chapter 8 Mary grace

1232 Words
Matapos naming manggaling sa ospital ay nagpunta na agad kami sa burol ng aking mga magulang. Agad ako bumaba sa sasakyan at inalalayan naman ako ni Yaya Berta. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng chapel. Nang makalapit na ako sa labi nila ay mabilis na nagtuluan ang aking mga luha. Habang pinagmamasdan ko ang walang buhay kong mga magulang. Agad na napayakap ako sa kabaong ni Mama habang panay naman ang agos ng aking mga luha. "Mama, bakit ninyo kailangan na iwanan ako? Bakit hindi kayo lumaban? Bakit sinukuan ninyo agad ako? Bumangon kayo diyan, wag ninyo ako iwan! Ma... Pa... Gumising kayo! "Umiiyak at naghuhumiyaw," wika ko sa kanila. Dahilan para lapitan ako ni Yaya Berta para yakapin. "Tumahan kana iha, wala na tayong magagawa. Ang tanging magagawa mo na lang ngayon ay magpakatatag dahil alam ko na iyon rin ang nais ng mga magulang mo. Tipid na wika ng matanda sa akin. Hanggang sa tinugon ko ang yakap ng matanda at doon ay muling umiyak sa kanyang dibdib. Maya-maya lang ay niyaya na ako nito na maupo sa isang upuan na malapit lang din sa kabaong ng aking mga magulang. May ilang minutong nakaupo kami doon habang nakamasid ako sa kabaong nila. Ng may isang babaeng lumapit sa amin. "Good morning, Ms. Mikaela Reyes, I'm Fatty de Guzman, your family lawyer. Ikinakalulungkot ko ang pagkawala ng iyong mga magulang, at narito po ako upang makiramay sa iyong pagdadalamhati. " Agad ako tumango sa kanya at mabilis na inabot ko ang aking kamay dito. Hanggang sa may isang babae pa na muling lumapit sa amin at agad na baling doon ang aming paningin. "Kumusta ka na, pamangkin? Matagal tayong hindi nagkita," wika ng isang matandang babae. "Auntie Mary Grace?" "Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Hindi mo ba ako babatiin?" "Ano pong ginagawa ninyo dito?" "Bakit masama dalawin ko ang labi ng aking kapatid? Baka nakakalimutan mo na kapatid ko ang nanay mo?" "Pasensya na po kayo, Auntie, nagulat lang po ako at nandito kayo sapagkat matagal na kayong may alitan ni Mama at sa pag-kakaalam ko nasa abroad kayo ngayon." "Umuwi ako ng mabalitaan ko ang nangyari sa kanya. Batid ko na wala nang mag-aasikaso sa iyo sa oras na mailibing na ang iyong magulang kaya naririto ako upang ipaalam sa abogado mo na kukunin ko ang lahat ng responsibilidad sa pag-aalaga sa iyo sapagkat ako na lang ang titira mong pamilya." "Ipagpaumanhin ninyo po, ngunit ng gumawa ng last will si Sir Roberto ay hindi niya kayo binanggit bilang guardian ni Mikaela. Kaya't ang buong responsibilidad na ito ay nakay Sir Lucas." "At sino naman ang Lucas na iyan?" "Siya po ang nag-iisang Ninong at pinagkakatiwalaang kaibigan ni Mr. Roberto." "Kaibigan, bakit niya pinagkatiwala ang sarili niyang anak sa isang kaibigan niya? Ako ang auntie niya kaya nararapat lang sa akin mapunta ang pangangalaga sa kanya. Dahil kadugo ko siya at kapatid ko ang kanyang ina, mas may kakahiyahan ako na alagaan siya." "Ipagpaumanhin niyo po Ginang, ngunit sinusunod ko lang ang tagubilin ni Mr. Roberto." "Hindi ako makakapayag nito. Pamangkin ko si Mikaela, at nararapat lamang na ako ang mag-alaga sa kanya. Baka nakakalimutan ninyo na nagpagod at naghirap din ang kapatid ko sa kumpanya kaya may karapatan ako sa lahat ng pinaghihirapan din niya, at kasama na doon ang pag-aalaga sa anak niya." "Pag-aalaga nga po ba sa anak niya ang nais ninyo o ang perang iniwan na mag-asawa sa batang si Mikaela?" "Ano?" "Ipagpaumanhin po ninyo itong aking sasabihin. Hindi lingid sa kaalaman ninyong lahat ang kayamanang iniwan ni Mr. Roberto para sa kanyang pamilya. At nakalagay sa last will na iyon kung sino ang taong pinagkakatiwalaan niyang mag-aasikaso at mag-aalaga sa kanyang anak. At nakalagay din doon ang halaga ng perang matatanggap ng taong mag-aasikaso sa kanyang anak. Maaaring iyon ang dahilan kung bakit pilit ninyo nais makuha ang batang si Mikaela. Upang mapunta sa kamay ninyo ang perang iniwan ni Sir Roberto." "Masyadong tampalasan ng iyong bibig! Bakit masama ba na makinabang ako sa mga pinaghirapan ng aking kapatid? Nagpakahirap siya sa kumpanya at ngayon ay nais ninyong ibigay malaking halaga sa taong hindi naman namin kaano-ano? Kung meron mang mas higit na may karapatan dito ay ako iyon sapagkat kadugo niya ako," madiin na wika ni Auntie Mary Grace sa amin. Agad nitong hinawakan ng aking kamay at pilit akong nitong hinila palabas ng chapel. "Auntie, ano pong ginagawa ninyo? Nasasaktan po ako, Auntie," nag-uumalpas na wika ko. "Halika, sumama ka na sa akin at uuwi na tayo, wala akong pakialam sa last will na iyan. Sa akin ka sasama at hindi kanino man," mataas na boses na wika nito. "Ayoko po, auntie. Ayoko po sumama sa inyo. Bitiwan niyo po ako," nagmamakaawa kong wika sa kanya. "Bitiwan mo siya, wala kang karapatan sa kanya. Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo." "Kasuhan? At anong kaso ang kaya mong ikaso sa akin?" "Pwede kitang kasuhan ng kidnapping sa ginagawa mo." "Talaga ba? May karapatan ako sa batang ito kaya huwag kang makialam dito. Halika na, Mikaela, sumama ka na sa akin; aalis na tayo ngayon din." "Ayoko nga po, bakit ba ang tigas ng ulo ninyo?" "At ako pa talaga matigas ang ulo? "Hindi po ako sasama sa inyo kahit ano gawin ninyo. Wala man lang ba kayong respeto sa labi ng aking mga magulang?" "Abah at bastos kang bata ka!" Hiyaw na wika nito sa akin. Hanggang sa bigla na lang nitong itinaas ang kamay niya para sampalin ako. Agad ako napapikit ng madiin sa takot na baka ituloy niya ito. Ngunit ilang segundo lang ay muli akong napadilat ang aking mga mata, at laking gulat ko nang nabitin sa ere ang kanyang mga kamay. Doon ko lang napagtanto na may pumigil pala sa kanya. Agad ako napatingin sa taong bigla na lang nagsalita. "Subukan mo! Subukan mong idampi ang mga kamay mong iyan sa inaanak ko at sisiguraduhin ko na sa kulungan ang bagsak mo. At pahihirapan ko ang buong angkan ninyo," galit na wika ng isang lalaki. Sa tansya ko ay halos ka edad lang ito ni Papa. Ngunit makikita mo pa rin ang kakaibang tindig at angas nito sa edad niyang iyon. Labis akong napahanga sa aking kagwapuhan ng taong ito. Agad binawi ni Auntie Mary Grace ang kanyang kamay at pinukulan ng masamang tingin si Ninong Lucas. "At sino ka para mangialam sa amin?" "Sino ako? Ako lang naman ang tumatayong guardian ni Michaela. At sa oras na idampi mo ang palad mo sa mukha ni Michaela, sisiguraduhin ko na sa bilangguan ang bagsak mo." "Binabantaan mo ba ako?" "Hindi iyon isang pambabanta sapagkat ang aking sinabi sayo ay kaya kong gawin sa isang pitik lang ng aking mga daliri." Madiin na wika ni Ninong Lucas. Bagay na ikinaurong naman ni Auntie Mary Grace. "Panalo kayo ngayon pero babalik ako upang bawiin si Mikaela sayo," madiin na wika ni Auntie Mary Grace. Nagmadaling umalis sa lugar na iyon si auntie. Mary Grace dahil sa labis na takot. Agad naman nabaling ang tingin sa akin ni Ninong Lucas. At saka nito sinapo ng kanyang dalawang palad ang aking mukha. "Ayos ka lang ba iha, may masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang wika nito. Tanging iling lang ang nagawa ko at walang sabi-sabing niyakap ko siya ng mahigpit. "Ninong Lucas, salamat po, hindi mo ako pinabayaan," umiiyak na wika ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD