CHAPTER 51 Tumigil ang ikot ng aking mundo. Nagdilim ang aking paningin at nahirapan akong huminga. Sa nasaksihan ko ay parang nanikip ang dibdib ko at hirap akong huminga. Ngunit sandali lang iyon. Mabilis akong nahimasmasan. Agad akong lumapit sa bangin na kinabagsakan ni Rave. Nakita kong nakahandusay na siya sa mabatong bahagi na iyon ng bangin. Sumama ang dugo sa umaagos na tubig. Bago ako tuluyang makababa palapit sana kay Rave ay nasukol na ako ng isa pang rebelde. Nagsisigaw ako. Nagwawala. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Rave. Puno ng luha ang aking mukha. Tumingin ako kay Zayn. Humuhugot ako sa kaniya ng awa para tulungan niya akong iligtas si Rave kahit alam kong hindi na siya mabubuhay pa sa natamo niyang tama ng b***l at ang maaring pagbagsak ng kaniyang katawan a

