HELLION was standing on the balcony. Nakatanaw s'ya sa madilim gabi. Gusto n'yang matulog, ngunit hindi n'ya magawa. Sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay ang mukha ng ina at ni Romano Baltazar ang kanyang nakikita. Dumagdag pa ang tinig ng mga hikbi ni Aliyah, umaalingawngaw iyon sa kanyang pandinig. Something is wrong going on. Hindi iiyak ng ganon si Kuting ng walang dahilan, at bakit naroon si Mr. Baltazar sa bahay ng ina ni Aliyah? Ano ang ginagawa nito doon? Hindi kaya humingi ng tulong ang ina ni Aliyah kay Mr. Baltazar upang mabawi nito sa kanya si Aliyah? Napasuklay ang kanyang mga daliri sa buhok kasabay ng paghilamos ng palad sa mukha. Mr. Baltazar was known as one of the wealthy and powerful Mafia in this country. Kagaya n'ya, ay ayaw nito ng droga. Kaya hindi nito nakak

