CHAPTER 7: Hallucinate

2095 Words
“PUT them in trash!” iyon ang sagot ni Royal matapos sabihin ng sekretarya na may mga sulat siya sa opisina ng sorority dahil wala siya sa mood para sa mga lalaking alam niyang gagawin ang lahat makapasok lang sa loob ng kanyang pantalon. Nagdurugo pa ang puso niya at wala siyang panahon na makipaglaro o intindihin ang kahit na sino, lalo na ang kanyang mga manliligaw. Pumasok si Elsa sa loob ng kuwarto at dinalhan siya ng pagkain. Wala pa siyang gana sa kasalukuyan kaya tiningnan lang niya ito. “Miss Roy, hindi pa rin binabawi ni Senyor Romero ang utos niya. Magda-dalawang linggo ka na rito sa loob ng mansiyon,” anang kanyang personal maid. “Hindi nila ako basta palalabasin lalo na at malaki ang nawala sa grupo natin. I heard my dad sent ‘shipment’ to the South.” And she’s talking about Pink Fantasy. Malaking danyos iyon sa pamilya nila. Bumuntonghininga si Elsa. “Mas mabuti pa na kumain ka muna, Ms. Roy.” Inalis nito ang takip sa mangkok. Mabilis na sinikmura siya sa amoy na nagmumula roon kaya tumakbo siyang nagtungo sa banyo na karugtong ng kanyang silid. Isinuka niya ang lahat na gumagambala sa kanyang tiyan. “Miss Roy!” Halatang nabigla ang kanyang alalay, sumunod ito sa kanya. Pinagpapawisan si Royal nang malamig. Parang lantang-gulay siya na naupo sa tiles. “Mabuti pa na bumalik ka na muna sa loob. Humiga ka na muna sa kama, Miss Roy!” “Saglit lang. Sinisikmura pa ako.” Nag-aalala si Elsa na pinunasan siya ng towel sa kanyang noo. “Kung hindi kita kilala, iisipin ko na buntis ka,” biro nito. Saglit na tumigil ang mundo ni Royal sa narinig. Umawang ang kanyang labi kasunod ang pag-aalala na namuhay sa kanyang dibdib. Mahigpit niyang naibilog ang laylayan ng suot niyang sleeping dress. No! She’s not pregnant! “Ayos ka lang ba?” tanong ni Elsa. “I’m fine! Sa palagay ko, nagloko ang tiyan ko dahil wala akong masyadong kinakain nitong mga huling araw.” Nalungkot ito sa kanyang lagay. “Miss Roy, naaalala mo pa rin ba ang taong ‘yon?” Nagsimulang tumulo ang kanyang luha. “Yes… Kahit sa panaginip yata ay dinadalaw niya ako. Ipinakita niya sa ‘kin na mahal niya ako, Elsa. Aminado ako na kasalanan ko rin naman dahil ako talaga ang nagkaroon ng unang pagtingin sa kanya. Pero ipinaramdam niya sa ‘kin na importante ako bilang babae. Kaya naman hindi ko matanggap na nagawa niya akong lokohin.” Naninikip ang kanyang dibdib matapos maisip si Dalton. Niyakap siya ni Elsa at saka nito hinagod ang kanyang nilalamig na likuran. “Makakalimutan mo rin ang taong iyon, Miss Roy. Karamihan naman ay masakit talaga ang nararanasan sa unang pag-ibig. Marami kang manliligaw. Huwag mong hayaan na katawan mo ang nagdurusa tulad nito.” Tinulungan siya nito na makabalik sa loob ng kanyang silid. Ilang saglit lang ay may kumakatok sa labas ng pinto. Binuksan iyon ni Elsa matapos niyang makaupo nang tulala sa kama. Paano kung nabuntis siya ni Dalton? Nanginig siya sa naisip. “Royal?” Nilingon niya si Duran na pumasok sa loob ng kanyang silid. Ito ang kanang kamay ng kanyang ama. Matinik ito at alam niyang wala itong sasantuhin, ngunit mabait ito sa kanya. Ilang beses niya na rin na naging bodyguard ang lalaki masiguro lang ang kaligtasan niya. “Yes?” “You have a duty tonight. May pupuntahan kang charity event. Nakatakda kayo ni Denver Tolentino na magpunta sa Grand Hotel ngayong gabi. Napagkasunduan ng daddy mo at ni Senator na mapapadalas ang mga pagtitipon na pupuntahan n’yong dalawa para na rin maipaalam ang relasyon mo sa kanila.” “Wala akong relasyon kay Denver!” matigas niyang tugon. “Roy, alam mong mas makabubuti kung susunod ka na lang sa daddy mo, tama? Nawalan ng prinsipyo at mukha ang daddy mo matapos mong tumakas. Walang nag-isip sa ‘min na naroon ka sa lugar ni Victor. Mas lalong masakit sa parte ng daddy mo na sila pa ang kusang tumawag sa ‘min para lang sabihin na naroon ka. Akala namin ay nasa abroad ka…” Naiisip niya kung paano mag-angilan ang dalawang pinuno dahil sa kanya. “Hindi masakit kung dadalaw ka lang naman sa ilang pagtitipon nang kasama si Denver. Huwag ka munang umakto na parang nakatali ka kaagad sa taong iyon gayong hindi pa nga iyon nangyayari.” “Hindi ba’t doon din naman ang punta no’n? Magiging asawa ko siya!” “Ikakasal ka kay Denver kapag natapos mo ang kolehiyo. Kailan ka pa ba ga-graduate? Two years from now! Kung talagang matalino kang babae, gagawa ka ng paraan sa loob ng dalawang taon bago dumating ang araw na ‘yon dahil ikaw ang presidente ng sorority n’yo. Masyado pang maaga para mag-alburoto at mag-isip na parang katapusan na ng mundo.” Tinamaan siya sa sinabi ni Duran. Masyado siyang isip-bata at nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon ngunit alam niyang may katwiran ang lalaki. “Pero alam na kaagad ng iba na ikakasal ako kay Denver! A friend from my sorority asked me about it! Anong mukha ang ihaharap ko sa sorority kung sakali na hindi ko magustuhan ang kasal ko dahil hindi ko naman talaga gusto si Denver?” “At sigurado rin ako na hindi ka ganoon ka-bobo para hindi ‘yon buweltahan! You are Balaguer’s princess, for fvck’s sake!” Duran sneered. Totoo ang sinabi ni Duran. She can do anything! She is a superhuman! But she decided to be stubborn in so many ways! Umisang linya ang kanyang labi dahil wala siyang mahanap na sagot. Nagsunod-sunod ang mga maling desisyon niya sa buhay. Guilt and stubbornness. That’s all she has. “Sana ay mapagtanto mo ang mga mali mong desisyon. Anyway, ihahatid na kita sa hotel dahil ako ang nakatoka na magbantay sa ‘yo. Naghihintay ang stylist na mag-aayos sa ‘yo roon. ” Wala pa rin siyang emosyon kahit na sa unang pagkakataon ay lalabas siya ng kanyang hawla. *** ROYAL was stunningly beautiful in her long red gown. Mas lumitaw ang kanyang kaputian at aristokratang espanyol na anyo. Para sa huling dekorasyon sa kanyang katawan, sinuotan siya ng kanyang stylist ng manipis na diamond necklace. Isang malaking bato ng ruby ang palamuti niyon. Regalo iyon sa kanya ng dating Senador na lolo, ang ama ng kanyang ina. Limang taon na ang nakaraan nang mamatay ito. He was assassinated. This was her life before. This will always be her life. “Wow! Stun…ning!” bulalas nito matapos siyang pasadahan. Isa itong transgen na kuwarenta na ang edad. Ito ang nagbibihis sa grupo niya. “Thanks, Maria! Hindi ako magsasawa na kunin ang serbisyo mo pati sa sorority.” Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin. Malayong-malayo ang kanyang anyo sa Grace na naging pagkatao niya sa loob ng ilang buwan. “Yes! Nakapag-usap kami ni Ms. Laiza. Narito rin siya ngayong gabi. May stylist na ibinigay sa kanya ang agency kaya nagpasensiya na siya sa ‘kin. Ayos lang naman dahil ikaw ang kliyente ko ngayon at saka si Gazelle.” “Narito rin si Gazelle?” Nabigla siya roon. “Yes!” Thank God! She needed her friends! May kumatok sa pintuan ng kanyang private suite. “Mukhang nand’yan na ang date mo.” Hindi na niya napigilan si Maria na buksan ang pintuan. Isang matipunong Denver ang kanyang bisita. Nakangiti ito habang suot ang three-piece suit. “Hello!” anito. This will be their first date. He gave her a mallicious gaze. “You're gorgeous! Walang-wala ang mga larawan.” Pinilit niyang ngumiti at inalis ang lahat ng pagkabalisa laban sa lalaki. “Kukunin ko lang ang gamit ko.” “Take your time!” “Ang guwapo talaga ng apo ni Senator!” kinikilig na wika ni Maria. “Thanks, Maria! Hindi ba’t pupuntahan mo pa si Gazelle?” “Oh! Shoot! Salamat sa paalala.” Luminis ang silid matapos umalis ni Maria at ng team nito na dala ang lahat ng gamit. Sumunod sila ni Denver. Bumuntot sa kanila ang kanilang mga tauhan at si Duran. Panay ang haplos ng kanyang hilaw na fiancé sa kanyang braso na hawak nito. Sinisikmura niya ang bagay na iyon dahil sa ayaw niya o gusto, ito ang nakatakda sa kanya. Nais niyang matapos na ang gabi na iyon at makalayo kay Denver. Sa malaking bulwagan, pumila sila para sa entrada. Dadaan na muna ang lahat sa photowall dahil malaking pagtitipon iyon. “Take care, Roy! Nasa paligid lang ako,” paalam ni Duran. “Huwag kang mag-alala, Sir Duran, ako ang bahala kay Royal,” tugon ni Denver. Nang maiwan silang dalawa ng lalaki, nagsimula itong makipag-usap sa kanya. “I was looking forward to meeting you. Kaya lang ay nagpunta ka raw sa Barcelona para kumuha ng klase.” Kung ganoon ay ha’yon pala ang inirason ng daddy niya rito. Ngumiti lang siya bilang sagot. Ipinaramdam niya sa lalaki na hindi siya interesado rito hanggang sa makarating sila sa mismong photo wall. Nagpaulit-ulit ang pag-click ng camera sa kanila. Malalaki at maliliwanag ang ilaw at halos hindi niya alam kung saan titingin sa dami ng reporters at photographers. Siguradong laman siya ng ilang news blogs o kaya naman ay social media. Malaking balita iyon na ka-date niya ang sikat na apo ng senador sa mga kababaihan. Binulungan siya ni Denver, mariin, nananakot sa unang pagkakataon. “Royal, smile! I’ll make sure to punish you if you keep your sulking attitude!” Dumaloy ang kilabot sa kanyang katawan lalo na nang hapitin siya nito sa baywang. Mabigat ang pisil nito roon kahit pa matamis itong ngumiti sa camera. Inilapit ng interviewer sa kanila ang mikropono. “Denver, we spotted you with a sexy actress last week in Boracay. Akala namin ay may relasyon kayo ni Alana. Most people here were taken aback when we saw Miss Royal Balaguer.” Namumula ang pisngi na nagkamot sa ulo ang lalaki kahit pa nga mas dumiin ang kamay nito sa kanyang baywang. Ngunit sa likod ng mga nakabubulag na liwanag at malalaking camera, natagpuan niya si Dalton. Dalton? Bumilis ang pintig ng kanyang dibdib! Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa direksiyon nito. Kasabay niya na napasinghap ang mga tao dahil sa inianunsiyo ni Denver nang hindi niya napansin. Nagpaulit-ulit ang click. “Miss Royal?” wika ng interviewer. Inilayo niya saglit ang tingin sa taong iyon. “Oh, sorry?” “Hindi ko akalain na magpapakasal pala kayo nito ni Denver. That’s big news!” Nabigla siya sa sinabi ng interviewer. Sa saglit na nawala ang atensiyon niya sa mga ito dahil nakita niya si Dalton, ibinigay na kaagad ng kasama niya ang relasyon niya rito. Ngunit wala siyang Dalton na nakita nang ibalik niya ang tingin sa direksiyon kung saan niya nakita ang lalaki. She was probably hallucinating! Naikuyom niya ang kamao. “Kaya naman huwag kayong gumawa ng fake news. Sigurado na magseselos ang magiging asawa ko!” Hinalikan siya ni Denver sa pisngi na tila mabait na nobyo. Pinilit niyang ngumiti at saka nagbiro. “Marami pang bisita. We are causing traffic. Thanks everyone!” Galit na sinita niya si Denver, pabulong habang ngumingiti sa ilang kakilala matapos makalagpas. “You assh*le! Wala sa usapan natin na iaanunsiyo ang magaganap na kasal sa ‘tin!” “Royal, you are already mine the moment my grandfather told me about it! I’ll make sure to punish you every-fvcking-day if keep this attitude! How about we start tonight, huh? I don’t mind fvking you here, my beautiful and innocent princess!” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Kita niya sa mata nito na nais siya nitong wasakin sa oras na iyon habang halos mandiri siya sa mga haplos nito. May lumapit sa kanila, ang pinuno sa tauhan ni Denver. “Boss, we have a problem. May asong umaaligid sa paligid. Pinatatawag ka ni Duran. Kailangan niya ng desisyon mo.” Nakita niya si Natalie at Gazelle—ang kanyang mga kaibigan—na kumaway sa kanya. Good! Kailangan niya ng kaibigan! “Bantayan mo si Royal. Walang lalaki na pwedeng lumapit sa kanya, maliwanag?” Wala siyang pakialam sa deklarasyon nito. Muli niyang nilingon ang crowd ng mga reporter, iniikot niya ang tingin sa paligid, walang Dalton! Sa sobrang pag-iisip niya sa lalaki ay kung ano-ano na ang nakikita niya. Pinigil niya ang luha na lumapit sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya alam na may masamang magaganap sa gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD