"Manang ang ganda po ng tattoo n'yo. Matagal na po ba 'yan? Saan po kayo nagpa tattoo, Manang?" Sunod-sunod na tanong n'ya. Napalingon sa kanya si Manang, hinawakan s'ya nito sa braso sabay haplos. "Aliyah, pwede ba na 'wag mong ipagsabi kahit kanino ang nakita mo?" Anito habang matamang nakatitig sa kanya. "Bakit po? Maganda naman po 'yong tattoo n'yo Manang parang totoo po, buhay na buhay tingnan," aniya habang nakangiti. "Bawal sa pamamahay na ito ang may tattoo, iha. Kaya pakiusap 'wag mo ipagsabi ang tungkol sa tattoo ko kahit kanino," muling pakiusap ni Manang. Ipinagdikit n'ya ang kanyang hinlalaki at hintuturo at iginuhit iyon sa labi. A sign language saying that she will zip her mouth, kasabay ng isang ngiti. Napangiti si Manang at umupo sa kama. "Halika," tinapik-tapik ni Ma

