Mikaela's POV
"Anak, anak," isang tinig ang aking naririnig ng sandaling iyon na siyang tumatawag sa aking pangalan kaya dahandahan ko iminulat ang aking mga mata.
Ngunit wala akong makita sa aking paligid kundi isang payapa at magandang kapaligiran.
Puno ng halaman at malakas na simo'y ng hangin.
"Anak, anak," Isang tinig muli ang aking narinig kaya minabuti ko na ilibot ang aking paningin sa buong kapaligiran.
Hanggang sa makita ko ang isang babae at lalaki na nakaupo sa ilalim ng isang punong kahoy habang naghahanda sila ng mga pagkain doon.
Lumapit ako doon, at habang papalapit ako ay nakita ko na ang maganda at maamong mukha ni Mama."
Kita ko ang labis na kaligayahan sa mukha.
Niya habang naghahanda siya ng mga pagkain na dala niya.
"Anak, ano pa hinihintay mo? Halika na nga ng sa ganoon ay makakain na tayo," nakangiting tawag nito sa akin.
"Anak, may problema ka na naman ba?" Tanong naman ni Papa sa akin habang abala ito sa pagbabasa ng dyaryo tulad ng palagi niyang ginagawa.
"Dad, Mama Buhay po kayo?" Tanong na wika ko sa kanila ng sandaling iyon. Nang sumagi sa aking isipan ang mga nangyari.
"Oo naman anak, buhay na buhay kami at kailanman ay hindi kami mawawala," nakangiting wika ni Mama.
Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at nakangiting sinabi sa akin na-
"Anak, ano man ang mangyari, hindi kami mawawala ng Papa mo dahil parati lang kami nakamasid sayo.
Malaki kana at alam namin kaya mo na ang lahat, basta lagi mo pakakatandaan na palagi lang kami nasa tabi mo at nakatanaw sa mga ginagawa mo.
Ganyan ka namin kamahal. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo, anak; palagi mo tatandaan iyan."
Agad nang gilid ang aking luha sa aking mga mata dahil ramdam ko sa aking dibdib ang matinding kasiyahan sa mga sinabi ni Mama.
Buong akala ko ay hindi ko na maririnig iyon sapagkat ng pumapasok ako sa paaralan ay hindi ko na naririnig na sambitin ni Mama iyon. Marahil ay dahil narin abala ito sa kanilang trabaho.
"Halika na anak sa luhan mo kami ng Papa mo kumain." Nakangiting wika ni Mama, at saka niya ako hinila palapit kay Papa.
Nang makalapit kami ay tinapik ni Papa ang kanyang tabi upang yayain akong maupo doon.
"Anak, halika dito sa aking tabi," Nakangiting wika nito kaya agad ako napangiti at naupo sa tabi niya.
Sa lakas ng hangin ay nalilipad nito ang aking buhok hanggang sa si Papa na mismo ang umayos noon.
Bagay na muli nagpatulo ng aking mga luha sa aking mga mata.
"Bakit ka umiiyak, anak? Alam mo bang sa mundong ito walang puwang ang kalungkutan sa pagkat ang mundong ito ay dapat puno lang ng kaligayahan.
Anak, pinalaki ka namin na marunong lumaban sa buhay, at nais namin na ganoon ang gawin mo.
Lumaban ka para sa amin, at gusto namin panatilihin mo maging isang mabuting tao.
Alam ko na may tao tutulong sayo upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay.
Masaya kami na malaman na nagtagumpay ka sa buhay, anak.
Kaya wag mo kami bibiguin, mahal na mahal ka namin, palagi mo pakakatandaan iyan." Nakangiting wika ni Papa sa akin habang dahan-dahan niyang pinapahid ang mga luha sa aking mga mata.
"Bakit kung magsalita kayo ay parang iiwan ninyo ako?" Umiiyak na wika ko sa kanila.
Maya-maya ay lumapit sa akin si Mama at humilig ito sa aking balikat.
"Anak, tulad ng sabi namin, hindi ka namin iiwan; palagi kaming nakatanaw sayo.
At kasa, kasama mo kami palagi sa bawat lakad mo.
Lalong-lalo na sa bawat tagumpay mo.
Tama ang Mama mo, anak. Hindi kami mawawala sa buhay mo.
Dahil narito lang kami palagi," sabay turo ni Papa sa puso ko.
Saka nito dahan-dahan pinahid ang luha na nag landas sa aking mata.
"Papa..." Umiiyak na wika ko dito. Saka ko ito niyakap ng mahigpit. Habang si Mama Naman ay niyakap ako sa aking likuran.
"Proud na proud kami sayo anak, alam namin na makakamit mo rin ang pinapangarap mo kasama ang tao siyang tutulong sayo," mahabang litanya ng aking ina.
"Mahal na mahal ko rin po kayo dalawa. Salamat po sa lahat, Mama at Papa," umiiyak na wika ko sa kanya.
"Iha, iha, gumising ka anak," wika ng isang tinig na nagmumula sa kung saan.
Agad humiwalay sa aking yakap ang aking mga magulang at tumingin sa kalangitan.
Kaya agad ako tumingin doon.
"Anak, tinatawag kana nila."
Wika ni Papa sa akin.
"Ano po ibig ninyo sabihin?" sabay tingin ko sa kanila. Ngunit isang matamis na ngiti lang ang ibinalik nila sa akin.
"Sige na, anak. Bumalik kana."
"Ano po ibig ninyo sabihin saan ako babalik? Nalilito po ako?"
"Anak, bumalik kana sa buhay mo."
"Hindi, Ma, dito lang ako kasama ninyo. Sabay-sabay tayo babalik, Ma!"
"Anak, Hindi ka namin kasama dito. Panahon na para harapin mo ang buhay ng mag-isa na hindi mo kami kasama."
"No, Ma, Hindi ako aalis. Dito lang ako kasama ninyo."
"Anak, Hindi pa ito ang tamang panahon para sayo. Pangako namin na kahit hindi mo kami na kikita mananatili kami sa tabi mo dahil nariyan kami parati sa puso at isip mo."
"Ma, ayoko po, dito lang ako, Ma, Pa."
"I-ha, gumising ka, iha..." Wika muli ng isang tinig na nagmumula sa kung saan.
"Sige na iha, tinatawag kana nila. Bumalik kana sa katawan mo."
"Ayoko po, Ma, sasama ako sa inyo.
"Umiiyak na," wika ko sabay yakap ko sa kanila ng mahigpit na tila ayoko mawalay sa kanila, pero ilang sandali lang at unti-unti na silang nawawala sa aking bisig.
Muli nag landas ang mga luha sa aking mga mata at ramdam ko ang matinding sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
Nang sandaling iyon hanggang sa tuluyan na nga sila nag laho sa aking mga bisig.
"Ma...!!! No... Papa! Wag ninyo ako iwan, Mama... Papa...! Parang awa na ninyo bumalik kayo! Hindi ko kaya mag-isa, Mama!!! Papa!!!" Naghuhumiyaw na wika ko hanggang sa makita ko ang aking mga kamay na tila unti-unti nang nadadala ng malakas na ihip ng hangin.
"Anong nangyayari sa akin? Bakit unti-unti rin ako naglalaho? Mama... Papa... Ano po nangyayari sa akin? Tulungan ninyo ako!" Naghuhumiyaw na wika ko hanggang sa bigla na lang ako nagising sa isang malalim na pagkakatulog.
Pakiramdam ko ay nagmula ako sa kalaliman ng karagatan dahil sa paghabol ko ng aking hininga.
Agad akong napabangon sa aking hinihigaan hanggang sa marinig ko ang isang tinig ng isang matandang babae na nagmumula sa aking tabi habang maingat nitong hinahaplos ang aking likuran.
"Iha, ayos ka lang ba? Nanaginip ka, kaya ginising kita," nag-aalalang wika nito sa akin.
Agad na baling ang tingin ko sa kanya, dahilan para magulat ako dahil hindi ko siya kilala. May katandaan na ito, at sa tingin ko ay nasa edad 60 na ito.
Ngunit nakikita ko naman na isa siyang mabuting tao.
"Sino ka? At nasaan ako? Ano ginagawa ko dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Bagay na ikinangiti naman nito sa akin.
"Ako si Yaya Berta, nandito ako dahil inutusan ako ng Ninong mo na bantayan ka dito sa hospital."
"Ninong?" Takang tanong ko na ikinangiti naman ni Yaya Berta.
"Oo iha, Ang Ninong Lucas mo Ang siyang nagpapunta sa akin para alagaan ka," nakangiting wika nito sa akin.