CHAPTER 52 Nang umalis ang bata ay hinawakan niya ang palad ko. Tumingin ako sa kaniya. Hinalikan niya ang mga iyon. Muli siyang humagulgol. Ibinubuhos niya lahat ang kaniyang sama ng loob. "Kasalanan ko ang lahat e, kaya nangyayari ito sa'yo ngayon. Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang aking sarili kung may hindi magandang mangyari sa’yo. Sa tuwing paghampas at pagsuntok sa'yo ni Uncle kanina ay parang dobleng sakit ang nararamdaman ko. Hirap na hirap akong makita kang ganyan, dude. Sana ako na lang. Sana sumama na agad ako sa'yo kanina at ako na lang ang pinahirapan ninyo ng ganito at hindi ikaw." Hinila ko ang kamay kong hawak niya. Tanda ng galit. Hindi rin ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Tigib ng luha ang mga mata kong nakatitig sa kanya. “Naiipit na a

