chapter 7

1237 Words
"Nasan siya?" "Pasensya na iha, kanina pa siya umalis para magpahinga. Isa pa, kinakailangan pa niya ayusin ang burol ng mga magulang mo," wika ng matanda sa akin, bagay na ikinagulat niya dahil bigla na lang niya nasabi iyon sa akin. Muli tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya sa akin. Dahil ramdam ko ang matinding sakit sa aking dibdib sa katotohanan na wala na nga ang aking mga magulang. Nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha, at nang makita ito ng matandang babae ay agad na niyakap ako nito ng mahigpit. "Patawarin mo ako, iha. Hindi ko dapat binigla ang pag sasabi ng katotohanan sayo." "Wala na po akong magulang. Hindi ko po kaya mag-isa, natatakot po ako. Pano na lang ang mga pangarap ko?" Umiiyak na wika ko sa matandang babae na nasa aking harapan. Habang hinahaplos nito ang aking likod. "Wag kana umiyak iha, nariyan ang Ninong Lucas mo para Ikaw ay alagaan. Hindi ka niya pabayaan at lalong hindi ka niya hahayaan na mag-isa." Agad ako humiwalay sa matanda at mabilis nitong sinapo ang aking mukha at saka nito pinahid ang aking mga luha. "Hindi na natin maibabalik pa ang buhay ng mga magulang mo kaya kinakailangan mong magpakatatag at harapin ang bukas nang mag-isa. Pero wag kang mag-alala dahil nariyan ang Ninong mo. Alam ko na hindi ka niya pababayaan kahit anong mangyari. Bata pa lang ay lumaki na ng sabay ang ninong at papa mo sa hacienda. Naging tapat na trabahador ang papa mo noon kaya't hindi nagawang kalimutan ng ninong mo ang mga kabutihan sa kanya ng papa mo. Nauna man na tuparin ng ninong mo ang pangarap niya ngunit hindi niya tinalikuran ang pangako niya kay Roberto na sa oras na makapagtapos siya at makuha niya ang company ng magulang niya ay pagtatapusin niya ng pag-aaral ang iyong ama. Kaya't matapos ng anim na buwan na pagtatapos ni Lucas ng kanyang pag-aaral ay ipinasa na sa mga kamay niya ang companya. At nang makuha niya ito ay agad niya tinupad ang pangako niya kay Roberto. Malalim ang pinagsamahan nina Roberto at Lucas kaya't nakakasiguro ako na hindi ka rin pababayaan ng ninong mo tulad ng hindi niya pagbabaya sa pangako niya sa ama mo." Mahabang paliwanag ng matanda sa akin. "Mabuti pa ay kumain ka na muna para ng sa ganoon ay manumbalik ang lakas mo." Seryosong wika ng matanda sa akin. Inayos nito ang unan sa likuran ko at saka nito ako hinayaan sumandal doon. "Diyan ka muna at kukuha lang ako ng pagkain mo para makabawi sa lakas ang katawan mo," nakangiting wika nito sa akin. Inabot ako ng dalawang araw sa loob ng hospital ngunit hindi bumalik sa hospital na iyon si Ninong. Bagay na labis kong pinangangambahan na baka hindi na nga ito bumalik. "Oh, iha, bakit ganyan ang mukha mo? Bakit ang lungkot ng mata mo?" "Yaya Berta, Hindi na po yata ako babalikan ni Ninong Lucas; baka ayaw na niya ako alagaan." "Nagkakamali ka iha. Abala lang ang Ninong mo pero alam ko babalikan ka niya agad kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano iha." Sabay haplos nito ng aking buhok. Maya-maya ay may kumatok mula sa pinto ng aking silid kaya nabaling ang tingin namin dito. "Naku iha, baka iyan na ang Ninong Lucas mo. Teka at bubuksan ko ang pinto; diyan ka muna iha," nakangiting wika ni Yaya sa akin. Agad ako napangiti sa sinasabi nito at dahan-dahan tumango. Mabilis naman itong nagtungo sa pinto para buksan ito at halos magulat si Yaya Berta ng makita ang tao na nasa labas ng aking silid. Agad itong pumasok sa loob ng silid at lumapit sa akin. Isang lalaki naka suot ng itim na t-shirt habang nakasuot naman ito ng denim na pantalon at kulay puting rubber shoes. "Ikaw ba ang Ninong Lucas ko?" Tanong na wika ko dito. Agad itong ngumiti sa akin, at lumabas ang pantay-pantay na ngipin nito at ang lubog na lubog na dimples nito sa magkabilang pisngi na kagaya ng mga ngiti ng namayapang aktor na si Rico Yan. "Magandang umaga, Mikaela. Hindi ako ang ninong Lucas mo. Hindi hamak na mas gwapo at lamang iyon ng sampung paligo sa akin," natatawang biro nito sa akin. Maya-maya ay lumapit si Yaya Berta sa amin at malakas na hinampas sa braso nito ang lalaki. "Hoy, ano ginagawa mo dito? Nasan si señorito Lucas? At saka tigil tigilan mo ang pagpapa cute sa batang ito; talagang tatamaan ka sakin." "Mama naman ehh, gusto ko lang makilala Ang inaanak ni sir Lucas." "Mama?" "Ahhh... Oo, iha, anak ko, ang lalaki na ito siya ang kanang kamay ni Señiorito Lucas; siya si Jason." "Magandang umaga, ulit, Ms. Mikaela. Pagpasensyahan mo na kami ni Mama; ganito lang talaga kami magbatian dalawa," nakangiting wika naman ni Jason. "Siya nga pala, naparito ako dahil pinasusundo na kayo sa akin ng Ninong mo. Nabayaran na niya ang lahat ng bills dito sa hospital kaya pwede na ninyo ayusin ang mga gamit ninyo. Isa pa, kailangan narin natin na dumeretso sa burol ng magulang mo," seryosong wika nito sa akin. "Sige po, nais ko po Makita Ang mga magulang ko." "Sige, iha, ayusin ko na ang mga gamit natin. Marahil ay naghihintay na ang Ninong Lucas mo sa iyo." "Sige po, Yaya Berta," pag sangayon na wika ko dito. Agad na tumalikod sa akin si Yaya Berta para asikasuhin ang aming gamit habang ako naman ay nilalaro ang aking mga daliri sa ibabaw ng aking kandungan. "Alam ko nahihirapan ka sa ngayon pero wag kang mag-alala dahil hindi ka namin pababayaan. Tutulungan ka namin para makabangon muli kaya palitin mo na maisaayos ang sarili mo," wika ni Jason sa akin. "Salamat sa inyo ni Yaya Berta, mag-ina nga kayo dahil pareho kayo ng sinasabi," nakangiting wika ko sa kanya. Bagay na ikinakamot naman nito ng ulo niya. "Hindi ahh... Mag kaiba kami. Kasi ako Hindi mabunganga, Hindi tulad ni mama na parang turotot Ang bibig sa ingay." Natatawang wika nito pero laking gulat ko ng tamaan ng lumilipad na tsenelas Ang ulo nito, bagay na ikinatakip ko ng bibig gamit Ang mag kabilang palad ko. Dahil sa pag kagulat, pero agad naman akong natawa dahil sa kakulitan ng mag-ina na ito. "Arrrayyy … Mama, bakit ka naman nambabato ng tsenelas?" "Eh, Kasi sinabi mo parang turotot Ang bibig ko." "Totoo naman, Mama ehh… walang tigil ang bunganga mo pag magkasama tayo." "Hoy, umayos ka, Jason. Wag mo sabihin na ikaw ang pinagkakatiwalaan ni Señiorito dahil tatamaan ka sakin kahit mas mataas ang katayuan mo sakin." Mabilis at mataas na wika ni Yaya Berta dahilan para matawa ako ng malakas, bagay na naging dahilan para sabay na napatingin sila sa akin. "Ganyan nga iha, tumawa ka lang, ng mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Napakaganda mo kapag tumatawa ka." Agad nang gilid ang luha sa aking mga mata, dahilan para mapayakap ako ng husto kay Yaya Berta. "Yaya! Sapul ng isinilang ako, hindi ko naranasan ang ganyan. Hindi ko naranasan na makipagbiruan sa mga magulang ko kagaya ng ginagawa ni Jason sa inyo. Palagi silang BC sa trabaho nila at nakakalimutan na nila umuwi. Pero ngayon naisip ko na sana nasa trabaho na lang sila pareho. Kesa nawala sila pareho sa buhay ko," umiiyak na wika ko sa kanila. Bagay para tugunin ni Yaya Berta ang yakap ko, at ganoon rin si Jason na anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD