21

1321 Words

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin magawang antukin ni Sydney. Tapos na ang kanyang pasya. Aalis na siya sa bahay na iyon. Tama nang ibinaba niya ang kanyang pride at namalagi siya doon. Pero hindi puwedeng ipagpilitan kung nakikitanaman niyang hanggang doon na lang. Dapat na rin niyang ibangon ang sarili niya ngayong alam niyang wala nang pag-asang magkabalikan pa sila ni Paolo. Naihanda na rin naman niya ang mga gamit niya. Maingat niya iyong ginawa. Ayaw niyang mamalayan ng mga ito na nag-e-empake siya. Balak niya ay magpaalam bukas sa mag-ina pagkatapos ng almusal. Iyong buong-buo na sa kanya talaga ang pag-alis at anuman ang sabihin ng mga ito ay hindi na siya magpapapigil. Malaking utang-na-loob ang tatanawin niya sa mga ito sa pag-aalaga sa kanya nang maaksidente siya at palagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD