HE WAS panting, tagaktak maging ang pawis sa kanyang noo. Nasa isang lugar siya kung saan wala siyang ibang nakikita kundi ang kadiliman, wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso.
"Mommy! Mommy!"
Napalingon siya sa kanyang kanang bahagi. Nakita niya ang isang batang lalaki na umiiyak sa isang sulok, mababanaag ang matinding takot sa mukha ng bata, nanginginig at hilam ng luha ang mga mata.
"Mommy! Mommy! Mommy!"
Sinundan niya ng tingin ang direksyon na tinititigan ng batang lalaki. Ganon na lang ang panginginig ng kanyang kalamnan, lumukob maging ang matinding takot sa kanyang buong sistema.
Isang babae ang nakalumpasay sa sahig, nakasuot ito ng isang puting bistida, dilat ang mga mata at hindi na humihinga. Fear scattered all over his being, and his heartbeat raced its beat.
'Mommy! Mommy! Mommy!'
Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya maibuka ang bibig. Pilit niyang itnataas ang braso at pilit inaabot ng kanyang kamay ang babae ngunit hindi niya maigalaw ang katawan, maging ang mga paa ay tila ipinako sa kanyang kinatatayuan.
'Mommy!'
Nanginginig na piping sambit niya.
Muli siyang napalingon sa batang lalaking umiiyak. Maging ito ay lumingon sa kanya, hanggang sa magtama ang kanilang paningin. Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pag-awang ng kanyang mga labi, nanginig maging ang kanyang buong katawan.
He is shaking. Shaking with too much fear.
"Hellion! Hellion!"
Napabalikwas siya ng bangon at habol ang bawat paghinga. Muli na naman siya dinalaw ng masamang panaginip na iyon. Panaginip? Hindi iyon basta panaginip lang, kundi isang bahagi ng buhay niya na kahit anong pilit niyang takasan ay hindi niya magawang takasan.
"Nightmare again? Here!"
Isang basong tubig ang inabot sa kanya. Tinanggap niya iyon. Lumunok siya bago tinungga ang isang basong tubig. "How many minutes before we landed?"
"Approximately thirty minutes from now!"
Inangat niya ang mukha at tumitig sa kaharap. Lumunok siya habang humihingal. "Ilang oras ba ako nakatulog?"
Inabot ng kaharap ang baso mula sa kanya. "Nakatulog ka ng kalahating oras!"
"Kalahating oras?" Nagpakawala siya ng isang mapait na tawa. "At least umabot ng kalahating oras ngayon, at hindi twenty minutes!"
"You have been like that since three days ago, dahil ba 'yan sa gaganapin na auction?" Inabot ni Michael sa kanya ang isang brown envelope. "Baka sakaling gusto mong tingnan ang mukha niya sa mga stolen shots na kuha ng private, detective!"
He took the brown envelope from Michael at bumaba mula sa kinahihigaan. Lulan sila ng isang private plane na pag-aari niya mismo. Galing siya ng Italya at muling uuwi ng Pilipinas para sa gaganapin na underground auction.
Kung saan isa sa ibebenta sa auction na iyon ay ang isa sa anak ng taong naging sanhi ng kanyang matinding bangungot, naging sanhi ng matinding pasakit niya sa loob ng dalawampung taon.
"Bakit ayaw mong buksan ang envelope at silipin man lang ang itsura niya? Baka sakaling magbago ang isip mo." Nagpakawala ng tawa si Michael saka ito tumalikod mula sa kanya.
Matiim niyang tinitigan ang envelope bago niya binuksan iyon. Isang white sheet of paper ang hinugot niya mula sa loob ng envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol sa babae, kasama ng ilang larawan.
Una niyang binasa ang mga nakasulat sa papel. Lahat ng impormasyon tungkol sa babae ay naroon. Natigil siya sabay tiim ng bagang ng mabasa ang pangalan ng taong naging sanhi ng kanyang matinding paghihirap sa loob ng dalawamput taon.
How could this man be a father to someone else's child? When he can't even be a father to him and his sister and even deny both himself and his sibling. He swears to his mother's grave that he will make him pay for all the pain and suffering he caused them.
Nilukumos niya ang papel kasabay ng pagkuyom ng mga palad at muling pagtiim ng mga bagang, kapagkuwan ay kinuha niya ang larawan na nakalapag sa kanyang harapan. Hinawakan niya iyon at matamang tinitigan.
It was a whole body-size stolen picture. Kung saan matamis na nakangiti ang babae may mahabang tuwid na buhok habang may hawak-hawak itong mga libro sa dibdib at bahagyang nakatagilid. The woman has a petite body and fair skin.
He is lucky after all. Dahil ang babae sa larawan ay hindi niya kapatid. Maari niya gawin dito ang lahat ng naisin niya. Ibinaba niya ang larawan na iyon at muling kinuha ang isa pa.
It was a close-up picture. Kung saan kitang-kita ang buong mukha ng babae. He froze for a moment. Hindi niya napigilan ang mapalunok.
There is something in a woman's eyes. Tila hinihigop ng kulay chokolateng mata nito ang kanyang buong kamalayan, tila ito nangungusap sa kanya, maging ang mapupulang hugis puso na labi ay tila nag-aanya na halikan.
"Why not make her one of your women? She is not your biological sister, after all!" A witty smile was painted on Michael's face. "Sayang naman ang ganda niyan, kung kakainin lang ng uunod. Parang gugustuhin ko na lang maging uud, sakaling siya ang kakainin ko."
"You shut the fvcked up, Michael!" Kinuha niya ang water tumbler sa tabi niya at uminom. "Nakahanda na ba lahat ng tauhan?" Lumunok siya at muling tuwid na tumingin kay Michael.
"Everything is set!"
"Good!"
************
NAGISING SI Aliyah sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana ramdam niya maging ang malamyos na pagtama ng hangin sa kanyang balat. Nakasuot siya ng isang denim short at spaghetti straps top.
Nanatili siyang nakahiga at pinapakiramdaman ang paligid. Nakikita niya mula sa kinahihigaan ang pagsayaw ng puting kurtina sa bawat hampas ng hangin, naririnig niya maging ang huni ng mga ibon sa paligid.
Huminga siya ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib. Bagong umaga bagong pakikipagsapalaran at bagong hamon ang kanyang kahaharapin.
Bumangong siya. Umupo siya sabay niyakap ang mga tuhod at susob ng mukha. Ramdam niya ang matinding kahungkagan sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na malayo siya sa kanyang pamilya.
Matinding takot at pangamba ang naghahari sa kanyang buong sistema. Walang kasiguraduhan ang kahaharapin na bukas. Ganon pa man ay hindi siya pwedeng sumuko, dahil mayroon siyang ina at kapatid na naghihintay sa kanya.
"Daddy! Daddy!" Mahinang usal niya kasabay ng munting hikbi.
Mga yabag papalapit sa silid na kinaroroonan niya ang kanyang nauulinagan. Napaangat siya ng mukha at mabilis na pinahid ang mga luha sabay siksik ng sarili sa headboard ng kama.
Bumukas ang pinto. Isang di katandaan na babae ang pumasok sa silid. Hawak-hawak nito sa magkabilang dulo ang isang food tray, habang lumalapit sa kanya.
"Kumain ka na ineng!" Ani nito sabay lapag ng food tray sa kama na may lamang samo't-saring pagkain.
Bigla siya napalunok kasabay ng biglang pagkalam ng kanyang sikmura. Konti lang talaga ang nakain niya kagabi. Ni hindi niya nga maalala kung nakakain ba talaga siya.
"Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina, ineng!"
Napakurap siya at napatitig sa babae. "K-Kilala ninyo ang Mommy ko?"
"Shhh!" Iniharang ng babae ang hintuturo sa gitnang labi, bahagyang yumuko at kunot noong tumitig sa kanya sabay mas lalong inilapit ang mukha sa kanya. "May mata ang bubong, may tenga ang dingding…!" Pabulong nitong wika.
Mataman niya itong tinitigan ngunit nanatiling seryoso itong nakatunghay sa kanya at titig na titig sa kanyang mga mata. Pinalakbay niya ang paningin sa bawat sulok ng silid at tumingala sa bubong. Ngunit ni isa ay wala siyang nakikitang ano mang nakasabit.
"Isa iyong matalinhagang pananalita, Ineng!" Ani nito sabay tayo ng tuwid at silay ng isang ngiti sa labi. Inilagay nito ang dalawang palad sa likuran at tumalikod sa kanya.
Ang sinabi ng babae na kamukha niya ang kanyang ina ang nag bigay sa kanya ng konting pag-asa. Sigurado siyang kilala nito ang kanyang ina, at marahil ay matutulungan siya nito sakali.
Ang isiping iyon ang nag-udyok sa kanya na bumaba ng kama at takbuhin ang babae bago paman ito makaalis. Bago paman mahawakan ng babae ang seradura ng pinto ay nahila niya na ito sa isang braso.
"S-sandali po!"
Lumingon sa kanya ang babae na nakakunot ang noo sabay marahas na hinila nito ang braso mula sa pagkahawak niya. "Bumalik ka na doon sa kama at kumain, kailangan mong magpakalakas!" Ani nito sa kanya.
"Kilala ninyo si Mommy diba?"
Hinila siya ng babae papalapit dito. Inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong sa kanyang tenga. "Ikaw lang ang makakapag paamo sa kanya. Ikaw lang ang makapag pabago ng pagkatao niya! Magpakalakas ka…!"
Nanindig ang mga munting balahibo niya sa kanyang buong katawan buhat sa narinig. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit nagdala ng kilabot ang mga katagang sinabing iyon ng babae sa kanyang buong sistema.
Binitawan siya nito sabay talikod, binuksan nito ang pinto at lumabas sabay muling sara. Naiwan siyang nakatayo sa harap ng nakasaradong pinto. Hindi ma absorbs ng utak niya ang sinasabi ng babae.
Sinong papaamuhin niya? Kaninong pagkatao ang babaguhin niya?
Mga tanong na hindi niya alam ang kasagutan. Kung meron mang makakasagot sa tanong na iyon, iyon ay ang babaeng iyon.
MULING nilamon ng dilim ang buong paligid at tanging ang malamlam na ilaw mula sa lampshade at liwanag na nagmumula sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob ng malaking silid na iyon.
Muling bumukas ang pinto. Mabilis siyang tumayo. Muli ay lumakas ang t***k ng kanyang puso at muling naghari ang matinding kaba at takot sa dibdib.
Isa na namang babae ang dumating. The woman has a huge tattoo on her arms, mayroon din itong hikaw sa ilong at seven-seven ang hairstyle.
Tiim itong tumitig sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay, maging ang mga mata ay tila umaapoy.
Galit, galit ang nakikita niya sa mga mata ng babae.
"Magbihis ka!" Utos nito sa kanya sabay hagis sa kanya ng isang damit, napapikit siya ng maramdaman ang pagtama ng damit sa kanyang mukha.
Napakurap siya at ilang beses na napapalunok. Tila magigiba ang kanyang dibdib sa sobrang lakas ng t***k nito,dahil sa matinding takot na umaalipin sa kanyang buong sistema.
"Ano pa ang hinihintay mo? Bihis na!" Singhal uli nito sa kanya.
"O-Opo!" Tugon niya sa nanginginig na boses sabay pulot ng damit na nahulog sa sahig.
Ganon na lang ang kanyang pagkamangha isang see-through lace nighties at dalawang pirasong panloob na lace undies ang tinapon nito sa kanya.
"Ano ba? Bihis na sabi!" Sigaw ng babae sa kanya.
Muli siyang napapitlag kasabay ng muling panginginig ng kanyang katawan. Fear scattered in her whole being. Hindi niya alam at wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kanya ngayong gabi.
"Putang-*na! Ano ba? Sabing magbibihis na, bingi ka ba? O baka gusto mong ako ang maghuhubad at magbibihis sayo?"
"M-mag b-bihis na po!" She answered in a stammering voice. Nangininig ang kanyang labi maging ang buo niyang kalamnan.
She doesn't have any choice kundi ang sundin ang babae. Dahil tila ano mang minuto ay sasakalin na siya nito.
Sa kabila ng matinding takot at panginginig ng katawan ay nagawa niyang pumasok sa loob ng banyo at magbihis. Sinuri niya ang sarili sa isang whole body size mirror naroon sa loob ng banyo.
Ganon na lang ang kanyang panlulumo. Ni sa hinagap ay hindi niya inaasahan na dumating ang ganitong pangyayari sa buhay niya. Halos kita na ang buong katawan niya, kita ang buong p********e niya.
Tanging ang lalaking nakatadhana na makasama niya habang buhay ang gusto niyang makakita ng kanyang kahubdan. Ang lalaking mamahalin niya at maging ama ng mga anak niya ang gusto niyang pag-alayan ng kanyang buong pagkatao.
Ngunit ang pangarap na iyon kailanman ay hindi na matutupad. Dahil siguradong sa gabing ito, tuluyan ng mawawasak ng buo ang kanyang pagkatao.
Mula sa naisip ay muling sinalo ng kanyang mga palad ang mukha at muling umalpas ang mga hikbi.
Malakas na kalabog sa pinto ang nagpatigil sa kanyang pag hikbi at halos mapatalon siya sa pagkagulat. "Lalabas ka ba diyan o gusto mong dyan na lang sa loob tumira?" Muling pasigaw na ani ng babae mula sa labas.
"L-lalabas na po!" Sagot niya sa nanginginig na boses.
Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Sumalubong sa kanya ang matiim na titig ng babae maging ang mga panga nito ay umiigting habang nakatitig sa kanya.