DALTON made a move. Wala siyang natanggap na response mula sa mga sulat niya kay Royal o Grace. Bakit hindi ito nag-reply sa kanya?
Pilit niyang nilalabanan ang isip na binalewala ng kanyang nobya ang mga sulat niya rito. Nagpunta siya sa Makati kung saan nalaman niya na may malaking charity event na magaganap. Si Dante ang kasama niya na nag-imbestiga at nalaman niya na isa si Royal sa dadalo sa pagtitipon.
“Boss, heto lang ang nakaya kong kunin. Nasa CR ang may-ari ng ID na ‘yan.” Iniabot sa kanya ni Dante ang malapad na identification card kung saan nakasulat ang ‘MEDIA’.
“Huwag mong sabihin na may pinatay ka para lang sa ID na ‘to?”
“Nasaktan naman ako sa bintang mo. Tulog lang siya sa loob. Hindi ko siya sinaktan.”
“This is fine then.” Isinuot niya ang ID bago tinungo ang entrada.
“Magbabantay ako sa labas para masiguro na ligtas tayo,” ani Dante bago humiwalay sa kanya.
Eksakto na naglalakad siya patungo sa direksiyon ng entrada, nakita niya si Royal. She was fvckingly beautiful in her red gown. Hindi maipagkakaila na ito ang babaeng nagnakaw ng puso niya kahit sa maikling panahon. Nanikip ang dibdib niya at nais niyang isigaw ang pangalan nito.
Bakit ka umalis at iniwan ako?
Did you already forget, Grace? You promised me! Kung kailangan kitang itakas ngayong gabi ay gagawin ko!
His gaze didn’t leave her. Naglakad siya at bumaba ang alerto niya sa paligid. Nais niyang makausap ang babae. Nais niyang makipagniig dito nang paulit-ulit. Nais niyang ipagpatuloy ang pangarap na nasimulan nila.
But his world was crushed when he saw how Denver dominated his woman. Siguro dahil sa mapanuri niyang tingin ay nagharap ang mata nila ng dalaga. He wanted to hold her at that very moment.
How are you?
“Royal and I are engaged. We will marry soon!” Ganoon na lang din kabilis na nawarak ang kanyang mundo sa narinig na anunsiyo ng lalaking kasama nito.
Mukhang malalim ang samahan ng dalawa base sa pagkakahawak rito ni Denver. Nais niyang manuntok sa oras na iyon. She’s going to marry! And the groom is not him!
Tama ang sinabi ng kanyang ama! Pinaglaruan ba siya ni Royal? Ganoon na lang ang panlalamig ng kanyang likuran nang mahigpit na ikulong ang kanyang kamay ng taong alam niyang hindi magdadalawang-isip na patayin siya sa oras na iyon—si Duran. He felt a cold gun on his spine.
“Sumama ka sa ‘kin! Ayokong gumawa ng gulo rito! Sigurado na hindi mo gugustuhin na magdanak ng dugo rito, tama ba?”
His jaw clenched while gritting his teeth. Masyado siyang nagpakakampante! Hindi niya naramdaman ang paglapit ni Duran dahil abala ang isip niya sa dalaga at sa kasama nito. Sumunod siya kay Duran hanggang dalhin siya nito sa gilid na bahagi ng hotel. Madilim doon. Isang suntok ang tinanggap niya sa matigas na kamao ng lalaki.
Nais niyang gumanti. Lalapit na sana siya sa lalaki nang hinampas siya sa ulo gamit ang malapad na kahoy ng isang guwardiya na nakasuot ng barong. Paulit-ulit siyang pinagpapalo hanggang sa mamanhid na ang mga binti niya, ang tiyan niya at braso. Nanghina siya lalo na at hindi pa siya nakababawi sa balitang narinig na ikakasal si Royal. Namaluktot na lang siya sa sahig matapos sumenyas ni Duran sa mga kasama nito.
“Ano ang ginagawa mo rito?” matigas na tanong ni Duran.
“I want to see Royal Balaguer!” matigas na sagot niya kahit halos wala nang hangin ang lumabas sa kanya.
“Nakakatawa! Isang Resuelo na hihilingin na makita ang prinsesa ng mga Balaguer.” Ibinaba ni Duran ang katawan nito para magpantay sa kanya at saka siya hinawakan sa leeg. “Masyado kang naging pabaya. Ikaw ba talaga ang prinsipe ng Timog, ang pumatay sa ilang miyembro namin noon?”
Tila kinain ng dilim si Duran na humigpit ang hawak sa kanyang leeg. Alam niya na paghihiganti ang bumabalot sa pagkatao nito sa kasalukuyan. Hindi gumagana ang isipan ni Dalton dahil naiwan iyon sa mukha ng babaeng nasilayan niya at sa lalaking kasama nito.
Grace? Bakit mabilis mo akong nakalimutan?
Muli siyang sinuntok ni Duran bago nagbigay ng utos sa isang tauhan. “Tawagin mo si Denver!”
“Gulpihin mo ako, sige! Pero kailangan kong makausap si Royal!” Inilabas niya ang lahat ng lakas para makasigaw. Hindi siya aalis nang hindi nakakausap ang dalaga.
“Hindi mo talaga naiintindihan, ha?” Isang hampas mula sa makapal na kahoy ang tinanggap ni Dalton. “Higit kanino man ay alam mo na may kabayaran ang lahat ng luho. Ang makita o makausap si Royal Balaguer ay daig pa sa luho na nais mo, bastardo!”
Halos manginig ang kanyang laman sa mga hampas sa kanyang katawan ng malalaking kahoy, ngunit wala roon ang kamalayan niya. He was hurt. His heart was in immeasurable pain. Dumating si Denver maya-maya pa.
“Isa siyang Resuelo! Ang bastardo ni Victor! Nais niyang makausap ang magiging asawa mo!” madilim na anunsiyo ni Duran.
Naningkit ang mata ni Denver kay Dalton. “Ha! What right do you have?”
“Kailangan ko siyang makausap! Hindi ko kailangan na magpaliwanag sa ‘yo!” galit na tugon niya, kasunod ang pulang likido na idinura niya sa sahig. Pinalilibutan siya ng dilim. Nais niya itong patayin sa kasalukuyan.
“Inanunsiyo ni Victor na nagkaroon ka ng relasyon kay Royal. Hindi kami naniwala dahil natural ang kahayupan sa tatay mo. Ngayon na narito ka, mukhang nagsasabi siya ng totoo,” ani Duran, malamig ito.
Halatang napikon si Denver. “Ano? Pasensiya ka na lang! Masyadong masaya si Royal sa relasyon ko sa kanya kaya wala kang pag-asa. Pinapunta niya ako rito para sabihin na hindi totoo kung ano man ang relasyon na mayroon kayo. Niloko ka lang niya! Ang totoo, siya talaga ang dahilan kung bakit ka narito ngayon at ginugulpi ng mga kasama ko! Ano ang gagawin mo kung sakaling malaman mo na siya ang may gawa nito? Hindi ba’t magkalaban ang pamilya ninyo? Normal na magpatayan kayong dalawa!”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Lalong nadagdagan ang paghuhuramentado ng dibdib niya. “T-that’s impossible!”
Sumenyas si Duran. Mulik siyang pinagpapalo ng malalaking kahoy. Hindi siya makalaban! Hindi umaandar ang utak niya sa kasalukuyan dahil masyadong dinudurog ang puso niya sa oras na iyon.
No! Kaya ba umalis ang dalaga kahit na nasa ospital pa siya?
Kaya ba hindi nito sinagot kahit isa sa mga sulat niya?
Nakita siya nito kanina. Sigurado siya na nagharap ang mata nila ng babae! Kung nais siya nitong makita, narito ngayon si Royal.
Natatawa siya habang binubugbog ng mga demonyong tauhan ni Denver.
“Arrivederci! (Goodbye)” ani Duran bago siya pinukpok ng makapal na kahoy.
***
PAIN, need, and longing… Iyon ang bumabalot sa pagkatao ni Dalton habang nanlalabo ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng sasakyan. Naroon ang malaking katawan niya sa likod ng van hanggang sa mawalan muli siya ng malay…
Tunog ng makina ang mga sumunod niyang naririnig kasabay ang malamig na dampi ng hangin na yumayakap sa kanyang nanginginig na katawan. The taste of his own blood seems brutal!
Stupid! Stupid, Dalton! Nang dahil sa isang babae ay hinayaan mo ang sarili mo na umabot sa ganito!
His dad was right! Sinabi niya noon na hindi na siya magmamahal dahil namamatay ang mga taong pinahahalagahan niya. Hindi niya akalain na iba ang sitwasyon kay Royal Grace Balaguer! Dahil walang mag-iisip na ito mismo ang babae na papatay sa kanya!
“Dito na lang!” narinig niyang wika ng kung sino.
“Bastardo, alam mo ba kung bakit galit ako sa ‘yo at sa hayop mong ama?” Natukoy niya ang tinig ni Duran. May mga sinabi ito na hindi niya naintindihan dahil hindi na gumagana ang utak niya. Ngunit narinig niya ang pangalan ng kanyang ina, ang kanyang ama at si Royal.
“Hihintayin ko ang pagbabalik mo kung sakali na kaya pa ng lumpo mong mga binti at braso na makalangoy!”
Ilang saglit pa, niyakap si Dalton ng malalim na tubig. Ang mukha ni Duran ang huling natatandaan niya bago nanlabo ang kanyang paningin sa tubig-dagat. Hindi niya maramdaman ang kanyang binti at kamay tulad ng sinabi nito.
Wala siyang maramdaman kung hindi ang pinong sakit sa kanyang dibdib. Nais kumawala ng kanyang galit.
Si Royal ang umahon sa kanya sa dilim, ito rin ang taong tumulak sa kanya para yakapin ang demonyo na nagtatago sa likod ng kanyang pagkatao. Wala siyang nararamdaman sa kasalukuyan kung hindi poot bago lumabas ang huli niyang paghinga sa ilalim ng tubig.
***
SA PAGTITIPON. Inutusan ni Gazelle si Beca, ang sekretarya ng sorority, na dalhan sila ng limang set ng pregnancy test kit. Hindi naman ito naghinala na may buntis sa kanila dahil mayroon talaga sila niyon sa opisina. Noong nakaraang buwan ay may mga donasyon sila sa para sa ilang kababaihan na dumaranas ng unwanted pregnancy.
“Heto ang dinala ni Beca. Don’t tell me you’re pregnant?” wika ng kanyang bise presidente na si Gazelle.
“You know me better than that, G!” Isinuksok niya ang lahat ng iyon sa kanyang pouch. Natuyo ang lalamunan niya dahil muli siyang nagsisinungaling sa kanyang kaibigan.
“I know, right?”
“One teenager was asking for help. Gusto ko lang makasiguro na buntis siya bago ko siya isama sa listahan ng tatanggap ng donation.” Pinilit niyang ngumiti at umakto nang normal.
“Haaay… we should promote safe s*x next time!” anito.
Nanuyo ang lalamunan niya sa komento nito. Mabuti na nga lang at nakita niya ang mga kaibigan niya sa pagtitipon na iyon. Naging abala siya bilang presidente ng sorority nila at naging rason iyon para makawala sa higpit ng hilaw niyang fiancé. Hindi na nila namalayan na ilang oras na ang lumipas.
“By the way, totoo ba na ikakasal ka kay Denver Tolentino?”
“No!” agad niyang tanggi.
“He’s an assh*le. Kada-buwan ay nagpapalit siya ng date. Ayoko na mapunta ka sa isang ‘yon!”
“G, our community is crueler than what we think. Alam mo na wala tayong karapatan na pumili ng lalaking gusto natin. Magulang pa rin natin ang masusunod.”
Nalungkot ito at alam niyang tulad niya ay may pinagdadaanan din ito. Inanunsiyo na ang engagement nito sa mga Arnaud-Ferrero.
“Roy?” Napalunok siya nang marinig si Duran sa labas ng pintuan. Lumabas na sila ni Gazelle ng ladies’ room.
“Kanina pa raw kayo sa loob kaya nag-alala ako na baka may nangyari,” anito.
Madungis ang suot ni Duran. Napuna niya ang maliit na dugo sa sleeve ng polo nito at sigurado siya na may tinrabaho ito ngayong gabi. Nais niyang maasar.
“Malalim na ang gabi. Gusto ko nang umuwi!” iritable niyang sagot. “Bye, G!”
Nakipagbeso siya rito bago sila naghiwalay. Sa parking ay natagpuan niya si Denver na may kasamang dalawang naggagandahang mga babae. Nabigla pa ito dahil nahuli niyia ito sa akto.
“Trash!” usal niya bago diretsong nagtungo sa kanilang sasakyan.
Tahimik siya hanggang sa makasakay. Hindi naman siya ginambala ni Duran. Ilang minuto na silang naglalakbay nang tanungin siya nito.
“Nagkaroon ka ba ng relasyon sa bastardo ng mga Resuelo?” anito.
“Alam ba ito ng daddy ko?”
“Kung ganoon ay totoo. Hindi alam ng daddy mo, ngunit alam mo na malaking kasalanan ‘yon, tama? Malaking kahihiyan iyon sa ‘yo at sa daddy mo, Roy! Ililihim ko ang mga nalaman ko at poprotektahan ko ang sikreto kahit pa kataksilan iyon para lang mailigtas ka. Huwag mo lang sanang sayangin ang tiwala ko. Ipagkaila mo ang taong iyon hangang sa huli kung gusto mong makaligtas!”
“I don’t care about him anymore. Rest assured; he’s forgotten…” Tumingin siya sa labas ng sasakyan karugtong ang paninikip sa kanyang dibdib.
Kung nasaan man si Dalton, mamatay na sana ito!
Malakas ang kumpiyansa ni Royal hanggang sa makarating siya sa kanyang silid sa mansiyon. Tinulungan siya ni Elsa na alisin ang kanyang suot.
“Ako na ang bahala. Magpahinga ka na,” utos niya sa babae. Naghihikab na sumunod ito sa kanya.
Inilabas niya ang isang pregnancy test kit bago nagtungo sa banyo. Humugot siya ng hangin bago ginamit iyon.
Matapos ang ilang miunuto, hawak ang aparato kung saan nakaguhit ang dalawang pulang linya, huli na para magsisi!
Dalton not only took her innocence! Ninakaw nito ang tiwala niya… Ang p********e niya… Ang puso niya… Ngayon, pati ang kinabukasan niya ay talagang kinuha nito.
Wala itong itinira sa kanya kahit kapayapaan!