CHAPTER 6: Kadugo

1735 Words
“NO! That’s impossible!” Naririnig na niya ang tungkol sa anak ni Romero Balaguer at imposibleng si Grace iyon. Hindi mabubuhay ang prinsesa ni Victor dito sa probinsiya ng kanyang ama. Isa pa, malayong-malayo ang pagkatao ni Grace sa alam niyang personalidad ni Royal Balaguer! “Nagsisinungaling ka!” “Dante!” matigas na wika ng kanyang ama. Masyadong malamig ang mata nito. “B-boss?” “Ibigay mo sa mabait kong anak ang imbestigasyon tungkol sa prinsesa ng mga Balaguer.” Mabilis na sumunod ang huli. May mga pinindot ito sa cellphone bago iyon iniabot kay Dalton. “Boss Dalton.” Hinablot niya iyon at saka tiningnan ang larawan sa screen. Malayong-malayo ang anyo ni Grace sa babaeng ipinakikita sa kanya ng litrato. Grace was stunning in her silver gown. A thick diamond necklace embraces her neck beautifully. Her makeup was simple yet elegant. Ibang-iba sa Grace na nakasama niya sa loob ng ilang linggo na walang bahid ng salapi o luho sa katawan. Twenty-year-old Royal Grace Balaguer, who serves as the president of The Pink Girls' Code, committed to giving P30 million to the IHeart Foundation in honor of her birthday—iyon ang nakasulat sa isang blog. Ang petsa sa larawan ay kalahating taon na ang nakalipas o bago pa sila nagkakilala. “T-this is impossible!” galit na usal niya. Hindi basta naniwala si Dalton at sinubukan niyang i-search ang pangalan ng babae sa web browser. Ilang larawan ni Grace ang lumitaw sa kanyang paningin. Malayong-malayo sa Grace na nakilala niya; ang babaeng walang cellphone, nakatira sa simpleng kubo, at nagtatrabaho sa isang simpleng coffee shop. Hindi isang babae na magdo-donate ng 30 million pesos sa isang charity! Royal Grace Balaguer… A Balaguer! Nais niyang ipagkaila na muna sa kasalukuyan ang relasyon niya kay Victor! Halos madurog ang cellphone sa kanyang magaspang na kamay. “It doesn’t matter if she’s a Balaguer! Isa akong Rivero!” matigas ang ulo na wika niya. Rivero talaga ang nakasanayan niyang gamitin dahil iyon ang ipinagamit sa kanya ng kanyang ina noong hindi pa niya nakikilala si Victor. Bago siya kunin nito para i-train, pinilit nitong pinapalitan ang pangalan niya sa madugong paraan kaya siya naging Resuelo. Ngunit nang putulin niya ang relasyon dito, hindi na niya tinuloy pang gamitin iyon. “Rivero o Resuelo! Kahit ano pa ang pangalan na gamitin mo, hindi maipagkakailang dugo ko ang nananalaytay sa ‘yo!” Iyon nga ang problema! Anak siya ng taong pinakademonyo sa lahat ng nakilala niya. Isa pa, itinuring ba siya nitong anak? Hindi! Nagkataon lang na nabuntis nito ang kanyang ina kaya nagsasalo sila nito sa parehas na dugo at laman. “I just happened to be your son! You monster!” nagkikiskis ang kanyang ngipin habang nakatingin rito. Nagdidilim na rin ang paningin ni Mr. Resuelo sa kanya. “You are delusional, Dalton! Ipinagkakaila mo na isa kang Resuelo gayong hindi ka naman talaga minahal ng babaeng ‘yon!” Halos lumabas ang lahat ng ugat sa leeg ni Dalton dahil sobra ang galit niya sa kanyang ama. Hindi lang siya makakilos dahil pinipigilan siya sa braso ng dalawang bodyguard. Royal or Grace or whatever her name she goes by loves him! The love they shared was undeniable! “You want to make your investigation? Go! Royal deliberately came to this province to meet and make you a fool before she could marry Senator Tolentino’s grandson!” Panibago iyon sa kanyang pandinig. Umawang ang kanyang labi at huminto ang kanyang mundo. No! Hindi iyon magagawa ni Grace! Mariing kumirot ang kanyang puso. Hindi siya niloko ng babaeng nagbigay sa kanya ng pangarap. “I want to see her!” Marahas siyang kumawala sa pigil ng dalawang tauhan at saka nagtungo sa pintuan. Bahagya pa siyang nahihilo kaya gumewang siya bago makarating sa pintuan. Noon niya lang napansin na may makapal na benda siya sa ulo. “Boss!” tawag ni Dante. Hindi alam kung susuportahan siya o mananatili ito sa kinatatayuan. Tuluyan na siyang nakalabas ng silid. “Sundan mo siya! I-report mo sa ‘kin ang lahat ng gagawin ni Dalton!” “Yes, Boss!” Lumabas ang tauhan na Dante ang pangalan para sundan ang bastardo. “Boss Victor, hahayaan n’yo na lang ba si Boss Dalton?” tanong ng isang tauhan nang mawala si Dalton. “Hayaan mo siya. Kapag pinigilan ko ang isang iyon, lalo lang siyang kakawag sa kagustuhan ko. Sigurado ako na siya mismo ang kusang babalik kapag nalaman niya kung ano ang mayroon sa babaeng pinagkatiwalaan niya. Ang kailangan ko lang ay maghintay.” Nakadedemonyo ang ngiti nito na halatang kalkulado ang mga magaganap. “Dumating na ba ang shipment mula sa Norte?” “Kagabi. Si Raul ang nakatoka na tumanggap sa port. Nai-report na rin sa ‘kin na inilagay ang isang bomba sa kubo na tinirhan ni Miss Balaguer.” “Good. Kung tutuusin, kulang ang isang truck ng Pink Fantasy at bomba para maging kabayaran sa buhay ng isang ‘yon!” tukoy ni Mr. Resuelo kay Royal. Dinampot ng lalaki ang cellphone na nasa kama. “Bakit nga ba hindi pa natin siniguro na mamatay siya habang narito?” Tumaas ang sulok ng labi ni Mr. Resuelo habang nakatingin sa larawan ni Royal na nasa screen. “Dahil kailangan kong sumugal. Kailangan kong makita ang reaksiyon ni Dalton at nakuha ko ang sagot. I will use the girl against him. Hindi pa niya oras na mawala sa mundong ito,” makahulugang sabi. “P-papaano kung tumiwalag lalo si Boss Dalton?” “No! I’ll make sure he’ll come back dahil tulad ng batang tigre, mananaig pa rin ang likas na galit at paghihiganti sa kanya. Ang kailangan ko lang gawin ay kaunting tulak!” *** “GRACE!” sigaw ni Dalton habang tumatakbo papalapit sa kubo kung saan nakatira ang dalaga. Ayon sa ospital, isang araw lang na nanatili ang babaeng nakasama niya sa aksidente at agad na umalis na. Hindi man lang siya nito nagawang bantayan sa ICU na isang linggong nag-a-agaw-buhay! Naka-lock ang pinto ng kubo kaya naman malakas na puwersa ng sipa ang ibinigay niya roon. Agad na nagbukas iyon, nasira ang lock. Maayos ang mga kagamitan na halatang walang naganap na krimen sa loob. Binuksan niya ang ilang drawer sa kabinet, wala ni isang gamit ni Grace ang naroon. Nanikip ang kanyang dibdib. Umalis na ba talaga ito? Lumabas siya at nakita si Dante, ang pinagkakatiwalaang tauhan niya noong nasa poder pa siya ni Mr. Resuelo. “Ano ang ginagawa mo rito?” galit niyang tanong. “Kung hinahanap mo si Royal Balaguer, may isang linggo na siyang wala rito sa probinsiya.” Halos hindi siya makahinga sa narinig. Parehas silang naaksidente nito. Sa pagkakakilala niya kay Grace, hindi ito basta aalis kahit patayin pa ito ng kanyang ama kung talagang mahal siya ng babae. Matigas ang ulo nito. “Pupunta ako sa Norte!” Nilagpasan niya si Dante. “Boss, ipapahamak mo lang ang sarili mo! Ilan sa miyembro ng Balaguer ang inatake natin noon. Sa palagay mo ba ay ligtas ka kung makikita ka nila ro’n?!” “Wala akong pakialam!” matigas ang ulo na tugon niya. Walang sino man ang makaiintindi sa relasyon niya sa babae. Masyadong mahiwaga iyon. Mainit. Masarap! Hindi niya iyon naranasan sa kahit na kanino. Sa loob ng tatlong taon, pinaagos niya lang ang mga araw na nagdaan hanggang sa makilala niya ang babaeng iyon na naging daan para lumiwanag ang kanyang mundo. Grace made him happy. He never thought he could laugh, be scared, or he could love someone after Melody’s passing. Kailangan niyang makita ang dalaga. Naiinis na sumunod sa kanya si Dante. “Sigurado ka ba na malinis ang nararamdaman sa ‘yo ng babaeng ‘yon? Paano kung ginamit ka lang niya?” Tumigas ang kanyang panga na nilingon ang kanyang tauhan. Hindi niya napigilan na suntukin ito sa pisngi lalo na’t kanina pa nangangati ang kanyang kamao na hindi man lang sumayad sa pisngi ni Victor Resuelo. “Kung gusto mo pang manatili dito sa mundo, mas mabuti pang manahimik ka!” “Sinasabi ko lang ang totoo! Isa kang Resuelo, ang kalaban ng pamilya niya! Ang babaeng ‘yon ay prinsesa ng mga Balaguer. Sa palagay mo ba ay malinis siya at simple? Sa buhay na mayroon siya sa Norte, sa palagay mo ba ay hindi niya kayang gawin na lokohin ka? Paano kung pagsubok ito sa kanya?” Aabot ba talaga ang isang Royal Grace Balaguer sa puntong ibibigay nito ang sarili sa kanya? Ang oras nito, para lang bilugin ang ulo niya? Tinalikuran na ni Dalton si Dante at nagpatuloy sa lakad. Isang detonator ang naapakan niya na nakabaon sa lupa. Nabigla na lang sila nang sumabog ang kubo sa kanilang likuran–-ang tirahan ni Royal. Parehas silang dumapa sa damuhan. “F*ck!” Mabuti na lang at halos naroon na sila ni kalsada. Dinampot niya ang aparato. Sigurado siya na hindi iyon sa mga Resuelo. Nanginginig ang kanyang kamay. “Hindi ba’t ‘yan ang isa sa mga ilegal na ibinebenta ng mga Balaguer?” komento ni Dante. Oo! No sound coming from him. He gritted his teeth! Ayaw niyang tanggapin! Hindi si Grace ang magtatangka sa buhay niya. Ngunit wala siyang naiisip na posibleng gumawa nito. “Boss…” “Trust me, one more f*****g word, and I’ll kill you! I’ll talk to Grace. Kailangan kong marinig sa kanya na sinadya niya akong lokohin!” Nababaliw na nga yata siya. Patuloy lang na madadagdagan ang mga katanungan sa kanyang isipan kung hindi niya ito kaklaruhin. He wants an answer from Grace! Sa kanyang apartment ay hinanap niya ang contact ng The Pink Girls’ Club matapos malaman na presidente nito si Royal. Wala siyang naiisip kung hindi ang mag-email sa sorority para makausap ang babae dahil wala itong cellphone. Kung mayroon man ay hindi niya alam. Samantala, sa opisina ng The Pink Girls’ Code, nabasa ng sekretarya ang liham ni Dalton. Tinawagan nito si Royal na kasalukuyang nakakulong sa mansiyon. “Miss Roy, nakatanggap ako ng ilang letters para sa inyo. Well, tulad lang din ng dati; some are indecent letters while others are professing their love for you. Mayroon pa rito na magdo-donate sila ng ilang milyon. Though this new one is very unique. Ikamamatay niya raw kung sakaling mawala ka sa buhay niya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD