CHAPTER 54 "Tang-ina mong mayabang ka! Balak mo pa akong unahan! Papatyin kita tang-ina mo!" nanginginig sa galit nasigaw niya. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Napapikit ako. Isinuko ko na ang buhay ko. Katapusan ko na! Bago niya iyon napaputok ay nakita kong nagmamadali si Zayn na inagaw ang b***l sa kamay ng kuya niya. "Anong ginagawa ninyo! Kuya! Uncle, ano ‘to? Napag-usapan natin ito, hindi ba? Bakit may ganito ha?" singhal niya sa dalawang demonyo. "Gago! Tang-ina mo! Kung hindi nating unahang patayin yang babaeng sundalo na ‘yan. Tayo ang papatayin niyan. Uunahan tayo niyan at tayo ang magiging kawawa tanga!" Singhal ni Brenan. Nakipag agawan si Zayn sa b***l. Nagpambuno sila. Hanggang sa nangibabaw ang lakas ni Zayn. Naagaw niya ang b***l. "Bakit ba lagi mong inililigtas a

