chapter 5 Last will

1248 Words
Matapos namin mag-usap ng mga pulis ay nagtungo na ako sa silid ni Mikaela. Para bantayan ito hanggang sa sumapit ang umaga. Halos magdamag ako nagbantay sa kanya ngunit hindi pa rin ito nagigising kaya minabuti ko muna na umuwi upang tingnan ang kalagayan ng mga anak ko at makapagpahinga na din ako. Tinawagan ko muna ang aking Yaya na si Berta upang siya munang magbantay kay Mikaela upang sa ganoon ay makauwi na ako sa mansion at maasikaso ko na rin ang burol ng aking mga kaibigan. Isang oras din bago nakarating si Yaya Berta dahil kinakailangan niya pa maghanda ng mga gamit na kakailanganin dito sa hospital. "Sir, pasensya na kung ngayon lang po ako. Naghanda pa kasi ako ng mga dadalhin ko dito." "Okay lang, Yaya Berta, wag mo ako intindihin. Isa pa, maaga pa naman." "Sir, siya na ba ang anak nina Roberto, ang inyong inaanak?" "Oo, Yaya Berta, Hindi pa siya nagigising mula pa kagabi." "Ay naku, ginoo ko, napakagandang bata, pero kita mo sa mukha niya ang matinding paghihirap ng kalooban niya sa pagpanaw ng mga magulang niya. Alam ko labis ang sakit na mararamdaman niya sa oras na magising siya at malalaman niya na wala ni isa sa mga magulang niya ang nakaligtas sa aksidente." "Tama ka Yaya, gustuhin ko man manatili dito sa hospital upang bantayan siya hangga't hindi pa siya nagigising ngunit hindi ko pwedeng gawin iyon dahil marami akong kailangan gawin. Tulad na lang ng pag-aasikaso ko ng burol ng mga magulang niya at maging ang pagpapaimbestiga ko sa nangyaring aksidente." "Tama po kayo diyan señiorito, isa pa kagabi pa din nag hihintay Ang inyong anak na si Thania. Labis Ang pag aalala niya sa inyo." "Oo, Tama ka Yaya, basta na lang ako umalis kahapon at Hindi na ako nakatawag sa kanya." "Sige na señiorito, umuwi na kayo; kailangan ninyo rin po ang magpahinga." "Salamat Yaya Berta, kayo na po ang bahala magbantay sa aking inaanak. Sa oras na magising siya, pakisabi na babalik din agad ako." "Opoh, señorito, makakaasa po kayo na babantayan ko siya ng maayos." "Mabuti naman kung ganoon. Sige na, mauna na ako sayo, Yaya." "Opoh, sir," Kangiting wika ni Yaya Berta. Matapos kong magpaalam kay Yaya Berta ay agad akong lumabas ng hospital para makauwi na. Nag diretso ako sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan na naghatid kay Yaya Berta dito sa hospital. Malayo pa lang ako ay natanaw ko na agad si Jason na nakatayo sa harapan ng sasakyan. "Sir, kamusta na po? Ano balita sa inaanak mo? "Maayos na ang lagay niya ngunit hinihintay pa namin na magising siya." "Ganoon ba? So ano po ang plano ninyo at saan ninyo gusto magpunta?" "Sa ngayon gusto ko muna umuwi at magpahinga, at kailangan ko rin kamustahin ang aking mga anak. Pag nakabawi na ako sa naging puyat ko ay aasikasuhin ko pa ang burol ng mga kaibigan ko at ang imbestigasyon ng nangyaring aksidente." "Sige po, sir, sumakay na kayo at ihahantid ko na kayo sa mansion." "Salamat, Jason." Agad ako sumakay ng aming sasakyan para umalis na, ngunit bago paman kami makaalis ay isang tawag mula sa aking cellphone ang aking narinig. "Hello, good morning, Mr. Lucas Guerrero. I'm Attorney Fatty De Guzman, the lawyer of Mr. Roberto Reyes. May mga ilang bagay sana ako nais I discussed sa inyo tungkol sa huling bilin ng inyong kaibigan." "Ganoon ba? Sige, saan ba tayo pwede mag-usap?" "Nasa Isang Restaurant po ako. Dito ko po kayo hihintayin. Ipapasa ko na lang po Ang location ko." "Sige, atty. Fatty pupuntahan ko po kayo." Matapos ko makausap ang abogado ni Roberto ay wala na kaming sinayang na sandali pa at agad kaming nagtungo sa location na ipinadala nito sa akin. Pag dating ko doon ay agad ko ipinagtanong ito sa isa sa mga waiters at sila na ang naghatid sa akin patungo sa table na kinaroroonan ni Fatty. Isang maganda at sexy na babae ang nakita ko sa dulong bahagi ng restaurant. Tahimik na umiinom ito ng kape na kanyang inorder mula sa restaurant na ito. Sa tansya ko ay hindi nagkakalayo ang edad namin dalawa. Nang makalapit ako ay agad ko siyang binati, dahilan para mabaling sa akin ang tingin niya. "Good morning, Attorney Fatty, I'm Lucas Guerrero, the only friend of Mr. Roberto Reyes." Agad ito tumayo sa kinauupuan niya at nilahad ang kamay niya sa aking harapan. "Good morning, Mr. Guerrero. I'm Attorney Fatty. Nice meeting you, Mr. Guerrero." "Please have a seat, Mr. Guerrero," Nakangitimg wika nito sa akin, bagay naman aking tinugunan. "Hindi na po ako mag paligoy-ligoy pa, Mr. Guerrero. As I mentioned earlier, what we’ll be discussing today is Mr. Roberto’s final wishes—in other words, his last will." "Last will?" "Yes, sir. Even before he decided to run for mayor of Manila, he had already written his last will. He knew politics wouldn’t be easy. And when I heard about his death in that accident yesterday, I came straight here to look for you—because you’re one of the people he truly trusted." "This is the last will he entrusted to me. One of the provisions stated here is his request that you take care of his family in the event of his passing. As for the inheritance, his wife and child were originally meant to share his estate. However, since Mikaela’s mother has also passed away, the entirety of his assets will now go to the child. You, on the other hand, will receive 20% of his estate upon his death as a token of his gratitude for the care you’ve given to his family." "Attorney, I can’t accept the money my friend left for me. To be honest, I already have enough. It’s better if you just give that money to my goddaughter, Mikaela. Even if he didn’t ask me to, I’d still take care of her—because that’s how much she means to me. As her godfather, I’ve taken on the role of her second parent, and I intend to keep the promise I made when I became her godfather." "Kung ganoon hinahangaan kita bilang isang kaibigan niya sapagkat napakaswerte niya dahil isa ka sa naging mabuting kaibigan niya. Kung ganoon, hindi na ako magtatagal pa naparito lang talaga ako para ipaalam ito sa iyo para sa ikabubuti ng batang si Mikaela Lalo na at wala na siyang pamilyang babalikan sa Maynila." "Salamat din sa iyong pagpunta dito para iparating sa akin ang huling tagubilin ng aking kaibigan." "It’s nothing, sir. My loyalty has always been with the Reyes family. And if you ever need anything for Mikaela, don’t think twice—just give me a call." "Salamat." "Thank you din sa oras mo, sir. Mauna na po ako, sir. Nagpunta lang talaga ako para sa last will ni Mr. Roberto. By the way, makukuha lang ni Mikaela ang pera na ito sa oras na tumuntong na siya ng 18 yrs old. Pero dahil minorde edad pa lang siya ay hindi pa niya ito makukuha." "Ganoon ba? Sige, sa oras na ok na ang pakiramdam niya ay ako na ang bahala magpabatid sa kanya ng iyong sinabi." "Kung ganoon, aalis na ako dahil kinakailangan ko pa asikasuhin ang ilang trabaho iniwan ko. Pero babalik din ako dito para kamustahin ang kalagayan niya. "Sige, attorney, salamat sa oras mo." Agad ko inilahad ang kamay ko sa kanya para magpasalamat, at kanya naman din iyong tinanggap bago siya tuluyan umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD