mahirap sa kanya ang pagkawala ng mga ito, lalo na at ulila na siya.
Maya-maya lang ay huminto na kami sa isang hospital at mabilis na ibinaba namin si Mikaela upang dalhin na ito sa E.R.
Ilang sandali lang din ng makarating kami sa hospital ay kasunod na rin namin ang ambulance na sinasakyan naman ng mga magulang ni Mikaela.
Agad ako lumapit sa ambulance para tingnan kung buhay pa ba ang mag-asawa. Ngunit tulad ng hinala ko ay hindi sila nakaligtas sa aksidente.
"Anong lagay nila?"
"Kamag anak po ba kayo ng biktima?'
"Hindi kaibigan nila ako, ako ang dahilan ng pagpunta nila dito."
"Ganoon po ba? Masyado pong malala ang nangyaring aksidente kaya ikinalulungkot ko po ngunit wala pong nabuhay sa kanila maliban sa batang iniligtas ninyo."
"Siya nga po pala, may mga na-recover kami na mga gamit sa loob ng sasakyan.
Ito po ang mga cellphone at pera na daladala nila.
Baka may kamag-anak kayo na kakilala na pwede ninyo tawagan upang ipaalam ang nangyari sa pamilya na ito," mahabang litanya ng isa sa mga rescuer sa akin.
"Sige po, ako na po bahala, salamat," wika ko sa mga rescuer at agad na dinala ng mga ito ang katawan ng mag-asawa sa isang morgue habang ako ay naiwan naman nagbabantay sa labas ng E.R.
Ilang sandali lang ang hinintay ko nang may lumabas na doktor mula sa emergency room.
"Doc, kamusta Ang inaanak ko? Ano lagay niya?"
Agad nitong hinubad ang suot niyang face mask at diretso tumingin sa akin.
"Maayos na po ang kalagayan ng bata. Wala naman nabaling buto sa kanya kaya maswerte na buhay siya.
Nilinisan na namin ang lahat ng sugat niya at isinailalim rin namin siya sa isang CT scan upang malaman namin kung may dugo ba na namuo sa ulo niya dahil sa aksidente.
At mabuti na lang at wala kami nakita.
Kaya wala kang dapat ipag-alala sa pasyente dahil ligtas na siya.
Maya-maya lang ay magigising na rin siya kaya't mabuti pa ay ilipat na natin siya ng kanyang silid."
"Sige po, dalhin ninyo siya sa silid kung saan magiging comfortable siya.
Ako ang bahalang magbayad ng pangangailangan niya dito sa hospital hanggang siya ay gumaling."
"Sige po sir, babalik na po ako sa loob upang asikasuhin ang paglipat niya sa private room."
"Sige po, Doctora, salamat po," wika ko dito bago paman ito muling pumasok sa E.R.
Maya-maya lang ay may ilang pulis na lumapit sa akin upang tanungin ang mga nangyari.
"Sir, mawalang galang na po, pwede ba namin kayo makausap? Nais po sana namin kayo tanungin ng ilang bagay."
"Pasensya na, ngunit Hindi ko rin alam ang mga nangyari."
"Kung ganoon, pwede ba namin tanungin sa inyo kung ano ang lagay ng bata na iniligtas ninyo?"
"Maayos na ang lagay ng bata at hinihintay ko na lang na magising siya."
"Ganoon po ba? Pwede ba ninyo na tawagan kami sa oras na magising siya?"
"Opoh, makakaasa po kayo pero gusto ko muna masiguro na maayos ang lagay niya bago ninyo siya tanungin ng ilang bagay.
Masyado masakit sa kanya ang pagkawala ng magulang niya kaya kailangan niya ng sapat na pahinga."
"Naiintindihan po namin ang nais ninyo iparating.
Sige po, sa oras na ok na po ang bata, ay babalik po kami dito upang siya ay kausapin. Salamat po sa inyo, sir."
"Walang anuman po."
Agad nitong inilahad ang kamay niya sa aking harapan upang makipagkamay sa akin na malugod ko rin naman tinanggap.