Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Nakaharap silang magkakapatid sa hapag-kainan habang pilit na kumakain at lagyan ng laman ang sikmura. Kinuha ni Aliya ang tubig sa kanang bahagi niya at lihim na sinulyapan ang ina. Dinala niya sa bibig ang isang basong malamig na tubig at uminom.
Namamaga pa ang mga mata ng kanyang ina mula sa pag-iyak, ang kapatid naman na lalaki ay nanatiling nakayuko habang tahimik na kumakain. "I miss Daddy!" Kapagkuwan ay wika nito
Nabitawan ng ina ang kubyertos na naglikha ng ingay sa loob ng silid kainan. Tuwid na tumingin ang ina sa kapatid niyang lalaki. "Eat Randolph, your dad will never come back. He is now in heaven." Ani ng kanyang ina sa garalgal na boses.
Napayuko ang kanyang kapatid kasabay ng panginginig ng mga labi nito. Randolph is on the verge of crying. Napalunok siya kasabay ng muling pagyuko, kagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha.
Nagpakamatay di umano ang kanyang ama dahil sa depression. Nalugi ang kanilang negosyo at nabaon sila sa utang. Nalimas ang pera na iniwan ng ama at maging ang mga sasakyan ay naibenta upang may maipambayad sa pagka-utang ng kanyang yumaong ama. Maging pag-aaral niya ay naudlot.
Walang paglagyan ang matinding sakit at pangungulila na kanilang nararamdaman sa kasalukuyan.
"Magandang gabi Carmina!"
Napaangat ang kanyang mukha at napatingin sa pinto kung saan nanggaling ang isang baritonong boses na lumukob sa loob ng silid kainan, nagdala ang boses na iyon ng matinding kilabot sa kanyang buong sistema. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng kung sino mang tao na nasa may pintuan.
Humakbang ito papalapit sa kinaroroonan nila, kasabay ng pagliwanag ng mukha nito. She knew him. It was her uncle Romano, his father's best friend. Ngunit sa di alam na dahilan bigla ang pagragasa ng matinding kaba sa kanyang dibdib.
"R-Romano?" Ani ng kanyang ina sa garalgal na tinig. "A-Ano ang g-ginagawa mo rito?"
"Maniningil Carmina," umupo ito sa tabi ng kanyang ina at umakbay, kumuha ito ng ubas sa mesa at dinala iyon sa bibig saka nginuya.
"A-Aliyah dalhin mo sa silid ang kapatid mo." Utos ng kanyang ina.
Tumayo siya at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ng kapatid. "Randolph let's go upstairs." Ani niya sabay hawak sa braso ang kapatid.
"Don't go anywhere, Aliyah!" Romano said with full authority in his voice. Muling lumukob ang baritonong boses nito sa loob ng silid kainan. Boses na nagdadala ng matinding kaba at takot sa buo niyang sistema. Natigil siya. "Sit down Aliyah," utos nito sa kanya sabay senyas ng kamay at turo sa upuan.
Napalunok siya. Tumingin siya sa kanyang ina. Nababanaag niya ang matinding takot nito sa mukha maging ang tila panginginig ng mga labi nito.
"Wala akong naalala na pagkakautang namin sayo Romano!" Mariin na wika ng kanyang ina kasabay ng mabilis na pagbaklas ng ina sa kamay ni Romano na nakaakbay sa balikat nito at mabilis na tinakbo nito ang kinaroroonan nilang magkapatid sabay yakap. "At kung meron man. Wala na akong pambayad sa 'yo Romano dahil simo't na simot na ang perang naiwan ni Fidel!" Ani pa ng kanyang ina.
Nagpakawala ng isang malakas na tawa si Romano, sabay lapit ito sa kanila at hablot siya mula sa pagyakap ng kanyang ina. "Sinong may sabing wala, ha Carmina?" Ani nito sabay mariin na hinawakan siya nito sa braso.
Lumingon siya dito. Tiim ang mga bagang ni Romano habang nakatitig sa kanyang ina. She felt trembled, her knees were shaking because of too much fear. Hindi niya naintindihan ang nangyayari sa paligid niya. She wants to speak but she can't even utter a single word. Tila umurong ang kanyang dila.
Sumenyas ang isang kamay ni Romano sa ere. Isang lalaki ang lumapit sa kanya sabay hinawakan siya nito. She gathered all her remaining strength to speak. "Uncle m-magbabayad po kami, m-maghahanap po ako ng trabaho. Uunti-untiin po naming ba-bayaran ang utang na meron ang daddy sa inyo. P-Parang awa niyo na po!" Ani niya sa utal at nanginginig na boses.
Romano is one of the powerful gang leaders in Santa Anna. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang mga illegal na aktibidades nito. Hindi niya alam kung paano nagkautang dito ang kanyang ama. Ngunit ang presensya nito ngayon sa loob ng kanilang pamamahay ay alam niyang nagdadala iyon ng matinding panganib sa kanilang mag-ina.
"Ikaw, Aliyah. Ikaw ang kabayaran sa utang ng iyong Ama." Ani nito sa kanya sabay angat ng sulok ng labi nito at ngumisi sa kanya. Ngising nakakakilabot.
"Hindi. Hindi Romano. Parang awa mo na, wag ang anak ko! Kung gusto mo ako na lang. Gawin mo akong alipin, gagawin ko ang lahat ng gusto mo wag lang ang anak ko, Romano!" Pagmamakaawa ng kanyang ina.
Lumapit si Romano sa kanyang ina, sabay haplos nito sa mukha ang kanyang ina. "Alam mo bang kay tagal kong hinintay na sabihin mo iyan sa akin, Carmina? Sa mga panahon na kasama mo si Fidel, sa mga panahon na nakikita kung kayakap mo siya, at hinahalikan ka niya, wala akong ibang iniisip kundi sana ako nalang, sana ako ang yumayakap sayo at humahalik sayo Carmina." Ani ni Romano habang hinahaplos nito ang mukha ng kanyang ina.
Nanginginig siya sa sobrang takot habang nakatingin sa nanginginig na ina. She felt so helpless dahil wala siyang magawa. Tuwid na nakatayo ang kanyang ina habang bahagyang naka-angat ang mukha nito at nanginginig.
"Mommy! Mommy!" Bulahaw ng kanyang kapatid na lalaki. "Let go of Mommy, you devil!" Ani ng kapatid sabay tulak kay Romano.
Nanlilisik ang mga mata ni Romano sabay hablot sa kanyang kapatid na lalaki. Tumaas ang kamay nito sa ere at akmang sasampalin nito ang kanyang kapatid.
Ngunit bago dumapo ang palad nito sa kanyang kapatid ay mabilis na itinulak niya ang lalaking may hawak sa kanya sabay tinakbuhan ang kanyang kapatid at mabilis na niyakap at ginawang pananggalang ang sarili. Tumama ang palad ni Romano sa mismong batok niya.
"Romano!" Sigaw ng kanyang ina. "Hayop ka! Hayop ka!" Malakas na sigaw ng kanyang ina sabay lapit ito sa kay Romano at pinaghahampas nito iyon ng kamay. "Wala kang karapatan na saktan ang mga anak ko Romano!" Muli nitong sigaw habang walang tigil sa paghampas ang mga kamay nito kay Romano.
Tatlong malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng kabahayan. Nayakap niya ng mahigpit ang kanyang kapatid kasabay ng panginginig ng kanyang katawan.
"Tumigil ka!" Malakas na sigaw ni Romano sa kanyang ina. Habang nakatutok sa itaas ang baril nito. Ibinaba nito ang kamay na may hawak na baril at itinutok iyon sa kanyang ina. "So ano Carmina, ikaw lang ang may karapatan na saktan ako ha, Carmina?" Sigaw pa ni Romano habang nakatutok sa noo ng kanyang ina ang baril.
"Sige, patayin mo ako Romano. Pero pakiusap pakawalan mo ang mga anak ko!" Pagmamakaawa ng kanyang ina.
Mabilis niyang binitawan ang kapatid na lalaki at yumakap sa binti ni Romano. "Please po, tito Romano. Wag niyo po saktan ang mommy! Sasama po ako sa inyo kung- - kung yun ang tanging paraan upang makabayad po kami ng utang. Parang awa niyo na po, wag niyo lang po saktan si mommy at Randolph!" Pagmamakaawa niya habang hilam ng luha ang kanyang mga mata.
"Kunin niyo siya!" Lumapit sa kanya ang dalawang lalaki sabay hablot sa kanya sa magkabilang braso. "Wag niyong galusan. Hindi pwedeng magkaroon ng kahit konting pasa at galos ang katawan niyan!" Ani pa ni Romano sa dalawang tauhan nito.
"Aliyah!" Muling sigaw ng kanyang ina sabay abot ang mga braso nito sa kanya. "Sige Romano! Kunin mo siya at saktan mo siya," malakas na sigaw ng kanyang ina kasabay ng pagbalong ng masaganang luha sa mga nito. "Siya ang magiging bangungot mo, Romano. Sinisiguro ko sayong Pagsisisihan mong sinaktan mo siya. Isinusumpa ko! Pagsisisihan mo ang araw na ito, isinumsumpa ko, Romano!" Malakas na sigaw ng kanyang ina, lumalabas maging ang mga litid nito sa leeg habang dinuduro nito si Romano.
"Mommy!" Tanging Sambit niya habang patuloy na bumabalong ang kanyang masaganang luha, nanginginig sa sobrang takot ang buo niyang katawan.
"Matagal na akong nagsisisi Carmina, noong mga panahong nakilala kita at pinili kung mahalin ka. Sobra-sobrang pagsisisi na ang ginawa ko!" Ani ni Romano sabay hakbang patalikod sa kanyang ina. "Dalhin na yan sa sasakyan." Utos pa nito sa mga tauhan.
"Aliyah anak!" Sigaw na tawag ng kanyang ina sa kanya. Hindi siya lumingon.
Kung ito ang tanging paraan upang mailigtas niya ang buhay ng kanyang ina at kapatid ay handa niyang e sakripisyo ang kanyang sarili. "Daddy!" Nanginginig na piping sambit niya.
"Hindi! Romano parang awa mo na, ibalik mo ang anak ko, Romano!" Muling sigaw at pagmamakaawa ng kanyang ina. Lumingon siya. Nasa pintuan ang kanyang ina habang hinaharangan ito ng tauhan ni Romano. "Aliyah anak! Aliyah!" Muling bulahaw ng kanyang ina sabay abot sa kanya ng isang braso nito.
"Mommy!" Isang pilit na ngiti ang namutawi sa kanyang labi at umiling.
Binawi niya ang tingin sa ina kasabay ng mariin na pagpikit ng kanyang mga mata kasabay ng paghampas ng malamyos na ihip ng hangin sa kanyang balat. "You are my princess and my gem. You are strong Aliyah, stronger than you ever think. Always remember to be strong. Be strong Aliyah!" Those words his father told her before he died echoed in his head.
She opened her eyes. Sumalubong sa kanya ang mapusyaw na liwananag ng buwan maging ang nagkikislapan na bituin sa kalangitan. "Father, Daddy!" Piping usal niya.
"Pasok!" Ani ng kanyang tito Romano sabay tulak sa kanya.
"Aliyah! Aliyah!" Sigaw ng kanyang ina.
KASING DILIM ng gabi ang kanyang hinaharap. Walang kasiguraduhan ang lahat. Tanging takot at pangamba ang namayani sa kanyang puso at isip. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang nilulukumos ang mga daliri.
"Baba!" Boses ni Romano.
Iminulat niya ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang madilim na paligid. Tanging ilaw mula sa mga nakaparadang sasakyan ang tanglaw. Lumunok siya at pilit na kinakalma ang sarili. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kalamnan maging ang kanyang mga binti.
Bumaba siya ng sasakyan ngunit muntik pa siyang matumba dahil sa sobrang panginginig ng kanyang mga tuhod. Lumapit si Romano. Malakas nitong sinampal ang lalaki na nasa kanyang tabi. "Kapag yan nagkapasa at nagalusan hindi ka masisikatan ng araw!" Mariin na wika ni Romano sa lalaki.
Mas lalo siyang nahintakutan. Niyakap niya ang sarili at ilang beses na napalunok kasabay ng mabilis na mga paghinga. Maging ang kanyang puso ay tila gustong kumawala sa loob kanyang dibdib dahil sa malakas at mabilis na t***k nito.
"Daddy!" Piping usal niya.
"Boss handa na po ang private chopper niyo!" Ani ng isang lalaki na sumalubong kay Romano.
Private chopper? Saan siya dadalhin ni Romano? Makikita pa kaya niya ang kanyang kapatid at ina? Mula sa naisip ay muling kumawala sa labi ang munting hikbi kasabay ng muling pagpatak ng kanyang mga luha.
"Alalayan yan papunta sa chopper." Ani ni Romano sa ilang tauhan nito na nakatayo lamang sa kanyang tabi. "Tandaan niyo wag n'yong galusan. Malaki ang halaga niyan!" Tukoy ni Romano sa kanya.
Hindi niya alam ang lugar na pinagdalhan sa kanya. Tanging mga sasakyan lamang ang kanyang nakikita sa paligid at ang sandamakmak na mga tauhan ni Romano.
Gaya ng gusto ni Romano inalalayan siya ng dalawang tauhan nito. Hinawakan siya ng mga ito sa kanyang magkabilang braso, maging ang paraan ng paghawak ng mga ito sa kanya ay ingat na ingat.
Tanaw niya mula sa kanyang kinaroroonan ang private chopper ni Romano. Habang papalapit siya sa chopper ay tila niya gustong itulak ang dalawang lalaki na may hawak sa kanya at tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Ngunit alam niyang walang saysay ang naisip. Dahil maaari niya iyong ikapahamak at ikapahamak ng kanyang ina at kapatid.
Nakasakay na siya sa chopper at nararamdaman niya ang unti-unting pagtaas n'on sa himpapawid. "Mommy! Randolph!" Muli niyang hikbi. Hikbi na tanging siya lang ang nakakarinig.
Papalayo na siya sa kanyang tahanan, papalayo sa kanyang ina at kapatid. Walang pagsidlan ang matinding kalungkutan sa kaibuturan ng kanyang puso, walang paglagyan ang matinding pangungulila niya sa kanyang pamilya.
Muli niyang ipinikit ang mga mata at nilukumos ng mga daliri ang suot na denim shorts muli ay lumitaw sa kanyang balintataw ang nakangiting mukha ng kanyang ina, ang masayang nakangiting mukha ng kanyang kapatid, maging ang matitinis na halakhak ng kanyang pamilya ay umaalingawngaw sa kanyang pandinig.
She will do everything to survive. She will do everything to come back alive in her mother's arms. Hindi siya papayag na hindi muling makasama ang kanyang ina at kapatid. Hinding hindi.
Umabot ng dalawang oras ang byahe nila sa himpapawid. Lumapag ang chopper sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Hampas ng alon at huni ng mga kulisap sa gabi ang tangi niyang naririnig sa kanyang paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa isang isla sila.
Muli siyang inalalayan ng dalawang lalaki sa kanyang magkabilang braso at giniya papunta sa isang malaking bahay o mas tamang sabihin na mansion. Natatanaw niya ang bahay dahil sa mga ilaw na nagmula sa mga poste na nakapalibot sa buong paligid.
Ang bawat sulok ng malaking bahay ay napapalibutan ng mga tauhan ni Romano may bitbit ang mga ito na mahahabang armas at matamang nakabantay.
There is no way for her to escape.
"Boss maligayang pagdating?" Ani ng tauhan ni Romano na sumalubong sa kanila. Bitbit nito ang mahabang baril sa kanang kamay.
"Kamusta rito?"
"Okay, lang boss. Nasa loob na rin ang tatlo pang babae, dumating kaninang tanghali."
"Mabuti. Sige ipasok niyo na yan." Tukoy ni Romano sa kanya. "Inuulit ko, wag niyong galusan dahil yan ang magbibigay sa akin ng malaking halaga bukas." Ani pa ni Romano.
Sa anong paraan siya makapagbigay ng malaking halaga kay Romano? Ano ang ibig sabihin nito sa sinasabi nito? Mga katanungan sa kanyang isip na alam niyang hindi masasagot nino man at tanging si Romano lang ang may alam.